“Come home, Caleb. Ang Lolo Manolo mo.”
His heart couldn't stop pounding. Maingay ding tumunog ang takong ng kanyang sapatos sa sahig ng ospital. Halos lakad-takbo na ang ginawa ni Caleb sa gitna ng pasilyo para marating lang ang pribadong silid na kinaroroonan ni Lolo Manolo. Iniwan niya ang meeting sa gitna ng mahalagang diskusyon. Mas importante sa lahat ang lolo niya. Bawat silid na maraanan ay tinititigan niyang mabuti ang numero. Until he finally found what he was looking for. Nakapaskin ang pangalan ng Lolo Manolo sa pintuan at nasa ibaba naman ang pangalan ng physician.Huminga muna siya nang malalim bago ipinihit ang seradura. Typical hospital suite ang nakikita niya na kahit gaano pa kaalwan at kagara, ospital pa rin ang dating at pang-amoy para sa kanya. He dreaded coming to places like this, but he had no choice. Kailangan niyang damayan ang ina lalo na at nasa probinsya ang Tito Lorenzo.“You came right on time, Audrey.”
Kausap ng inang si Audrey ang doctor ng abuelo. Nakatalikod ito at natatakpan nito at ng doktor ang nakaratay na matanda. Hindi na niya ginambala ang ina at tahimik lang na naglakad patungo sa natutulog na abuelo. His grandfather looked frail. He used to remember him towering over him. Lagi siyang nakasakay sa balikat nito lalo na noong nagbalik sila sa piling ng pamilya.“Just remember, the next heart attack could be fatal.”Fatal. May suntok sa puso niya ang narinig. May dulot na kilabot. No, he wasn’t ready to lose him. Not just yet. Gagawin nila ang lahat para mapahaba ang buhay nito. Losing someone is painful. Dalawang mahahalagang tao na sa buhay niya ang nawala, ang Tita Eli niya at ang Lola Viviana. Nakita niya ang sakit na pinagdaanan ng lolo at ni Tito Lorenzo noon. Hindi madali.Bahagyang dumalaw ang matanda. Pumaling ang hapis na mukha nito sa gawi niya.
"Hey, old man, keep on fighting."It was almost a whisper. Matigas siya kung ituring ng ibang tao pero, pagdating dito, lumalambot ang puso niya. Ginagap niya ang kulubot na kamay ng matanda at marahang pinisil.
“Just don’t hesitate to call me, Audrey.”
“Yes, Doc.”
Inihatid pa ng ina ang kaibigang doktor sa pintuan, saka ito lumapit sa kanya, Eksaktong nakaupo ang ina sa tabi niya nang bumukas ang mga mata ni Lolo Manolo.
"Hey, how are you?"Umangat ang isang sulok ng bibig nito. Pinilit nito ang ngumiti."Still alive and well. Malayo sa bituka."
Same spirit. What a fighter.
"Pa, you need to rest," sawata ng ina nang tinangka nitong bumangon."Audrey, I am okay."And still hard-headed.
Napabuntung-hininga na lang ang ina. Bumaling na lang ito sa kanya at inutusan siyang itaas ang hospital bed para makaupo ang matanda na nakahiga sa kama.“Naalala mo ba noong bata ka pa, Caleb?”“Which part in particular, 'Lo?” He was still holding his hand.“The time when you were kidnapped.”Matagal na nila iyong hindi napag-uusapan. That was a painful experience and wasn’t meant to be reminisced.“Did you remember the man who saved you?”His memory was vague. Halos hindi na niya maalala ang mukha nito pero hindi niya nakakalimutan ang kabutihang loob nito. What he did was something heroic. Walang pag-aalinlangan itong niligtas siya.“What about him, Lolo?”Tinitigan siya nang mataman ng matanda. He looked so sick; so serious. Nasa eksrepsyon nito na walang sinumang makakabali sa anumang sasabihin nito, batid niya.“I want you to marry his daughter.”There. Hindi na bago ang marinig iyon. Lalo na kapag nagkakasakit ito. Mas nagiging matanda, mas nadadalas nitong mabanggit iyon. He was promised to someone he didn’t even know. Bata pa lang ay iyon na ang bukambibig nito. Sa murang gulang ay naunawaan at tinanggap niyang isang araw, pakakasalan niya ang babaeng nakalaan para sa kanya. She was none other than the daughter of his savior. Neverthless, as he grew older, he began to build resentment towards the idea. Nagagawa niyang kuwestiyunin ang noon ay basta na lang niya tinanggap na desisyon. To him, getting betrothed to someone was too old-fashioned.Sino pa ba ang pumapayag sa isang arranged marriage?
Who the hell wanted to get married, anyway?Masaya ang buhay bachelor. Malayang nagagawa ang lahat ng gusto.
“This isn’t the right time to discuss such matter, Pa. You have to rest.”“I had been resting long enough, Audrey. Nababagot na ako sa kasasabi mong magpahinga ako. Yes, magpapahinga ako nang tuluyan kapag nakita ko nang natupad na natin ang pangako kay Ramon.”Nagkatinginan sila ng ina niya. Sinasabi ng mga titig nito na huwag salungatin ang lolo niya at makiayon na lang sa mga sinasabi nito. Humigpit ang hawak ng lolo niya sa kanya.Looking straight in his eyes, he demanded. “Make an old man happy by marrying Ramon’s daughter, hijo.”
Nanuyo ang lalamunan niya. How could he ever tell him na nagbago na ang pananaw niya? “Let’s talk about it later, Lolo.” Instead, iyon ang nasabi niya. Sadyang mahirap aminin.
"No!"Para matigil ito ay sinabi niyang payag siya at minabuti na ilihis ang usapan. Business was the most convenient subject. Sa kabila ng kundisyon nito ay nagtatanong pa rin ito ng tungkol sa negosyo. Siya ang tumatayong CEO at ang Tito Lorenzo naman ay mas piniling ang hacienda ang pagtuunan ng atensyon. Ayaw nitong lumayo sa alaala ni Tita Eli.Ilang saglit pa ay nakatulog ang lolo niya na hindi binibitiwan ang palad niya.
“I have to go back to the office, Mom.”Inihatid pa siya ng ina sa pintuan matapos siyang yakapin. Nakaisang hakbang na siya nang mapahinto siya.“I thought nakalimutan na iyon ni Lolo.”His mother caressed his hand. “Pagbigyan na lang natin ang lolo mo. I know you’re an independent man. Pero baka naman mapagbibigyan natin ang hiling niya.”Well, he could. Ang tanong lang naman ay kung kaya niyang pakisamahan ang kung sinumang babaeng pinili nito para sa kanya. Naglalakad siyang pabalik sa parking area na iniisip ang mga napapag-usapan kanina. Dinukot niya mula sa bulsa ang remote key ng kotse at pinindot. Diretso niyang tinalunton ang sasakyan.“Tay, sino ba talaga ang bibisitahin natin dito? Mamaya, hindi natin mabili ang lahat ng dapat nating bilhin sa Divisoria.”Napahinto siya sa paghakbang. Katabi niya mismo ang nagsasalita, isang babaeng kakaibis lang ng lumang sasakyan. An L300 na may bakbak na sa katawan. Umibis ito at nagmamadaling lumipat sa kabilang side at inalalayan ang sinuman sa driver’s seat na makalabas din. It was an old man, based on stature.“Isang kaibigan, anak.”“Parang kilala ko na kung sino ang nakaratay sa pangmayamang ospital na ito, ‘Tay.”Pangmayamang ospital. Ewan niya ngunit gusto niyang matawa sa usapan ng dalawa. Umangat ang sulok ng bibig niya. Oh, hell, he was eavesdropping. Kaagad siyang lumulan ng kotse at pinaharurot iyon palayo, pero bago tuluyang lumayo ay napasilip pa siya sa side mirror. Nakita niyang naglalakad nang magkaagapay ang mag-ama habang inaalalayan ng babae ang matanda.“Kailan ka pa naging tsismoso, Caleb?”Nailing na binawi niya ang mga mata. What the heck?! itinuon ang mga mata sa kalsada at nilakbay ang daan pabalik sa opisina.
***.Dalawang araw pa ang lumipas. Tuluyan nang nakauwi ng mansion ang Lolo Manolo. Sa loob ng mga araw na nanatili ito sa ospital, ang mommy niya na ang nag-asikaso rito. Dumating din si Tito Lorenzo mula sa hacienda. Hindi niya maiwan-iwan ang opisina lalo pa at kasagsagan ng sunud-sunod na meetings at may mga investors pang inaasikaso. They were expanding their business to the rest of Asia and Europe kaya, subsuban siya sa trabaho.“Cal, meet me at the bar.”Masyado ng kinakain ng mga responsibilidad ang oras niya na pati ang pagyayaya ng mga kaibigan ay panay hindi siya.
“I’m sorry, Harrison, I couldn’t.”Si Harrison ang kaibigan niyang wala na yatang ibang ginawa kundi ang mambabae at magbabad sa bar. The womanizing lawyer.“Baka mamaya, the next time we met, puti na ang lahat ng buhok mo.”He just chuckled. Maraming nakabinding trabaho kaya mabilis niyang d-in-ismiss ang kaibigan. It was a Saturday, but here he was, working and burning his ass off. Bandang alas tres nang magdesisyon siyang umuwi naman. He had been working so hard, he needed some fun.“Sir, someone’s on the line.”Kasalukuyan niyang nililigpit ang iilang mga gamit nang bumungad ang sekretarya. “Who?” tanong niyang hindi nag-abalang mag-angat ng mukha.
“Miss Ashley.”Napatigil siya mula sa ginagawang pagsasarado ng laptop. Ashley. Parang may dumaloy kaagad na enerhiya sa mga ugat niya pagkarinig sa pangalan ng babae.“Tell her I’ll drop by.”Seconds later, he was already driving towards Ashley’s condo. Ilang bloke lang naman iyon mula sa opisina. Ipinanhik niya sa basement ang sasakyan at lumulan ng elevator. Shit. The thought of spending the night with Ashley almost made his little thing twitched in arousal.Thank you, Miss Jed for the correction. Manolo nga pala 'yon. Hehehehe
“I’m glad you’re not that late, Caleb.” Ashley welcomed him by the door. She was so hot in her lacy black mini-dress. Nakabuyangyang lang ang mahaba at alon-alon nitong buhok, and man, it was a double dose of sexiness. Pumulupot kaagad sa leeg ni Caleb ang dalawang makikinis na braso ni Ashley pagkapasok na pagkapasok pa lang sa condo unit nito. She immediately attacked his lips. Napipiga sa matigas niyang dibdib ang malambot nitong hinaharap. Kumiskiskis sa balat niyang natatabingan ng puting polo ang matigas nitong laman. Nakakabaliw. Hindi pa man nakasarado ang pinto at tuluyan na nilang nakalimutang maaaring may makakakita sa kanila. Magkahugpong ang mga bibig na humakbang sila papasok sa unit. None of them ever wanted to let go of each other’s hungry mouth. Sa pagmamadali ay halos nakagat na niya ang labi ng babae. Parang wala na silang bukas pa. Naglakbay kaagad ang kamay ng bawat isa sa lahat ng parte’ng maaaring dantayan ng makasalanang mga kamay. Binubuksan ni Ashley ang p
“Today is your wedding day.” Sumulak ang disgusto sa puso niya. Sinabi ng abuelo ang tungkol sa napipintong pagpapakasal na para bang isang napakasimpleng bagay lang ang lahat. Despite an utter objection and feeling t like a puppet in a show, he remained calm. Pilit niyang isinaksak sa utak ang kundisyon ni Lolo’s Manolo. Sapat na dahilan para umurong ang tapang niya. “Today, huh?” Gusto niyang matawa. May sakit ang lolo niya at ayaw niyang isiping ginagamit nito ang karamdaman para makuha ang gusto. Ano pa nga ba ang maiisip niyang mabisang paraan para mapasunod siya sa plano nito? Ang hindi niya inaasahan ay sa mismong sa araw na ito magaganap ang bukambibig na kasalan. His marital status would change any minute. “I am old and almost dying. Before I die, gusto kong makitang natupad ko ang pangako ko kay Ramon.” Tiningnan ng lolo ang tinawag na Ramon. Malaki ang utang na loob niya sa lalaki, Buhay niya ang walang pag-alinlangang niligtas nito. Hahanap siya ng pagkakataong mapasal
Meredith’s lips were so sweet. They were so soft. Kissing her felt like heaven that he wanted to do more. Ang balak na mabilisang pagdampi lang ng mga labi niya sa labi nito ay lumalim at humagod nang masuyo. Her lips mesmerized him and he was lost in the softness of that kiss. Parang masarap na alak, nakalalasing at nakaliliyo. Mas dumikit ang katawan niya palapit sa babae. Mas naging mariin ang pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi nito. Pinirmi niya ang muka nito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Parang umaapaw ang kakaibang hangarain at pagkauhaw sa mga labi nito. He nibbled on her lips. He licked them. He owned them like they were actually his. Naramdaman niya ang paggalaw ng mga labing kahinang ng kanya. Nangangatal iyon, tila takot na takot. He had kissed more women than he could count and he knew that Meredith was innocent. Hindi alam kung paano sumagot. Ang isiping iyon, mas nagpalabo sa amag na kumalat sa kanyang isipan. Her lips intoxicated him. Mas naging mapang-angkin
“What the hell?!” Binulahaw ng ingay na naririnig mula sa labas ang masarap na pagtulog ni Caleb. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansing mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman, malayang pumapasok ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi. Last night was his wedding night, but he opted to go out and drink. At ngayon ang unang umaga niya bilang may-asawa. To hell with being married. Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Bumangon siya at mabilisang nagsuot ng damit at lumabas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. Parang may kumalabit sa kanya na sumilip. “Wow.” The bed was made up already. It was immaculately clean. Parang hindi hinigaan. The corners of the bedcover wer
Kinabukasan, nagising si Caleb na wala na ang ingay na nakagisnan niya sa nakaraang umaga. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed into his usual office attire. Eksaktong bumukas ang maindoor paglabas niya ng silid. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hundred milliliter bottled water. May stock sa ref pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajamas, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Ang buhok ay nakapusod pa rin nang maayos gaya nang nakagawian. Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. Shit! Para siyang nanonood ng show. “G-good morning.” Again, nagbaba na naman ng tingin si Meredith, like it was a crime to stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso
Apat na araw. He counted the days he didn’t see Meredith. Alam niyang nasa loob lang ito ng silid nito pero ni minsan ay hindi pa sila nagpapang-abot nang matagal maliban noong minsang magkasabay silang nagbukas ng pintuan. She was surprised to see that he was still there. Bumalik ito sa silid at hindi na lumabas pa hanggang sa makaalis siya. Meredith was one peculiar woman. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak nito. Tila may pader itong ibinabakod sa sarili. It was better that way. Wala siyang balak tawirin ang anumang itinatago nito. The lesser he knew her, mas makabubuti sa kanilang dalawa. No emotional attachment, mas madaling bumitaw. Gayunman, nagsisimula na siyang magtaka kung paano ito kumakain. Walang senyales na ginagalaw nito ang anumang gamit sa kusina. Wala ring nababawas sa stocks niya sa ref. Ang mga pinamili nito ay nawala na sa ref. Kung saan dinala, hindi niya alam. On the fourth day, he began to get worried. He hated it but he was concerned. A little bit concer
Caleb and Meredith drifted farther away from each other. After the confrontation, she managed to stay out of his way. Mas lalong naging matibay ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa at tila na-master din ng babae ang pag-iwas sa kanya. Nasa iisang bahay, natutulog sa lilim ng iisang bubong pero umaaktong hindi magkakilala. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ring makasalamuha si Meredith. Having seen her cry bothered the hell out of him. Bahagyang nalusaw ang anumang yamot niya sa babae nang makita ang luhaang mga mata nito. He deeply sighed. Hindi siya dapat naapektuhan pero hindi maiwasan. Buong akala niya ay madali lang ang pagpapakasal sa babae. Pagtupad lang sa kasunduan. Laking pagkakamali niya. Wala siyang alam na paghuhugutan kung paano pakitutunguhan ang ganitong uring babae. She had no point of reference. Even Tita Eli was a strong woman. ‘How long can you stand with this setup, Caleb?’ Wala siyang sagot sa sariling tanong. Iisa lang ang alam niya, hindi niya nakikita an
“The audacity!" Dumbfounded, he was left with no words to say to her face. Muli ay naisahan siya ni Meredith. Nahirapan siyang hanapin ang tamang mga salitang maaaring isagot pabalik sa sinabi nito. Sa huli ay naihatid niya na lang ito ng tanaw habang nagmamadaling nagmartsa palayo. The woman acted as if he was something so unpleasant in her sight Ang inakala niyang maamong kuting ay may itinatago din palang tapang. “Strike three na ang babaeng ‘yon.” Inisang lagok ni Caleb ang natitirang laman ng lata. Napaubo pa siya nang halos mabilaukan. Dama niya ang paninikip ng dibdib. Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala pang babae ang nagagawa siyang basta barahin ng ganito. "Bullshit!" Hindi na mabilang ang mga pagmumurang umalingawngaw sa bibig niya. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang polo. Ang init bigla ng pakiramdam niya. Gumapang iyon patungo sa kanyang sentido. He suddenly felt a throbbing pain in his head. Blame it to hangover and Meredith. Damn that feisty little woman. Mahi
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air. "I'm sorry, Ate, I'm late again." "At least, dumating ka, Exir." Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?" "Alam mo naman 'yon, Ate." Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang paki
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng