HUMINGA muna ako nang malalim bago pumasok sa entrance ng mall. Kailangan kong labanan ang emosyon ko kung gusto kong mabuhay. Dahil hindi lang sa love life umiikot ang buhay ko. Kailangan ko pa ring magtrabaho, kumita ng pera. Dahil hindi naman pag-ibig ang nagpapalamon sa akin.Though sa bawat hakbang ko palapit sa store na pinagtatrabahuhan ko ay parang unti-unti nang nanghihina ang mga tuhod ko. Madaraanan ko kasi ang fast food kung saan nagtatrabaho si Dino. Sinisikap kong huwag matuksong malingon doon ngunit nagawa pa rin ng mga mata ko. Sa counter nakapuwesto si Jessa at nakita ko nga itong abala sa pag-aayos ng suot nitong headcap. Dahil hindi pa open sa mga costumer ang mall nang mga oras na iyon ay mga empleyado pa lang ang nasa loob. Naisip ko itong komprontahin. Para ipaalam dito kung ano'ng naging dulot sa pagpasok nito sa relasyon namin ni Dino. Gusto ko pa ring ipaglaban kung ano'ng meron kami. Dahil mahal ko pa rin si Dino at hindi ko alam kung makaka-move on ba ako.
"JEN, maniwala ka sa 'kin. Walang kami ni Jessa," pakiusap ni Dino nang muli kaming magpangita. Hindi kami nagkita noong breaktime dahil masyado akong naging busy. Kundi ngayong pagka-out namin."Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o hindi," blangko namang sagot ko. Ewan ko ba kung ano'ng nangyayari sa akin nang araw na iyon. Hindi nawala sa isip ko si Jass. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita at naging kostumer ko siya kanina."Kung ayaw mo talagang maniwala, eh 'di patutunayan ko. Gusto mo sumama ka sa akin ngayon? Ipapakilala kita sa mga tita at tito ko pati mga pinsan na kasama sa bahay."Tumingin ako kay Dino. He looked so serious. What if nagsasabi nga siya ng totoo? What if I just gave him a second chance? I checked the clock. 6:20 pm pa lang. Naka-motor naman kami kaya tiyak na mabilis lang ang biyahe. "S-Sige nga," I dared him. "T-Talaga?" hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ako. "K-Kung gano'n, tara." Iyon lang at mabilis niya akong inakay pasakay ng kaniya
I TOOK a sigh of relief. Tulog na raw si Jass at ngayon nga'y nakalagpas na ako ng kaniyang silid. Hindi ko na binuksan ang ilaw at dere-deretso lang akong naglakad patungong kuwarto. Tutal, saulado ko na naman ang mga pasikot-sikot doon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng aking silid ay agad ko iyong binuksan. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ngunit muntik na akong mapasigaw nang tumambad sa akin si Jass na prenteng nakahiga sa kama ko. Masama ang tinging ipinupukol niya sa akin. "Buti naman naisipan mo pang umuwi," malamig ang tono niya na halos magpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi pasigaw ang pagkakasabi niya ngunit ramdam ko ang galit niya. Hinihintay niya ba ako? Bakit?"N-Nag-OT ako. K-Kita mo naman kanina, ako ang in-charge sa buong araw." Sinikap kong huwag kabahan pero hindi pa rin talaga nakaligtas ang panginginig ng boses ko."Siguraduhin mo lang na wala na akong mahuhuli sa akto."Napakislot ako dahil sa sinabi niya. 'Wala na..' so ibig sabihin... nakita niya talaga kami
"Y-YOU can let go of me now!" Daig ko pa ang may atraso nang sabihin iyon kay Jass. Nakapatong pa rin kasi ang braso niya sa tiyan ko. Hindi siya kumibo bagkus ay bumangon na at nagderetso sa banyo. Habang nasa loob siya ay iyon naman ang sinamantala ko, hinanap ko ang cellphone para tingnan kung may message si Dino. 8 na pala ng umaga. Ngunit kagabi pa ang text niya at walang reply sa akin. Siguro nalasing iyon at tinanghali ng gising.Agad kong itinago ang phone nang marinig ko na ang pagpihit ng pinto ng CR. Hindi ko siya tiningnan bagkus pumasok na lang din ako sa loob. Nag-toothbrush at hilamos, while looking at myself again, asking: What do I do now?Ilang minuto rin akong nag-isip bago naisipang lumabas. Pagbukas ng pinto ay naabutan ko si Jass na bihis na ng maayos-ayos na damit. I looked at myself. Nakapantulog pa ako."Bilisan mo, sabay tayong bababa," malamig na sabi niya. Kumuha nga ako ng bihisan at nagpalit. Hindi ko alam kung ano'ng dapat isuot pero nag-blouse ako at m
NAGTUNGO nga kami ng ospital. Sakay ako ni Jass ng sasakyan. Nasa front seat ako at pinaiwan niya lang si Mina. Mabilis ang pagpapatakbo niya at halatang balisa. Ako naman ay tahimik lang at palihim siyang pinagmamasdan.Iniisip ko pa rin ang naudlot na plano. Kung seryoso ba talaga siya. O magkukunwari lang kami na pupuntang Batangas. Kung ano-anong naglalaro sa isip ko tulad ng kung paano namin gagawin 'iyon'. Paano kung mabuntis nga ako at ipanganak ko nga ang anak niya. Iiwan na niya ba ako? Ipapa-annul na ba niya ang kasal namin? Paano ako magiging ina sa anak ko sa kaniya at paano ang relasyon namin ni Dino? Andaming katanungan na hindi ko masagot. Hindi ko alam kung saan ba kami patutungo."Have you fastened your seatbelt?" out of the blue ay tanong ni Jass."H-Huh?""Seatbelt mo, nakakabit ba?" Tumingin siya sa akin nang nakatiim. Tarantang kinapa ko nga ang seatbelt. Hays! Nalimutan ko ngang ikabit."H-Hindi eh, s-sorry." Nanginginig pa ang kamay ko habang inaayos iyon. Pero
KAHIT ano'ng ganda ng nakikita ng aking mga mata ay balewala rin dahil parang unti-unting ginagapos ang aking puso.Nandito na kami ngayon sa sinasabing resthouse nila sa Batangas. Facing the nearly setting sun and the deep blue sea, parang gusto ko na lang ding lumubog mula sa aking kinatatayuan. Dinala ni Jass sa pinakamalaking kuwarto ang aming mga gamit. Tumawag pa siya sa mga magulang para ipakita na naroon na kami. His mom was so happy at pauwi na raw ang mga ito sa mansion sa Cavite. Bumuti na raw ang lagay. Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin ang huli niyang mga sinabi kanina. If I could just escape... At muli nabuhay ang sama ng loob ko kay Tatay. Naisip niya kaya kung gaano kahirap itong sitwasyong pinilit niya akong ipasok? Naatim niya na ipagamit ang katawan ko sa taong hindi ko naman gusto? Yes, this was slavery. Because 'they' would use my body for their personal happiness. I don't want to be touched by the man I never wished to love. "Nakakainis naman!" halos maiyak
IT was past 1AM ngunit patuloy pa rin ang pangingiramdam ko. Ayokong matulog, dahil baka kapag ginawa ko, biglang dumating si Jass at gawin ang naudlot na balak niya. I also made sure that I had covered up myself well para mahirapan siyang mahubaran ako kung sakali. That was... so close. Mabuti na lang hindi ako nagpadala sa takot at nakapag-isip pa rin ako ng matino. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin kung natuloy iyon. Dinampot ko ang cellphone. I had been trying to call Dino pero hirap talaga sa signal. Bukas, susubukan kong lumabas at maghanap ng magandang spot. Wala pa akong bente-kuwatro oras dito pero pakiramdam ko napakahabang panahon ko nang naririto. I missed my life already. Naalala ko hindi pala ako nakapagpaalam din sa trabaho. Hay. Baka masisante ako nito.Katok sa pinto. Natigilan ako. Pagkuwa'y ibinalot ko sa blanket ang buong katawan ko. Ito na ba siya? Nagbabalik na."Ma'am? Ma'am, gising pa ba kayo?" Napaisip ako dahil sa kakaibang tono ng katulong. Pa
I FROWNED. Nang subukan kong tumayo ay biglang nanuot ang kirot sa halos kalahati ng katawan ko. Lalo na sa parteng iyon. Na walang pahintulot na ginamit ni Jass.Wala na akong kasama nang magising. Tanghali na pala. Nangangasim na ang tiyan ko dahil sa gutom. "W-Wala na..." I still couldn't get over. Lalo pa akong naluha nang may makitang pulang marka sa may bedsheet. Patunay na hindi na nga ako tulad ng dati. But should I really take my life? Tulad ng pagbabanta ko. Or should I just accept this thing? Hindi naman siguro ako bibigyan ng pagsubok ng Diyos na hindi ko kayang malagpasan. Pero sana nga... sana nga makayanan ko.Pinilit kong bumangon at makapunta ng banyo. Doon ko nilabas ang mga luha at sama ng loob ko. Nakaupo sa sahig habang hinahayang basain ng lumalagaslas na tubig ang aking hubad na katawan.Nang matapos at makapagbihis ay napagpasyahan kong bumaba. Ngunit hindi pa ako nakakakalahati ng hagdan nang biglang bumigay ang isang tuhod ko. Ilang baitang din ang pinaggul
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so