"PAKIULIT nga po ng sinabi n'yo, 'Tay? Hindi ko masyadong naintindihan." Kabababa ko lang kasi ng earphone ko kaya hindi ko talaga na-gets kung ano ang mga sinabi niya. Kararating ko lang din kasi no'n sa bahay at hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng pinto ay sinalubong na ako ni Tatay.
"Bukas, sasama ka sa akin sa bahay ng mga dati kong amo. Sina Dr. Jaime at Dra. Julita dela Luna. Birthday kasi ni doktora. Inimbitahan akong pumunta at isama raw kita. Gusto ka nilang makita at makilala. Madalas kasi kitang ikuwento noon nang nagtatrabaho pa ako sa kanila. Tuwang-tuwa sila sa 'yo, anak. Napalaki raw kita nang tama," walang prenong sabi ni Tatay.Halata ang tuwa at sigla sa mga mata niya habang nagsasalita."B-Bakit naman ngayon lang, 'Tay? Kung kailan two years na kayong retirado sa kanila?" nagtataka at kinakabahan namang tanong ko. "S-Saka, magiging busy po ako bukas. Overtime ako hanggang alas-otso ng gabi dahil monthly inventory namin. At saka, bakit po? Dahil ba tapos na ako ng pag-aaral at may maayos-ayos nang trabaho ay pababayaran na nila ang mga ginastos nilang pampaaral sa akin?"Kilalang mga mahuhusay na doktor ang mag-asawang dela Luna sa aming lugar. Dating driver ng mga ito si Tatay. Ngunit dahil may edad at retirado na rin ang mga ito sa trabaho ay pinagpahinga na rin ng mga ito si Tatay. Ngunit bago iyon ay pinag-aral muna nila ako sa isang magandang unibersidad sa Maynila. Ayon kay Tatay, bukal daw sa loob ng mga ito ang ginawa para sa akin. Dahil sa mahabang panahong paseserbisyo at pagiging empleyado raw niya iyon. Hindi siya kinaltasan sa sahod niya. Kaya bilang kapalit ay nag-aral akong maigi. Accountancy ang kinuha kong kurso at naipasa ko na ang exam para maging CPA. Kaya lang, dahil sa ayokong mawalay dito sa bahay, kay tatay at sa aking dalawa pang kapatid ay sa isang grocery store lang ako nag-apply ng trabaho malapit sa amin. Ngayon nga ay supervisor na ako at nakakabuhay naman ng pamilya ang suweldo. Wala na kasi si nanay limang taon na ang nakalilipas kaya ayokong iwanan si tatay na mag-isa. Ngayon pa na retirado na siyang driver at pa-ekstra-ekstra na lang sa trabaho. Though may pakimkim namang retiring bonus ang mga dati nitong amo ay ayaw ko pa ring pakampante. Nakalagak ang malaking halagang iyon sa bangko at gagalawin lamang namin kapag oras ng emergency."Hindi, anak. Hindi sila ganoong klase ng tao. Gusto ka lang talaga nila makausap at makilala. Ayaw mo ba no'n? Sa wakas ay makikita mo na ang mga nagpaaral sa 'yo. Hindi ba't dati mo pa sila gustong makilala? Ito na ang pagkakataon mo para makapagpasalamat sa kanila."Oo nga pala. Ngunit nakita ko na naman sila sa mga business magazine. Dahil bukod sa pagiging mga doktor ay mga entrepreneur din ang mga ito."Hindi po ba puwedeng sa susunod na araw na lang, Tay?" pakiusap ko pa.Bahagyang dumilim ang mukha nito. "Alangan naman, 'nak, sabihin kong ipagpaliban ni doktora ang selebrasyon ng kaarawan niya dahil sa trabaho mo? Nakakahiya. At saka nasabi ko na na darating ka bukas. Baka magtampo naman ang mga 'yon kapag hindi ka sumipot."Sa sinabi niya ay hindi na nga ako nakatanggi. Ayoko nang nalalagay ang pangalan ni Tatay sa alanganin nang dahil lang sa akin.Maaga nga akong umuwi galing trabaho kinabukasan. Pagdating ko pa lang ay saglit lang akong nagpahinga at naligo na at gumayak. Hindi ko alam kung bakit aligagang-aligaga itong ama ko at atat na atat na makaalis kami."Sino pa ba 'yang tinatawagan mo, 'nak? Kailangan na nating umalis. Bibiyahe pa tayo."May nobyo ako, si Dino. Ipinakilala ko na ito kina Tatay at sa aking mga kapatid pero hindi boto rito ang aking ama. Traysikel driver lang daw kasi ito. Ano naman daw ang ipapakain nito sa akin kapag naging mag-asawa kami? Sa akin naman, hindi mahalaga kung anong trabaho at estado ng isang tao para mahalin. Ang mahalaga sa akin ay isa siyang mabuting tao at nagtatrabaho nang marangal. Two years na rin ang aming relasyon na patuloy pa rin kahit dalawang beses ko lang siyang nadala rito sa bahay. Sa kanilang tahanan naman ay tanggap ako ng mga magulang at kapatid niya kaya madalas ako ang nagpupunta sa kanila."May kinausap lang po akong katrabaho," palusot ko kahit si Dino talaga ang aking tinawagan para magpaalam. Sanay kasi kami sa isa't isa na ipinapaalam ang aming mga gagawin."Ayos ka na ba?""Opo."Pinagsuot niya ako nang magandang damit. Dahil gusto niya raw ay presentable ako pagharap sa mag-asawang nagpaaral sa akin. Sumang-ayon na lang ako at nagsuot ng dress na lampas tuhod.Hindi naman kalayuan ang bahay ng pupuntahan namin dahil wala pang thirty minutes ay bumaba na kami ng jeep. Napatda pa ako nang matanaw ang isang malaking bahay na madalas kong hangaan kapag nagbibiyahe papuntang ibang barangay. Ito raw ang bahay ng mga doktor na dela Luna."Ayusin mo ang bati sa kanila, anak, ah. Hindi basta-basta ang mga iyon. At huwag mong kalilimutang-""Opo, 'tay, nakailang ulit na kayo ng paalala sa akin. Huwag kayong mag-aalala. Kaya nga po ako nakapagtapos ng pag-aaral ay para maging propesyonal. At hinding-hindi ko po kalilimutang magpasalamat sa kanila."Nag-doorbell na nga kami sa malaking gate. Hindi nagtagal ay may nagbukas din sa aming katulong. Nakangiti kaming pinapasok.Habang naglalakad ay hindi ko napigilang iikot ang aking mga mata. Hindi pa rin ako makapaniwalang naririto na kami ngayon ni tatay. Natutuwa, nae-excite at kinakabahan ako para sa mangyayari ngayong gabi. Birthday raw ni Doktora dela Luna ngayon ngunit bakit wala yatang bisita?Sa main door kami dumaan at literal na napanganga ako sa aking nakita. Iyong sa mga telebisyon ko lang napapanood ay nasa harapan ko na. Napakasuwerte naman ng mga anak ng mga ito. Marangyang buhay ang kinalakihan. Bahagya pa akong siniko ng Tatay ko. Nabalik tuloy ako sa reyalidad."Andiyan na sila..."Dalawang matanda ang nakita kong palapit sa aming gawi. Inayos ko ang postura ko at ngumiti sa kanila. Siniko pa ulit ako ni Tatay at sinabihan akong lumapit at magmano. Kinakabahan man, pero sinunod ko."M-Magandang gabi po, Dr. at Dra. dela Luna," bati ko pa sa kanila.Ngumiti sila sa akin. "Ito na ba 'yong batang dala mo palagi rito noon, Juanito? Aba'y dalaga na nga!" sabi ng doktora na ngiting-ngiti pa habang sinisipat ang kabuuan ko. "At maganda pa. At mukhang mabait na bata.""Siya rin ho 'yong pinagtapos n'yo ng kolehiyo, Doktora, Dok," proud na sabi pa ni Tatay. "CPA na.""Talaga?" Namamangha ulit na tumingin ang doktora sa akin."At nagtapos na suma-cumlaude. Talagang inigihan niya ang pag-aaral dahil nahihiya raw sa inyo."Eh sino ba namang hindi mahihiya kung ikaw ba naman ay pag-aralin sa isang prestihiyosong school? Na ang tuition fee kada semester ay kulang pa ang isang buong taong sahod ni tatay."Talagang napalaki mo nang maayos ang anak mo, Juanito."Inaya na kami ng mga ito sa silid kainan. Maraming nakahain sa mesa at nakakatakam pagmasdan. Agad akong pinaghila ni Tatay ng isang upuan at naupo naman ako agad. Magkatabi kami. Samantalang ang mag-asawa sa tapat namin pumuwesto."Romina?" tawag ni Doktora. Isang katulong naman na parang nasa forties ang lumapit."Bakit po, Señora?" magalang na tanong nito."Ang Sir mo dumating na ba?"Alanganing tumango ang katulong. "Parang kararating lang po, Señora, kabubukas lang po ng gate eh.""Pakisabihan mo ngang dumeretso agad dito pagkaakyat at nandito na ang mga bisita.""Opo."Tumalima agad ang katulong. Ako naman ay tahimik lang na nakikiramdam. Sinong 'Sir' kaya iyon?"Sandali lang at may hinihintay pa tayo," paalala pa ulit ni Doktora bago kami nagsimulang kumain. Nanatili naman akong neutral sa puwesto ko. "Kumusta ka naman, iha? Ilang taon ka na nga pala?" mayamaya ay baling nito sa akin.Inalis ko muna ang bara sa lalamunan. "Ayos naman po, Doktora. Twenty-five years old na po ako.""Nasa tamang edad ka na pala." Makahulugang tingin ang ipinukol niya sa akin. Nagkatinginan pa sila ni tatay na ipinagtaka ko."Good evening, Mom, Dad."Isang lalaki ang biglang dumating. Walang sigla sa boses nito nang batiin ang mga magulang. Nakipagbeso-beso pa sa mga ito at tahimik na naupo sa upuang katapat lang ng inuupuan ko. Napakislot ako nang tuluyang makita ang kaniyang mukha. Malamlam ang kaniyang mga mata, walang sigla at lapat na lapat ang mga labi. May matipunong katawan, broad-shouldered. May kakapalan ang kilay at napaka-pointy ng ilong. Malalim din ang mga mata. In short ay guwapo kaya lang, hindi ko type dahil parang napaka-lonesome ng dating. At isa pa, wala nang hihigit pa sa Dino ko."Ito nga pala ang nag-iisang anak namin, Jennifer. Si Jass Daniel dela Luna. Tulad namin ay isa rin itong doktor - general surgeon sa Manila."Napilitan akong ngitian si Doktora dahil sa pagpapakilala nito sa anak. Sinulyapan ko nga ang tinutukoy nito. Though he did not even bother looking at me pero pinili ko pa ring maging magiliw sa ina nito."And Jass, this is Juanito's daughter. Jennifer Santibañez. A CPA," maikling pagpapakilala naman nito sa akin. Inabangan ko kung tatapunan na ba ako ng tingin ni Jass. May kakaibang kabang bumundol sa dibdib ko nang makita ngang umangat na ang tingin nito sa akin. Ngunit malamig ang sulyap na iyon. At hindi yata tumagal ng tatlong segundo."I see," at iyon lang ang komento nito saka mas minadali ang pagkain. "Mom, Dad, I need to go upstairs. It was such a tiring day, magpapahinga na ako," mayamaya ay paalam na nito. Tumayo na ito sa kinauupuan. "It's nice to see again, Mang Juanito, anyway," pansin pa nito kay Tatay."I was just about to ask you to at least tour Ms. Santibañez sa buong kabahayan, Jass," mayamaya ay wika ni Doktora na ikinagitla ko naman. Bakit ito-tour ako ay hindi naman ako ganoong importanteng bisita? And I never asked for it too."But I'm too tired, Mom-""Jass, just do what your Mom said," biglang singit ni Dok sa maawtoridad na boses.Napaawang ang labi ko at ako naman sana ang magpo-protesta pero bigla akong siniko ni Tatay. Jass looked at me na parang naiirita ito sa akin at nakita ko pa ang palihim na pagbuga niya ng hangin."Alright, then. Ikaw, sumunod ka sa akin."HINDI natapos ang gabing iyon na hindi namumugto ang aking mga mata. Pauwi na kami ni tatay nang mga sandaling iyon. Dahil malalim na ang gabi ay ipinahatid kami nina Doktora sa family driver ng mga ito."T-Tay, bakit naman gano'n?" umiiyak pa ring tanong ko. "Wala man lang kayong pasabi. H-Hindi n'yo man lang inisip ang mararamdaman ko. N-Niloko n'yo ako! A-Ang sabi n'yo selebrasyon ng kaarawan ngayon ni Doktora pero-""Patawarin mo ako, anak. Balang araw maiintindihan mo rin ako," ang tanging nasabi ni Tatay."Maiintindihan? Bakit hindi n'yo na lang sabihin ang totoong dahilan? Dahil ba sa utang na loob ng pagpapaaral sa akin kaya nagawa n'yo 'yon? O dahil ba binayaran kayo? Magkano, Tay? At bakit? A-At 'yong lalaking 'yon..." Mariin pa akong napapikit. "T-Tay, ni isang beses hindi ko pa 'yon nakita, ngayong gabi lang, k-kahit ba sabihing mababait ang mga magulang no'n, sigurado ba kayo na mabait ding tao 'yon? K-Kita n'yo naman kung paano ang pakitungo sa akin..."Halos madapa na ako makahabol lang sa malalaki at mabibilis na hakbang ni Jass. Ayoko naman talagang gawin iyon ngunit napilitan ako lalo pa't halos ipagtulakan ako ni Tatay na sumunod dito."Bilisan mo, I don't have time for this!" sabi pa niya ilang dipa pa rin ang layo ko sa kaniya. Ni hindi man lang siya tumigil sa paglalakad."Sandali lang naman. Bakit kasi hindi mo ako hintayin?" naiirita na ring sabi ko. Sumasakit na ang paa ko dahil sa heels na suot ko kaya hinubad ko na lang iyon at nakapaang tumakbo palapit sa kaniya."I don't need your excuses. Ikaw ang nagpunta rito, ikaw ang matutong mag-adjust!"And the tour that his mother asked him to do ay hindi talaga nangyari. Dahil nang sundan ko pa ang mga hakbang niya ay sa may likod kami ng mansion napadpad. Binuksan niya ang pinto at lumabas doon. May garden doon at may lamesa at upuan. Doon siya dumeretso. Wala man lang siyang kibo kaya napilitan na rin akong umupo sa upuang katapat niya."So how old are you then?" mayamaya ay malamig niyang tanong. Nagitla pa nga ako."Twenty-five.""Jeez..." Nagtataka ako kung bakit bigla siyang natawa. "Mom is really annoying sometimes," sabi pa niya."B-Bakit? A-Ano'ng meron sa edad ko?" Hindi ko na nga natiis na hindi magtanong."I'm thirty-five," seryoso niyang tugon.Napakislot ako. 'So?'"So I bet you don't have any idea why you were brought here, right?" dugtong pa niya."B-Birthday ng Mommy mo," alanganin kong tugon.He smirked again. "Fool. They are planning for our wedding."At kinompirma ko iyon kay Tatay pagbalik namin matapos ang halos kalahating oras. At hindi nga ito nagsisinungaling."Mabait na bata 'yon si Sir Jass, anak. Saksi ako sa pagpapalaki diyan nina Doktora.""Miski na!" mariing tanggi ko. "B-Bahala kayo, Tay! Pero hindi ako papayag na makasal sa taong iyon. Hindi ako papayag na matali sa taong hindi ko naman mahal!"At sampung taon ang agwat ng edad sa akin!ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naiempake ko na ang aking ilang mahahalagang gamit sa isang malaking bagpack. Handang-handa na akong umalis. Titiyakin ko munang payapang natutulog pa ang lahat bago ko isakatuparan ang plano.Ayoko sanang gawin ito dahil natatakot din ako. Alam kong masasaktan nito si Tatay ngunit ang mas ikinatatakot ko ay makasal sa taong hindi ko naman gusto at may magaspang na ugali. Ayokong habambuhay na magsisi dahil hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin ng taong totoong mahal ko.Palihim ko nang nakausap si Dino hinggil sa plano kong pagtakas. Ang usapan ay magkikita kami sa kanto at mula roo'y bibiyahe kami patungong probinsya nila sa Cebu. Dahil may ipon naman ako kaya malakas-lakas ang aking loob.'Patawad, 'Tay,' sabi ko na lang sa isip. 'Maiintindihan mo rin ako balang araw.' Isinukbit ko na ang bag at dahan-dahang naglakad sa dilim. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa aking bawat hakbang.Halos mapugto ang hininga ko n
HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto. "Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito." Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag n
ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan. Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko. 'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.Matapos
"SALAMAT, Mina." Nakangiti kong kinuha ang brown envelop na inabot ng katulong. Nagpasuyo kasi akong magpa-print at photocopy sa kaniya ng mga documents ko."Mag-aaplay kayo ng trabaho, Ma'am?" curious na tanong nito."Oo eh. Nakakainip kasi rito, wala man lang akong mapagkaabalahan."Halos isang linggo na rin mula nang manirahan ako roon. Wala naman akong problema maliban sa tigre kong asawa pero nagagawan ko naman na iyon ng paraan. Itinataon ko na lang lagi na wala ito kapag bababa ako sa kusina o sa sala para hindi ako makaramdam ng tensyon. Wala naman akong ginagawa maliban sa pagkain at panonood ng tv. Minsan nagkukuwentuhan kami ni Mina. Pero 'pag alam kong paparating na si Jass ay umaakyat na ako sa taas. Akala ko talaga, may kalalagyan na ako nang aksidente kong matapon ang tsaa sa kuwarto niya.Dahil bagong salta ako sa lugar na iyon ay hindi pa ako pamilyar kung ano'ng trabaho ang puwede kong mahanap doon. Minsan sumabay ako kay Mina nang pumasok na ito sa school. May nakit
KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng gising. Almost eight na nang bumaba ako ng kuwarto. Nakaligo na naman ako no'n at handa nang umalis. Dumeretso muna ako sa kusina para kumain. Tuesday ngayon at kapag ganitong araw ay maaga ang pasok ni Mina sa school. Ngunit bago umalis ay nakapagluto na naman ito at nakatakip na iyon sa mesa. I started eating. Mula no'ng araw na iutos ni Jass na bumili si Mina ng mga platong plastik ay iyon na nga ang ginagamit ko kapag kakain. Pero sa kape ay naka-mug pa rin ako. I just always make sure na hindi ko na malapit sa edges iyon inilalagay para iwas disgrasya. Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga busina sa labas. Huminga ako nang malalim. Nandito na siya. Bakit ba ganito na naman ang kaba ko? Binilisan ko na ang pagkain. Ngunit natigilan akong muli nang makarinig naman ng sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi. 'Naku naman itong si Mina...' nasabi ko pa sa isip. Bakit ba kasi kailangan pang i-lock ang
"JEN..." Nagulat ako nang may pumisil sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Dino na naka-formal attire at fresh na fresh ang hitsura."O, akala ko nasa bahay ka," nagtatakang sabi ko habang sinisipat ito ng tingin."Pasensya ka na, hindi ko nasabi. Kahapon kasi ginawan ako ng resumè ng pinsan ko tapos ipinasa niya sa manager nila. Tinawagan ako kaninang umaga para sa initial interview. May dala na nga akong requirements eh, para kung sakaling makapasa, maipasa ko agad," masayang balita nito.Nagalak din ako sa sinabi niya."Buti naman. Sana matanggap ka, Dino.""O, bakit parang late ka na?" Idinaan ko na lang sa ngiti. "Oo nga eh. Tinanghali kasi ako ng gising." Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nalimutan ko na siyang i-chat. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nasa second floor ang store na pinagtatrabahuhan ko kaya sasakay pa ako ng escalator. "Saan ba 'yang trabahong inaplayan mo?" tanong ko habang naghihintay kami sa pag-akyat."Sa may fast food. Malapit lang sa appli
"KUMUSTA na kayo diyan, iha?" Ang malambing na boses ni Doktora ang bumungad sa akin pag-angat ko ng telepono. Kanina pa kasi iyon ring nang ring. Walang ibang sumasagot dahil wala si Mina at nasa school. Si Jass naman ay parang walang naririnig. Nakaupo at prente lang na nagbabasa ng magazine sa sala. Samantalang ako, pababa pa lang ng hagdan para sana kumain. Day-off ko nang araw na iyon. It's been a month mula nang manirahan ako sa bahay na iyon. Para sa akin, malaking achievement na naka-survive ako ng ganoon katagal. Hindi natuloy ang aking 'nervous breakdown'."A-Ayos naman po," nangingimi pang tugon ko."Buti naman. Ano, iha? Dinatnan ka na ba? Hindi ka ba delayed? 'Pag delayed ka, ha, papa-check up ka kaagad." May halong excitement sa boses nito.Napakunot-noo naman ako. "B-Bakit naman po ako made-delayed? Regular naman po ang menstruation period ko," sabi ko naman. Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. "Nevermind, iha. Pero sana naman hindi matapos ang taong ito na wa
"CONGRATULATIONS, guys! Nakalagpas tayo sa kota," masayang anunsyo ng manager ng appliance store na pinagtatrabahuhan ko. Nagdiriwang lahat dahil tiyak na may bonus na matatanggap sa aming sahod. So far, nae-enjoy ko ang pagtatrabaho rito. Bukod sa magaan naman ang trabaho ay palagi pa kaming nagkikita ni Dino. Kung minsan nagkakasabay pa kami ng breaktime. He's doing great in his job as well. Kapag araw ng sahod ay namamasyal kami. Magkasamang namimili sa mall ng mga kaniya-kaniyang personal na pangangailangan. Kumakain sa medyo sosyal na restaurant. At kung minsan, binibilhan niya ako ng regalo. Nabilhan na niya ako ng isang pares ng sapatos na libo ang halaga. Hindi ko na siya napigilan dahil siya ang kusang bumili. Alam niya kasi ang size ng aking paa.Pambawi niya raw iyon sa lahat ng mga naitulong ko sa kaniyang noong walang-wala siya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, ang mahalaga ay batid kong mahal namin ang isa't isa. At ngayon nga, we're celebrating our 23rd month a
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so