ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naiempake ko na ang aking ilang mahahalagang gamit sa isang malaking bagpack. Handang-handa na akong umalis. Titiyakin ko munang payapang natutulog pa ang lahat bago ko isakatuparan ang plano.
Ayoko sanang gawin ito dahil natatakot din ako. Alam kong masasaktan nito si Tatay ngunit ang mas ikinatatakot ko ay makasal sa taong hindi ko naman gusto at may magaspang na ugali. Ayokong habambuhay na magsisi dahil hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin ng taong totoong mahal ko.Palihim ko nang nakausap si Dino hinggil sa plano kong pagtakas. Ang usapan ay magkikita kami sa kanto at mula roo'y bibiyahe kami patungong probinsya nila sa Cebu. Dahil may ipon naman ako kaya malakas-lakas ang aking loob.'Patawad, 'Tay,' sabi ko na lang sa isip. 'Maiintindihan mo rin ako balang araw.' Isinukbit ko na ang bag at dahan-dahang naglakad sa dilim. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa aking bawat hakbang.Halos mapugto ang hininga ko nang malapit na ako sa pinto ng bahay. Naipihit ko na ang seradura at dahan-dahan na iyong binubuksan nang biglang nagliwanag ang buong paligid. Taranta pa akong lumingon sa likod kung sino ang nagbukas ng ilaw at gayon na lamang ang takot ko nang makita ang galit na hitsura ng aking tatay."'T-Tay..." puno ng kaba kong usal. Hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya."At saan ka pupunta, Jennifer? Maglalayas ka?"Sapat na ang maawtoridad na tinig nito upang magapi ang natitira kong tapang. Parang nanginig pa ang aking tuhod."Iyan ba ang natutunan mo sa pakikipag-nobyo d'yan sa traysikel driver na 'yan? Susuwagin mo na ba ako?" galit na galit pa rin ito."Eh, 'Tay..." takot na takot na ngang wika ko. Gustong-gusto ko nang matunaw na lang nang mga oras na 'yon. "S-Sinabi ko naman po kasi sa inyong ayokong magpakasal sa anak ni doktora. H-Hindi ko kayo maintindihan kung bakit pinipilit n'yo. Kung ayaw n'yo kay Dino, eh h-huwag n'yo naman akong ipilit ipakasal sa iba.""Hindi na magbabago ang napagdesisyonan kahit ano pang sabihin mo. Bumalik ka na sa kuwarto mo."Tumulo na nga ang luha sa mga mata ko. "'Tay naman, pakiusap. Hayaan n'yo naman akong maging masaya."Ngunit nagmistula na itong bingi. Hinaklit pa nito ang bag na dala ko nang hindi agad ako kumilos. "Pasok!" Binuksan niya pa ang kuwarto ko para sa 'kin. Wala akong nagawa kung hindi sumunod.Umiiyak pa rin ako habang kinakausap ko sa cellphone si Dino."Sorry, Dino. Hindi na tayo matutuloy. Nahuli ako ni Tatay."Rinig ang paghinga nito ng malalim. "Eh, paano 'yan? Talagang ipakakasal ka niya sa anak ng doktor?"Napasinghap ako. "O-Oo.." Mariin akong napapikit. "S-Sana huwag kang magalit sa akin, hindi ko naman ginusto ito.""Alam ko naman, Jen. Gusto sana kitang ipaglaban kaya lang ayaw ko namang magkalamat ang relasyon ninyong mag-ama. Ang totoo, nahihiya ako sa 'yo. Tapos ka ng pag-aaral, may magandang trabaho, tapos sa isang tulad ko lang ikaw pumatol. Napakasuwerte ko kung tutuusin. Pero kung tayo talaga hanggang huli, gagawa at gagawa naman ng paraan ang tadhana. Tandaan mo na palagi lang akong narito kung kailangan mo. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita. Gagawa ako ng paraan para hindi magtagal ang pagsasama namin ng magiging asawa ko. Ikaw lang talaga ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko. S-Sana... mahintay mo ako, Dino.""Oo, Jen. Tatandaan ko 'yang sinabi mo."Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay ginising ako ni Tatay. Ngunit hindi para mag-almusal. Dahil may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay. Tanda ko ang mukha ng driver na iyon na tauhan nina Doktora. Ngunit may isa pang lumabas at pumasok sa loob ng bahay. Isang bakla."Pinadala ako rito para ayusan ka," sabi nito."P-Para saan ho?" maang ko."Ay, kalerki! Ngayon ang araw ng kasal mo."Sa narinig ay kakaibang takot agad ang naramdaman ko. Kahit ilang beses akong tumanggi at nakiusap, wala talagang handang makinig sa akin. Pinaligo ako ng bakla at inayusan. May bitbit ding itong ilang klase ng mga damit pangkasal at pinapili ako roon. Pati heels. Talagang naninigurado sila na matutuloy ang kasal. Pati mga requirements na kailangan ay inasikaso pala nila nang hindi ko alam.Alas-diyes daw ang oras ng kasal at bago mag-nine-thirty ay gumayak na kami. Katabi ko si tatay sa upuan. Naka-polo ito. Hindi kasama ang aking mga kapatid dahil may mga pasok sa eskuwela. Hindi ako kumikibo ngunit sa loob-loob ko ay halos isumpa ko ang mundo. Pigil ko rin ang mga luha ko.Sa munisipyo kami dumeretso dahil sa huwes lang daw gaganapin ang kasal. Pagdating doon ay naghihintay na ang mag-asawang doktor. Ngunit hindi ko agad nakita ang kanilang anak. Binati pa ako ng mga ito ngunit hindi ako makangiti man lang. Ayokong magpanggap na ayos lang ako at hindi masama ang aking loob.Pumasok kami agad sa loob at doon ko nga nakita ang nakatakdang maging asawa ko. Nakasuot ito ng simpleng puting long-sleeved polo at itim na slack. Nagdudutdot pa ito ng cellphone nang maabutan namin. Binati niya si Tatay ngunit ako'y dalawang segundo lamang yatang tinapunan ng tingin."Since narito na ang lahat ay magsimula na tayo," sabi ng mayor ng aming lugar.Nakayuko ako nang lumapit sa unahan sa harap nito. Ni hindi kami nagtitinginan ni Jass hanggang magsimula at matapos sa pagsasalita ang nagkakasal sa amin."Ikaw, Jennifer Santibañez, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang kabiyak ng iyong puso, karamay sa hirap at ginhawa at kasama hanggang sa iyong pagtanda?"Matagal bago ako sumagot dahil ang totoo, gusto kong sabihing ayoko. Ngunit nang mapasulyap ako sa gawi ni Tatay na masama ang tinging nakapukol sa akin ay pasagot ako ng "Opo."Kaparehong tanong ang sinabi ng mayor sa aking katabi at malamig itong sumagot din ng "Opo."Mayamaya ay nag-announce na ito ng "You may now kiss the bride."Nagharap kami ngunit hindi ako tumitingin sa kaniya. Walang emosyon sa aking mukha at halos hindi ako humihinga. Would he really kiss me? Napalunok ako. Pikit-mata ko na lang tatanggapin dahil wala namang akong magagawa. Mabuti na lang din at hindi siya ang first kiss ko kung nagkataon. Dahil minsan ko na iyong naipagkaloob kay Dino. Ngunit ang inaalala ko lang ay ang maaaring maganap sa aming unang gabi. Wala pang lalaki ang nakakagawa niyon sa akin. Dahil ang ibig ko'y kasal muna bago 'iyon'. Ngunit mukhang may makakakuha na niyon sa akin mamaya dahil heto nga't may asawa na ako.... sa papel."Mamaya na lang po siguro."Nagulat pa ako sa pabirong sabi ni Jass kay mayor. Suminghap ako at gumanti na lang din ng ngiti nang ngitian ako ng huli."Gentleman talaga 'tong si Dok." And they seemed to know each other. "Congratulations to the newly weds. Nawa'y maging masaya kayo sa inyong buhay mag-asawa."Pigil ko ang tawa dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay nagpaalam na at lumabas na kami ng municipio. Kay tatay ako lumapit at sumunod ng hakbang. Ngunit minsan hindi ko mapigilan hindi mapalingon sa matangkad na lalaki sa may likuran ko. My now husband. Hindi pa rin ako makapaniwala na in less than thirty minutes ay iba na ang apelyido ko. At may nagmamay-ari na sa akin."O bakit dito ka? Doon ka sa asawa mo sumakay," sabi ni tatay nang akmang sasampa na ako ng sasakyan."Pero, 'Tay, ayoko ho-""Tara na!"Bigla ay may humaklit sa aking braso. Napangiwi pa ako nang muntik na akong matapilok nang simulan na niya akong kaladkarin."T-Teka nga!" Naiiritang pilit kong binawi ang aking braso."Sakay na. I don't have time for this," tiim ang mukhang sabi ni Jass na halos ipagtulakan pa ako sa pinto para lang sumakay. Iniwan na niya ako at umikot na siya papuntang driver's seat. "Bilis na!" he shouted again nang hindi pa ako kumikilos.Taranta ko na ngang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Mabibigat ang bitaw niya ng bawat hininga habang naghihintay na matapos ako sa pagkakabit ng aking seatbelt.Sinimulan na niya ang pagda-drive.Habang nasa daan ay abot-abot ang aking kaba. Kanina pa naglalaro sa isip ko si Dino. Ni hindi ko man lang siya na-inform sa naganap sa umagang ito. I know he would be devastated kapag nalaman niyang naikasal na nga ako. How I wish na sana'y nilakasan ko na lang ang aking loob kanina at harap-harapang tinakasan si Tatay. Malamang mga ganitong oras ay malayo na ang aming narating."Stop staring at me like that," tiim ang bagang na sabi ni Jass. Kahit abala ang mga mata sa daan ay nakuha niya pa iyong mapansin? Napasulyap lang naman ako sa kaniya. "Hindi ako interesado sa 'yo at alam kong pati ikaw ay ayaw rin sa kasal na ito. So why don't we make an agreement about this fucking arranged marriage, ha?"His glaring eyes focused at me for a while. Bigla na naman akong inatake ng matinding kaba."No sharing of bedroom, no sex, no conversation at higit sa lahat walang pakialamanan sa isa't isa. We'll only pretend like we're sweet in front of our parents kapag nandiyan sila. Pero 'pag tayong dalawa lang, parang hindi natin kilala ang isa't isa. How about that? Hmm?"Tumango ako. At medyo gumaan na rin ang pakiramdam. Buti naman at naisip niya iyon. "T-That's a good idea," tugon ko na bahagyang may nakapaskil na ngiti sa mga labi."Then soon we'll find a way to get out of this hell-like situation. This is crazy."Hindi na lang ako kumibo."Mom?"Napalingon ako nang marinig ang tawag niya sa kaniyang ina. Katatapos niya lang ikabit ang bluetooth earphone sa isang tainga. He didn't bother staring at me."Hindi na kami tutuloy diyan sa bahay. May duty pa ako sa hospital," aniya at saglit na tumigil. "No. It's a waste of time. There is nothing special about this wedding so there's nothing to be celebrated for. Ibibili ko na lang ito ng pagkain 'pag nagutom. I'm sorry, Mom. Just tell Dad about it. Ibang route na ang binabagtas ko. Goodbye, Mom." Then he coldheartedly clicked the end button sa cellphone na nakakabit sa gitna ng dashboard. To my surprise ay tumingin siyang bigla sa akin. "Tell me your address at pupunta tayo sa bahay n'yo." Bigla nitong binagalan ang pagmamaneho.Medyo taranta pa ako. "D-Deretso lang hanggang kabilang barangay," sabi ko.Hindi siya kumibo at nagpatuloy na nga sa pagda-drive. I wanted to ask him, what for? Iuuwi na ba niya ako sa amin? 'What a relief!'May galak na itinuro ko pa ang mga pasikot-sikot para makarating sa bahay namin. Mayamaya lang ay tumigil din kami sa tapat."Bilisan mo. Get your things at isakay mo sa likod," utos niya na biglang ikinadismaya ko.MATAPOS ng ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa Maynila. Pero kung hindi traffic ay malamang hindi kami hahapunin. Cavite lang naman kami at sa Alabang ako dinala ni Jass.May bahay raw siya roon at doon kami 'magsasama'. Malapit doon ang pinagtatrabahuhan niyang ospital. Maigi rin daw iyon at malayo kami sa aming mga magulang.Sa isang subdivision kami pumasok. Tumigil kami sa isang malaking bahay. Tatlong beses siyang bumusina at awtomatikong nagbukas ang gate.Nauna siyang bumaba samantalang ako ay medyo natagalan dahil hindi ko pa masyadong kabisado mag-unlock ng seatbelt. Buong akala ko ay tutulungan niya akong dalhin ang aking mga gamit ngunit hindi pala. Nakita ko siyang papasok na sa maindoor habang hinihila ko pa sa loob ang dalawang malaking bag.Wala naman akong nagawa kung hindi huwag na lang kumibo. Pumasok na lang din ako sa pinasukan niyang pinto."This is Mina, my only maid here," bungad niya sa akin pagdating ko sa sala. "And Mina, this is my wife, Jennifer. But she's only my wife kapag nandito sina Mommy at Daddy. Pero kapag wala, she's just an ordinary border, maliwanag?""O-Opo, Sir Jass.""Good." Nakapameywang pa itong bumaling ulit sa akin. "You. Come and I'll show you your room."Ni hindi man lang talaga niya ako tinulungan sa mga dala ko. Deretsong akyat lang siya ng hagdan. Buti na lang mukhang mabait ang katulong niya na palagay ko'y mas bata lang sa akin ng ilang taon."Tulungan ko na kayo, Ma'am," nakangiti pang sabi nito at kinuha ang isang bitbit ko."Salamat," aniko.Mayamaya ay pareho rin kaming nakaakyat. Nakita ko si Jass na nakatayo sa harap ng isang pinto.Iniwan din ako ni Mina nang maipasok na sa loob ang aking mga gamit."There are rules in this house as well. Unang-una, ayoko sa maingay. Pangalawa, ayoko sa makalat. Though may katulong nga ako rito, matuto ka pa ring panatilihing malinis ang kuwartong ito. Pangatlo, you cannot bring in anyone here, kaibigan, katrabaho o boyfriend - No! Pang-apat, kapag alas-diyes na ng gabi at wala ka pa, the door will never be opened for you. Maghintay ka sa labas hanggang umaga. And lastly, always be careful kapag umaakyat o bumababa ka ng hagdan. I don't want to encounter accidents regarding stairs-falling. Maliwanag ba?"Napasinghap ako sabay tango. 'Bakit naman big deal sa kaniya ang hagdan na 'yon?'HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto. "Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito." Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag n
ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan. Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko. 'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.Matapos
"SALAMAT, Mina." Nakangiti kong kinuha ang brown envelop na inabot ng katulong. Nagpasuyo kasi akong magpa-print at photocopy sa kaniya ng mga documents ko."Mag-aaplay kayo ng trabaho, Ma'am?" curious na tanong nito."Oo eh. Nakakainip kasi rito, wala man lang akong mapagkaabalahan."Halos isang linggo na rin mula nang manirahan ako roon. Wala naman akong problema maliban sa tigre kong asawa pero nagagawan ko naman na iyon ng paraan. Itinataon ko na lang lagi na wala ito kapag bababa ako sa kusina o sa sala para hindi ako makaramdam ng tensyon. Wala naman akong ginagawa maliban sa pagkain at panonood ng tv. Minsan nagkukuwentuhan kami ni Mina. Pero 'pag alam kong paparating na si Jass ay umaakyat na ako sa taas. Akala ko talaga, may kalalagyan na ako nang aksidente kong matapon ang tsaa sa kuwarto niya.Dahil bagong salta ako sa lugar na iyon ay hindi pa ako pamilyar kung ano'ng trabaho ang puwede kong mahanap doon. Minsan sumabay ako kay Mina nang pumasok na ito sa school. May nakit
KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng gising. Almost eight na nang bumaba ako ng kuwarto. Nakaligo na naman ako no'n at handa nang umalis. Dumeretso muna ako sa kusina para kumain. Tuesday ngayon at kapag ganitong araw ay maaga ang pasok ni Mina sa school. Ngunit bago umalis ay nakapagluto na naman ito at nakatakip na iyon sa mesa. I started eating. Mula no'ng araw na iutos ni Jass na bumili si Mina ng mga platong plastik ay iyon na nga ang ginagamit ko kapag kakain. Pero sa kape ay naka-mug pa rin ako. I just always make sure na hindi ko na malapit sa edges iyon inilalagay para iwas disgrasya. Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga busina sa labas. Huminga ako nang malalim. Nandito na siya. Bakit ba ganito na naman ang kaba ko? Binilisan ko na ang pagkain. Ngunit natigilan akong muli nang makarinig naman ng sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi. 'Naku naman itong si Mina...' nasabi ko pa sa isip. Bakit ba kasi kailangan pang i-lock ang
"JEN..." Nagulat ako nang may pumisil sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Dino na naka-formal attire at fresh na fresh ang hitsura."O, akala ko nasa bahay ka," nagtatakang sabi ko habang sinisipat ito ng tingin."Pasensya ka na, hindi ko nasabi. Kahapon kasi ginawan ako ng resumè ng pinsan ko tapos ipinasa niya sa manager nila. Tinawagan ako kaninang umaga para sa initial interview. May dala na nga akong requirements eh, para kung sakaling makapasa, maipasa ko agad," masayang balita nito.Nagalak din ako sa sinabi niya."Buti naman. Sana matanggap ka, Dino.""O, bakit parang late ka na?" Idinaan ko na lang sa ngiti. "Oo nga eh. Tinanghali kasi ako ng gising." Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nalimutan ko na siyang i-chat. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nasa second floor ang store na pinagtatrabahuhan ko kaya sasakay pa ako ng escalator. "Saan ba 'yang trabahong inaplayan mo?" tanong ko habang naghihintay kami sa pag-akyat."Sa may fast food. Malapit lang sa appli
"KUMUSTA na kayo diyan, iha?" Ang malambing na boses ni Doktora ang bumungad sa akin pag-angat ko ng telepono. Kanina pa kasi iyon ring nang ring. Walang ibang sumasagot dahil wala si Mina at nasa school. Si Jass naman ay parang walang naririnig. Nakaupo at prente lang na nagbabasa ng magazine sa sala. Samantalang ako, pababa pa lang ng hagdan para sana kumain. Day-off ko nang araw na iyon. It's been a month mula nang manirahan ako sa bahay na iyon. Para sa akin, malaking achievement na naka-survive ako ng ganoon katagal. Hindi natuloy ang aking 'nervous breakdown'."A-Ayos naman po," nangingimi pang tugon ko."Buti naman. Ano, iha? Dinatnan ka na ba? Hindi ka ba delayed? 'Pag delayed ka, ha, papa-check up ka kaagad." May halong excitement sa boses nito.Napakunot-noo naman ako. "B-Bakit naman po ako made-delayed? Regular naman po ang menstruation period ko," sabi ko naman. Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. "Nevermind, iha. Pero sana naman hindi matapos ang taong ito na wa
"CONGRATULATIONS, guys! Nakalagpas tayo sa kota," masayang anunsyo ng manager ng appliance store na pinagtatrabahuhan ko. Nagdiriwang lahat dahil tiyak na may bonus na matatanggap sa aming sahod. So far, nae-enjoy ko ang pagtatrabaho rito. Bukod sa magaan naman ang trabaho ay palagi pa kaming nagkikita ni Dino. Kung minsan nagkakasabay pa kami ng breaktime. He's doing great in his job as well. Kapag araw ng sahod ay namamasyal kami. Magkasamang namimili sa mall ng mga kaniya-kaniyang personal na pangangailangan. Kumakain sa medyo sosyal na restaurant. At kung minsan, binibilhan niya ako ng regalo. Nabilhan na niya ako ng isang pares ng sapatos na libo ang halaga. Hindi ko na siya napigilan dahil siya ang kusang bumili. Alam niya kasi ang size ng aking paa.Pambawi niya raw iyon sa lahat ng mga naitulong ko sa kaniyang noong walang-wala siya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, ang mahalaga ay batid kong mahal namin ang isa't isa. At ngayon nga, we're celebrating our 23rd month a
Mag-uumaga na. Ngunit pabiling-biling pa rin ako sa higaan. Nakatulog naman ako kagabi pero maaga naman nagising. Mga alas-tres. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari sa sinehan at ang mga napag-usapan namin ni Dino. Hindi ko alam kung bakit parang natatakot na akong makipagkita sa kaniya bukas. Parang nahihiya ako para sa sarili ko.Tama ba na pumayag ako? P-Paano kung magbunga iyon? Paano ko iyon sasabihin kay Tatay? Hay... Ayoko sanang mag-overthink pero parang ganoon na nga ang nangyayari. Ito kasing si Jass, isang buwan na kami mahigit na kasal pero hanggang ngayon wala naman siyang ginagawang aksyon para magkahiwalay na kami. Puro iwasan at sungitan lang ang ginagawa namin. Naalala ko tuloy iyong babaeng tumawag. Tiyak akong kakilala niya iyon at may ugnayan sila sa isa't isa, sana naman ipaglaban niya kung ano mang mayroon sila sa mga magulang niya para mawalan na ng rason para magpatuloy pa ang kasal-kasalang ito. Para wala nang hadlang sa amin ni Dino. Makakapamu
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so