“A-Ayos ka lang ba? Sorry talaga,”ani Divine sa kabilang linya. “P-Puntahan kita diyan. Sorry talaga, Serrie.”
Nagtataka siya kung bakit ganito magsalita si Divine. Bakit ito magso-sorry? May nagawa ba itong kasalanan? Bumalik sa realidad ang isipan niya nang maalalang nagising siya dito sa silid na hindi sa kaniya. Katabi niya kanina ang lalaking hindi niya kilala. Agad siyang bumalikwas ng bangon nang malaman ang sitwasyon at dali-dali na nagtago sa banyo.Nagpatangay lang naman siya kay Divine sa club kagabi dahil sinabi nitong magpapa-dispidida ito dahil tutungo na ito ng Spain sa Linggo. Hindi niya forte ang clubbing pero dahil sa kaibigan pinatos niya ang imbitasyon nito.At sa isang kurap ay matatagpuan niya ang sariling nagtatago na sa sa banyo ng hotel. Yakap-yakap niya lang ang kumot. Hindi niya na nagawa pang kunin ang mga gamit niya dahil sa pagmamadali. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.“T-Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin, Divine.” Nagpalinga-linga siya. Nablangko siya at hindi na alam kung saan tutungo.“Gising na ba ang lalaki? Gwapo ba-este, nandiyan pa ba?”“Nasa kama at natutulog pa. Anong gagawin ko? Nandoon ang damit ko sa labas. Baka magising kapag lumabas ako.” Nakagat niya ang kuko sa daliri dahil sa tensyon.“Oh my gosh. Okay, sige, ganito na lang,”bumuntong hininga ito sa kabilang linya. “Wala na tayong magagawa. Kailangan mong lumabas diyan ngayon. Harapin mo siya. Wala namang nawala sa kaniya. E sa'yo, mayroon. Ang problema lang diyan ay baka may GF na iyang lalaking iyan.”“Naku, Divine. Mas lalo mo akong tinakot!” Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya.“Kaya lumabas ka na diyan bago ka pa maabutan no'ng girl.”Napatango siya na parang nasa harapan niya si Divine. Lumunok siya at kumuyom ang kamao niya na siyang pinanghawak niya sa kumot. Tama si Divine. Kailangang niyang magpakatapang ngayon.Akmang pipihitin niya ang door knob nang mapaurong siya ulit. Hindi niya talaga kaya. Naiisip niya pa lang na magkakaharap sila ng lalaking nakauna sa kaniya ay abot langit na ang hiya niya. Virgin siya, lumaki siya sa conservative na pamilya.“Divine, hindi ko kaya.” Nangangatal siyang sumandal sa pader ng banyo.“O sige pumili ka. Haharapin mo siya o masasabunutan ka ng girlfriend niya?”Agad siyang kumilos at agad pinihit ang door ng knob ng walang pag-alilangan. Mas takot siya sa GF no'ng lalaki. Mas lalong hindi niya kaya iyon.Saktong pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang naka-boxer at topless na binata. Nakatuko ang siko nito sa gilid ng pinto at hawak sa kabilang kamay ang damit niya.Namilog ang mata niya at muntik pang matumba sa kinatatayuan. The guy's jaw clenched. Tinaas nito ang damit niya sa kaniya.“Your clothes,”anito sa seryosong boses.Kaya agad niyang kinuha iyon at nagsara agad ng pinto. Mabilis siyang nagbihis at napangiwi nang maramdaman ang kirot sa gitnang bahagi ng hita.Parang sinisilaban ang mukha niya nang makalabas ng banyo. Naabutan niyang may kausap sa phone ang lalaki.“I don't care about his reasons. Kunin niyo na ang lupa niya gaya ng napagkasunduan. Hindi ka na rin dapat nanghihingi pa ng permiso ko. Alam mo naman ang trabaho mo.” Umugong ang seryoso at barituno nitong boses.Nakapagbihis na rin ito ng three-fourth sleeve shirt at trouser pambaba. Nilipat nito sa bluetooth earbuds ang tawag upang ayusin ang pagkakalagay ng mamahaling relo sa bisig. Ang malapad nitong likod at malalaking braso ang nagbigay dito ng dominanteng awra.“Pull out his share. Hindi siya malaking kawalan. Maraming naka-line up na willing na mag-invest sa kompanya. Don't stick to those lame investors. Our company is not a charity.”Namamangha siya sa tuno ng boses nito. How did he have such a manly voice? Napasinghap siya nang humarap ito sa kaniya. May dilim sa mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Umigting ang panga nito nang ibaba ang tawag.“A-Ano...”nakagat niya ang ibabang labi. “Tungkol kagabi...”“How much?”putol nito.Gulat at pagtataka ang rumihestro sa mukha niya.“Ha?”Nanatili ang blangkong ekspresyon sa mukha ng binata. May dinukot itong card mula sa pitaka at nilagay lang sa side table. Hindi na ito nag-abalang iabot iyon sa kaniya.“Call my secretary kapag nakapag-isip ka na kung magkano,”anito sa pormal na boses.Dinampot nito ang business suit na nakalapag sa kama. Panay ang tingin nito sa relo. Tila wala itong pakialam sa mga nangyari sa kanila kagabi. Siya lang naman yata itong may issue sa nangyari kagabi. Kalaunan ay tahimik na lamang siya nang sundan ng tingin ang malapad na likod ng binata na palabas na ng hotel room. Nang maglaho ito sa pinto ay saka siya dumungaw sa calling card na iniwan nito sa table.Hidan Aries Alijer. Iyon ang buong pangalan nito. Iyon ang pangalang nakalagay doon.That guy is just like her step-father. Walang oras sa pamilya. Puros negosyo lamang ang parating inaatupag. Kung siya lang ang papipiliin, ayaw niyang mag-asawa ng businessman. Pero makakapili ba siya ng mapapangasawa? Gayong kontrolado ng step-father niya ang buhay niya.“Nakalabas na ako ng hotel room. Nasaan kayo?”kausap niya sa kaibigan sa kabilang linya pagkalabas niya.Nagmamadali ang mga kilos niya. Hindi maitago ang pamumula ng kaniyang pisngi habang binabagtas ang hallway ng hotel. At tutungo na siya ng elevator para bumaba.“What the!”bulalas ng babaeng nakabunggo niya. Hindi niya man lang ito namalayan kanina dahil sa pagmamadali.Matangkad at pamilyar ang babaeng ito. Kalaunan ay nakilala niya ito. Ito ang co-model ni Coby ilang beses niya itong nakita sa set tuwing may shoot si Coby kaya paniguradong kilalang-kilala nito ang fiance niya. Umahon ang takot sa dibdib niya. Kita niyang nagulat din ang babae nang makilala siya nito.Kalaunan ay pinanliitan siya nito ng mata.“Well, well, nakita ko kung sino ang lumabas sa pintong iyan kanina. At nakakapagtataka na diyan ka rin lumabas ngayon.”Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi niya lubos akalaing nakita nito kung saan siya nanggaling.“Ah, ano...” Hindi niya na alam kung anong sasabihin.“Did you do something stúpid behind Coby's back?”Natulala na lang siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Dahil totoo naman ang sinabi nito. May ginawa nga siyang hindi dapat. Gusto niyang magpaliwanag pero pakiramdam niya inaalisan siya nito ng karapatang magsalita.“Babe, bakit nauna kang umalis? Hindi mo man lang ako hinintay.” Isang boses ng lalaki ang narinig nila sa likuran.Yumakap agad ito sa babae galing sa likod. Ayos lang sana kung maglambingan ang mga ito kung normal na magnobyo at nobya lang, kaya lang kilala niya ang lalaki.“Coby?”mahina niyang sambit sa pangalan ng lalaking kakarating lang.Gulat na bumaling ang lalaki sa kaniya. Maging ang babaeng co-model na si Trixie ay medyo natataranta na rin. Kung kanina siya ang takot, ngayon naman ay si Trixie. Looks like the table turned upside down. Anong ginagawa ng dalawa sa hotel?At babe? Tinawag na 'babe' ni Coby si Trixie? Sa ilang beses na nahuli niya si Coby na nambabae hindi pa rin siya nasasanay. Nagugulat pa rin siya tuwing nakikita sa mismong harap ang mga kabulastugan nito.“I saw her. Lumabas silang dalawa ng lalaki kanina sa room na 'yon.” Biglang singit ni Trixie na halatang gusto siyang ibaligtad para mapagtakpan ang kababuyan na ginawa ng mga ito.Napakurap-kurap siya. Agad niyang nakita ang bumalatay na iritasyon sa mata ni Coby. Lumayo ito kay Trixie para humakbang palapit sa kaniya. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya sa mariin na paraan. Napangiwi siya nang makaramdam ng kirot doon.“Is it true?” Namula ang mata ng fiance.“C-Coby...”mahina niyang banggit.“She's just playing damsel and destress. I knew it, Coby. Matagal ka nang niloloko niyang fiancee mo!”sulsol ni Trixie.Sunod-sunod ang pag-iling niya. Hindi iyon totoo. Hindi niya iyon sinasadya. Gusto niyang isatinig na wala siyang ginawang masama. Pero parang ayaw makipag-cooperate ng bibig niya para sabihin iyon at kinakain na ng pagkakataranta ang sistema niya.Binitiwan siya ni Coby pero halos patulak pa. Dahilan para mapasalampak siya sa sahig ng hotel. Napaigik siya nang masaktan ang pang-upo niya.“Fúck you. Pinagtiisan kita dahil partners sa company ang mga parents na'tin. Tapos ganito lang ang igaganti mo? Sinisira mo ang pagkalalaki ko at ang pangalan ko!” Nag-angat ito ng palad at akma siyang sasampalin.Napapikit siya. Hindi niya gustong makita ang sampal na iyon. Abot hanggang langit ang kaba niya. Hinintay niya lang na dumapo sa pisngi ang sampal na iyon ngunit dumaan ang ilang segundo at hindi pa rin iyon nangyayari. Bakit? Nagbago ba ang isipan ni Coby? Kaya't dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki.Napansin niyang natigilan si Coby pero ngayo'y may iba nang nakatayo sa likuran nito. Hindi si Trixie kundi lalaki rin. Nang gumilid si Coby ay saka niya nakita kung sino ang lalaki. Si Hidan Alijer.Bakit bumalik pa ito?“You call yourself a man when you can easily hurt a lady like this. Really, huh?” a smug smirk plastered on Hidan's face.“Who the fúck are you?!”singhal ni Coby.Hawak nito ang pulsuhan ni Coby na siyang tatama sana sa kaniya kanina. Pero napigilan iyon ng lalaking ito. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o matatakot. Ayaw niyang mapahamak si Hidan lalo pa at alam niya kung gaano kabayolente si Coby.Akmang hihilain ni Coby ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit hindi nito mabawi ang kamay mula dito. Mahigpit ang hawak ni Hidan doon na kahit ang lakas ni Coby ay hindi makapantay man lang doon.“You àsshole. Alisin mo ang kamay mo ngayon. Or I'll sue you.” Nanlilisik ang mga mata ni Coby habang nanatiling blangko ang ekspresyon sa mata ni Hidan.Sumenyas si Hidan sa tauhan. At sumulpot sa likuran ang lalaking naka-all black uniform.“Kunin mo rin ang sapatos niya,”utos nito sa tauhan saka bumaling sa paa niya.Napatingin din tuloy siya sa paa. Doon niya namalayang hindi man lang pala siya nakapagsuot ng sapatos dahil sa pagmamadali kanina.Nang bumalik ang tauhan ay may bitbit na itong laptop. Naiwan iyon ni Hidan sa hotel room na siyang binalikan nito. Sa kabilang kamay naman ng tauhan ay ang maliit niyang sapatos. Pinasa ng tauhan nito ang sapatos kay Hidan.Patulak na binitiwan ni Hidan si Coby kaya't napaatras ito. Bumakas ang takot sa mata ni Coby habang hawak ang nasaktang pulsuhan. Tapos ay lumapit si Hidan sa kaniya bitbit ang sapatos niya.Napasinghap siya nang kunin nito ang paa niya at ito mismo ang nagsuot ng sapatos sa kaniya. Maingat ang mga kamay nito habang sinusoutan siya ng sapatos.“You're coming with me. Ihahatid kita sa inyo,”anito sa baritunong boses.Hindi na siya nakasagot. Nanatili ang mata niya sa maugat nitong kamay at sa paraan ng pagsusuot niton ng sapatos sa kaniya. He looks elegant yet powerful. To kneel in front of her like this, isn't suitable for his character.Saka inilahad nito ang kamay sa kaniya. Nanatili ang lamig sa mga mata nito habang nag-o-offer ng tulong sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggap ang kamay nito. Ngalingali na binalingan niya sina Coby. Kitang kita sa mga mata ni Coby ang iritasyon at hindi makapaniwala sa nakikita. At si Trixie naman ay tulala na nakatitig kay Hidan.“Let's go,”anito sabay hila sa kaniya.“That's my fiancee. Bakit ka nakikialam?!” Umalingawngaw ang boses ni Coby sa hallway. Tila ayaw pa rin paawat.Natigilan silang dalawa ni Hidan. Hindi niya na magawang balingan pa si Coby sa pagkakataong ito. Pero nilingon ito ni Hidan. Bakas ang pang-iinsulto sa mga mata ng lalaki na nakipagtagisan ng tingin kay Coby.“Fiancee? When? After you cheat?” Nagbitiw ito ng sarkastikong ngisi.Napakuyom ang kamao niya. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtatanggol ng lalaking ito. Pero nagpapasalamat siya dahil nagagawa nitong isatinig ang lahat ng gusto niyang sabihin na hindi niya magawang isatinig.“Serrie, you'll pay for this. I swear!”bulalas ni Coby.Mariin siyang napapikit. Nagsisimula na naman siyang kabahan. Baka bumalik na naman siya bigla kay Coby dahil lang natakot siya sa mga banta nito. Pero sa pagkakataong ito gusto niya munang piliin ang gusto niya. At gusto niyang lumayo muna dito.Napasinghap siya nang hawakan siya ni Hidan sa baywang at kinabig para magsimula nang maglakad. Agad siyang nagpatangay dito. Tila nakahinga siya ng maluwag dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya.“Give me your address. Ihahatid ka ng driver ko.” Kaswal na lang itong nakipag-usap sa kaniya pagkababa nila.Lumayo na rin ito sa kaniya nang makarating sila sa lobby ng hotel. Yeah, now she get it. It's just a show. Sinalba lamang siya nito sa kahihiyan. And she's still thankful for that.“Thank you pero nandiyan na ang mga kaibigan ko,”aniya sabay tanaw sa lobby ng hotel.“I see,”anito at seryosong nakatanaw sa mga paparating. “I have to go.”At hindi pa man nakakarating sina Divine ay umalis na si Hidan. Makakasalubong nito sina Divine. Kapansin-pansin ang pagkatulala ng dalawang kaibigan nang mapagmasdan si Hidan Alijer. Wala sa sarili at nakanganga pa ang dalawa hanggang sa nakalapit na ito sa kaniya.“Oh my gosh! Iyon na ba iyong lalaki? Artista ba 'yon? Model? Sobrang hot niya!” Gigil na kinurot ni Divine si Jules. Ang bakla nilang kaibigan.“Ayaw mo ba doon, Serrie? Akin na lang, gusto mo?”dagdag naman ni Jules na tila wala rin sa sarili.Bahagya lang siyang ngumiti sa dalawa. Ipinakita niya ang card na binigay ng lalaki kanina sa kaniya. Nagkagulo agad ang dalawa at nag-unahan pa sa pagtingin sa calling card.“Uwi na tayo?”mahina niyang sambit sa dalawa.Samantalang namimilog pa ang mata ng dalawa na nag-angat ng tingin sa kaniya.“CEO ng kilalang construction company ang lalaking iyon!”bulalas ni Jules.“Hidan Aries Alijer ang buo niyang pangalan. Gosh! Pangalan pa lang parang gusto ko nang maghubad agad ng panty. Come here, baby!” Nag-hand gesture pa si Divine na animo inaanyayahan ang kung sino sa maharot na paraan.“Tapos ano'ng sabi?”si Jules na kumikinang ang mga mata.“Sabi niya how much.” Alanganin siyang sumagot.Natigilan ang dalawa. At nagkatinginan.“Aba't iniisip niya bang bayaran ka?!” Biglang naghurumentado si Divine.Napanganga na lang siya. Iyon pala ang ibig sabihin no'n?Hindi niya pa alam kung ano ang dahilan ng paghingi ni Divine ng tawad sa kaniya. Hindi niya na rin kasi naitanong. Kinakabahan man siya ngayon ay kailangan niyang umuwi agad. Alam niyang pagagalitan siya ngayon dahil hindi siya umuwi kagabi. She's already 20 but still mahigpit pa rin ang pamilya niya sa kaniya. Hindi siya tulad nina Divine na may kalayaang gawin ang gusto. They're born in a liberated family, while she's not. Tahimik ang sala not until her father rush on the sala. Nakasunod ang Mama niya.“Bernard, please. Stop it, let her explain first,”awat ng Mama niya na halos patakbo nang sumunod sa ama-amahan niya.Nanlilisik ang mata ni Bernard na deretsong nakatingin sa kaniya. Para itong lion na nakawala sa kulungan nito at handang manakit ng kahit na sinong makakasalubong nito. Kabado at wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang ama-amahan na paparating sa kinaroroonan niya.Lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi niya. Parang papanawan siya ng ulirat dahil sa
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo tungo sa CR para dumuwal. Nanghihina na sumandal siya sa dingding ng CR matapos ang lahat. Maiiyak na siya dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili. Kada-umaga na lang siyang nagkakaganito. Grounded pa rin siya pero hindi na siya pinipilit na magbasa ng mga libro na may kuneksyon sa business. Pwede na siyang magpinta pero parang wala siyang ganang gawin iyon ngayon. Inaantok siya at tinatàmad siyang magkikilos ngayon.Tumunog ang cellphone niya. Nasurpresa siya nang malamang si Divine ang nag-send sa kaniya ang voice recorded message. Nagtataka siya. Bakit voice record? Hindi naman kasi ito ganoon.“Hindi ko masabi sa'yo ito ng harapan, Serrie,”umpisa nito. Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan itong umpisahan ang sasabihin. “Pero kasi. Nakukunsensiya ako noong marinig kong ipapakasal ka na kay Coby.”Humagulhol si Divine. Napalunok siya. Kinabahan na rin dahil pakiramdam niya may malaking problema si Divine. Kaya lang anong
Wala naman siyang ginawang masama sa lalaki pero hindi niya maintindihan kung bakit pinagpapawisan siya ng malamig ngayon. Binaba na nito ang phone at ngayo'y binalot sila ng katahimikan sa loob ng elevator.Hindi niya ito magawang lingunin. Kung maaring huwag na lang huminga ngayon para hindi lang siyang mapansin ni Hidan ay gagawin niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagsakit ng puson. Kanina pa siya nakatayo mula pa noong dumating siya dito sa building at nagbuhat siya ng napakaraming damit mula sa mga karton sa dressing room. Napagod siya kaya duda niya, iyon ang dahilan kaya sumakit ang puson niya ngayon. O baka naman magkaka-period na siya.Sinapo niya ang puson. Kaya lang sumakit pa iyon ng tudo dahilan para mabitiwan niya ang damit. Ilang beses siyang nagdasal sa isipan niya na sana huwag naman ngayon. Huwag naman sa harapan ni Hidan. Pinindot niya ang open button ng elevator. Nakarating na sila sa eksaktong floor pero hindi pa nagbubukas ang pinto kaya natataranta na
“Sino po? Bakit walang sinasabi si Papa?” Panay ang sunod niya sa mama niya. Patungo ito ng pool at may bitbit na libro.Walang binanggit ang ama niya kung sino at anong uri ng tao ang ipapakasal sa kaniya. Siya ang ikakasal at makikisama doon sa taong iyon kaya kailangan niyang malaman. Sinabi ng ama niya na isang CEO ang lalaking iyon. Pero pagkatapos no'n, wala na.“Matanda na ba? Ilang taon ang tanda sa akin?” Nahihintakutan niyang sunod-sunod na tanong.Ayos lang sa kaniya kahit pa matanda pa sa kaniya o ano. Hindi importante ang pisikal ang problema ay kung mas makapangyarihan kaysa sa kanila, tiyak mas delikadong makalaban ang taong iyon. Kapag nalaman ng lalaki na buntis siya matapos ang kasal ay tiyak mas magiging delikado ang buhay nila ng kaniyang anak.“I don't know, Serrie. Sumunod ka na lang sa ama mo para wala nang gulo,”balewalang sabi ng ina niya. Nagpapahid ito ng sunscreen habang naka-upo sa sun lounger ng pool. May bitbit na libro ang mama niya at balak pa yatang b
"Bernard!"Umalingawangaw ang boses ng ina niya sa buong mansyon. Kararating lang nila at siya namang pagtalikod ni Hidan Alijer. Hinintay lang ng ama-amahan na makaalis si Hidan Alijer para magawa na nito ang gusto nito. Humarang ang ina niya sa kaniya kaya't ang mukha ng ina niya ang natamaan ng sampal nito. Nahintakutan si Bernard nang makita ang namumulang pisngi ng asawa. Mas lalo lang itong nagalit sa kaniya kaya't susugod na dapat ito ulit sa kaniya nang magsalita ang ina niya. "Buntis ang anak mo!"Namilog ang mata ni Bernard sa narinig. "A-Ano?" Tulala ito."Huwag mong saktan si Serrie dahil buntis siya..." Wala sa sariling ulit ng ina niya.Hindi niya alam kung saan iyon narinig ng Mama niya. Maliban kay Divine wala na siyang sinabihan na iba. Kaya't papaano nito nalaman ang tungkol doon? "Ikaw..." Kumuyom ang kamao ni Bernard. Niyakap siya ng ina. Dahil kung galit ito kanina. Tiyak na mas galit ito ngayon matapos marinig ang pinakamalalang balita. “Ipalaglag mo 'yan!”
Namamangha na napatingala si Serrie sa mataas na ceiling ng bahay. Hindi niya lubos akalaing mas malaki pa ang mansyon na ito kaysa sa bahay nila. Ito ang unang araw na lilipat siya sa mansyon ni Hidan. Ito ang unang araw na gagampanan niya na ang pagiging asawa niya. Bumuntong hininga siya nang sulyapan ang bagahe. Napanganga siya nang mamalayang nasa labas pa ang bagahe niya. Pumasok na ang driver at hindi man lang pinasok ang bagahe niya. Napilitan siyang balikan sa labas ang bagahe at napabaling sa paligid. Wala yata si Hidan sa bahay ngayon. Iniisip niya nasa trabaho ang asawa. May nasalubong siyang babae. Nakasuot ng pangkatulong na damit.Ngumiti siya dito. “Ah, ipapasok ko lang ang gamit ko. Nasaan ang silid ko-”Hindi na siya pinatapos nito. Dahil may inilahad itong papel sa kaniya. Nanatiling blangko ang emosyon sa mukha ng babae nang ibigay sa kaniya ang papel.“Ito ang iniwan ni Sir Hidan sa akin. Ibigay ko raw sa'yo para malaman mo ang mga dapat at hindi dapat gawin sa b
“G-Ganoon ba?” Agad na napayuko si Serrie. Kung ganoon. May girlfriend na si Hidan. Kung hindi siya dumating ay malamang sa malamang na ang girlfriend nito ang pakakasalan nito.Napatingin siya sa sarili. Ang layo ng agwat nila ng babaeng dala ni Hidan. Dahilan para mas lalong bumaba ang tingin niya sa sarili. Naiintindihan niya si Hidan. Kahit si Coby hindi siya maipagmalaking girlfriend nito. Ano pa kaya si Hidan? Wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang asawa niyang papasok kasama ang magandang babae na iyon. “Baka mapagalitan tayo. Tara na,”anyaya ni Owen. Tipid siyang ngumiti at tumango.Silang dalawa ni Owen ang binigyan ng napakaraming trabaho ng manager nila. Iyong ibang lalaki na nandoon lalo na si Rex ay hindi naman ganoon karami ang pinapatrabaho. Iba sa kanila ni Owen. “Ayos ka lang?”ani Owen nang mapansin na napapatigil siya minsan.Nahihilo kasi siya at ayaw niyang mabuwal dito sa kinatatayuan. Perhuwisyo pa kay Owen kapag nangyari iyon. Nahihirapan na rin ang
Bumaba siya sa itim na sasakyan. Ilang hakbang lang ang layo mula sa building na pinapasukan niya. Nakasuot siya ng casual dress na hanggang tuhod ang haba. Gustuhin niya man na magsuot ng maong ay hindi niya na magagawa pa. Buntis siya at natatakot siyang baka mapaano pa ang anak niya sa tiyan.Kagabi ay hindi na umimik si Hidan sa kaniya. Nauna itong pumasok at iniwan siya sa may gate. Kinabukasan ay may driver nang naghihitay sa kaniya para ihatid siya sa trabaho. Ngayon niya lang nakita ang driver na ito. Siguro ay nag-hire ng bagong driver si Hidan para sa kaniya. Medyo magaan ang pakiramdam niya sa driver na ito hindi tulad doon sa personal driver ni Hidan. Tahimik iyon at mukhang hindi maaaring kausapin."Ayos lang po talaga sa inyo na dito ko lang po kayo ibababa, Ma'am?" Medyo hindi pa sigurado ang driver habang kinukuha niya ang mga box dito na naglalaman ng mga papel. Iyon iyong mga soft copy na ni-xerox niya kagabi. Mabuti na lang at may printer sa bahay ni Hidan. Pinadal
"Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n
“Ayos lang naman siya ‘di ba, Mama? Wala namang nangyari sa kaniyang masama, ‘di ba?” Sunod sunod ang mga tanong ni Edann. Ngumiti siya nang balingan ang anak. Halata kasi sa mukha nitong nag-aalala talaga ito sa Tito Sandro nito.“Ayos lang siya, anak. Walang mangyayaring masama sa Tito Sandro mo. Nandito tayo babantayan na’tin siya.”Tumango tango ang anak niya. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ito. “Bakit kasi kailangan pa na’tin iwan si Tito Sandro? Pwede naman kasi na’tin siyang isama sa pupuntahan na’tin. Huwag kasi na’tin siyang iwan.” Maiiyak ang anak niya habang nakatitig sa kaniya. Bakas ng pagsusumamo ang mga mata nito.Hindi kasi nito alam na desisyon ni Sandro ang iwan ito. Hindi niya nasabi iyon sa anak. Ayaw niya na rin na magtanong ito sa dahilan niya. Ayaw niyang ang ama nito ang dahilan kaya sila aalis doon. Mas lalo lang nitong kasusuklaman ang ama kapag nalaman nito ang lahat. Ayaw niyang mamuhay na may galit sa puso ang anak niya. Habang buhay na pahihira
“You don’t like the food?” Napaangat ang tingin niya kay Hidan nang magsalita ito. Umiling siya dito. “Ayos lang,” aniya. Ang totoo niyan ay masarap ang pagkain. Talagang nagustuhan niya. Kaya lang hindi siya kumportableng kumakain kasama si Hidan kaya hindi siya makasubo ng maayos. Kung sana pumayag na lang itong kakain siya sa sarili niyang table e ‘di sana maayos siyang nakakakain ngayon. “What are your favorite foods?”Natigilan siya sa naging tanong ni Hidan. Huminto siya sa pagsubo at sinulyapan ang plato nito. Imbes na si Hidan ang tingnan. Bakit naman nito natanong iyon?“You like grapes, don’t you?”dagdag nito.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na siya nang mapagtantong tila kumakalap ito ng impormasyon sa kaniya. Ang alam nito ay hindi niya ito maalala. Kapag sinabi niyang ‘oo’ magtatanong pa ulit ito kung kailan niya iyon nagustuhan. Baka aksidente niyang masabing paborito niya iyon no’ng naglilihi siya. Kapag nalaman nitong aware siya sa katauhan nito baka kung anong
Pag-isipan mong mabuti, Serrie. Alam kong pabor sa’yo ito.” Natahimik siya sa sinabi ni Sandro. Nag-offer si Sandro ng ibang trabaho maliban sa magtrabaho sa banana plantation. Tama si Sandro. Pabor nga sa kaniya ang sinabi nito. Makakalayo na siya kay Hidan at mailalayo niya na rin ang anak niya. Kaya lang nakokonsensiya siya. Parang hindi naman tama na layasan na lang nila ng ganun-ganoon lang si Sandro pagkatapos sila nitong tulungan. Nasa kasagsagan ng crisis ang plantation nito. Ngayon, mas kailangan sila ni Sandro. Pero iyong offer ni Sandro ay malaking bagay rin para sa kanila ng anak niya. Isa iyon sa pinangarap niya… ang makalayo kay Hidan. Kaya nalilito siya ngayon.“Hindi na’tin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ni Hidan ngayon. Hindi na’tin alam kung bakit wala pa siyang ginagawa ngayon matapos niya kayong makita ni Edann. Hindi na tayo dapat maghintay ng matagal. Pasensiya na kung bakit natagalan ako sa bagay na ‘to. Marami akong inayos kaya natagalan.”Hindi n