Share

Chapter 4

Araw-araw nag-memessage sa akin si Miguel. Halos minu-minuto ay may message ito sa aking cellphone.

At kung Minsan ay tumatawag pa ito sa akin. Lalo na Kung NASA biyahe pa kami ni Jociel galing opisina. Nag- aalala daw Kasi siya Lalo na pagnagabihan kami ni Jociel galing opisina.

At sa tuwing umaga naman ay panay Ang message nito sa massenger ko. May mga sweet messages at mga emoji pa ito. Para tuloy kaming mga teenagers. Kahit Hindi Naman na Kasi nasa twenty four na Ako at siya Naman ay nasa twenty three palang. Oo... mas matanda ako Ng isang taon Kay Miguel.

Isang buwan na Rin Ang lumipas noong umuwi sina Kuya Allen at Ate Mary kasama si Miguel sa siyudad. Sa kanyang message kaninang umaga ay gustong-gusto na raw niya akong Makita. Gusto na raw niya akong puntahan rito sa probensiya. Miss na miss na raw niya Ako.

Pero Hindi niya maiwan ang kanyang maliit na restobar sa siyudad. Kaya naiintindihan ko Naman siya dahil alam Kong negosyo niya iyon. Pero sa totoo lang ay namimiss ko na Rin ito. Hindi ko alam kong bakit ganoon Ang nararamdaman ko para sa kanya. Gustong- gusto ko na siyang Makita at makasama.

Ganito ba Ang pakiramdam nang ma-inlove sa isang lalaki? Dahil Ngayon ko Lang ito nararamdaman. Bulong ko sa aking sarili habang nakaupo ako sa gilid ng higaan ko. Kararating ko Lang Kasi galing opisina nang mabasa ko Ang message sa akin ni Miguel.

Parang gusto ko na Lang sabihin sa message ko para sa kanya na gustong-gusto ko na siyang Makita. At sabik na aking makasama siya. Pero Hindi Kasi baka mamaya ay isipin niya na easy to get ako...saad ko sa aking isip.

Nang biglang tumunog Ang hawak Kong cellphone. Kita ko Ang nakarehestrong pangalan. Si Miguel..? tumatawag si Miguel....Saad ko sa aking sarili. Kaya agad ko itong sinagot.

"Hello" sagot sa kabilang linya. "Hello...Mina kamusta?Saad sa kabilang linya. " Okey lang Miguel...? sagot ko Naman rito. "Namiss ko na Kasi yong Boses mo. Kaya tinawagan kita...Sabi pa nito. " Talaga ba?" sagot ko rito. Pero sa totoo lang ay gusto ko ring sabihin sobrang miss na miss ko na Rin ito. Oo... Naman tatawag ba Ako Kung Hindi? Kaya tumatalon sa tuwa ang aking puso sa saya sa narinig mula sa kabilang linya."Kailan Kaya kita makikita?" Saad pa nito. "Ha..." iyon lang ang nasagot sa tanong nito. Pero Ang gusto kong sabihin na sana ay ngayon na. " Bakit ayaw mo na ba akong Makita?" rinig Kong Sabi pa nito. " Hindi noh... siyempre gusto?" iyon Ang nasagot ko sa kanya." Talaga gusto mo akong Makita?" tanong pa nito. "Oo Naman..." sagot ko. "Sabi mo Yan ha..?" "Oo nga di ba? Sige na at kailangan ko nang matulog Ng maaga." Saad ko sa kausap ko. "Sige...bye" pagpapaalam nito at Saka binaba Ang tawag.

Kinabukasan ay maaga akong umalis Ng bahay. Dahil sobrang traffic na Naman sa daan papuntang opisina. Baka Kasi malate ako at mapagalitan Ng boss ko. Ang Dami-dami Kasi niyang pinapagawa sa amin ni Jociel. Nakakainis dahil Ang Dami niyang inuutos eh... samantalang Ang liit Naman Ng pinapasahod niya sa amin. Matagal na kami ni Jociel na nagtatrabaho sa kompanya niya pero halos Hindi man lang nagdadagdag Ng Sahod mula Ng nag-umpisa kaming magtrabaho sa kompanya niya. Kaya may balak na kaming maghanap Ng ibang mapapasukang ibang Kompanya ni Jociel.

Pagdating ko sa opisina ay nakatambak na Ang mga gawain sa aking lamesa. Kaya Hindi pa ako nakakaumpisa ay feeling ko ay pagod na ako dahil sa nakatambak na gawain. Pero Wala akong choose kundi Ang isa-isahin Ang mga iyon.

Mina... mag-aalas singko na Saad sa akin ni Jociel na nasa harapan ko. Hindi ka pa ba tapos diyan? Malapit na sagot ko Naman rito. Hindi ko namamalayan Ang Oras dahil sa Dami Ng gawain na nakatambak sa lamesa. Tapusin ko Lang Muna ito Jociel. Susunod na Lang ako. Mauna ka na sa pag-uwi Saad ko Kay Jociel. Okey sige...sagot Naman nito sa akin. At nauna na nga ito. Nakaalis na Ang mga kasamahan ko naiwan ako sa opisina. Ilang Oras lang ay natapos ko na Rin Ang mga gawain ko. Kaya niligpit ko na Ang gamit ko para makauwi na Rin. Nang kukunin ko na Ang bag ko ay biglang nagring Ang cellphone ko.

At tinignan ko Kong Sino Ang tumatawag. Si kuya Allen Pala ang tumatawag. " Hello" sagot ko sa tumatawag. "Mina... nandito ako sa labas Ng opisina niyo. Hintayin kita rito." Saad nito at pinatay Ang tawag. Ano si kuya Allen nandito? Bulong ko sa aking sarili.

Kaya Dali-dali akong lumabas Ng building. Nakita ko si Kuya Allen sa di kalayuan. Kumaway ito sa akin. At dali-dali akong lumapit dito. Wala ka pa Kasi sa bahay Kaya sinundo na kita rito. Kanina pa Ako rito napadaan ko na si Jociel kanina. Pero Sabi niya nariyan ka pa raw sa loob Kasi may tinatapos ka pa raw. Opo kuya...sagot ko Kay kuya Allen. Halika na...sumakay kana...Yaya nito sa akin.

Habang NASA biyahe kami ay nagkukuwentuhan kami ni Kuya. Kailan ka dumating kuya? At Sino Ang kasama mo? Kasama mo ba si Ate Mary? sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kaninang umaga pagdating namin ay Wala kana sa bahay. Si Ate mo Mary kasama ko. Rekomenda Kasi Ng Doktor niya na kailangan niya ng pahinga kahit isang buwan. Nahihirapan Kasi siya sa pagbubuntis niya. mahabang pahayag nito. Buntis si Ate Mary? masayang Saad ko sa pinsan ko. Oo... isang buwan na Ang pinagbubuntis niya. Kaya nagpasya kami na dito Muna magbakasyon. Sariwa Kasi Ang hangin dito sa probensiya. Kaya mas maganda Kong di Muna si Mart. pahayag ni Kuya Allen. Di ayus... Dahil makakasama na Naman kita kuya...Sabi ko sa pinsan ko.

Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako dahil akala ko ay si Ate Mary lang Ang kasama ni Kuya Allen. Nagulat ako Ng pumasok ako sa loob Ng bahay isang lalaki Ang nadatnan ko sa may Sala. Hello Mina...bati nito sa akin. Bumilis Ang tibok Ng aking puso Ng Makita ko ito. Mig...Miguel...? nauutal Kong Sabi.

Di ba Sabi mo busy ka?tanong ko sa kanya. Oo... pero di ba Sabi mo gusto mo akong Makita?pilosopong Saad nito. Ha... Wala Naman akong sinasabi... pagdideny ko. Pero sa puso ko ay oo.. gustong-gusto kitang Makita Miguel Ang Bulong nito. Talaga ba? Ayaw mo akong Makita...? Sige babalik na Lang ako...biro pa nito. Hoy... Ikaw naman Hindi ka mabiro... nasagot ko. Dahil ayaw kong umalis siya at Masaya ako na narito siya Ngayon. Biro lang....Saad nito at ngumiti siya sa akin.

O...Mina... Magbihis kana para makakain na Tayo... Utos ni Mama. Na naghahanda na Ng pagkain sa lamesa. Opo... Mama sagot ko Kay Mama. At mabilis ako umakyat sa aking kuwarto upang magbihis. Nang matapos ako ay Saka ako bumaba at pumunta Ng kusina. Nasa hapag na silang lahat noong pumasok na Ako sa kusina at kumakain na kasama sina Miguel at Ate Mary.

Nang matapos kaming Kumain ay pumunta na sina Papa at Kuya Allen sa Sala. Akmang kukunin na ni Ate Mary Ang mga hugasin ay nagsalita si Mama. Mary huwag na si Mina na diyan at bisita ka namin rito. saad ni Mama Kay Ate Mary. Ako na diyan Ate puntahan mo na sila kuya sa sala. saad ko Naman Kay Ate Mary. Sige...sagot Naman ni Ate Mary.

Samahan na lang kita Mina... Sabi ni Miguel. Huwag na Miguel ako na lang bisita ka Rin dito. Saad ko Kay Miguel. Hindi samahan na kita... pagpipilit niya. Sige... Ikaw Ang bahala..Sabi ko na Lang dito.

At nang matapos kami ni Miguel ay sumunod kami sa Sala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status