“What the hell?!”
Binulahaw ng ingay na naririnig mula sa labas ang masarap na pagtulog ni Caleb. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansing mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman, malayang pumapasok ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi.
Last night was his wedding night, but he opted to go out and drink. At ngayon ang unang umaga niya bilang may-asawa.
To hell with being married.
Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Bumangon siya at mabilisang nagsuot ng damit at lumabas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. Parang may kumalabit sa kanya na sumilip.
“Wow.”
The bed was made up already. It was immaculately clean. Parang hindi hinigaan. The corners of the bedcover were perfectly mitred.
“Did she even use the bed?”
Dumaan ang amoy ng pagkain sa ilong niya. Amoy ng tila ginisang bawang. Apat na taon na siya sa condo’ng ito pero ni minsan ay hindi pa siya nakapagluto sa induction stove. Malimit lang iyong nagagamit. Napabilis tuloy ang paghakbang niya patungo sa kusina. Naratnan niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa at ang babaeng abala ngayon sa paghahalo ng kung anuman sa lutuan.
Alas sais pa lang ngunit nakapaligo na ito at nakapaghanda na.
Natulog man lang ba ito?
Binantayan niya ang bawat galaw ng babae. Pinatay nito ang stove at kinuha ang inihandang platter sa gilid at sinimulang ilipat ang nasa kawali. She’s an OC. Bawat kalat ay kaagad na nililinis at pinupunasan. Suma total, mukhang hindi nagamit ang lutuan. Makintab pa rin.
Bahagya itong nagulat nang matuklasang nasa mismong harapan na siya nito. Nanlaki ang mga mata at nahaluan kaagad ng pagkalito ang anyo.
“Hm, n-nakialam na ako.”
Inilapag nito ang platter ng sinangag na kanin sa gitna ng mesa. Pagkatapos ay basta na lang ito tumayo sa gilid ng mesa nang nasa likod nito ang mga kamay. Para itong batang nakatitig lang sa kanya at hinintay ang sasabihin niya.
“K-kain ka na.”
Nagbaba ito ng tingin nang hindi siya tuminag at mas piniling itihaya ang nakataob na plato malapit sa kanya. He could sense her discomfort. May bahagyang panginginig ang mga kamay nito.
“Stop it.”
Awang ang bibig nitong nag-angat ng mukha. Nasa plato ang mga kamay nito ngunit nasa kanya ang mga mata.
“You didn’t sign up for this.”
Nalito ito sa sinabi niya. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga. May gusto siyang sabihin pero mas pinili niyang ibulsa muna. Too early to break everything to her.
“I don’t usually eat breakfast.”
Nakakaunawang napatango naman ito at ibinalik sa dating ayos ang pinggan. ‘Yon lang muna ang dapat nitong malaman. Tinalikuran niya ito. Kumuha siya ng bottled water sa ref at dinala iyon sa silid nang hindi na ito muling kinausap pa. Inubos niya ang malamig na tubig at nahiga siyang muli sa kama. Pinapahupa niya ang sakit ng ulo. Dagdag isipin pa na may kasama na siya sa unit. A wife for a housemate. Napapailing siya. Hindi niya alam kung paano tratuhin si Meredith. The longest time he would spend in the company of a woman was when having sundown to sunrise sex escapades. Isa pa, iniiwasan niyang masanay sa lahat ng mga ginagawa nito. Magtatapos sila sa takdang panahon at ayaw niyang may mga ganoong mga alaala na maiiwan. His marriage to her was only a phase. Lilipas din sa takdang oras.
He took a bath and changed into his casual executive look. Kasalukuyan niyang ibinubotones ang calf ng long sleeves nang mapadako ang tingin sa palasingsingan. Ilang segundo siyang napatanga roon. Matapos ang pag-iisip, natagpuan niya ang sariling hinubad ang singsing at basta na lang inilapag sa bedside table.
Broadcasting to the the whole damn world that he was married was unnecessary.
Tuloy pa rin ang buhay niya bilang si Caleb James Santibañez Romero.
Walang magbabago.
Paglabas niya ay tahimik na ang buong kusina. Walang anumang bakas ng kalat na naiwan. Malamang ay nasa loob ito ng nakapinid na silid. Malalaman din naman nito kung umalis na siya o hindi.
Coming to the office was the only relief he could think. Pero, pagdating niya roon ay sinalubong siya ng hindi inaasahang maiinit na pagbati ng mga empleyado. Kahit ang guard ay alam ang tungkol sa pagpapakasal niya. Duda siya na ang ina ang may pakana.
“Congratulations!” sunud-sunod na natanggap niya.
What the fuck!
Naririto na rin lang, he had to act normal. Tinanggap niya ang pakikipagkamay. Mandatory niyang sinuklian ng pasasalamat ang mga congratulatory greetings sa kabila ng pagpoprotesta sa dibdib at tila pananakit ng sentido.
“Thank you.”
Nawala ang bahagya niyang ngiti sa harap ng mga executives nang matanaw ang babaeng nakatayo ngayon sa unahan, katabi ng sekretarya niya.
Ashley gazed at him earnestly. Nakakapanibago ang kaseryosohang ipinamamalas nito. Lagi itong happy-go-lucky. She was free spirited and playful. The fact na sinadya siya nito, siguradong alam na nito. Sa simula pa lang naman ay alam na ni Ashley ang kahahantungan nila. They had known each other for a long time.
Sa wakas ay nahawi ang mga tao. Kani-kaniyang pasok ng opisina at elevator. He was left alone, looking at Ashley’s direction. Humakbang silang pareho at nagtagpo sa gitna.
“Kanina pa ho naghihintay si Miss Ashley, Sir.”
Saka lang niya napansing muli ang sekretarya.
“Thank you, Rica.”
Tumutunog sa marmol ang papalayong yabag ni Rica. Naiwan silang walang masabi ni Ashley sa isa’t-isa. Wala silang opisyal na relasyon pero nakakaramdam pa rin siya ng sundot ng kunsensya. Balak niya namang aminin dito ang totoo kagabi pa lang, naunahan nga lang siya ng pagkalat ng balita. Bumaba ang mga mata nito sa kamay niya.
“How come you’re not wearing your wedding ring?”
Natural reaction, naisuksok niya ang kamay sa bulsa ng suot niya.
“Sa opisina na tayo mag-usap.”
Tahimik silang pumasok sa pribado niyang opisina. Nilagpasan si Rica na ngayon ay abala na sa pagkalikot sa computer nito.
“Have a seat.”
He locked the door behind him. Ayaw niya ng anumang istorbo sa pag-uusap nila ni Ashley. Ngunit bago siya makapihit ay naramdaman niya ang init ng katawan ni Ashley sa kanyang likuran. She was literally inches away from him. Hinarap niya ito.
“I’m sorry for not telling you yesterday.”
Mahirap paniwalaan pero may bahid ng pait na nakapinta sa mga mata ng babae.
“Wala namang magbabago, hindi ba?”
A womanizer who was trying to hold his sanity right now. Ganoon ang estado ng pag-iisip niya sa mga sandaling ito. Laro-laro man ang meron sila ni Ashley, ‘di niya maiwasang maapektuhan. Ashley was the longest relationship he ever had. Mahirap bitiwan ang namamagitan sa kanila ngunit kinailangan. He was married already.
Sa hindi inaasahan, bigla na lang pumulupot ang mga bisig nito sa kanya. Kakaiba ang yakap nito sa ngayon. Mahigpit at may kaakibat na damdamin. Or perhaps, he just failed to notice it before. Naroroon lang ito at nakayakap sa kanya nang walang anumang sinasabi. Ilang segundo rin silang tumagal sa ganoong posisyon hanggang sa ito na rin ang unang nagsalita.
“I am willing to continue what we have, Cal. Walang magbabago. Alam ko namang wala kang nararamdaman sa babaeng ‘yon. I will always be here for you.”
Lumapat ang bibig nito sa gilid ng kanyang bibig. She planted a wet kiss on it. She was sending a message.
Tempting.
“I won’t change the lock in my condo.”
Dahan-dahang dumausdos ang kamay nito mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang balikat. Her fingers traced his arm. Buong akala niya ay hihinto na ito ngunit nang hindi siya umangil ay nagpatuloy sa pagbaba ang kamay nito. It stopped right at his growing manhood. Shit! He almost moaned when she kissed him. Sabay nitong dinakma ang harap niya.
And then, she was gone. Naiwan ang kaaya-ayang bango ng ginamit nitong mamahaling perfume. The scent masked his lucid mind. Left with all those enormous emotions in his chest, with his demons slowly pulling him back to a sinner’s den, he sat at his desk weakly.
Sinikap niyang iwaglit si Ashley sa utak niya. He tried to focus on his work. Thankfully, nagawa niya. Sa sobrang subsob ay nakalimutan na niya ang oras. Pag-angat niya ng tingin, madilim na sa paligid. Nangingislap na mga liwanag sa iba-ibang estabsiyemento ang pumalit sa kanina ay maliwanag na paligid na natatanaw niya mula sa glass wall. Umunat siya. Pagkatapos ay sinimulang sinupin ang mga gamit. Bitbit ang coat sa kaliwang kamay ay sumakay siya ng elevator.
He thought of seeing Ashley but he successfully put restraint in his actions.
“Just not a good idea, Caleb.”
Kumain na muna siya sa isang restaurant bago umuwi. Kabubukas pa lang niya ng pintuan nang sumalubong ang usok na nagmumula sa kusina. Napamura siya na inilang hakbang ang pagitan ng sala. Ang bitbit na coach ay basta na lang niya initsa sa sofa. Konti na lang at magiging critical na ang smoke level sa unit.
“What the hell!” maigting niyang tanong sa nalilitong babae.
Meredith had that worried expression on her face.
Binaklas niya ang nakapatong na rack na may nakapatong na dalawang talong. She was roasting some eggplant on the stove. Inside his freaking kitchen. Hinablot niya ang basahan at binasa iyon at tinakpan ang bahaging pinagmulan ng usok. Dahan-dahang nawala ang usok.
His heartbeat was racing so fast. Literal na naiinis siya. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis.
He was angry, in fact.
Nakapameywang na hinarap niya ito at matalim na tinitigan si Meredith na ngayon ay nakasiksik na sa ref. Nininerbiyos ito.
“What do you think you’re doing?”
Nang-angat ito ng mukha. Nadipina ang matinding takot sa mga mata nito. The hell he care. Muntikan na silang masunog.
“Gagawa lang naman sana ako ng tortang-“
“Saang bundok ka ba nanggaling?”
His tone was angry. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag ilabas ang yamot sa dibdib. Para siyang bulkang sasabog anumang oras. Kung titira ang babaeng ito sa pamamahay niya, dapat ay hindi ito tatanga-tanga na lang palagi. This is the reason that he hated getting involved with innocent-looking women. Nakakaubos ng pasensya.
Nakita niya kung paanong bumalatay ang sakit sa mukha nito. Hindi nito nakayang itago. It was a subtle way of bluntly calling her ignorant. Hindi man lang ba ito nag-iisip?
“Sorry.”
Ang dami pa niyang gustong sabihin. Mataman niya itong tinitigan. “You don’t have to do that, Meredith. Stop acting like a true wife. Alam nating pareho kung ano tayo.” He couldn’t control his temper. Nabitiwan niya ang mga salitang hindi dapat. “Sa papel lang tayo mag-asawa, Meredith. Hindi mo kailangang pagurin ang sarili na pagsilbihan ako. You have no obligations towards me. Just…just don’t to these things. Stop doing anything.”
Nawala ang kulay sa mukha nito. Napapahiyang nagbaba itong muli ng tingin. Nakagat nito ang ibabang labi. Nag-aalala siyang iiyak ito pero hindi. Was he too much?
“S-sige.”
Sinimulan nito ang pagliligpit sa mga niluto. Somehow, he felt a pinch in his heart. Nayayamot siya sa babae ngunit higit na nakakayamot ang sarili niya. Bakit kailangang pagtaasan niya ito ng boses? Pero huli na para bawiin ang mga sinabi. Mas nangibabaw ang matigas niyang puso. He won’t ever apologize. Meredith must remember her place. Temporaryo lang ang lahat. He wouldn’t keep her no matter what.
Kinabukasan, nagising si Caleb na wala na ang ingay na nakagisnan niya sa nakaraang umaga. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed into his usual office attire. Eksaktong bumukas ang maindoor paglabas niya ng silid. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hundred milliliter bottled water. May stock sa ref pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajamas, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Ang buhok ay nakapusod pa rin nang maayos gaya nang nakagawian. Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. Shit! Para siyang nanonood ng show. “G-good morning.” Again, nagbaba na naman ng tingin si Meredith, like it was a crime to stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso
Apat na araw. He counted the days he didn’t see Meredith. Alam niyang nasa loob lang ito ng silid nito pero ni minsan ay hindi pa sila nagpapang-abot nang matagal maliban noong minsang magkasabay silang nagbukas ng pintuan. She was surprised to see that he was still there. Bumalik ito sa silid at hindi na lumabas pa hanggang sa makaalis siya. Meredith was one peculiar woman. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak nito. Tila may pader itong ibinabakod sa sarili. It was better that way. Wala siyang balak tawirin ang anumang itinatago nito. The lesser he knew her, mas makabubuti sa kanilang dalawa. No emotional attachment, mas madaling bumitaw. Gayunman, nagsisimula na siyang magtaka kung paano ito kumakain. Walang senyales na ginagalaw nito ang anumang gamit sa kusina. Wala ring nababawas sa stocks niya sa ref. Ang mga pinamili nito ay nawala na sa ref. Kung saan dinala, hindi niya alam. On the fourth day, he began to get worried. He hated it but he was concerned. A little bit concer
Caleb and Meredith drifted farther away from each other. After the confrontation, she managed to stay out of his way. Mas lalong naging matibay ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa at tila na-master din ng babae ang pag-iwas sa kanya. Nasa iisang bahay, natutulog sa lilim ng iisang bubong pero umaaktong hindi magkakilala. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ring makasalamuha si Meredith. Having seen her cry bothered the hell out of him. Bahagyang nalusaw ang anumang yamot niya sa babae nang makita ang luhaang mga mata nito. He deeply sighed. Hindi siya dapat naapektuhan pero hindi maiwasan. Buong akala niya ay madali lang ang pagpapakasal sa babae. Pagtupad lang sa kasunduan. Laking pagkakamali niya. Wala siyang alam na paghuhugutan kung paano pakitutunguhan ang ganitong uring babae. She had no point of reference. Even Tita Eli was a strong woman. ‘How long can you stand with this setup, Caleb?’ Wala siyang sagot sa sariling tanong. Iisa lang ang alam niya, hindi niya nakikita an
“The audacity!" Dumbfounded, he was left with no words to say to her face. Muli ay naisahan siya ni Meredith. Nahirapan siyang hanapin ang tamang mga salitang maaaring isagot pabalik sa sinabi nito. Sa huli ay naihatid niya na lang ito ng tanaw habang nagmamadaling nagmartsa palayo. The woman acted as if he was something so unpleasant in her sight Ang inakala niyang maamong kuting ay may itinatago din palang tapang. “Strike three na ang babaeng ‘yon.” Inisang lagok ni Caleb ang natitirang laman ng lata. Napaubo pa siya nang halos mabilaukan. Dama niya ang paninikip ng dibdib. Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala pang babae ang nagagawa siyang basta barahin ng ganito. "Bullshit!" Hindi na mabilang ang mga pagmumurang umalingawngaw sa bibig niya. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang polo. Ang init bigla ng pakiramdam niya. Gumapang iyon patungo sa kanyang sentido. He suddenly felt a throbbing pain in his head. Blame it to hangover and Meredith. Damn that feisty little woman. Mahi
“M-meredith.” Halos hindi niya marinig ang sariling boses. The mere mention of her name brought shivers to his spine. Of all people, si Meredith pa talaga ang nakahuli sa kanila ni Ashley. He was on the most unbecoming act of cheating and Meredith caught him red-handed. Inutusan niya ang sariling magsalita, magpaliwanag, ngunit wala nang salitang sumunod pa sa sinabi niya. Meredith was devoid of emotion. Nakatitig lang sa kanya at binaybay ng mga mata ang kabuuan niya hanggang sa pumirmin ang paningin sa ibaba. On his crotch to be more specific. Damn it! Hindi pa niya naisarado nang maayos ang slacks. Patunay lang sa ginawa niyang kababalaghan. He still had a hard on. Gumalaw ang panga ni Meredith. Apart from that, wala nang ibang mababakas na emosyon sa mukha nito at basta lang tumitig muli sa mukha niya. Lumagpas ang mga titig nito sa balikat niya. Direkta na ngayong nakatingin si Meredith sa natitigilan pa ring si Ashley. This was the most awkward moment he had ever been into. Th
Sa mga mata ng lahat na naroroon, walang kwestiyun na ginagampanan nila ni Meredith ang papel ng totoong mag-asawa. Like a doting husband to his lovely wife, ipinaghila pa niya si Meredith ng upuan at nagpasalamat naman ito sa kanya kasabay nang pagdantay ng palad sa braso niya. It was just a brief contact but he surely felt the warmth of her touch. Kaagad ding binawi ni Meredith ang kamay. Yet, the heat lingered on his skin. 'Fucking lunatic, Cal!' “You make your mother so happy,” ang ina niya nang tuluyang makaupo na silang magkatabi ni Meredith. Halos pabulong ang pagkakawika nito, iniiwasan ang makaagaw ng eksena sa kasalukuyang tumatakbong programa. Kaya nga lang, hindi nito kayang i-contain ang kilig. Nangingislap pa sa tuwa ang mga mata nitong nagnanakaw sa kanila ng sulyap. 'You just have no idea what’s happening, Mom.' Meredith managed to smile and act fine. They were seated side by side, with their elbows almost brushing, but none of them spoke to each other. Ano naman a
“Is this final?” Harrison looked at Caleb critically. Nasa opisina sila nito ngayon. Sinadya niyang sunduin ito sa airport at dito na nga sila dumiretso. Kadarating lang nito ngunit siya kaagad ang inasikaso. Kaya, panay reklamo at mura ang ginawa nito. This thing couldn’t wait any longer.“Yes.” Bumuntung-hininga si Harrison. “We’ll, then, I hope walang sisihan sa huli.” He weighed everything thoroughly. What he was doing was right. The marriage won’t work for Meredith and him. Mas mabuting putulin na habang maaga. It would be beneficial for both fo them. “Paano si Lolo Manolo?” Pasalampak itong naupo sa swivel chair at hinihilot-hilot ang sentido. Kagagaling lang nito sa eroplano pero amoy alak ito. “Hahanap ako ng timing na sabihin.” Sandali lang siya nitong sinulyapan. Kinuha nito ang cellphone at inutusan ang assistant na ibili sila ng breakfast. Late breakfast. Mula sa glass wall ng opisina nito ay kita niya ang mga empleyado ng firm sa labas. Lahat ng private offices dit
“See you when I see you.” Hindi matapos-tapos ang pagpapaalam nila ni Ashley sa isa’t-isa. Nasa kotse lang siya at hindi na bumaba para ihatid sa loob ng airport ang babae. Ayaw niyang makita silang dalawa sa intimate na ayos kung sakaling may mga kakilalang nasa loob. Hanggang fluid pa ang lahat, hanggang hindi pa natutupad ang binabalak, kailangang maging maingat muna.“How long will you be there?” “Two months at least. Maybe, three.” Ilang linggo din ang bubunuin ni Ashley sa abroad. Masyadong matagal pero hiniling ng ama nitong personal nitong pamahalaan ang pagtatayo ng branch ng jewelry store sa Paris. Isasabay na rin nito ang pag-aaral ng short-term course sa design. “Mami-miss mo ako, right?” Kinabig nito ang batok niya. She leaned towards him until their faces are almost less than an inch apart. Panay ang ginagawang paghaplos sa buhok niya sa likuran habang kagat-labing nakatitig lang sa mga mata niya. Nagsisimula na naman ito. “Don’t do this, Ash. Naghihintay ang plane
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air. "I'm sorry, Ate, I'm late again." "At least, dumating ka, Exir." Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?" "Alam mo naman 'yon, Ate." Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang paki
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng