"MOM, DAD, twins ang magiging apo ninyo."Bakas ang gulat at excitement sa mukha ng mga in-laws ko matapos ng pahayag ni Jass."H-Hindi nga? Talaga ba, iha?" Ngunit sa kanilang dalawa, ay si Doktora ang mas kakikitaan ng higit na excitement. Tila hindi pa nga ito makapaniwala. "Opo, M-Mommy. Kambal po talaga, ayon sa ultrasound," sagot ko naman sabay himas pa sa aking medyo umbok nang tiyan. Two months pa lang ang dinadala ko pero kapansin-pansin na ang laki niyon. Siyempre, iyon nga ay dahil dalawa ang laman. "Ay naku! Nakakatuwa! Akalain mo 'yon? Isang apo lang ang hinihingi namin, pero dalawa ang ibinigay. Good job, anak!""Bakit ako lang ang pinupuri ninyo? Hindi lang naman ako ang gumawa sa mga ito?" pabirong saad ni Jass.Nahampas ko ang balikat niya. Tatawa-tawa siya."Eh, 'di job well done for the both of you!" dugtong ni Doktora. "Hay! Sabik na sabik na akong masilayan ang mga apo ko. Sana'y dagdagan n'yo pa 'yan. Tutal, bata ka pa naman, iha, kaya mo pa siguro ang mga labi
NGUNIT paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Jass na pabalik muli sa akin. Nginitian ko siya at habang palapit siya sa akin ay pabilis nang pabilis ang bawat hakbang niya."Buti naman bumalik ka. Akala ko matitiis mo ako eh," pabiro pang sabi ko.Ngunit hindi sya huminto. Dinampot niya lang ang kamay ko at muli akong iginaya papasok sa loob."Jass-"Isinandal niya ako sa pader at habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ulunan ko ay ginawaran niya ako ng halik. Halik na may pagmamadali."I'm sorry sweetheart, mukhang hindi pa ako maaaring umuwi," may pangambang wika niya pagkuwan."Bakit?" mausisang tanong ko. Alam ko namang dahil iyon sa trabaho niya pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magkaroon ng inis sa kaniya. Akala ko ay masosolo ko na siya, ngunit hindi pa pala."Alam mo na, 'di ba? You can choose, either you wait for me or you come home alone." Dinampot na niya ang puting gown at may pagmamadaling isinuot iyon."A-Ano'ng oras ang uwi mo?" tila problematic pang tanong ko."Hind
GUMAAN ang bigat na nararamdaman ko nang makita ang magandang balita. Mukhang sugat at gasgas lang ang natamo ni Dino sa aksidente at ang tiyuhin lang ang talagang napuruhan. Pero wala na ring problema sa huli dahil balita ko ay successful daw ang operasyong ginawa rito ni Jass. Though still kritikal ang kondisyon, at least, may pag-asa naman na makaliligtas ito.Nakatayo lang ako sa isang gilid habang nakatingin kay Dino na nakahiga pa rin sa stretcher bed nito. Nakaupo ito at may benda sa bahagi ng ulo. Nagsasalita ito at malamang nagkukuwento sa dalawang kasamang pinsan ng mga nangyari."Jennifer? Ano'ng ginagawa mo riyan? Ba't hindi mo puntahan ang nobyo mo?" Napaigtad pa ako nang makita si Tita Ana. Base sa hitsura nito ay mukhang nahimasmasan na ito. "H-Hindi na po. Nakalapit na po ako kanina," pagsisinungaling ko. "Ganoon ba? Eh papatingnan ko pa muna bali sa 'yo eh. Magdedelehensya pa kasi kami ng pambayad. Buti na lang mabait ang doktor na nag-opera sa Tito mo. Inoperahan a
PAGDATING namin sa may parking lot ay agad hinanap ni Jass ang sasakyan at mabilis akong pinasakay sa front seat. Wala pa rin kaming kibuan pero ramdam ko kung gaano kabigat ang bawat kilos niya."J-Jass, it was Dino." Kinain ko ang takot at pinangunahan na siya. "Tita ni Dino 'yong babaeng kasama ko kanina. Tapos, Tito niya 'yong inoperahan mo. Pauwi na sana ako no'n, nasa lobby na ako pero nakita ko si Tita Ana. Na-curious lang ako kung ano'ng nangyari, then nalaman ko na naaksidente nga sila. Inaamin ko, I was worried. S-Siyempre, naging parte siya ng buhay ko. Pero hanggang doon lang 'yon, Jass. Tiningnan ko lang kung maayos ang lagay nita at wala nang ibang kahulugan iyon. P-please, please, maniwala ka sana." Halos tumulo na ang luha habang nakikiusap sa kaniya."At hindi mo muna talaga pinaalam sa 'kin? Kung hindi pa kita nakita, magsisinungaling ka pa?" galit pa ring singhal niya."S-Sasabihin ko naman sana talaga sa 'yo eh. Kaya lang, nakita ako ng tita niya, hinila ako. I ha
DALI-DALI akong lumabas ng bar at sumakay ng kotse. Halos paliparin ko na iyon pauwi ng bahay."Mina? Ano na? Wala pa bang nadating na ambulansya riyan?" histerikal na tanong ko sa kabilang linya."S-Sir, w-wala pa rin po eh. Nakailang tawag na po ako. Kanina pa.""Fuck! Is she losing a lot of blood?" Matagal bago nakasagot si Mina. "M-Medyo po, Sir.""Ano'ng kondisyon niya? Is she conscious?" "Wala pong malay si Ma'am Jen, Sir."Damn!Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. I also tried contacting the hospital line para tumawag ulit ng ambulansya pero busy ang linya. Inis na naitapon ko ang phone nang makailang ulit na subok ay busy tone pa rin ang naririnig.No, no. Hold on, sweethearts.! Halos maluha ako sa pananalangin na sana'y walang masamang mangyari sa mag-iina ko. Kung hindi lang ako nagda-drive ay gusto kong ipukpok sa pader ang ulo ko. It's all my fault. Ano na naman ba'ng pinagsasabi at ginawa ko kay Jennifer? Nagpadala na naman ako sa emosyon ko. Nalimutan ko
"CAREFUL," paalala ni Jass habang pinasasakay ako ng kotse. Nakaalalay pa siya sa braso at bewang ko. "Good?" tanong niya pa nang tuluyan na ngang lumapat ang pang-upo ko sa may upuan. Tumango lang ako. Mayamaya, siya naman ang sumakay sa may driver's seat.Pauwi na kami.After a long day of staying in my bed sa ospital, sa wakas ay uuwi na rin kami. Umuwi na rin sina doktora at isinabay nila si tatay. Sa wakas natapos ang araw na 'yon na may ngiti sa aming mga labi. Akala ko talaga ay katapusan na naming mag-iina. I felt a very hard pain inside my stomach, noong may umaagos na dugo sa mga hita ko. Nahimatay ako dahil sa matinding takot. Ngunit buti na lang, hindi madamot ang himala sa amin. Ligtas daw ang babies. "Jass..." tawag ko sa asawa ko na kanina ko pa napapansing panay ang sulyap sa akin habang nagda-drive."Hmmm?" "Gusto ko rin sana humingi ng sorry sa nangyari. It was my fault too. Kahit alam kong madadamay sina baby sa sinapupunan ko ay ini-stress ko pa talaga ang sari
"ANO 'TO?!" paasik na tanong ko. "AYOKO NITO!" Inis na itinulak ko pabalik kay Jass ang dala-dala niyang plastic. Unang silip ko pa lang kasi sa laman niyon ay alam ko nang hindi iyon ang hinahanap ko."Bakit? 'Di ba? Ito 'yong pinabibili mo?" nagtatakang tanong niya."Sabi ko apple... na star! Hindi ganiyan. " Humalukipkip ako."Kaya nga. Star apple."Nandilat ang mga mata ko. "Caimito ang tawag diyan. Hindi 'yan apple... na hugis star!"Napapantastikuhang tumawa si Jass. "Ang gulo mo! Star apple talaga sa English ang caimito.""Ikaw ang magulo! Sabi ko kasi apple na hugis star, 'di ba? Pero ano 'yang binili mo? Hugis star ba 'yan? Alam mong bilog 'yan eh. Akala ko naman naintindihan mo. Ang bilis-bilis mong lumayas kanina tapos mali pala ang pagkakaintindi mo? Hay. Ang sakit mo sa ulo."Lalong hindi na maipinta ang mukha ko.Nanabik pa naman ako sa pagbabalik ni Jass only to be disappointed like this."At saang planet naman ako maghahanap ng sinasabi mo, aber?" Ngunit ang lalo pang
JASS"JASS! JASS! Tingnan mo!"Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Bukod sa nakakabinging sigaw, ay ang malalakas na yugyog ng asawa ko ang walang habas na gumising sa akin."Ano ba 'yon, sweetheart?" Accidentally akong napatingin sa digital clock at alas-dos pa lang iyon ng madaling araw."Ayan! Wala na. Antagal mo kasing tumingin.""Ano ba 'yon?"Kahit antok na antok ay pinilit ko ang sariling bumangon. "Ano'ng oras na? Bakit hindi ka pa rin natutulog?" usisa ko.Nakaupo si Jen at nakasandal sa headboard ng kama. Himas-himas niya ang tiyan na kitang-kita dahil itinaas niya ang suot na duster."Ano ba 'yan? Anlamig-lamig. Itago mo 'yang tiy-"Pero bigla niyang inipit ang mga labi ko gamit ang mga daliri niya. Sinenyasan niya rin akong huwag mag-iingay. May itinuturo ang mga mata niya na sinundan ko naman ng tingin. Ang kaniyang tiyan."Tingnan mong maigi. Ang mga anak mo, nagre-wrestling yata sa loob," pabulong na sabi niya habang natatawa. "Nag