HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.
Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto."Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito."Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag niya kay tatay. Ang ibig sabihin, wala talaga siyang interes sa akin? Hindi niya talaga ako itinuturing na asawa? Mukhang seryoso talaga siya sa agreement at rules niya.Bumangon na rin ako at nagmamadaling bumaba. Hindi ko na kaya. Nagpalingon-lingon pa ako sa paligid para hanapin kung nasaan ang kusina. Pagpunta ko roon ay nandoon pa si Mina na abala sa pagbabasa. Nagulat pa siya nang makita ako."Ate," aniya pero saglit na natigilan. "Ma'am Jen po pala," nag-aalinlangang bawi niya pagkuwan."N-Nag-aaral ka?" nahihiwagaang tanong ko."Opo, Ma'am Jen. Third year college na po. Pinag-aaral ako ni Sir Jass."Saglit akong natigilan at napakislot. Akalain mo 'yon, may mabuting loob din pala ang masungit na iyon. Kaya ba bilin niya ay huwag kong iasa kay Mina ang pagpapanatiling malinis ng kuwarto ko ay para makabawas-bawas sa gawain nito?"Paghahainan ko na kayo, Ma'am Jen," sabi pa ni Mina saka nagmamadaling inalis sa mesa ang mga gamit niya.Isinenyas ko naman ang aking isang kamay."It's okay, Mina. Ako na ang bahala. At saka... huwag ka munang umalis diyan ah, samahan mo muna ako.""Naku! Nakakahiya naman, Ma'am. Baka pagalitan ako ni Sir-""Hindi 'yon. Ako'ng bahala. T-Teka.. nagluto ka ba? Saan ang pagkain dito?" Wala akong nakitang kaldero man lang ng ulam."Nasa ref po, Ma'am. Iinitin ko lang po. Kanina pa kasi ito. Sabi kasi ni Sir Jass huwag ko kayong pakialamanan sa kuwarto n'yo kaya inilagay ko na lang dito sa ref.""Ganoon ba? S-Sige." Nagpatianod na lang ako at hinayaan siya. Niyaya ko siyang kumain nang kumakain na ako, ngunit tumanggi siya. But at least she stayed there at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na lang din masyadong kinausap dahil baka makaistorbo lang ako."Ako na, Ma'am!" awat niya nang simulan ko na ang paghuhugas sa pinagkainan ko."No, ako na. Ituloy mo lang ang ginagawa mo riyan." Akma ko nang ilalagay sa lagayan ng plato ang hinugasan kong pinggan nang may mabangga akong matigas na bulto. Dahil hindi ko 'yon inaasahan ay bigla ko tuloy nabitawan ang hawak ko at bumagsak iyon sa sahig. Basag."What the hell! Hindi kasi nag-iingat!" Dumagundong ang boses na 'yon sa apat na sulok ng kusina. Nagulat pa ako nang malingunan si Jass. May hawak itong baso ng tubig at galit na galit ang hitsura. Sandaling nawala ako sa dapat kong sabihin at gawin."H-Hindi ko naman sinasadya, kasi-""O, h'wag mong hawakan 'yan!"Nagulat akong muli at hindi sinasadya napadiin ang hawak ko sa bubog. Nakita ko na lang na may dugong lumabas mula sa aking daliri."Seriously?" Nang-uuyam ang tono niya. Sa taranta ko ulit, naisubo ko ang daliri kong iyon para maampat ang dugo. "Huwag mong ganyanin, hindi mo alam kung madumi 'yan o hindi!" sigaw niya na naman. Bigla niya ring hinila ang kamay ko.Parang natulos naman ako mula sa aking kinatatayuan. Bakit ganoon ang reaksyon ng katawan ko nang maramdaman ang mainit niyang palad na nakadantay sa balat ko? And when I suddenly looked at his face, nakakunot ang noo niya na parang nag-aalala sa nangyari. It was just a simple scratch pero kung makapag-react siya akala mo naman sobrang lala ng sugat.Napalunok din ako nang makita nang malapitan ang nakahantad niyang balikat. Because he was only wearing a white sando, kita rin ang ilang parte ng matipuno niyang dibdib. He was physically fit. And he looked like not he's 35, kun'di parang nasa late 20s lang.He gasped. "Mina, kindly get the first aid kit. Baka 'pag nagasgasan 'to, pagalitan ako ng tatay nito.""Opo, Sir!" Nakita kong sumunod agad ang katulong."Sit," utos niya sa akin pagkuwan. Taranta pang naghila ako ng isang upuan. Hindi pa rin niya binibitiwan ang daliri kong iyon. I slightly trembled nang maramdamang bahagya niyang hinimas-himas iyon. Parang dinadama kung may nakapasok bang bubog sa loob. Pero ako, kakaibang init ang dulot niyon. Lalo na nang mula sa pagkakaupo ay saglit akong napatingala sa kaniya. He was so tall. At napalunok ako dahil sa maruming ideyang pumasok sa isip ko nang mapatapat ng tingin sa ibaba ng kaniyang puson. Ano ba itong pumapasok sa kukote ko?"A-Ako na. H-Hindi naman malaki ang scratch at -" Kusa akong natigilan nang makaramdam na parang hindi siya sang-ayon sa protesta ko. Bigla kasi siyang nagdabog. Kumuha lang siya ng band aid at nilagyan ang maliit na hiwa roon. Then parang napapasong binitiwan na ako."Next time, let the maid do her duty. Hindi 'yong nagmamarunong ka, palpak naman."Eh kung bakit kasi biglang singit niya sa likod ko? Ni wala man lang excuse. Malay ko ba na naroon siya. May pagkanerbiyosa pa naman ako dahil sa hilig sa kape."Mina, next time, don't let her do the chores. Baka unti-unting maubos ang mga gamit dito sa bahay dahil sa babaeng ito," sabi pa niya sa katulong."O-Opo, Sir Jass. Pasensya na rin po kayo.""Clean it up now. At may pasok pa ako sa ospital."Bigla akong napasulyap sa kaniya. Sa pagkakaalam ko nine na iyon ng gabi. Papasok pa lang siya sa trabaho?Sa bagay, iyon naman ang paalam niya kay Doktora kaya nga dumeretso na kami rito kanina. But I still couldn't help but wonder. Siguro sobrang talino niya talaga at galing sa propesyon niya. Well halata naman sa awra niya. Pero sana lang hindi siya ganito kasungit tulad sa akin sa mga pasyente niya.Umalis na siya habang ako'y nanatili pa rin sa aking kinauupuan. Nang matapos si Mina sa pag-imis sa kalat na nagawa ko ay muli siyang nagbalik sa kusina."Ilang taon ka na ngang naninilbihan dito, Mina?" tanong ko rito."Mag-aapat na taon na po. Actually po, anak ako ng isang katulong na nasa mansyon nila Sir Jass."Napatango-tango ako. "I'm just curious about something.""Tungkol saan po, Ma'am?""Tungkol sa amo mo. May girlfriend ba 'yan before ako dumating dito?" Because I wonder na baka tulad ko ay may tao ring nagmamay-ari sa puso niya kaya ganoon na lang din ang pagsusungit nito at kagustuhang hindi magtagal ang married life naming dalawa.Umiling-iling si Mina. "Wala po akong natatandaang dinala si Sir Jass na babae rito, Ma'am. Palagi siyang busy sa trabaho.""Talaga?" Lalo akong napaisip.ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan. Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko. 'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.Matapos
"SALAMAT, Mina." Nakangiti kong kinuha ang brown envelop na inabot ng katulong. Nagpasuyo kasi akong magpa-print at photocopy sa kaniya ng mga documents ko."Mag-aaplay kayo ng trabaho, Ma'am?" curious na tanong nito."Oo eh. Nakakainip kasi rito, wala man lang akong mapagkaabalahan."Halos isang linggo na rin mula nang manirahan ako roon. Wala naman akong problema maliban sa tigre kong asawa pero nagagawan ko naman na iyon ng paraan. Itinataon ko na lang lagi na wala ito kapag bababa ako sa kusina o sa sala para hindi ako makaramdam ng tensyon. Wala naman akong ginagawa maliban sa pagkain at panonood ng tv. Minsan nagkukuwentuhan kami ni Mina. Pero 'pag alam kong paparating na si Jass ay umaakyat na ako sa taas. Akala ko talaga, may kalalagyan na ako nang aksidente kong matapon ang tsaa sa kuwarto niya.Dahil bagong salta ako sa lugar na iyon ay hindi pa ako pamilyar kung ano'ng trabaho ang puwede kong mahanap doon. Minsan sumabay ako kay Mina nang pumasok na ito sa school. May nakit
KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng gising. Almost eight na nang bumaba ako ng kuwarto. Nakaligo na naman ako no'n at handa nang umalis. Dumeretso muna ako sa kusina para kumain. Tuesday ngayon at kapag ganitong araw ay maaga ang pasok ni Mina sa school. Ngunit bago umalis ay nakapagluto na naman ito at nakatakip na iyon sa mesa. I started eating. Mula no'ng araw na iutos ni Jass na bumili si Mina ng mga platong plastik ay iyon na nga ang ginagamit ko kapag kakain. Pero sa kape ay naka-mug pa rin ako. I just always make sure na hindi ko na malapit sa edges iyon inilalagay para iwas disgrasya. Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga busina sa labas. Huminga ako nang malalim. Nandito na siya. Bakit ba ganito na naman ang kaba ko? Binilisan ko na ang pagkain. Ngunit natigilan akong muli nang makarinig naman ng sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi. 'Naku naman itong si Mina...' nasabi ko pa sa isip. Bakit ba kasi kailangan pang i-lock ang
"JEN..." Nagulat ako nang may pumisil sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Dino na naka-formal attire at fresh na fresh ang hitsura."O, akala ko nasa bahay ka," nagtatakang sabi ko habang sinisipat ito ng tingin."Pasensya ka na, hindi ko nasabi. Kahapon kasi ginawan ako ng resumè ng pinsan ko tapos ipinasa niya sa manager nila. Tinawagan ako kaninang umaga para sa initial interview. May dala na nga akong requirements eh, para kung sakaling makapasa, maipasa ko agad," masayang balita nito.Nagalak din ako sa sinabi niya."Buti naman. Sana matanggap ka, Dino.""O, bakit parang late ka na?" Idinaan ko na lang sa ngiti. "Oo nga eh. Tinanghali kasi ako ng gising." Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nalimutan ko na siyang i-chat. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nasa second floor ang store na pinagtatrabahuhan ko kaya sasakay pa ako ng escalator. "Saan ba 'yang trabahong inaplayan mo?" tanong ko habang naghihintay kami sa pag-akyat."Sa may fast food. Malapit lang sa appli
"KUMUSTA na kayo diyan, iha?" Ang malambing na boses ni Doktora ang bumungad sa akin pag-angat ko ng telepono. Kanina pa kasi iyon ring nang ring. Walang ibang sumasagot dahil wala si Mina at nasa school. Si Jass naman ay parang walang naririnig. Nakaupo at prente lang na nagbabasa ng magazine sa sala. Samantalang ako, pababa pa lang ng hagdan para sana kumain. Day-off ko nang araw na iyon. It's been a month mula nang manirahan ako sa bahay na iyon. Para sa akin, malaking achievement na naka-survive ako ng ganoon katagal. Hindi natuloy ang aking 'nervous breakdown'."A-Ayos naman po," nangingimi pang tugon ko."Buti naman. Ano, iha? Dinatnan ka na ba? Hindi ka ba delayed? 'Pag delayed ka, ha, papa-check up ka kaagad." May halong excitement sa boses nito.Napakunot-noo naman ako. "B-Bakit naman po ako made-delayed? Regular naman po ang menstruation period ko," sabi ko naman. Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. "Nevermind, iha. Pero sana naman hindi matapos ang taong ito na wa
"CONGRATULATIONS, guys! Nakalagpas tayo sa kota," masayang anunsyo ng manager ng appliance store na pinagtatrabahuhan ko. Nagdiriwang lahat dahil tiyak na may bonus na matatanggap sa aming sahod. So far, nae-enjoy ko ang pagtatrabaho rito. Bukod sa magaan naman ang trabaho ay palagi pa kaming nagkikita ni Dino. Kung minsan nagkakasabay pa kami ng breaktime. He's doing great in his job as well. Kapag araw ng sahod ay namamasyal kami. Magkasamang namimili sa mall ng mga kaniya-kaniyang personal na pangangailangan. Kumakain sa medyo sosyal na restaurant. At kung minsan, binibilhan niya ako ng regalo. Nabilhan na niya ako ng isang pares ng sapatos na libo ang halaga. Hindi ko na siya napigilan dahil siya ang kusang bumili. Alam niya kasi ang size ng aking paa.Pambawi niya raw iyon sa lahat ng mga naitulong ko sa kaniyang noong walang-wala siya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, ang mahalaga ay batid kong mahal namin ang isa't isa. At ngayon nga, we're celebrating our 23rd month a
Mag-uumaga na. Ngunit pabiling-biling pa rin ako sa higaan. Nakatulog naman ako kagabi pero maaga naman nagising. Mga alas-tres. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari sa sinehan at ang mga napag-usapan namin ni Dino. Hindi ko alam kung bakit parang natatakot na akong makipagkita sa kaniya bukas. Parang nahihiya ako para sa sarili ko.Tama ba na pumayag ako? P-Paano kung magbunga iyon? Paano ko iyon sasabihin kay Tatay? Hay... Ayoko sanang mag-overthink pero parang ganoon na nga ang nangyayari. Ito kasing si Jass, isang buwan na kami mahigit na kasal pero hanggang ngayon wala naman siyang ginagawang aksyon para magkahiwalay na kami. Puro iwasan at sungitan lang ang ginagawa namin. Naalala ko tuloy iyong babaeng tumawag. Tiyak akong kakilala niya iyon at may ugnayan sila sa isa't isa, sana naman ipaglaban niya kung ano mang mayroon sila sa mga magulang niya para mawalan na ng rason para magpatuloy pa ang kasal-kasalang ito. Para wala nang hadlang sa amin ni Dino. Makakapamu
"KUMUSTA na, 'nak?" Si tatay sa kabilang linya. Kauuwi ko lang no'n galing trabaho. Ako ang tumawag para mangamusta. Kahit masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa niya ay hindi ko pa rin siya matiis."Okay naman, 'Tay. Na-cash out n'yo na ba 'yong pinadala ko?" Kapag araw ng sahod ay nagpapadala pa rin ako. Walang nagbago tulad ng kung paano ko siya aabutan ng pam-budget sa bahay noong doon pa ako sa amin nakatira."Oo 'nak, salamat. Pero hindi na naman ako nanghihingi sa 'yo. Dapat nga, hindi ka na rin diyan nagtrabaho. Kaya naman lahat ng asawa mo ang gastusin-""'Tay, ayoko pong umasa ro'n. Tsaka naiinip ako rito. Ang lungkot ko na nga, tapos magpapakaburyong pa ako kakatambay rito. Ayokong tumanda nang maaga, 'Tay." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Pasensya na talaga, 'nak. Pero hindi ko ginawa 'yan dahil tutol ako sa relasyon n'yo ni Dino. Iniisip ko lang talaga ang kinabukasan mo, anak."Huminga na lang din ako ng malalim. "Para saan pa ang pagtatapos ko ng pag-aaral
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so