“Is that how you greet your fiancee?” mataray na tanong ng babae.Hindi ko na naitago ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Simula nang makaapak ako rito sa kumpanya ni Mr. Silvano ay hindi ko pa nakita ang fiancee nito. Ni hindi ko alam ang mukha dahil wala siyang picture sa opisina ni Mr. Silvano. Kaya nakakagulat na bigla na lamang itong susulpot dito nang walang pasabi.Mukha pa siyang arogante.“You came here unannounced, what do you want me to do? Be fucking surprised that you’re here?” masungit na saad ni Mr. Silvano dahilan ng bahagyang pagkapahiya ng babae. Tumingin siya sa akin kaya napatingin din sa akin si Mr. Silvano.“I was calling you! I was texting you but you never replied to me! Why are you doing this to me, Damon? Can’t you accept the fact that we’re already engaged and you’re about to marry me soon?” she bantered that made the guy mad even more.Tumunog ang elevator at bumukas. Malalaki ang hakbang na lumabas si Mr. Silvano. Ang mga nasa lobby ng palapag ay
Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa aking mga gamit. Kaunti lang iyon pero alam kong mabigat.“Ako na ang magbubuhat,” aniya nang ituro ang dalawang malaking maletang naroon.Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Ako naman ay binuhat ang ibang hindi naman sobrang bigat para mabilis na rin kaming makaalis. Naabutan kami ng landlord sa hallway at sinabing magtatawag ng taong tutulong dahil nakita niya ang buhat ni Mr. Silvano.“Ito si Macoy tutulong, pamangkin ko. Para hindi kayo mahirapan gaano sa pagbaba.” Aniya at pumasok nga si Macoy sa bahay. Mukhang bata pa ito, siguro ay mas bata sa akin o ka-edad ko.Kunot ang noo ni Mr. Silvano nang makitang nakatingin ako sa lalaki. Tinawag niya ako kaya naman nagpatuloy na ako. Dinala ko ang mga gamit ko at sumunod sa kaniya. Nagpasalamat ako sa landlord at kay Macoy sa pagtulong. Nagbigay naman ng pera si Mr. Silvano.“Pang-meryenda n’yo po,” aniya sabay abot ng isang libo sa landlord.“Naku! Ang laki naman n
Nakatitig ako sa glass wall ng restaurant at agad nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko nang mapansin ang ngiti ni Damon sa babae. Hindi ko kilala ang babae. Dahil paniguradong hindi iyon ang babaeng pumunta sa opisina noong nakaraan. Hinawakan ng babae ang kamay ni Damon na nasa lamesa at ngumiti rito ng nakakaakit.Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Baka… may personal meeting siya na hindi ko alam dahil kadalasan naman ng meeting niya na para sa kumpanya ay alam ko dahil ako ang sekretarya niya. Baka ito ay para lang talaga sa personal na bagay? Pero gaano kapersonal? Kaya ba siya nagmamadaling umalis kanina?Huminga ako nang malalim bago umalis doon. Naghanap na lang ako ng malapit na grocery store. Mukhang malayo ang palengke rito. Okay naman din siguro kahit sa grocery store at hindi muna sa palengke.Inabala ko ang sarili ko sa pamimili ng mga rekado sa lulutuin ko. May budget naman ako kaya hindi na rin ako namahalan nang sobra sa mga pinamili ko. Pagkatapos bumi
“Kai! Anong ginawa mo? Anong nangyari?!” Humahangos na lumapit sa akin ang kaibigan kong si Carley habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak.Madaling araw na nang makarating ako sa probinsya at kumatok ako sa apartment ng kaibigan ko. Hindi ko man ginustong makaabala, wala naman na akong ibang pagpipilian pa. Ayaw kong harapin ang kapatid ko ng ganito ang hitsura ko. Mas mabuti pang kay Carley ako dumiretso dahil maiintindihan niya ako, dahil walang alam ang kapatid ko sa nangyayari sa akin, dahil na rin sa pagsisinungaling ko sa kaniya tungkol sa totoo kong trabaho sa Maynila.Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko inaasahan ‘to. Hindi ko naman alam na mangyayari ito sa akin at sa trabaho ko. I failed my job—my mission. Na-scam pa ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakaahon. Kailangan pa ako ng nanay at kapatid ko. Bakit ngayon pa ito nangyari sa akin?“Carley…” umiiyak kong tawag sa kaibigan ko. Awang-awa siya sa akin habang pinagmamasdan ako.“Anong nangyari? Bakit… B
Sa bawat araw na dumadaan ay hindi na talaga ako mapakali. Hindi ko na alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinanggap ko ang alok sa akin ng babaeng ‘yon. Pero isa lang ang alam kong dahilan: dahil kapos sa pera ay wala na akong nagawa kung ‘di ang tanggapin iyon.“All you have to do is seduce him until the day before his wedding. At habang ginagawa mo ‘yon ay pasimple ka nang kumuha ng pera niya. I know you can do that. You’re not that dumb, right?” nakangiti sa akin ang babae habang pinapaliwanag ‘yon.‘Makakaya ko ba ‘yon?’ tanong ko sa aking sarili.Tumango ako at nag-iwas ng tingin. “Gagawin ko po ang makakaya ko para magawa iyon lahat.” Pangako ko sa babae.“Dapat lang. Dahil kapag hindi mo nagawa ‘yon, ikaw ang malilintikan sa akin. Tandaan mo ‘yan.” Banta nito sa akin. Tumango muli ako sa kaniya bilang tugon na naiintindihan ko ang sinabi niya.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila ineeksamin ang aking pisikal na katangian. “Hindi ka naman mapaghihinalaan na may ma
Nakatulugan ko iyon dahil na rin sa pagod sa biyahe at nagising nang mag-ring ang aking cellphone. Agad ko naman iyong kinuha at sinagot ang tawag ni Madame Berry na mukhang kanina pa tumatawag sa akin, baka magalit na ito sa akin.“Uh… hello po, Ma’am Berry?” bungad ko sa tawag.Narinig ko ang inis na buntong hininga niya sa kabilang linya.“Why are you not picking up the call?!” the woman countered, annoyed now.Tumikhim ako. “Sorry po, nakatulog po kasi ako pagkarating ko rito sa apartment ko.” Hingi ko ng paumanhin dito.“Sa susunod kapag tumawag ako sa ‘yo, make sure to answer immediately, okay?!” inis nitong saad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.“Opo,” sagot ko habang tumatango kahit na hindi naman nito nakikita ang ginagawa ko.“So bukas dumiretso ka na sa company at sabihin mong ikaw ang bagong sekretarya ng CEO. From tomorrow you’ll start spying and plotting you need to do to get the money. You should always remember that, okay?”Tumatango ako habang nagsasalita ang kausap s
“Huwag kayong mag-alala dahil trabaho naman ang habol ko rito at hindi lalaki,”Tumango si Tarah at ngumiti. Maya-maya ay bumalik na kami sa loob upang maghintay ng kung anong utos sa amin.“I want a coffee,” napatingin ako sa lalaking nasa harapan nang magsalita ito.“Uh…” hindi ko alam kung ako ba agad ang gagawa no’n dahil hindi ko pa naman alam kung paano gawin ang kape niya.“Tarah, make me a coffee.” Utos ulit nito kaya naman napahinga ako nang malalim dahil ko naman alam ang gagawin.“Right away, sir.” Anito bago umalis sa tabi ko at lumabas.Naiwan ako ro’n na hindi na alam ang gagawin. Tumitig na lang ako sa kawalan habang ang boss ay nagpapatuloy sa ginagawa nitong pagbabasa sa kung anumang nasa folder na ‘yon.“How old are you again?” muntik pa akong mabulunan sa tanong na ‘yon.“Twenty-four, sir.” Mabuti na lang ay hindi ako nautal sa pagsagot sa kaniya.“You didn’t finish your College degree? Why?” he asked again. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago ako nagsalita.“Uhm…
Pagkatapos kong dalhin iyon sa HR Department ay bumalik na ako sa lamesa ko. Hindi na ulit ako tinawag ni Mr. Silvano sa loob ng isang oras. Hindi ko alam kung iyon na ang huli niyang utos o marami siyang ginagawa kaya hindi na niya ako ulit tinatawag pa.Tiningnan ko ang schedule niya at nakitang may 3pm meeting siya sa isang representative ng kilalang kumpanya. Bumaling ako sa orasan na nasa mesa at nakitang alas dos y media na pala.Tumikhim ako bago pinindot ang intercom para paalalahanan siya sa sunod na activity niya.“Sir, you have a meeting with Heyin Corp. at 3pm.” Imporma ko sa kaniya.Hindi naman ako naka-receive ng sagot sa kaniya kaya naman hinayaan ko na lang.At 3:45pm the representative arrived.“Sir, the representative of Heyin Corp. is already here,” saad ko para malaman niyang narito na ang panauhin.“At the conference room,” iyon lang ang sinabi niya pero alam ko na agad ang meaning no’n.Iginiya ng receptionist ang bisita papunta sa conference room habang ako nama