Mag-uumaga na. Ngunit pabiling-biling pa rin ako sa higaan. Nakatulog naman ako kagabi pero maaga naman nagising. Mga alas-tres. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari sa sinehan at ang mga napag-usapan namin ni Dino. Hindi ko alam kung bakit parang natatakot na akong makipagkita sa kaniya bukas. Parang nahihiya ako para sa sarili ko.Tama ba na pumayag ako? P-Paano kung magbunga iyon? Paano ko iyon sasabihin kay Tatay? Hay... Ayoko sanang mag-overthink pero parang ganoon na nga ang nangyayari. Ito kasing si Jass, isang buwan na kami mahigit na kasal pero hanggang ngayon wala naman siyang ginagawang aksyon para magkahiwalay na kami. Puro iwasan at sungitan lang ang ginagawa namin. Naalala ko tuloy iyong babaeng tumawag. Tiyak akong kakilala niya iyon at may ugnayan sila sa isa't isa, sana naman ipaglaban niya kung ano mang mayroon sila sa mga magulang niya para mawalan na ng rason para magpatuloy pa ang kasal-kasalang ito. Para wala nang hadlang sa amin ni Dino. Makakapamu
"KUMUSTA na, 'nak?" Si tatay sa kabilang linya. Kauuwi ko lang no'n galing trabaho. Ako ang tumawag para mangamusta. Kahit masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa niya ay hindi ko pa rin siya matiis."Okay naman, 'Tay. Na-cash out n'yo na ba 'yong pinadala ko?" Kapag araw ng sahod ay nagpapadala pa rin ako. Walang nagbago tulad ng kung paano ko siya aabutan ng pam-budget sa bahay noong doon pa ako sa amin nakatira."Oo 'nak, salamat. Pero hindi na naman ako nanghihingi sa 'yo. Dapat nga, hindi ka na rin diyan nagtrabaho. Kaya naman lahat ng asawa mo ang gastusin-""'Tay, ayoko pong umasa ro'n. Tsaka naiinip ako rito. Ang lungkot ko na nga, tapos magpapakaburyong pa ako kakatambay rito. Ayokong tumanda nang maaga, 'Tay." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Pasensya na talaga, 'nak. Pero hindi ko ginawa 'yan dahil tutol ako sa relasyon n'yo ni Dino. Iniisip ko lang talaga ang kinabukasan mo, anak."Huminga na lang din ako ng malalim. "Para saan pa ang pagtatapos ko ng pag-aaral
ALAM kong nakaidlip na ako no'n nang may maramdamang kamay na dumantay sa aking noo. Napalunok ako dahil sa bigla at napamulat ng mata. Ngunit hindi ako agad nakakilos dahil tumagal ang kamay na iyon nang ilang segundo sa may noo ko. Parang sinasalat maigi kung mainit ba iyon.Then I heard an audible gasp. May nasamyo pa nga akong hangin. I liked the scent. Minty na may nasama pang men's perfume. 'Men's perfume?'"Wala naman eh. Si Mina talaga."Lalo akong hindi nakakilos. S-Si Jass ba 'yon? Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang boses niya. Why? Sinabi talaga ni Mina na masama ang pakiramdam ko?Concerned ba siya sa akin? What for? Dahil natatakot siyang malaman ni Tatay kapag nagkasakit ako?But there's a part of me na bigla namang natuwa dahil sa kaniyang ginawa. 'No, Jennifer!'Ngunit bago pa ako nakakilos para sundan sana siya ng tingin ay nakalabas na si Jass. Marahan niyang binuksan at isinara ang pinto.Nasapo ko ang noong hinawakan niya. Kay init ng palad niya. Parang
"SO why don't you two have some honeymoon trip? Kahit mga isang buwan lang," wika ng doktora na sabay na ikinatigil namin ni Jass ng pagkain."My schedule's too hectic for that, Mom," agad na tanggi ni Jass."Eh 'di mag-leave ka. Ano ka ba naman? We are one of the shareholders of that hospital na pinagtatrabahuhan mo, but yet you still act as a mere employee."Napakislot ako dahil sa narinig. Mayaman nga pala sila talaga. "It's my passion that drives me para patuloy na pumasok at magtrabaho. I can't just take a leave, Mom," anito na balik na naman sa pagiging kalmado.Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng mga kobyertos. "So mas pinahahalagahan mo iyang trabaho mo kaysa sa kahilingan ko, ha, anak?" medyo tumaas na ang boses ng ginang. Nakita ko pa ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito. Masuyo namang hinagod ng biyenan kong lalaki ang likuran nito upang pakalmahin ito kahit na papaano."I'm just asking for a little more time, Mom. You know I'm not yet ready for it," segunda pa ni J
PASALAMAT ako't no'ng hapon ding iyon ay nagpaalam na ang aking mga biyenan. Kunwari pang inihatid namin ang mga ito ni Jass nang nakangiti sa isa't isa. Nakakapit pa siya sa beywang ko. Ewan ko kung bakit kailangan niya pang gawin iyon eh lantaran naman kung itanggi niya sa magulang ang pagkakaroon namin ng anak sa lalong madaling panahon.Nang makaalis na ang sasakyan ng mga ito, at tuluyan nang naisara ang gate ay biglang kalas namin sa isa't isa. Parang diring-diri si Jass sa akin. Hindi na ito nagsalita pa at umalis na ito sa harapan ko. Pumasok na sa loob. Makaraan ng ilang segundo ay sumunod din ako. Nagpang-abutan pa kami sa hagdan. "Get your things now," masungit na utos nito. Walang emosyon at kibong sumunod na lang ako. Tahimik din ako hanggang sa loob ng kuwarto niya at habang kinukuha sa kabinet ang mga damit ko. "E-Excuse me!" napapalunok pang wika ko dahil nakaharang ang malapad niyang katawan sa pinto. Hindi ako makadaan. "About the consequences anyway," anito na
AGAD akong yumuko at tumalikod sa sasakyan. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Jass na sasakyan iyon."Sorry, Jen. May problema ba?" tanong ni Dino.Umiling-iling ako kahit nakatalikod sa kaniya. "W-Wala. Wala, Dino. Sige na, umuwi ka na. Ingat ka." Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Naglakad na ako palayo. Samantalang ang sasakyan naman ay dumeretso na ng pasok sa gate. Habang naglalakad ay nakayuko pa rin ako. Pinagagalitan ang sarili."Nakakahiya ka, Jennifer. Una, dahil PDA ka. Pumayag kang makipaghalikan sa tabi ng daan. Pangalawa, nagpahuli ka sa asawa mo. May pinag-aralan ka pa namang tao pero ganiyan ang gawain mo. Nakakahiya ka!"Kulang na lang ay saktan ko na rin ang sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong umuwi sa bahay ni Jass o hindi. Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kaniya? But on the contrary, pakialam niya ba? Siya nga may Yngrid na dinala niya pa sa bahay at inihatid pauwi. Malamang naghahalikan din ang dalawang iyon nang hindi ko nakikita. At
"MA'AM Jen? Okay lang ba kayo?" tanong ni Mina sa akin. Kanina pa kasi ako tulala lang habang nasa harap ng pagkain. Bumaba ako mga alas-nueve dahil sa pag-aakalang nagugutom ako. Pero nang ihain niya sa mesa ang pagkain ay hindi ko man lang iyon nagalaw.Marahil nagtataka rin ang katulong kung bakit namumugto ang mga mata ko. Pagdating ko pa lang kasi ng kuwarto ko ay nag-iiiyak na ako. Lalo na nang matanggap ko ang message ni Dino na nagso-sorry ito.'I'm sorry, Jen.' Iyon lang ang nabasa ko. Naghintay pa ako ng karugtong pero wala nang sumunod na message. Ni wala man lang paliwanag. Parang ambilis naman. Dahil ba mas malapit ang Jessa na iyon sa tinitirhan niya? Dahil ba ayaw ko pang ibigay ang hinihiling niya? Ang sabi niya mahal niya ako at willing siyang maghintay. Pero hindi ko akalaing may hangganan din pala ang lahat."Ayaw n'yo ba ng ulam, Ma'am Jen? Puwede ka naman mag-request ng iba kung ayaw mo-""Umiinom ka ba, Mina?" wala sa hinagap na tanong ko."P-Po? Eh... ano'ng ino
"MINA..." tawag ko sa kasama ko. Hindi ko alam kung ano'ng oras na at kung ano nang lagay ko nang mga sandaling iyon. Sobrang sakit na ng ulo ko, at wala na akong lakas pang kontrolin ang katawan ko. Naka-ubob na ako sa mesa at hindi alam ang gagawin. But the traitor in my head? Hindi pa rin siya maalis-alis. Bakit gano'n? Akala ko sa pag-inom ko ng alak malilimutan ko kahit sandali si Dino, pero napakalinaw pa rin ng gunita niya sa aking isipan."Takshil ka!" sabi ko pa na hindi ko alam kung umiiyak ba ako o tumatawa. I was laughing for a while, rinig ko pa nga ang halinghing ko pero mayamaya rin, bumuhos ang pighati. "Mahal na mahal kita pero bakit mo nagawa sa akin ito? You said you love me and you're willing to wait pero bakit ..." Yumuyugyog pa ang mga balikat ko habang umiiyak. "Bakit ang bilis mo naman yata nakahanap ng substitute ko? Dahil ba ayaw ko pang bumigay sa 'yo, ah?"Kumapa ang mga kamay ko kung may natira pa bang in can na may laman sa ibabaw ng mesa. Pero wala na a
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so