Chapter 1
Shane Chrystelle's POV
Saglit akong tumigil sa paglalakad upang punasan ang namumuong pawis sa noo ko. Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito sa loob ng school at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kung nasaan ba 'yong classroom ko para sa huling taon ko rito.
Our school is quite big. No, scratch that. It's actually big. It was consisted of fifteen sections per year level. Idagdag mo pa ang ibang facilities. How was that, right?
A typical public school. I know.
Pareho kaming nag-aaral dito ng nag-iisa kong kapatid at tanging si Mama lamang ang kumakayod para sa' min. Gustuhin man niya kaming pag-aralin sa isang pribadong paaralan ay hindi naman sapat ang kinikita niya, na kung tutuusin ay sumasakto lang sa pang-araw-araw naming gastuhin at pambayad ng mga bayarin.
Isang taon lang ang tanda ko sa kapatid kong lalaki. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay masipag siya mag-aral at hindi gano'n kadali na maimpluwensiyahan ng kung sino. Hindi tulad ng karamihan sa mga lalaki rito na wala ng ibang ginawa kung hindi ang mag-cutting class at magbisyo. Mga high school student pa lang, pero akala mo kung sino ng siga sa kanto. Eh, galing pa rin naman sa pera ng mga magulang nila ang pinanggagastos nila.
Masasabi ko na sa 'ming magkapatid ay si Clark ang pinakapag-asa ni Mama. Bukod kasi sa mas matalino ay di hamak na mas matino rin siya sa 'kin.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago muling nagpatuloy sa paghahanap. Nagsimula na uli akong magtingin-tingin sa mga listahan na nakadikit sa pinto ng bawat silid na hindi ko pa napupuntahan, kung saan ay nakapaskil ang mga pangalan ng bawat estudyante rito.
Maigi kong sinusuri ang bawat listahan at sinisiguro kong walang malalampasan ang mga mata ko.
Sa totoo lang ay nagsisimula na akong mairita dahil kanina pa ako naiinitan. Dagdagan mo pa ng buhos ng mga estudyante na paroon at parito. Pinipigilan ko lang din ang sarili ko na magkomento sa mga nakakabangga sa balikat ko dala ng pagmamadali.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang gusali na nasa likurang bahagi na ng school at mapatigil sa unang pinto na nadaanan ko roon. Pinasadahan ko ng tingin ang listahan sa labas nito.
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng mumunting ngiti sa 'king mga labi ng sa wakas ay nakita ko na ang pangalan ko.
20. Shane Chrystelle Sandoval
Napaangat ako ng tingin kung saan nakalagay ang magiging seksyon ko. Hindi naman na ako nabigla sa nakita dahil nakalagay rin naman ito sa form ko. Masasabi kong kahit papaano ay achievement ng maituturing 'to.
Class 4-I
Nagkibit-balikat na lang ako. Huling taon ko na sa paaralan na 'to pero hindi ko man lang naranasan ang mapunta sa higher sections. Pero at least, nakapasok na ako sa pang-siyam na pangkat sa taon na 'to. Noong mga nakaraang taon kasi ay madalas talaga kong napupunta sa lower sections.
Hindi naman sa mahina ang utak ko. Sadyang tamad lang talaga ako mag-aral.
Papasok na sana ako sa loob ng bigla na lang akong may naramdaman na bumunggo sa likod ko.
"Ano ba naman 'yan!" Inis akong napalingon sa likuran ko para tingnan kung sino ba ang tila bato na bumangga sa 'kin. Halos masubsob kasi ako sa lakas ng impact nito kung hindi lang ako agad nakakapit sa pinto.
"Sorry, Miss! Hindi ko sinasa—" napahinto siya sa pagsasalita nang magtama ang paningin naming dalawa. Nanlaki ang kanyang mga mata na tila ba nakakita siya ng isang multo.
Nakataas ang kilay ko siyang pinagmasdan dahil sa pagkakatigil niya. Magulo ang kanyang alon-alon na itim na buhok na tila ba hindi man lang napadaanan ng suklay. Marahil ay dala ng pagmamadali. Bahagya namang nakababa ang suot niyang eyeglasses na para bang mahuhulog na ito. May katangkaran din siya na sa tantiya ko ay nasa 5'5 ang taas kaya medyo nakatingala ako sa kanya. Manipis ang mamula-mula niyang mga labi na bahagya pang nakaawang dala ng pagkagulat.
Teka, parang pamilyar sa 'kin ang lalaking 'to.
I saw him blinked. "P-Pasensya na uli!" Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang muli siyang magsalita.
"Sa susunod kasi ay tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Pwede?" inis na aniya ko sa kanya para mapagtakpan ang hiya dala ng ginawa kong pagsisiyasat sa kanyang mukha.
Napatungo naman siya na tila isang bata na pinagalitan ng magulang. "S-Sorry. H-Hindi k-ko t-talaga s-sinasadya," nauutal niyang sabi. May bakas pa ng kaba ang boses niya na sadya ko namang pinagtaka.
Am I that scary? Parang halos lahat na lang ata ng nakakausap ko ay nauutal.
Tumango na lang ako kahit hindi naman niya nakikita at nagdire-diretso na lang ng pasok sa loob. Medyo nakonsensya naman ako bigla sa tinuran ko sa kanya. Mukha pa naman siyang mabait.
But I'm just too tired and irritated, that's why.
Pero ano nga kayang problema niya at nauutal-utal siyang magsalita? Dahil ba masyado ko siyang natarayan? O, sadyang may problema lang siya sa pagsasalita?
Still, it's unsual for a man to act like that. Sayang, guwapo pa naman sana. But duh, the hell I care.
Iisang lalaki lang ang guwapo sa paningin ko na kahit papaano ay may pakielam ako, bukod sa kapatid ko.
Pero hanggang paghanga lang 'yon.
Kabi-kabilang ingay sa paligid ang agad na bumungad sa pandinig ko pagkapasok. Abala sa pakikipag-usap ang halos lahat ng mga kaklase ko habang ang iilan naman ay nakaupo pa sa mismong arm chair. Normal naman na sa 'kin ang mga ganitong klase ng eksena.
Naghanap ako ng bakanteng upuan sa bandang likod. Mabuti na lang at bakante ang upuan sa tabi ng bintana. Kaya naman ay dumiretso na ako rito at umupo. Hindi ko pa man nailalapag ang bag ko ay agad ng may mga nakipagkilala sa 'kin.
Hindi ako masyadong pamilyar sa karamihan sa kanila dahil ngayon ko lang sila naging kaklase.
Nakikipag-usap naman ako sa mga kaklase ko at sa ibang tao kahit papaano. Pero pili lang at wala akong tinuturing na kaibigan o best friend na kasa-kasama parati. I preferred to be alone and I'm used to it already.
I have my own world.
Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na sa wakas ang magiging unang guro namin.
We did the usual thing. Something like to introduce yourself. Boring, isn't it?
Wala akong ganang makinig kaya nagsulat na lang ako ng kung ano-ano sa kwaderno ko ng bigla akong makarinig ng tilian. Nakuha nito ang atensyon ko dahilan para matigil ako sa ginagawa at mag-angat ng tingin.
Sinalubong ang mga mata ko ng kulay tsokolate niyang mga mata. Nasa harap na pala siya. He is standing there with authority and confidence. Malayong-malayo sa weird na lalaking bumunggo sa 'kin kanina.
"Good morning, everyone. My name is Lance Buenavista," he said in a formal tone.
Impit namang nagtilian ang mga kababaihan dito nang dahil lang sa simpleng pagpapakilala niya, dahilan para sitahin sila ni Ms. Reyes na isang matandang dalaga.
Mukhang sikat ang isang 'to rito sa school. Pero bakit hindi man lang ata ako na-informed?
Sabagay, wala nga pala kong pakielam sa mga nangyayari at balita sa paligid ko.
Pabalik na siya sa upuan niya ng biglang may sumulpot mula sa pintuan. Humahangos siya at hinihingal. "I'm sorry, Ma'am. I'm late."
Matalim siyang tiningnan ni Ms. Reyes. "Sige. Pagbibigyan muna kita ngayon tutal unang araw pa lang naman ng klase. Pero sa susunod ay alam kong alam n'yo na ang nangyayari kapag may nale-late sa klase ko." Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng klase bago bumalik sa bagong dating na paupo na sana sa tabi ni Lance.
"Bago ka umupo ay ikaw na ang sunod na magpakilala rito sa harapan."
Pinunasan muna niya ang namuong pawis sa kanyang noo at inayos ang bahagyang nagusot na polo, bago taas-noong naglakad patungo sa harap.
"Hi! My name is Ralph dela Cruz. I hope that we can be friends." Malapad ang ngiting pinakawalan niya na mas lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko.
Ralph dela Cruz is the first guy that I have ever admired aside from my brother. Unang taon ko pa lang sa eskuwelahang ito ay madalas na akong nakakarinig ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa siya sa panlaban ng school sa tuwing may quiz bee event, kasali rin siya sa basketball team at tumutugtog din siya tuwing school festival. Consistent honor student pa ayon sa pagkakaalam ko.
Sa totoo lang ay masaya ako na maging kaklase siya. In fairness, nakaka-inspire ang achievements niya sa buhay. Siya lang ang kaisa-isang lalaki na nakapukaw ng kuryosidad ko.
Pero paanong ang isang katulad niya na consistent sa Section A ay napunta rito?
'Yon ang tanong na gumugulo sa isip ko hanggang sa matapos na ang klase. Wala rin naman kaming ibang ginawa bukod sa nagbigay lang si Ms. Reyes ng naging takdang-aralin namin.
Seriously? An assignment on the very first day of school?
Pagkalabas ni Ms. Reyes ay nagsimula na namang mag-ingay na parang bubuyog ang mga kaklase ko. Absent daw kasi 'yong susunod naming guro kaya para na namang nasa palengke ang silid na 'to.
Hindi ko na lang sila pinansin. Hinagilap ko sa loob ng aking bag ang dala kong phone at sinaksak dito ang aking earphones, bago ito sinalampak sa magkabila kong tainga para walang mang-abala sa 'kin. Pero nakuha ang atensyon ko ng dalawang babae na nag-uusap sa tabi ko. Wala naman kasi talaga kong kanta na pinapakinggan.
"Grabe! Ang guwapo talaga ni Lance! Lalo lang nakadagdag sa appeal niya 'yong pagsusuot niya ng salamin!" kinikilig na sabi ng katabi ko na si Kim.
Natigilan naman ako at wala sa loob na tumuon ang mga mata ko sa pinaka-unang row kung saan siya nakaupo.
But I was surprised when I caught him staring at me already. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
Sa totoo lang ay kanina ko pa siya napapansin na patingin-tingin dito sa bandang likod. Guwapo nga. Kaso ang weird naman. So, no thanks.
"Tara, girls! Kunin na natin 'yong number niya! Pagkakataon na natin 'to dahil hindi natin siya malapit-lapitan last year. Alam niyo naman." Tumaas ang kilay ko nang dahil sa narinig.
Unang araw pa lang ng pasukan pero mukhang may gagawa na agad ng first move. To think na manggagaling pa sa isang babae. Ano na ba ang nangyayari sa henerasyon namin ngayon?
Napa-iling na lang ako. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang bumangon sa hukay si Rizal.
"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend. I don't even consider that bitch as one. So, I'll make sure that I'm going to be his first," sabat ni Mia na katabi naman ni Kim sa bandang kanan niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi nila. We're just fourth year high school students for crying out loud! Pagkatapos ganyan na agad ang mga maririnig ko mula sa kanila?
But wait. Who is the bitch she is referring to, anyway?
Nakita ko pang bumulong si Kim kay Mia. Pero hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila at wala rin naman akong pakielam.
Babae din naman ako at kahit hindi ako marunong magmahal ay marunong naman akong humanga kahit papaano. Pero hanggang doon lang. I know my limitations.
Mas lalong hindi ako katulad ng mga katabi ko na halos mangisay na sa kilig. Hindi uso sa 'kin ang kiligin.
Napansin kong tumayo si Mia at naglakad patungo sa kinauupuan ni Lance. Sinusubaybayan ko lang ang bawat galaw niya, habang si Kim naman ay mahina pang nagchi-cheer sa tabi ko.
Nakipag-usap lang saglit si Mia kay Lance, bago niya iniabot ang phone sa huli. Mukha namang wala lang ito kay Lance na kinantiyawan pa ni Ralph. Marahil ay sanay na siya sa mga ganitong klase ng eksena.
Pero teka, kanina ko pa napapansin na tila malapit sa isa't isa sila Lance at Ralph. Pagkarating pa lang kasi ni Ralph ay nag-usap na sila. Ngayon lang ba 'yan o dati pa? Hindi ko naman kasi nakikitang kasa-kasama ni Ralph si Lance noon.
Nang ibalik ni Lance 'yong phone ni Mia ay ngumiti lang ang huli at nagpaalam na. Nagsimula na siyang maglakad pabalik dito sa puwesto namin ng may ngiting tagumpay.
Winagayway niya ang hawak na phone. "Got it! Sabi ko naman sa 'yo kayang-kaya 'yan, eh! Kung alam ko lang na hindi naman pala siya mahirap kausap, eh, di sana noon pa lang ay kumilos na ako para mapalapit sa kanya," maarte niyang sabi bago ipamigay ang nakuhang numero kay Kim.
Napailing na lang ako at napagpasyahang isandal na lang ang ulo sa pader para umidlip muna kahit saglit, ng maramdaman kong may kumalabit sa 'kin. Idinilat ko ang kaliwang mata ko at ang nakangiting mukha ni Mia ang bumungad sa 'kin.
"Shane, gusto mo rin ba makuha 'yong number ni Lance?" Mia asked out of the blue.
Tuluyan ng dumilat ang dalawang mata ko. Ano raw? Para namang may paki ako sa numero ng lalaking 'yon.
I was about to say, no thanks. Pero iba ang lumabas na mga salita sa bibig ko.
"Okay." Agad naman niyang ibinigay ang phone niya sa 'kin.
Saglit akong natigilan. Bakit nga ba ako pumayag?
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam.
Trip mo lang, Shane.
-----
Ilang oras pa ang lumipas at hindi ko man lang namalayan na uwian na pala. Wala pa naman kaming masyadong ginawa kaya maaga rin kaming pinalabas.
Mabilis na nag-alisan ang mga kaklase ko na akala mo ay may bagyong dumaan. Habang ako naman ay saglit na naiwan para kopyahin ang huling takdang-aralin namin para sa araw na 'to. Tinamad kasi akong kumopya kanina at ngayon lang sinapian ng kasipagan.
Nang matapos ay inayos ko na ang gamit ko at sinukbit sa kanang balikat ang shoulder bag ko. Pero pagkalabas ko pa lang ng silid namin ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang bumati sa 'kin mula sa kanan ko.
''Hi!'' Nilingon ko ang pinagmulan ng boses.
Oh. Si Lance lang pala.
Nakasandal siya sa pader habang nakataas at nakatukod ang kaliwang paa niya rito. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at nakasabit sa kanang balikat niya ang dalang backpack.
Susungitan ko sana siya ng bigla kong maalala 'yong ginawa kong pagtataray sa kanya kanina. Kung tutuusin ay hindi naman gano'n kalaki ang atraso niya sa 'kin para bigyan ko siya ng ganoong klase ng pagtrato.
So, in the end, I just nod to acknowledge his presence.
Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Ilang beses pa siyang kumurap na parang hindi makapaniwala. Tinampal-tampal niya pa 'yong pisngi niya na para bang ginigising niya ang sarili mula sa mahabang pagkakahimbing.
Kumunot ang noo ko. Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'to? I swear! He creeps me out already.
"Hey, you okay?" takang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya. May sakit ba 'to?
Unconsciously, I lifted my right hand to feel his forehead. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman siya mainit kaya bakit siya namumula?
"Lance?" untag ko uli sa kanya.
Ilang beses pa uli siyang kumurap bago bahagyang inayos ang suot na salamin sa mata. "Y-Yes. I'm o-okay." Napalunok siya.
Tumango na lang ako sa kanya, kahit pa ang weird niyang tingnan nang dahil sa kinikilos niya. Hindi naman siya ganito makitungo sa iba. Base na rin sa obserbasyon ko kanina. "Sige. Alis na ko." Nilampasan ko na siya pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng bigla siyang sumigaw.
"I-Ingat ka!" Nilingon ko siya mula sa kinatatayuan niya kanina pero wala na siya roon. Inilibot ko ang tingin ko at namataan ko pa siyang mabilis na tumatakbo na para bang may humahabol sa kanya.
Seriously, what's up with that guy?
Chapter 2"Kamusta naman ang first day of school?" nakangiting tanong ni Mama pagkatapos naming maghapunan."Exciting!" As usual, Clark answered so lively."Boring," tugon ko naman sabay inom ng tubig. "Ako na po ang maghuhugas." Pagbo-boluntaryo ko bago sinimulang samsamin ang mga pinagkainan namin at dumiretso patungong lababo."Ikaw talagang bata ka! Paano na lang kapag nagkolehiyo ka na? Aba! Hindi na puwede 'yong ganyan na papetiks-petiks ka lang, Shane." Rinig kong sermon ni Mama habang nakasunod sa 'kin.Pinigilan ko ang sarili na umirap. "I know, Ma. Don't worry too much. Sinisiguro ko po sa inyo na makakapagtapos ako hanggang kolehiyo.
Chapter 3Madaling araw na ng makatulog ako kanina. Kaya naman ay tinanghali ako ng gising, dahilan para mapatalon ako sa kinahihigaan ko.Kasalanan 'to lahat ni Lance! Hindi ako pinatulog ng mga sinabi niya kahapon!Dali-dali na akong naligo at nag-ayos. Ni hindi ko na nagawang kumain ng agahan dahil mas lalo lang akong hindi aabot. Pumuntos na nga ako kahapon kay Ms. Reyes, tapos mukhang madadagdagan pa 'yon ngayon.Mabuti na lang at kahit papaano ay nakikiayon sa 'kin ang pagkakataon. Wala kasing traffic kaya sakto lang ang naging dating ko.Mabilis na lumipas ang mga oras. Akala ko pa naman ay magtutuloy-tuloy na ang pagiging okay ng araw ko. Pero muling nasira 'yon nang matapos ang P.E. subject namin.Napakurap ako mula sa panonood kay Ralph na kasalukuyang naglalaro ng basketball, nang bigla akong sikuhin ni Kim. Kunot noo ko siyang nilingon. "What?"Napangisi naman siya. "Ikaw, hah. Hindi mo man lang sinabi sa 'mi
Chapter 4Magmula ng naging usapan namin no'ng araw na sinabayan ako ni Lance sa paglalakad ay alam ko na mas nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa.Madalas na kaming magka-usap sa text, o 'di kaya ay magka-chat. Noong una ay hindi ko siya pinapansin o di kaya ay sini-seen ko lang ang mga chats niya. Pero sadyang makulit talaga ang lahi niya.Palagi siyang may baon na kung ano-anong kuwento. Pagkatapos ay mas mahaba pa ang mga reply niya kumpara sa 'kin. Ilang beses din niya kong kinulit na ako naman ang magbahagi ng kuwento ng buhay ko.But I refused. Wala naman kasing interesante sa buhay ko.Unlike him. Who's been a honor student since grade school, an athlete, a singer, a best friend to Ralph and a popular one.Akala ko nga noong una ay tanging sa mga katulad naming seniors lang siya kilala. 'Yon pala ay hanggang sa mga freshmen student ay matunog din ang pangalan niya.But according to him, he's n
Chapter 5"Shane! Teka lang! Sabay na tayo!''Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Ralph. Nilingon ko siya at hinintay na makalapit sa 'kin.Hinihingal na tumigil siya sa harap ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Mukhang kanina pa niya ko hinahabol. Bakit hindi niya kaagad ako tinawag?"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay punas ng namuong pawis sa noo ko. Nakatigil kasi kami ngayon sa field kung saan ay damang-dama namin ang init ng sikat ng araw na tumatama sa 'min.May mangilan-ngilan namang estudyante ang napapadaan, pagkatapos ay nagbubulungan. Habang ang iba naman ay tila toro na umuusok ang ilong habang masamang nakatingin sa 'kin.Bakit nga naman hindi? Kasama ko lang naman ang tinagurian nilang campus prince. Habang si Lance naman ang campus heartthrob.Ipinagsawalang bahala ko na lang ang atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga t
Chapter 6Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.Shane,I just wanted you to
Chapter 7Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim."Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.''May nakarating sa 'king balita na m
Chapter 8Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko."Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!""May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang t
Chapter 9Lance's POVHindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba.Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na.Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi.Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado.May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin
EpilogueSix years later...Lance's POVMataman kong tinititigan ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon at nakaharap sa direksyon ko. I smiled at the sight of her beautiful face and just by looking at her, it never fails to make my heart beat faster than the normal.I lifted my hand and softly caressed her cheek. Sa loob ng anim na taon ay iba pa rin ang epekto niya sa 'kin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay 'yon pa lang ang unang beses na nakita ko siya.Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bigla na lang siyang humilik. Mukhang ang himbing-himbing pa rin ng tulog niya. Sabagay, paano ba namang hindi mahihimbing, eh, halos madaling araw na rin kaming nakatulog kanina.I grinned from the memory of what happened last night.I was about to move closer to her and pressed my lips on her lips when suddenly, the door in our room opened.Agad akong napaayos ng upo. I put my index finger on my lips
Chapter 57Lance's POV"Will you be fine here? God! Have you even seen yourself in a mirror? You looked like a mess, man!"Hindi ko pinansin at tinapunan man lang ng tingin si Xander. Mahigpit na hinawakan ko lang ang kamay ni Shane at dinala 'to sa pisngi ko."Wifey, gumising ka na, please. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."Halos dalawang oras din siyang nasa loob ng operating room kanina. And God knows how scared I am while waiting outside, hoping that everything will end out fine.Agad namang dumating ang mga magulang namin nang malaman nila ang nangyari. Kasalukuyan silang kumakain ngayon dahil halos wala pa rin silang kain nang dahil sa sobrang pag-aalala.I heard Xander sighed. "Don't worry. Ako na ang bahalang maglakad sa kaso ng mag-amang 'yon. I have a friend and he's a good lawyer. He can surely help us."Agad na nagtagis ang bagang ko nang dahil sa narinig. "Make sure that they will
Chapter 56Lance's POV"Have you tracked him already?" I asked Andrei, Xander's friend, impatiently.He looked up before turning his attention on his laptop again. "Just one more minute," seryosong sagot niya habang mabilis na tumitipa sa keyboard.Xander patted my shoulder. "Don't worry. This friend of mine is definitely a good one when it comes with tracking someone and other such related stuff."Napahawak na lang ako sa batok ko, bago napatango.Habang naghihintay ay napatingin ako kina Chloe at Ralph na tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa. I was about to talk to them when the door suddenly opened.Humahangos na pumasok ang mga magulang ni Shane mula ro'n, pati na rin ang kapatid niya."May balita na ba kung nasaan si Shane?" Tita asked worriedly.Napatiim bagang ako. "Tina-track na po namin ang location ni Dylan. Good thing he didn't throw nor leave his phone away from him, since we put a
Chapter 55Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Dahil inaantok pa ay nakapikit ang mga matang kinapa at kinuha ko 'to mula sa bedside table."Hello?" Napahikab ako at napaayos ng higa.Nang dahil sa dami ng mga nangyari kahapon ay naging mailap ang antok sa 'kin kagabi. A lot of questions are still wandering in my mind. At sumakit lang ang ulo ko sa pag-iisip ng sagot. Kaya naman ay halos magliliwanag na ng makatulog ako kanina."Oh. Did I wake you up, sweetie?"Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya."Hey, Ma. Yeah. I just woke up. Is there a problem?"Bumangon na ko at agad na hinarang ko ang kanang braso sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.I frowned. Did he just come here again?Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yon.Mahina siyang natawa. "Oh, noth
Chapter 54Shane Chrystelle's POV"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko kay Ralph, bago sumimsim ng kape. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kailangan ko rin 'to ngayon.Nang hindi siya umimik ay nag-angat ako ng tingin. I was taken aback when I saw him looking at me so intently."What?"Ilang segundo niya pa kong tinitigan nang matiim, bago siya humugot ng malalim na hininga at marahas na ibinuga 'yon."Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to. Pero nitong mga nakaraang taon, nakita kong okay ka naman na kaya mas pinili ko na lang na manahimik. But because of what's happening right now, I think you really deserve to know about it. Though I don't have any idea if this information will affect you positively or negatively."Hindi ko alam kung bakit tila tinambol ang puso ko nang dahil sa kaba. Sa kanilang dalawa ni Dylan ay kay Ralph na lang ako may tiwala ng buong-buo. At hindi ko alam
Chapter 53Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang pagkirot ng sentido ko.Pupungas-pungas akong bumangon. Pakiramdam ko ay tila dinuduyan ako nang dahil sa pagkahilo.Wala sa loob na napatungo ako habang sapo ang ulo ko. But my eyes widened in horror when I noticed that I am not wearing anything!Then suddenly, I felt someone move beside me. Kinakabahan kong nilingon kung sino man ang walang hiya na nanamantala sa 'kin kagabi.Pero napanganga na lang ako nang bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Lance. Nag-inat pa siya na tila wala lang. I was trying really, really hard to focus my eyes on his face because I know that I can see a sinful view down there.Oh lord. I need guidance.Wala naman sigurong nangyari, right? Wala naman siguro...Shit! Mariin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang pagsigid ng kirot sa pagkababae ko.
Chapter 52Lance's POVIlang minuto na rin ang lumipas magmula ng talikuran ako ni Shane at ng mapagdesisyunan kong sundan at hanapin siya.While walking and searching, I saw Xander strides towards me."Hey, man. Looking for someone?"I nodded as I continued to roam my eyes. "Yeah. Have you seen Shane?""Oh. Yes. Nando'n siya sa bar counter kanina. I suggest you better go there already. She seems drunk when I saw her."Mabilis akong napalingon sa direksyon na sinabi niya. Bigla kong binalot ng pag-aalala.I tapped Xander's shoulder. "Thanks, man.""No problem."That made me smile. Xander has been a good friend of mine. Siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan no'ng nasa Canada pa ko at napagsabihan ko ng tungkol sa 'min ni Shane. Little did I know na kakilala rin niya pala 'to dahil naging magkaklase sila no'ng elementary. He even confessed that he used to have a crush on her.
Chapter 51"Is this really necessary, Ma?"I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita
Chapter 50Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon, bago mabilis na lumabas at diretsong tinahak ang pinto para mag-doorbell.Hindi naman nagtagal ay agad na bumukas ang pinto sa harap ko."Ma'am Shane! Kayo po pala. Magandang umaga ho." Gulat pero nakangiting bungad sa 'kin ng mayordoma na si Manang Fely. Agad naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto."Good morning din po." Tipid ko siyang nginitian. "Nasaan po sina Papa?" I roamed my eyes as I made my way inside the mansion."Nasa kusina po sila. Tamang-tama at kumakain po sila ng agahan ngayon."Napatango naman ako. "Sige po. Puntahan ko lang po sila.""Sige po. Maglilinis lang po muna ko sa hardin. Ahm, Ma'am Shane?"Napalingon ako sa kanya. "Bakit po?""Masaya po akong makita kayo ulit dito," nakangiti niyang aniya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Napangiti ri