Home / All / A WIFE'S BURDEN / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: PayneAzalea
last update Last Updated: 2021-02-27 20:15:21

ERIN's POV

Katatapos lang ng home owners meeting. Dahil na-stress ako, naisipan kong pumuntang club house ng south ridge village.

Naglakad-lakad ako doon.

"Ed, I'm busy," narinig kong sabi ng isang babae malapit sa akin. Nasa harap siya ng kotse niya habang may hawak na phone sa tainga. I know her, si Alexandra. Ang may -ari ng Epitome beauty products. We're neighborhood, halos ilang bahay lang ang pagitan namin noon sa Mulberry.

Doon ako noon bago ako lumipat sa Magnolia with Syd. Pabalik na ako ng bahay, actually maglalakad lang ako since malapit lng naman ito. Isa pa, para makapag-excercise na rin ako.

Habang pauwi, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid. Ako lang ata ang maglalakad pauwi. Medyo mainit na rin kasi. Tinamad kasi ako mag-drive. Since malapit lang naman.

"Wife?" Napalingon ako ng may tumawag sa likod ko. Ewan ko kung bakit ko lumingon, hindi naman Erin ang tinawag, eh sa ganon ang tawagan namin ni Syd.

Nakita ko si Syd na pababa ng kotse bago lumapit sa akin.

"Why are you walking here?"

Napatingin ako sa kaniya. Ano bang masama kung naglalakad ako pauwi?

"Malapit lang naman, Hun. Isa pa nag e-excercise ako," sabi ko pa.

"Let's go," sabi niya at hinila ako papuntang kotse.

Wala na akong nagawa pa, Sayang gusto ko pa naman sana mag swimming.

Nakarating kami sa bahay, mabilis naman akong nag-bihs. Nagulat ako ng makitang aalis na naman siya.

"Are you leaving?" tanong ko, Tumango lang siya.

"Yes, Hun. Hinahanap ako sa office."

Mabilis siyang umalis. Mukhang nakalimutan niya ata? Hindi pa siya nakakalabas ng bahay ay pasimple kong kinuha ang susi.

May kutob kasi ako na hindi siya sa trabaho pupunta.

Mabilis akong pumuntang parking lot at kinuha ang isang kotse kong ducatti. Nnag makalabas ako, nakita ko ang kotse niya na papaliko na. Kaya maingat ko siyang sinundan. Nag-iba ako ng daan para di niya ko mahalata na sinusundan ko siya. Kung sa office nga siya pupunta.

Mabilis akong nakarating ng LA FOURNIER COMPANY. Nag-park ako sa pinakadulo bago ako puumasok sa loob ng company nila, bukod sa airport. May business din siya ng mga kotse.

Nagtago pa ako sa isanng poste para lang makita ko ang pagdating niya. Ilang oras ako naghintay pero walang Syd na dumating. Sinasabi ko na nga ba at may babae siya! Uminit naman agad ang dugo ko, nagpasiya na akong umalis na lang.

Aabangan ko na lang siya sa bahay, doon ko siya kakausapin.

Hindi muna ako umuwi, dumaan muna ako sa Dreame cafe. Tutal sarado pa ang starry. Doon ako nag-stay.

"Ma'am this is your hot choco," nakangiting sabi ng isang waitress. Napatingin ako sa kaniya at nagtanong.

"Miss? Where's Trina?" tanong ko sa kaniya.

"Wala po siya dito, Ma'am. Kakaalis lang po niya."

Tinignan ko pa ang name ng babae.

'Alondra'

"Okay," sabi ko bago kinuha ang hot choco, wala ako sa mood mag kape. Gusto ko lang kumalma. Dahil naiinis ako kay Syd, saan ba siya pumunta?

Agad kong tinawagan si Sab, pinatayan ako ng bruha! Magrereply sana ako pero nagtext agad siya.

"Girl, andito ako sa simbahan! Mamaya ka na tumawag," sabi niya sa text. Para bang binuhusan ako ng mainit na tubig sa sinabi niya.

"Aba, nagpapaka-anghel ka na?" pang-aasar ko.

"Gaga!" sabi niya pa.

Natawa na lang ako kahit hindi ko siya nakikita.

Nakauwi ako ng bahay, pero laking gulat ko ng makita ko si Syd, nakatayo siya sa gilid ng bintana.

"Where are you from?" tanong niya sa akin bago humarap.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, ayoko naman sabihing sinusundan ko siya. Baka magalit pa siya.

"A-ah, nagyaya si Sab, Hun."

Go, Erin! Pagbutihin mo ang pag-dedeny mo.

Akala ko naman ay magtatanong pa siya , pero nagulat ako ng hapitin niya ako papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ako sa leeg. Medyo na-awkward ako kaya mabilis akong umiwas sa kaniya na ikinagulat niya.

"M-malagkit ako, Hun," pagde-deny ko. Dumiretso agad ako sa CR. Nagpahinga ako saglit bago ako nag-shower.

____________________________________________

Nakatulog ako kagabi, hindi ko na namalayan na hindi ko man lang nakausap si Syd. Maaga raw siya umalis, sabi ni manang. Kaya naman nakaisip ako kung paano o siya mahuhuli.

Nakarating ako sa company nila. HIndi na ko nagtanong pa sa mga tao don, gusto ko mabigla siya sa pagdating ko.

Nakarating ako sa floor ng office niya. Pagpasok ko ng office niya, ako ang nabigla ng makitang walang Syd doon. Kaya naisip ko na lang na mangalikot dito. Baka sakaling may makita akong ebidensiya.

Pero bigo ako, pumunta ako sa secretary niya.

"Ma'am, Erin. Wala po dito si sir Syd. Ilang araw na siyang di napunta dito. hianahanap nga po siya ng mga client namin," paliwanag ng secretary niya.

Where's the fuck is he? Ginagago mo ba ako Syd? Uminit bigla ang dugo ko. Pero mas lamang ang kaba. May dapat akong malaman na hindi niya sinasabi sa akin. Ilang linggo na siyang ganito. Naalis kahit gabi. Ayokong pag-isipan siya ng masama pero kung ganito ang ginagawa niya? Sinong hindi magdududa?

Umuwi akong may duda sa isipan. Naghalungkat ako ng mga gamit niya, pero wala akong nakita kundi puro papeles. Sinubukan ko siyang tawgan pero wala rin.

"Baka naman may babae?" tanong ni Sab. Bigla akong kinabahan. Bakit ganito? Ilang araw na rin naming napapansin na madalas ang pag-ayaw ni Nadia sa mga gimik nila ni Trina.

"Don't tell me, si Nadia ang iniisip mong kabit ng asawa mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Ayoko mag-isip pero hindi ko mapigilan. Paano kung tama ako? Si Nadia ang kabit ng asawa ko? Biglang kumulo ang dugo ko at nagmadaling umuwi.Pag-uwi ko wala si Syd doon. Argh! Para akong tanga na nag-iisip ng walang clue. Mahuhuli rin kita Syd. Huwag lang kayong magpapahuli ng kabit mo. Dahil pagbubuhulin ko kayo.

Nakaramdam ako ng kaba ng maisip ko sila bigla, hindi pwede! Napatayo ako bigla kaya naman tinanong ako ni Sabbey.

Hindi ko na nagawa pa siyang sagutin. Pinangunahan na ako ng kaba. Nakauwi ako sa bahay. Pero wala pa si Syd.

"Manang? Hindi pa po ba nauwi si Syd?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa po, Ma'am," sagot naman niya.

Dumiretso ako sa kwarto, matapos kong magbihis, napahiga ako sa kama. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Ewan ko ba, bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Parang may mali, pero natatakot naman akong malaman ang totoo. Sinubukan ko ulit kontakin si Syd, at laking gulat ko ng mrinig ko ang ringtone niya sa loob ng kwarto. Agad akong napatayo at doon ko nakita si Syd na kakapaso lang sa kwarto namin.

"Wife..."

Agad niya akong hinalikan sa labi, pasimple ko siyang chineck. Subalit ni isang bakas wala akong nakita. Magaling magtago!

"Where are you from?" tanong ko.

"In my office," sagot niya habang nakatingin sa akin.

"Galing ako sa office mo, hwala ka don, yung totoo? Saan ka galing?" tanong ko ulit.

Huminga siya na tila naiinis.

"Piangdududahan mo ba ko?" tanong niya.

"Dapat ba akong magduda, Syd?"

Kailangan ko nang mlaman ang totoo. Bahala na kung masakit, basta malaman ko lang kung saan talaga at ano ang itinatago niya.

"Wala, Erin! Wala!" sabi niya.

"Are you shouting?" mataray na tanong ko ulit.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Lumapit siya sa akin.

"Wife, sorry. Pagod lang ako, wala ka dapat ikaduda sa akin. Mahal kita," sabi niya at hinalikan ako.

Hindi ko alam kung bakit ako nakukumbinsi sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang ay lumapat na ang katawan ko sa kama habang magkadikit ang aming mga labi.

Related chapters

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 6

    ERIN'S POV"Good evening, Madame," bati sa akin ng isang guard. After kong pumunta sa office, dumiretso na ako sa loob. Gaya noon, bumungad sa akin ang napakaingay na Bar.Maya-mayaa lang nagulat ako ng may mag-text. Si Eron."Ate, andito ako sa parking..."Yan ang text niya, kaya naan pumunta akong parking. Agad kong nakita ang kotse niyang naka-park. Naninigarilyo siya, habang nakasandal sa kotse siya."What are you doing here? bakit di ka pumasok sa loob?" tanong ko sa kaniya.Hinithit niya muna ang sigarilyo niya bago tumayo at lumapit sa akin."Masama ang asawa mo, Ate."Tinitigan ko siya bago muling nagsalita."Eron, nag-usap na tayo about this--""Masama siya! Kilalanin mo maigi ang asawa mo!" sabi niya. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita."Eron, please

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 7

    ERIN' POV"Wife, maniwala ka. Wala kaming relasyon ng babaeng yon--"Pinutol ko ang sasabihin niya."Ginusto mo bang halikan ka ng babaeng yon, Syd?" tanong ko sa kaniya.Agad naman siyang umangal. I saw the CCTV footage. Dahil feel ko mababaliw na ko kakaisip, kaya naman napagdesisyonan ko nang panoorin iyon.And I saw them kissing, I know that he was drunk last night. Pero masakit pa rin sa part ko na makita ang lahat. Mismong asawa ko na nakikipaghalikan sa kaibigan ko. Hindi naman iyon bago lalo na ang issue na ganon, pero masakit pa rin. Lalo na kung sa iyo nangyayari.Hindi niya ginusto yon, naniniwala ako sa kaniya. Sadyang maharot lang si Nadia, at inabuso ang kalasingan ng asawa ko."Wife, wala akong balak na palitan at patulan ang babaeng yon. Maniwala ka," sabi niya pa. Hindi ko alam konting suyo lang niya naniwala na agad ako.

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 8

    ERIN'S POV"I love you." Hinalikan ako ni Syd sa mga labi bago siya umalis.Medyo nagdududa pa rin ako. Pero isinawalang bahala ko na lang ang lahat ng iyon.Since nakabihis na rin naman ako, dumiretso na ako sa garage. Ilang araw ring hindi ko naasikaso ang starry. Dahil naging busy ako kay Syd. Gusto ko lang naman makasigurado na wala siyang iba.Nakarating agad ako sa starry hub, bumungad sa akin ang napaka-ingay na tugtog na nang-gagaling sa malalaking speaker. Binati naman ako ng staff. Papunta na ko sa office, nang salubungin ako ni Gonzalo."Erin!" masayang bati niya sa akin at tsaka lumapit. Nakita ko naman ang iba pang-kasama niyang lalaki sa table."Si Erin nga pala, the owner of Starry Hub," pakilala niya sa akin. Muli kong binalingan sila ng tingin at laing gulat ko ng makita ko siya!"Erin, si Primo, he's Zanjo and Nicholai..."

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 9

    ERIN's POVTinulungan ako ni Syd tumayo. Hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Nakita ko ang pag-aalala niy sa akin.Nakita ko rin kung paano niya sapakin ang dalawang lalaking kumaladkad sa akin papasok.Naguguluhan ako, kailan pa? Anong ibig-sabihin nito? Para akong isang aso na takot na takot sa amo niya. May baril na hawak si Syd at nakatutok iyon sa tatlong lalaki."Boss! Maawa ka samin, hindi namin siya kilala kayya nagawa namin yon," alma ng isang lalaki na kumaladkad sa akin kanina."Hindi niyo kilala tong babaeng binangga niyo? Asawa lang naman ito ni Boss! Mga tanga!" sigaw ng isang lalaking naka-suit.Hindi ko magawag mag-salita. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila. Takot na takot sila habang nakatingin kay Syd.Nakita ko kung paano itutok muli ni Syd ang baril niya sa tatlong lalaki. Para akong natauhan at sumigaw.

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 10

    ERIN'S POVHuminga ako ng malalim bago naglakas loob na sumugod sa gate na nasa harap ko ngayon. Hindi pa man ako nakakasigaw, nakita kong papalabas na si Nadia kasama si Trina. At mukhang nagkakatuwaan sila."Asan ang asawa ko?" galit na bungad ko sa kaniya, habang si Sab naman pinipigilan ako.Napalingon naman sila sa gawi ko, nakita ko ang pagkagulat nila na andito ako ngayon."Asan ang asawa ko, Nadia?!" sigaw ko kay Nadia na tila nagbago ang expression ng mukha.May ngisi sa labi noya bago siya tumingin kay Trina na nakatingin sa akin."Bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo? Bakit, Erin? Nagsawa na ba siya sayo?" sabi niya at ngumiti ng matamis na ikinainis ko.Tumingin pa siya kay Trina bago sila ngumiti. Wow!"At talagang magkaibigan talaga kayo ano? Sabagay, bagay naman kayong magsama. Mga KABIT, illegal kumbaga," nakangiti ko ring sab

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 11

    ERIN'S POVMatapos ang pag-uusap namin ni Syd. Nagdesisyon na kaming umalis ng bansa. Kailangan naming mag bagong buhay sa Spain.Gaya ng ipinangako niyia last week, unti-unti ko namang naramdaman ang pagbawi niya. Maaga na siyang nauwi sa bahay. Minsan nga ay dumalaw pa ko sa kaniya at naabutan ko siyang busy sa mga documents na naipon mula nang magloko siya sa company.Kaya naman, siya na ang nag-ayos ng mga papeles namin papuntng Spain, since siya naman ang CEO ng Fournier Airlines. Kaya mas mapapa-aga ang pag-alis namin.Minabuti ko nang magimpake kaagad bago kami umalis. Hindi ko pa rin nakakausap ang kapatid ko At ayokong ipaalam sa kaniya ang mga nalalaman ko. Dahil panigurado ay magagalit na naman siya.Siguro bukas ko na lang siya kakausapin. Sa ngayon ay kailangan kong mmag focus sa Starry since taon rin akong mawawala.Andito ako ngayon sa club house

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 12

    ERIN'S POVPapunta na ko ng Starry para kuhain t pirmahan ang ibang documents doon. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang napakaraming tao. Nagkakatuwaan sila sa gitna ng dance floor.Dapat pala sa likod na ko dumaan. Para hindi na ko nakisiksik pa dito. Nakarating naman ako kaagad doon.Matapos ang ilang minuto. Natapos ko na ring pirmahan ang lahat ng documents. Kaya naman naisipan kong lumabas na lang.Paglabas ko, sumalubong sa akin ang mga busy na waiter. May isang waiter na lumapit sa akin."Ma'am Erin, si Sir Syd po hinahanap kayo kanina pa," sabi niya. Napataas ang kilay ko. Nagpaalam naman ako sa kaniya ah?Agad naman akong pumunta sa VIP room. Doon naman siya madalas maghintay kapag busy ako at di ko siya naasikaso.Pagbukas ko ng pinto, nabigla ako sa bumungad sa akin. Parang biglang kumulo ang dugo ko sa nakikita

    Last Updated : 2021-02-27
  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 13

    ERIN'S POV.Habang nag-drive ako, hindi ko mapigilan hindi mapatingin kay Nicholai. Ano bang problema ng lalaking to?"Honey..."Napalingon ako ng wala sa oras ng magsalita siya. Kaya napataas ang kilay ko ng makitang nakapikot ang mga mata niya.May problema yan sila ng asawa niya. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa daan.Ilang saglit pa ay nakarating kami ng South ridge. Ang alam ko ay sa Mulberry rin siya nakatira. Kaya naman tinignan ko ang phone niya at mabilis na hinanap ang address niya. Mabuti na lang at na sinabi ng guard ang bahay niya.Malapit lang ang bahay niya sa bahay ko noon. Kaya dadaanan ko na rin si Eron para makausap siya.Dito pa lang, tanaw ko na ang katulong napapasok sa bahay nila Nicholai. Nakita niya siguro ang kotse ni Nicho kaya napatingin siya."Good evening sir- S-sino po ka

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • A WIFE'S BURDEN   EPILOGUE

    FIVE YEARS LATER..."MOMMY! DADDY!"Hinahanap ko si Kyre dito sa Mall, andito lang siya kanina. Palibhasa ayaw pumasok sa watson. Kaya naman iniwan ko siya dito. Pero saan naman siya pumunta?"M-mommy!! D-Daddy!!" Napahinto ako ng madaanan ko ang isang batang babae na naiyak sa gilid ng watson."Hey? What happened?" tanong kosa bata at umupo para magkapantay kami."Hindi ko po makita si Daddy." Nagulat ako dahil nakakaintindi pala siya ng tagalog. Well, nasa Pilipinas pala ako.Mukha naman kasi siyang mayaman. Kaya for sure englishera siya."What's your name?" tanong ko sa kaniya.Tumingin pa siya na para bang natatakot."Don't be scared. I will help you to find your mommy," nakangiting sabi ko."I'm Jariah, ate..." sabi niya pa."I'm Erin..."N

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 30

    ERIN'S POV"Giiirrll! Syet! Nagpakita ka rin!" sigaw ni Sab sa akin.Ngumiti lang ako sa kaniya."Kamusta? Hindi ka nagparamdam! Nakakainis ka!Halos mabaliw na ko kakaisip kung asan kang lupalop ng universe nagtago!" sabi niya pa."Sira ka!" natatawang sabi ko. Tumigil naman siya at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay."May sakit ka ba? At tumatawa ka?" sabi niya."Ewan ko sayo!" sabi ko bago siya tinarayan."Seryoso ka talaga? Natawa ka na?" Para pa rin siyang may sayad na chi-ne-check ako."Gusto mo magkasakit, Sab?" tanong ko sa kaniya."Nagtatanong lang naman eh, kasi isang himala na natawa ka ngayon," sabi niya sa akin.Sabagay, hindi ko siya masisisi kung makikita niya akong nakangiti ngayon. Samantalang panay iyak at sumbong ko sa kaniya noong huli naming pag-uu

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 29

    ERON'S POVMaaga akong gumising at nagluto for my sister. Last night, hindi ko siya nakausap. I decided to cooked for her breakfast."Ate?" I shout and knock on the door. I wait for almost a minute and shout again."Ate? It's me, Eron." But after a few minutes, walang Erin ang lumabas."ATE!" I shout again. And called Manang."Manang Yolly! Where's the key?! C'mon!" sigaw ko. Nakita ko si Manang na papaakyat papunta sa akin."Sir? Ano pong ginagawa niyo diyan?" she asked."Where's the key? Hindi ako binubuksan ng pinto ni ate, baka kung napano na siya!" sabi ko at pilit na binubuksan iyon."Sir, wala hong tao diyan." Napatingin ako sa kaniya."Kanina pa pong madaling araw umalis si Ma'am Erin. Kaya maaga konring nilinis at nilock yan," sabi niya."WHAT?! Where is s

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 28

    ERIN'S POVNanlalabo ang mata ko habang naglalakad sa madilim na daan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong gana sa lahat. Parang kulang na lang ay tamarin na akong huminga.Sobrang bigat. Feel ko dala ko na ang buong universe sa bigat. Huminto ang paa ko at tumingin sa harap ko."Madame, Erin?!" sabi ni Manang sa akin.Inalalayan naman niya akong pumasok, humungad naman sa akin sa sala si Eron."Ate? Buti napari- Are you crying?" tanong niya nang mapansin ang mata ko."Can I stay here, tonight?" tanong ko. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya."S-sure. But what happened?!" tanong niya ulit."Im fine... I just want to rest... Thank you," sabi ko at umakyat na sa taas. Wala akong gana.Gusto kong magpahinga ngayon. Masyadong masakit. Gusto ko lang ipagpahinga ang lahat. Napatingin ako sa hawak ko. Yung

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 27

    ERIN'S POV"HELLO?"Nagbalik ako sa reyalidad, nakita ko namang nakataas ang kilay ni Sab habang nakatingin sa akin."H-huh?" tanong ko sa kaniya."Aish! Yung totoo? Ano na namang ginawang kabalastugan ng mga yon sayo?!" sigaw niya habang galit na nakatingin sa akin.Wala akong balak sabihin kahit kanino. Dahil hindi pa naman ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Nadia."W-wala naman," nakangiting sabi ko. Yung ngiting pilit. Alam ko namang alam niya na nagpapanggap lang ako."Hayst! Ewan ko ba sayo, Erin! Bakit ka pa nagtitiis? Hindi ko talaga maisip na aabot ka sa ganiyan. Na magtitiis ka sa isang lalaki!" sabi niya."Because I love him. Sab, maiintindihan mo rin ako. Pagdating ng araw na magmahal ka ng totoo. "Actually, kanina pa talaga ako wala sa sarili. Iniisip ko yung sina

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 26

    ERIN'S POVPalabas na ko ng bahay nang makasalubong ko si Nadia kasama si Trina."Oh! Hi, Erin!" masayang bungad n Trina sa akin with matching malawak na ngiti pa.Nilagpasan ko sitlya at dumiretso sa pool. Magdidilig na lang ako ng halaman kaysa makausap sila. Mas nakaka-aliw pa ito.Nagdidilig ako nang lumapit sila sa pool habang may hawak pang snacks. Tigas talaga ng mukha di ba? Pasalamat siya at pauwi na si Syd."OMG!" hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang usapan nila."For real? OMG Nadia!" sigaw pa ni Trina na animo'y namamangha."Yes, I'm three weeks pregnant."Para akong tinanggalan ng kaluluwa sa sinabi niya. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko."For sure matutuwa si Syd nito. Magkaka-anak na kami!" sigaw pa niya.Pero hindi ko naririnig ang ibang usa

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 25

    ERIN'S POVWEEKS PASSED.Naunang umalis si Syd kesa kay Nadia. Naiwan pa si Nadia dito nang ilang oras bago siya umalis ulit. Hindi na ko nag-abalang alamin pa. Sanay na ako sa ganitong setup."Hija, hindi sa nakiki-alam ako. Pero sobra na, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Manang sa akin.Napatigil ako sa pagdidilig ng halaman. Bago ngumiti sa kaniya."I know my husband, Manang. May amnesia lang siya. Babalik at babalik rin ang alaala niya.""Pero kailan? Hindi ka ba nababahala? Na hanggang ngayon ay wala pa ring maalala ang asawa mo?" sabi niya na sobrang ikinakaba ko. She's right. Ilang buwan na kaming ganito. Ilang buwan na siyang walang maalala."Ang akin lang hija, huwag mo sagarin ang sarili mo. Dahil mahirap lalo na pag sarili mo ang kalaban mo," sabi niya pa.Naiwan akong tulala sa sinabi niya._______________________

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 24

    ERIN'S POVIlang araw lang ang lumipas, buti na lang at gumaling na ko. Papunta ako ngayong superkamarket. Nabuburyo na rin kasi ako sa bahay. Kaya ako na ang nagdesisyon na mamili.Umalis sila kahapon pa, hindi nga sila umuwi eh. Hindi ko nga alam bakit ako pumayag sa ganitong setup. Kung bakit hinayaan kong mangyari to. Wala naman akong magagawa eh. Si Syd yon.Ayoko lang talagang pakawalan siya ngayon, kahit gusto ko siyanh sisihin sa lahat. Pero dahil may amnesia siya, kaya hahayaan ko muna. Sa NGAYON.Nakapasok na ko sa market nang may makasalubong ako."Erin?" tiningnan ko siyang muli. Hindi ko siya kilala. O dahil naka sunglasses lang siya? Maski boses niya hindi ko kilala."It's me! Kyre!" napataas ako ng kilay. Seriously? Muli kong tinignan ang suot niya."HAHAHAHA! Don't mind my clothes," nakangiting sambit niya.

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 23

    ERIN'S POVWeeks Passed.Nagdidilig ako ng mga halaman dito sa garden. Since mula nang magday-off sila ay hindi na sila bumalik pa. Tangin ang isang katulong at si manang na lang ang andito.Pinili ko na rin magdilig para malibang ako. Medyo okay na rin ako. Tinanggap ko na pakonti-konti ang lahat.Mula nang dito tumira si Nadia, mas lalong naging miserable ang buhay ko. Madalas ko silang nakikitang naglalampungan na para bang hindi sila nagsasawa. Habang natagal, nasasanay na lang din ako. Wala naman akong choice eh, hanggat hindi mismo ang totoong Syd ang nakikipaghiwalay sa akin, hindi ako bibitaw. Kakapit pa rin ako hanggang sa maalala niya ang lahat.Sandali kong hinubad ang singsing namin ni Syd.At ipintong iyon sa mesa kasama ang mga relo at bracelet ko. Bago nagpatuloy sa pagdidilig."Ang ganda naman ng singsing niyo," sabi ni Nadia na hin

DMCA.com Protection Status