Nakatulugan ko iyon dahil na rin sa pagod sa biyahe at nagising nang mag-ring ang aking cellphone. Agad ko naman iyong kinuha at sinagot ang tawag ni Madame Berry na mukhang kanina pa tumatawag sa akin, baka magalit na ito sa akin.
“Uh… hello po, Ma’am Berry?” bungad ko sa tawag.
Narinig ko ang inis na buntong hininga niya sa kabilang linya.
“Why are you not picking up the call?!” the woman countered, annoyed now.
Tumikhim ako. “Sorry po, nakatulog po kasi ako pagkarating ko rito sa apartment ko.” Hingi ko ng paumanhin dito.
“Sa susunod kapag tumawag ako sa ‘yo, make sure to answer immediately, okay?!” inis nitong saad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.
“Opo,” sagot ko habang tumatango kahit na hindi naman nito nakikita ang ginagawa ko.
“So bukas dumiretso ka na sa company at sabihin mong ikaw ang bagong sekretarya ng CEO. From tomorrow you’ll start spying and plotting you need to do to get the money. You should always remember that, okay?”
Tumatango ako habang nagsasalita ang kausap sa kabilang linya. Itinatak ko sa isipan iyon hanggang sa matapos ang usapan namin. Tumayo ako at nagpasyang mamalengke muna para may makain ako mamayang hapunan, para na rin bukas at sa mga susunod pang mga araw. May pera ako pero hindi iyon malaki. Kahit pa nga malaki ang binigay sa akin ni Madame Berry ay hindi naman malaki ang na-withdraw ko para lang may panggastos ako rito at maiwang pera kay Ven.
“Magkano po rito?” tanong ko sa tinderang nagtitinda ng gulay.
Napag-isipan kong bumili na lang muna ng mga hindi mabubulok ng ilang araw at mga delata dahil wala naman akong ref para paglagyan ng ibang bibilhin, lalo na kung karne iyon.
“Bibili na lang din siguro ako ng ref? O kaya h’wag na lang, mapagtiya-tiyagaan naman ang mga delata. Bibili na lang ako ng lutong ulam.” Bulong ko sa sarili ko nang may makitang tindahan ng mga appliances.
Bumili na rin ako ng kaldero, kawali, kaserola, at takure na alam kong kakailanganin ko sa araw-araw.
Nang matapos ako sa pamimili ay umuwi na rin ako sa apartment. At nang dumating ako roon ay nagluto na ako ng makakain bago tinawagan ang kapatid ko. Dahil paniguradong naghihintay na ‘yon sa tawag ko.
“Hello, Ven?”
“Ate! Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa biyahe mo?” tanong agad nito nang sinagot niya ang tawag ko.
Natawa ako nang bahagya, “hindi naman. Saka maayos naman din ang bus na nasakyan ko. Hindi naman ako mahiluhin sa biyahe, e. Nga pala, kumusta kayo riyan? Si Nanay kumusta na siya?”
Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago sumagot. “Hindi pa rin siya gano’n kaayos, Ate. Kanina ay gising na gising siya kahit na sinabihan ko namang matulog muna para makapagpahinga siya pero ayaw niya dahil hindi na raw siya inaantok. Panay pa rin ang sakit ng ulo niya. Mino-monitor pa rin siya ng mga doktor at mga nars. Ang sabi ng Doktor ay baka isailalim ulit siya sa CT scan at MRI mamaya o bukas.”
Hindi ko rin alam kung bakit gano’n ang nangyari kay Nanay, kailan lang din namin nalaman, kung hindi pa siya nagkumbulsyon ay hindi pa namin siya madadala sa hospital at hindi pa namin malalaman ang sakit niya. Noong mga nakaraan ay panay ang sakit ng ulo niya, sinasabi niyang normal lang daw ‘yon kaya hindi na namin sineryoso, lalo na at nakakainom naman siya ng gamot sa sakit ng ulo, nawawala rin naman pero hindi namin inasahang kukumbulsyunin siya dahil sa sobrang sakit ng ulo. Siguro dahil sa dami na rin ng problemang kinahaharap namin simula nang mawala ang amahin ko na siyang tumaguyod sa pamilya namin. Pero marami ring problema na naiwan at utang na kailangan bayaran.
Pinilit kong huwag maluha habang nakikinig sa kapatid. “Hayaan mo at gumagawa na ako ng paraan upang magkaroon ng pera pampagamot ni Nanay. Magsisimula na rin ako sa trabaho ko bukas kaya huwag ka nang mag-alala. Padadalhan din kita ng pera panggastos mo riyan sa Linggo.” Ani ko upang itago ang katotohanan sa kapatid na hanggang ngayon ay wala pa ring kaide-ideya sa gagawin ko.
“Paano kaya kung… tumigil na lang din ako sa pag-aaral, Ate? Tutulungan kitang magtrabaho. Kahit dito lang ako sa atin magtrabaho. Para may maidagdag ako sa gastusin.” Agad akong naalarma sa sinabi ng kapatid ko.
“Ven! Hindi! Hindi ka magtatrabaho, okay? Makinig ka sa akin, ako lang ang magtatrabaho at ipapapatuloy mo ang pag-aaral. First year college ka na, i-prioritize mo ‘yang pag-aaral mo. Hayaan mong ako ang humanap at gumawa ng paraan sa problemang kinakaharap natin.” Gagad ko sa sinasabi ni Ven sa kabilang linya.
“Pero, Ate, mas matatagalan at mahihirapan ka kung hindi kita tutulunga. Saka, alam mo ba kung ano’ng sinabi ni Nanay kanina nang magising siya? Na gusto na niyang umuwi at hindi magpagamot dahil nalaman niyang pumunta ka ng Maynila para magtrabaho at humanap ng pera para maipagamot siya. Ayaw niyang maging sagabal sa ‘yo–sa atin!” pakikipagtalo pa niya.
Doon tumulo ang luha ko. Habang pinakikinggan ang hinaing at mga salita ng kapatid ko ay mas lalo akong naging determinado na gawin ang lahat ng makakaya ko sa trabahong ito. Dahil bukod sa matatanggap ko kay Ma’am Berry ay sasahod pa ako bilang sekretarya ng CEO na ‘yon.
“Huwag mo na muna isipin ang pagtatrabaho, Ven. Hayaan mong si Ate ang gumawa ng paraan, okay? Asahan mong gagawin ko ang lahat para mapaigamot si Nanay at makasama pa natin siya nang matagal.” Saad ko habang pinupunasan ang luha ko.
“Ate…” rinig ko ang hikbi ng kapatid ko dahilan upang mas lalong tumulo at mag-unahan ang mga luha ko.
Hindi ako pinatulog ng isiping ‘yon. Naririnig ko pa rin sa aking utak ang paghikbi ng kapatid ko, ang lungkot sa boses nito, at ang kawalan ng pag-asa.
I don’t want that thought to burden my job. I have to be tough and have a good plan right now. Hindi ako p’wedeng panghinaan ng loob ngayon. Narito na ako, kailangan kong panindigan ito. Kailangan kong panindigan ang trabahong ito dahil ito lang ang alam kong makakasalba sa amin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-asikaso. Nagluto muna ako ng agahan bago kumain at maligo. Pagkatapos ay umalis na ako ng bahay, nakatatak sa isipan ko na kailangan ko munang magmukhang inosente sa loob ng isa o dalawang liggo hanggang sa makuha na niya ang loob ng aking biktima.
Kinilabutan ako sa salitang iyon. Hindi ako sanay at hindi ko akalaing magagamit ko ang salitang iyan sa sarili ko.
Nakasuot lang ako ng simpleng puting dress na pinatungan ko lang ng itim na blazer, nagsuot din ako ng sandals at pinaresan ng kulay puting sling bag. Mabuti na lang at may mga ganito akong damit na p’wedeng gamitin as formal attire. Noon kasi nasusuot ko ito sa school at noong nagtatrabaho ako sa Munisipyo. Mabuti na lang at nagkasya pa sa akin. Medyo masikip pero hindi naman para masira kapag sinuot ko na. Bibili na lang ako sa susunod ng ibang damit kapag nag-day off ako.
Malalim akong napabuntong-hininga nang makarating ako sa tapat ng matayog na mga gusali. Halos malula ako kakatingin doon kahit na nasa labas lang naman ako at hindi pa nakakaapak sa loob no’n.
Habang nakatingala ako roon ay may sasakyan namang bumusina sa likod ko. Malakas akong napatili at napansing nakaharang pala ako sa daan. Mabilis akong gumilid at tiningnan ang sasakyan pero tinted ang mga bintana no’n kaya naman hindi ko rin nakita ang nakasakay sa loob.
Bumaling ulit ako sa gusali at binasa ang nakasulat doon sa isang maganda at makintab na metal.
“E.D. Silvano Real Estate… Silvano… saan ko nga ulit narinig ang apelyidong ito?” ani ko sa sarili habang tinititigan ang nakasulat. “Parang narinig ko na ito noon. Hindi galing kay Ma’am Berry, paniguradong narinig ko na ‘to noon.” Umiling ako dahil natanto kong nagtatagal na ako roon. “Hay naku! Huwag ko na nga lang isipin ‘yan.”
Pumasok ako sa loob ng gusali. Agad akong binati ng guwardiya at tinanong kung ano ang sadya ko sa lugar.
“Uh… ako po ‘yong nag-apply na bagong sekretarya,” sagot ko sa guwardiya.
“Ah! Ikaw pala ‘yon. Halika rito sa receptionist para matawag ang HR Manager. Iyon kasi ang magbi-briefing sa ‘yo mamaya.” Anito na tinaguan ko na lang.
Kinakabahan ako!
Kaia, kalma lang. Kumalma ka. Huwag mo ipahalatang may iba kang balak!
“This way, Miss.” Anang isang receptionist bago kunin ang impormasyon ko. Mabuti na lang at alam ko na ang detalye ng mga sasabihin ko ngayon!
Nakilala ko ang HR Manager at hindi lang pala ako ang naroon, mayroon ding iba pero dahil iba ang in-appy-an ko ay pinagilid muna ako hanggang sa matapos sila. Nang matapos doon ay ako naman ang nilapitan niya.
“Dahil sekretarya ka ni Mr. Silvano, kailangan nasa bahay ka na niya bago pa man mag-alas sais ng umaga dahil gusto niyang marinig ang schedule niya habang nasa bahay–habang nag-aasikaso siya sa pagpasok o habang kumakain siya ng agahan. Ikaw rin ang magdadala ng mga files na inuuwi niya para pirmahan o basahin ng personal. Huwag kang mag-alala dahil may allowance ka naman para sa pamasahe mo sa pagpunta sa bahay niya.” Sambit nito na sinaulo ko naman agad. “Ayaw niya ng mabagal kumilos. Ayaw niya ng nale-late. Bale magsisimula ang araw mo sa trabaho once na makatapak ka sa bahay ni Mr. Silvano. You may call him Sir or Mr. Silvano. And… you better not flirt with him dahil iyan ang pinakaayaw niya sa lahat ng mga nagiging sekretarya niyang babae.” Anito na may banta sa boses.
‘Siguro ay dahil na rin sa ikakasal na siya kaya ayaw niya ng nilalandi siya? Masyado siyang loyal sa mapapang-asawa niya at hindi niya gusto ang magkaroon ng issue na pag-aawayan nila.’ Ani ko sa aking isip. ‘Pero paano ko siya lalandiin kung gano’n ang pinakaayaw niya?’
“Mr. Evander Damon Silvano is one of the most successful bachelors in the Philippines and even one of the top 10 successful businessmen all over Asia. Maselan ‘yan lalo na sa mga babaeng empleyado. Dahil nga karamihan ng mga babaeng empleyado ay nagnanasa sa kaniya…” anito na para bang may pinapahiwatig sa akin. “And because of that… they’re fired out of their job as the consequences of their malicious actions towards the boss.”
Tumango ako, “makakaasa po kayong malinis ang intensyon ko sa trabahong ito, ma’am.” Painosente pa akong ngumiti rito para idiin ang punto ko.
‘Malinis nga ba?’ my mind contradicted my words.
Ilang minuto pa ang itinagal ng briefing at matiyaga naman akong nakikinig upang malaman ang mga gagawin. Mabuti na lang din at hindi na bago sa akin ito dahil naging sekretarya rin ako sa munisipyo noong nag-aaral pa ako at kailangan niya ring kumayod sa murang edad.
“O siya, halika na at ipapakilala na kita kay Mr. Silvano sa opisina nito at ngayong araw rin ang simula ng pagtatrabaho mo. May makakasama ka sa unang araw, ang pansamantalang sekretarya ni Mr. Silvano, pero ngayong araw lang dahil bukas ay ikaw na mag-isa. Kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang magtagal ka sa trabahong ito. Mr. Silvano could fire you any time. Always remember that, okay?” Tumango ako sa kaniya at inayos ang sling bag na dala.
Sumunod ako sa ginang habang dahan-dahang inililibot ang mga mata sa paligid. Napakalaki noon at hindi mo aakalaing nasa isang kumpanya ka lang, para na iyong mansyon sa lawak at sa gara ng hitsura.
“Good morning, Mr. Silvano,” the woman greeted the moment we entered the office.
Nakatuon ang tingin ko sa likod ng ginang kaya naman hindi ko agad makita ang taong nasa harapan namin ngayon.
“This is the new secretary we hired for you, sir.” At nang gumilid ang ginang ay nakita ko ang lalaking nakatalikod sa amin dahil may kinuha ito saglit.
“Kaia Yllana… Formario,” anito sa pangalan ko gamit ang mababa at matigas na boses.
“Y-Yes, sir…” I answered, stuttering.
“Hmm… I see.” Said the man in front, then turned around for me to gasp because of the man’s beauty.
Hindi ako nakapaghanda roon, mabuti na lang ay hindi narinig ng ginang na nasa gilid ko ang pagsinghap ko dahil doon. Tumagilid ang ulo ng lalaki na para bang sinusuri ako kahit na malayo naman ako sa mesa niya.
“Can you stay professional?”
Tumango siya, “yes, sir. I can stay professional. This is not my first time being a secretary, so rest assured that I will do my very best as your secretary.” She answered with determination.
Tumango ang binata at ibinaba ang folder na hawak, na paniguradong ang ginawa niyang portfolio iyon.
“I’ll look forward to that, then.” Ani ng binata at umupo na sa swivel chair nito. “You may start your job now. Tarah,” tinawag nito ang babaeng nasa gilid na pansamantala nitong sekretarya. “Tell her about my schedule.”
“Yes, sir.”
Umalis ang manager at iniwan na ako sa babaeng nagngangalang Tarah na binibigay na sa akin ngayon ang schedule ni Mr. Silvano. Gaya kanina ay nakinig lang din siya at sinaulo ang mga sinasabi ng babae. Iginiya niya ako sa labas.
“Ito ang magiging lamesa mo. Sa iyo muna dadaan ang mga bisita o mga kliyente, tatawag ka kay sir gamit ang intercom bago mo papasukin ang mga kliyente. Kailangan ay may appointment ang kliyente at kilala ang bisita bago papasukin dahil galit si sir kapag hindi importante ang usapan.” Imporma ni Tarah sa akin.
“Lagi ba talagang galit si Mr. Silvano?” tanong ko nang hindi na mapigilan.
“Hindi naman. Masungit siya pero may mabait na side naman si Sir Damon.”
“Damon…” I echoed his name.
“At… ayaw niya ng sekretaryang haharutin lang siya.” Biglang nagseryoso ang boses nito.
Alam kong may gusto siyang ipahiwatig sa akin kaya naman tinanguan ko siya habang may maliit na ngiti sa labi bago seryoso ring nagsalita.
“Huwag kayong mag-alala dahil trabaho naman ang habol ko rito at hindi lalaki,”
“Huwag kayong mag-alala dahil trabaho naman ang habol ko rito at hindi lalaki,”Tumango si Tarah at ngumiti. Maya-maya ay bumalik na kami sa loob upang maghintay ng kung anong utos sa amin.“I want a coffee,” napatingin ako sa lalaking nasa harapan nang magsalita ito.“Uh…” hindi ko alam kung ako ba agad ang gagawa no’n dahil hindi ko pa naman alam kung paano gawin ang kape niya.“Tarah, make me a coffee.” Utos ulit nito kaya naman napahinga ako nang malalim dahil ko naman alam ang gagawin.“Right away, sir.” Anito bago umalis sa tabi ko at lumabas.Naiwan ako ro’n na hindi na alam ang gagawin. Tumitig na lang ako sa kawalan habang ang boss ay nagpapatuloy sa ginagawa nitong pagbabasa sa kung anumang nasa folder na ‘yon.“How old are you again?” muntik pa akong mabulunan sa tanong na ‘yon.“Twenty-four, sir.” Mabuti na lang ay hindi ako nautal sa pagsagot sa kaniya.“You didn’t finish your College degree? Why?” he asked again. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago ako nagsalita.“Uhm…
Pagkatapos kong dalhin iyon sa HR Department ay bumalik na ako sa lamesa ko. Hindi na ulit ako tinawag ni Mr. Silvano sa loob ng isang oras. Hindi ko alam kung iyon na ang huli niyang utos o marami siyang ginagawa kaya hindi na niya ako ulit tinatawag pa.Tiningnan ko ang schedule niya at nakitang may 3pm meeting siya sa isang representative ng kilalang kumpanya. Bumaling ako sa orasan na nasa mesa at nakitang alas dos y media na pala.Tumikhim ako bago pinindot ang intercom para paalalahanan siya sa sunod na activity niya.“Sir, you have a meeting with Heyin Corp. at 3pm.” Imporma ko sa kaniya.Hindi naman ako naka-receive ng sagot sa kaniya kaya naman hinayaan ko na lang.At 3:45pm the representative arrived.“Sir, the representative of Heyin Corp. is already here,” saad ko para malaman niyang narito na ang panauhin.“At the conference room,” iyon lang ang sinabi niya pero alam ko na agad ang meaning no’n.Iginiya ng receptionist ang bisita papunta sa conference room habang ako nama
Hindi ko alam kung paano ko matitiis ang hindi tumingin sa gawi ng boss ko. He was just there, driving and in all serious mode, minding his own business. Tapos ako ito at hindi mapakali kung paano ako uupo nang maayos sa passenger seat habang nagmamaneho siya. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.At ano ‘yong sinabi niya kanina? Baka may maghatid pa sa akin na iba? Sino naman? Wala naman din akong close sa kumpanya dahil halos palagi lang akong nasa lamesa ko at inaatupag ang trabaho ko. Kaya wala pa akong nagiging close sa opisina, mapababae o lalaki man.“Can you tell me your address?” napatingin ako rito nang magsalita siya.Hindi pa ako nakapagsalita agad dahil napatitig ako sa side profile niya. Napakaperpekto talaga ng hugis ng mukha niya. Hindi mo aakalaing natural ang mukha niya dahil walang bahid ng kung anumang kapangitan ito. From his perfect jawline, his pointed and proud nose, to his brown eyes and long lashes, to his thick eyebrows… it’s all perfect for me. Kaya siguro
“I have an offer for you,” napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon. Seryoso siyang nakatingin lamang sa unahan, sa basement na halos wala pang tao dahil maaga pa naman at hindi pa uwian ng mga empleyado.Agad akong kinabahan. Anong offer ang sinasabi niya? Nahahalata na ba niya ang ginagawa kong pagpapakainosente o naghihinala na ba siya?“A-Ano po iyon?” Tumingin siya sa akin, siguro ay napansin niya ang pagkautal ko sa pagtatanong.“I’ve already done this to my previous secretaries,” aniya na mas ikinakaba ko. Bakit ba kasi hindi niya ako diretsuhin agad? “I can give you a condominium. It’s free…” mukhang nag-alangan pa siyang sundan agad iyon. “But the water and electricity bill isn’t. If you will last for 2 years as my secretary the condominium will be yours. But if not, then you’ll leave the condo the moment you leave the company.”Medyo nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig iyon. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Akala ko ay kokomprontahin niya ako sa kung
“Is that how you greet your fiancee?” mataray na tanong ng babae.Hindi ko na naitago ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Simula nang makaapak ako rito sa kumpanya ni Mr. Silvano ay hindi ko pa nakita ang fiancee nito. Ni hindi ko alam ang mukha dahil wala siyang picture sa opisina ni Mr. Silvano. Kaya nakakagulat na bigla na lamang itong susulpot dito nang walang pasabi.Mukha pa siyang arogante.“You came here unannounced, what do you want me to do? Be fucking surprised that you’re here?” masungit na saad ni Mr. Silvano dahilan ng bahagyang pagkapahiya ng babae. Tumingin siya sa akin kaya napatingin din sa akin si Mr. Silvano.“I was calling you! I was texting you but you never replied to me! Why are you doing this to me, Damon? Can’t you accept the fact that we’re already engaged and you’re about to marry me soon?” she bantered that made the guy mad even more.Tumunog ang elevator at bumukas. Malalaki ang hakbang na lumabas si Mr. Silvano. Ang mga nasa lobby ng palapag ay
Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa aking mga gamit. Kaunti lang iyon pero alam kong mabigat.“Ako na ang magbubuhat,” aniya nang ituro ang dalawang malaking maletang naroon.Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Ako naman ay binuhat ang ibang hindi naman sobrang bigat para mabilis na rin kaming makaalis. Naabutan kami ng landlord sa hallway at sinabing magtatawag ng taong tutulong dahil nakita niya ang buhat ni Mr. Silvano.“Ito si Macoy tutulong, pamangkin ko. Para hindi kayo mahirapan gaano sa pagbaba.” Aniya at pumasok nga si Macoy sa bahay. Mukhang bata pa ito, siguro ay mas bata sa akin o ka-edad ko.Kunot ang noo ni Mr. Silvano nang makitang nakatingin ako sa lalaki. Tinawag niya ako kaya naman nagpatuloy na ako. Dinala ko ang mga gamit ko at sumunod sa kaniya. Nagpasalamat ako sa landlord at kay Macoy sa pagtulong. Nagbigay naman ng pera si Mr. Silvano.“Pang-meryenda n’yo po,” aniya sabay abot ng isang libo sa landlord.“Naku! Ang laki naman n
Nakatitig ako sa glass wall ng restaurant at agad nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko nang mapansin ang ngiti ni Damon sa babae. Hindi ko kilala ang babae. Dahil paniguradong hindi iyon ang babaeng pumunta sa opisina noong nakaraan. Hinawakan ng babae ang kamay ni Damon na nasa lamesa at ngumiti rito ng nakakaakit.Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Baka… may personal meeting siya na hindi ko alam dahil kadalasan naman ng meeting niya na para sa kumpanya ay alam ko dahil ako ang sekretarya niya. Baka ito ay para lang talaga sa personal na bagay? Pero gaano kapersonal? Kaya ba siya nagmamadaling umalis kanina?Huminga ako nang malalim bago umalis doon. Naghanap na lang ako ng malapit na grocery store. Mukhang malayo ang palengke rito. Okay naman din siguro kahit sa grocery store at hindi muna sa palengke.Inabala ko ang sarili ko sa pamimili ng mga rekado sa lulutuin ko. May budget naman ako kaya hindi na rin ako namahalan nang sobra sa mga pinamili ko. Pagkatapos bumi
“Kai! Anong ginawa mo? Anong nangyari?!” Humahangos na lumapit sa akin ang kaibigan kong si Carley habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak.Madaling araw na nang makarating ako sa probinsya at kumatok ako sa apartment ng kaibigan ko. Hindi ko man ginustong makaabala, wala naman na akong ibang pagpipilian pa. Ayaw kong harapin ang kapatid ko ng ganito ang hitsura ko. Mas mabuti pang kay Carley ako dumiretso dahil maiintindihan niya ako, dahil walang alam ang kapatid ko sa nangyayari sa akin, dahil na rin sa pagsisinungaling ko sa kaniya tungkol sa totoo kong trabaho sa Maynila.Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko inaasahan ‘to. Hindi ko naman alam na mangyayari ito sa akin at sa trabaho ko. I failed my job—my mission. Na-scam pa ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakaahon. Kailangan pa ako ng nanay at kapatid ko. Bakit ngayon pa ito nangyari sa akin?“Carley…” umiiyak kong tawag sa kaibigan ko. Awang-awa siya sa akin habang pinagmamasdan ako.“Anong nangyari? Bakit… B