Hindi niya pa alam kung ano ang dahilan ng paghingi ni Divine ng tawad sa kaniya. Hindi niya na rin kasi naitanong. Kinakabahan man siya ngayon ay kailangan niyang umuwi agad. Alam niyang pagagalitan siya ngayon dahil hindi siya umuwi kagabi. She's already 20 but still mahigpit pa rin ang pamilya niya sa kaniya. Hindi siya tulad nina Divine na may kalayaang gawin ang gusto. They're born in a liberated family, while she's not.
Tahimik ang sala not until her father rush on the sala. Nakasunod ang Mama niya.“Bernard, please. Stop it, let her explain first,”awat ng Mama niya na halos patakbo nang sumunod sa ama-amahan niya.Nanlilisik ang mata ni Bernard na deretsong nakatingin sa kaniya. Para itong lion na nakawala sa kulungan nito at handang manakit ng kahit na sinong makakasalubong nito. Kabado at wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang ama-amahan na paparating sa kinaroroonan niya.Lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi niya. Parang papanawan siya ng ulirat dahil sa sampal na iyon. Agad pumagitna ang Mama niya para hindi na siya bigyan pa ng panibagong sampal.“Umalis ka diyan.” Mahihimigan ang pagbabanta sa boses ni Bernard. Ang ina niya ang pinatutungkulan ng sinabi nito pero nanatili ang mata nito sa kaniya.“You can teach her a lesson without hurting her, Bernard. You don't need to-”“Kaya lumaking sutil itong anak mo dahil kinukunsinti mo!”Dahil sa malakas na sigaw ni Bernard ay muntik pang mapatalon sa gulat ang kaniyang Mama.“Tama bang sumama sa isang lalaki habang may fiancee na? Kaya siguro ganiyan iyan ay dahil nagmana sa'yo, Esmeralda. Ganiyan ka rin dati kaya naiintindihan mo siya, di ba? Kung hindi kita pinulot noon, saan kaya kayo pupulutin ngayon?”Agad bumakas ang kirot sa mga mata ni Esmeralda gayong binalikan na naman nito ang nakaraan.“Bakit napasok na naman sa usapan ang nakaraan ko, Bernard? Tungkol ito sa anak ko. Anong kuneksyon nito sa nakaraan e tapos na iyon!”Dinuro ni Bernard ang Mama niya. Gusto niyang humarang para sa Mama niya pero pigil siya ng ina.“Kung wala ako paniguradong matagal nang lumubog ang kompanya ng ama mo, Esmeralda. Nagdala ka pa ng anak mo sa labas. Pinakasalan kita para pagtakpan ang kahihiyang dala mo. Ito na lang ang tanging magiging kabayaran sa lahat ng sakripisyo ko sa inyo. Ito na lang, for fúck sake!”Nagtawag ang Mama niya ng katulong para samahan siya sa taas. Ayaw niyang iwan ang ina pero baka siya naman ang mapagalitan ng ina niya kapag sinuway niya ito.Narinig niya ang pagkabasag ng gamit sa sala. Siguro ay nagwala na naman ang ama. Doon sa mga gamit ibinunton ang galit nito sa kanila ng Mama niya. Kaya siyang saktan ni Bernard pero hindi nito kayang saktan ang ina niya......“Hindi ka pwedeng lumabas ngayon.” May lamig sa mga mata ng ina niya nang magtungo ito sa silid niya.Maiintindihan niya kung ito ang magiging parusa sa kaniya. Sa totoo lang ay ini-expect niya na rin ito. Dahil sa galit ng ama niya kahapon ay napakaimposible na kung hahayaan pa rin siya nito sa ano mang gustuhin niya.“Opo, naiintindihan ko. Sa kusina lang po ako-”“Kahit sa kusina o sa sala o sa kahit saan. Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto,”putol ng ina niya sa kaniya.Pumasok ang dalawang katulong. Nagtungo agad ang mga ito sa canvas niya. Maging ang mga paintbrush niya ay kinumpiska ng mga katulong.“M-Ma, b-bakit pati...”Hindi naman kinukuha noon ng Mama niya ang mga gamit niya. Kinukulong lang naman siya sa mansion noon kapag may kasalanan siya. At parati iyong nangyayari that's why she discovered painting portraits. Kaya nga nagulat siya ngayon. Bakit pati na ang pagpipinta niya ay pinapakialaman na ngayon?“Dahil sa ginawa mo, mapipilitan akong pagbigyan ang ama mo sa kagustuhan niya. He wanted to thought you how to run the company noon pa man at ngayon ko siya mapagbibigyan. No more painting starting today.” May awturidad sa boses ng ina niya.Labag man sa kalooban ni Esmeralda na saktan ng ganito ang anak ay wala nang magagawa ang ginang sapagkat hawak sila sa leeg ni Bernard.Tapos mailabas ng mga katulong ang mga gamit niya ay pinasok naman ng mga ito ang napakaraming libro na may kuneksyon sa business. Hindi magkandaugaga sa pagdala ng libro ang dalawang katulong at halos punuin niyon ang study table niya.Natulala na lamang siya.Hindi siya makapaniwalang ito ang gustong ipagawa ng ama niya sa kaniya. Matagal nang pinu-pursue ng ama niyang pag-aralan niya ang kompanya pero pagpipinta pa rin ang gusto niyang balikan. Doon ay kakampi niya ang ina niya. Tinulungan siya ng ina na hikayatin si Bernard na huwag nang ipilit sa kaniya ang business. At hayaan na lamang siya sa bagay na mahal niya–ang pagpipinta.Pero ngayon, pati mama niya ay wala nang magagawa pa sa desisyon ni Bernard.Sa umaga ay pilit siyang nagbabasa. Ganoon din sa gabi. Iyon na ang buong araw niyang pinagkakaabalahan. It's been two months noong ikulong siya sa silid niya. Papasok lamang ang mga katulong para dalhan siya ng pagkain at hindi man lamang siya kakausapin. Tanging mga libro lang ang pwede niyang makasama sa mga oras na iyon.....Umahon siya sa pagkakayukyok sa mesa. Nakabukas pa ang libro nang iangat ang ulo para balingan ang pinto. Akala niya ay nananaginip lang siya na may kumakatok sa labas. Pero mayroon naman pala talaga.“Pasok.” Garalgal pa ang boses niya.Nakatulog na pala siya sa mesa. Nakatulogan niya rin ang librong binabasa kagabi.Ang katulong ang pumasok. Wala itong dalang pagkain. Nagtaka siya. Akala niya pa man din ay magdadala na ito ng agahan niya kaya itong nagtungo doon ngayon.“Pinapatawag po kayo ni Sir. Pero bago raw po kayo bumaba. Suotin niyo muna ang damit na 'to,”ani katulong.Sumulpot naman mula sa likuran ang katulong na kasama. May bitbit itong dalawang box.Inilapag nito ang box sa kama. Doon niya lang nalamang damit iyon. Panglakad ang damit na iyon. Mas lalo siyang nagtaka. Tumalima rin agad siya para sundin ang gusto ng ama. Nakaayos na siya sa harap ng salamin nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.Agad siyang napatakbo sa CR para dumuwal doon. Matapos ay nag-flush siya at may pagtataka na napatingin sa kawalan. Anong nangyayari sa kaniya? Hindi naman masakit ang tiyan niya pero parang kakaiba ang nararamdaman niya sa sikmura niya.Napatingin siya sa lagayan niya ng napkin. Hindi iyon nabawasan. Dalawa't kalahating buwan na nga pala ang ang nakararaan. Pero hindi niya naalalang dinatnan siya no'n.Tulala tuloy siyang lumabas at sumunod sa mga katulong na patungo sa sala. May problema ba sa katawan niya? May sakit na ba siya? Health conscious naman ang Mama niya kaya hindi siya masiyadong nakakakain ng mga non-healthy foods kaya imposibleng magkakaroon siya ng problema sa katawan.“Magpasalamat ka at nadala namin sa pakikipag-ariglo ang pamilya ni Coby.” Iyon ang bungad ng ama niya sa kaniya.Beside her father is her mom who obviously look uneasy. Tila hindi ito kumportable habang umiinom ng kape. Ngunit sa kabila niyon ay medyo gumaan ang pakiramdam niyang malaman na naayos na pala ang gusot na ito.“But in exchange,”ani Ama niya dahilan para mapaangat ang tingin niya dito. “You have to marry Coby as soon as possible. Sabi nila gusto nilang next month but I said it's better to move the date by the end of the week.”Namilog ang mata niya. Ibig sabihin ay pumapayag ang ama niya ng hindi tinatanong ang desisyon niya. Kung makapagsalita ito ay parang isa lamang siyang bagay na binibenta nito. Kailan nga ba siya nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa sarili niya? Simula bata pa siya'y pinapangunahan na siya sa lahat ng bagay.Wala sa sarili na tumingin siya sa kawalan. Mapait siyang ngumiti. Kita ni Esmeralda ang sakit na nakabalatay sa mga mata ng anak. Pero walang ibang magawa ang Ginang kundi higpitan na lamang ang hawak sa hawakan ng tasa ng kape.Nasasaktan si Esmeralda pero hindi niya kayang ipakita sa lahat. Sinasarili ng Ginang iyon. Wala na rin naman silang magagawa sa mga desisyon ni Bernard. Nakatira sila sa bahay ni Bernard, ang asawa ang nagpapakain sa kanila ng anak niyang si Serrie, maayos ang buhay nila dahil sa lalaki kaya't hindi niya magawang sumalungat sa mga desisyon nito.“Pupunta tayo sa restaurant to meet them. This will be a family meeting. Ayusin mo ang sarili mo at huwag ka na ulit magbigay ng kahihiyan sa akin.” Mabigat ang boses ni Bernard. Agad naman itong tumayo para magtungo na sa labas.Napatingin si Serrie sa ina niya. Agad din nag-iwas ng tingin ang kaniyang Mama at inilapag ang tasa para tumayo na rin. Tila hindi siya magawang tingnan nito ng matagal.Tila may bikig sa lalamunan niya nang sumunod na rin siya sa magulang niya. Tahimik silang lahat sa loob ng mini van. Hanggang sa makarating sila sa magarbong restaurant. Mas nauna ang pamilya ni Coby sa pribadong kwarto ng restaurant.Mrs. Reyes arch her brow when she catch a glimpse of her. Tiningnan din siya ng ginang mula ulo hanggang paa. Bakas ang pagkadisgusto sa mga mata nito. Samantalang dati-rati ay ang saya-saya nito kapag may ganitong family meeting. Tila pinapamukha nito sa kaniyang siya ang dahilan kung bakit masama ang timpla nito ngayon.“You look stunning, Mrs. Reyes.” Pambobola ng Mama niya sa Ginang. Para naman maibsan ang tensyon sa paligid.“Maliit na bagay, Esmeralda.” Umikot ang eyeball ni Mrs. Reyes na parang di masaya sa papuri ng kaniyang Mama dito.Bakas ang yabang sa mukha Mr. Reyes na animo nababawasan na ang yaman nito sa pagdating nila. Kung tutuosin ay mas malaki ang share ng kaniyang pamilya kaysa sa mga Reyes. Naging investor lang naman nila ito noong naging successful ang isa sa malaking project ng kompanya nila. Wala naman talagang bilib ang mga Reyes sa credibility nila, kumapit lang noong may resulta na.Ngumisi si Coby nang magtama ang mata nila. Kung makatingin ito ay parang nanalo ito sa sugal laban sa kaniya.Tahimik siyang umupo kahilera ng pamilya niya. Hindi niya na pinansin ang mga nakakainsultong tingin ni Coby.“Kasiraan ito sa image ng anak ko. He's a famous model, ayokong may issue behind him. Dapat alam iyon ng fiancee niya diyan.” Bulalas ni Mrs. Reyes sabay sulyap sa kaniya.Hindi naman talaga ganoon kasikat si Coby. Hindi pa nito naabot ang level ng mga international models na may malalaking talent fee. At ang agency na may hawak sa binata ay hindi rin gaanong sikat.“Don't worry. Na-settle na namin ang tungkol sa bagay na iyan, Mrs. Reyes,”ani Mama niya sa pormal na tuno.Kahit maliit ang share ng pamilya Reyes ay malawak ang empluwensiya ng ama ni Mrs. Reyes na magagamit ng step-father niya sa negosyo. Isa sa dahilan kung bakit hindi mabitiwan ni Bernard ang mga Reyes kahit masiyadong ma-pride ang pamilyang ito.“Dapat lang, Esmeralda.” Umangat ang kilay ni Mrs. Reyes.“When in fact. Nalalapit na rin naman ang kasal nilang dalawa hindi ba?” Ngumiti ang mama niya sa ina ni Coby.“Mapipilitan ang anak kong pakasalan iyang anak mo. Kailangan na'tin patayin ang issue tungkol sa pangangaliwa niya.” Iritado na naman siyang binalingan ni Mrs. Reyes.Gustuhin man ni Serrie na itama ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Reyes sa issue ng pangangaliwa, ay hindi niya magawa. Malalagot na naman siya sa pamilya niya. Lalo pa at ginagawa ng kaniyang mga magulang ang lahat upang maayos ang gusot na ito. Kapag nagsalita pa siya ay baka magalit na naman sa kaniya ang pamilya Reyes. Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat.“Kami na ang bahala sa wedding preparations. We can trust my wife's expertise for this. Marami siyang kilalang wedding coordinators.” Mahihimigan ang kasiguraduhan sa boses ng kaniyang step-father.Napatingin siya kay Coby na kanina pa nakangisi. Kahit pa ikakasal na ito sa kaniya ay paniguradong gagawa pa rin ito ng kabulastugan. Napabuntong hininga siya. Hindi niya lubos akalaing ito ang magiging kahahantungan niya.Ngunit wala siyang magagawa kundi ang tumayo bilang isang martyr na asawa sa tabi ni Coby. Katulad ng gusto ng pamilya niya.Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo tungo sa CR para dumuwal. Nanghihina na sumandal siya sa dingding ng CR matapos ang lahat. Maiiyak na siya dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili. Kada-umaga na lang siyang nagkakaganito. Grounded pa rin siya pero hindi na siya pinipilit na magbasa ng mga libro na may kuneksyon sa business. Pwede na siyang magpinta pero parang wala siyang ganang gawin iyon ngayon. Inaantok siya at tinatàmad siyang magkikilos ngayon.Tumunog ang cellphone niya. Nasurpresa siya nang malamang si Divine ang nag-send sa kaniya ang voice recorded message. Nagtataka siya. Bakit voice record? Hindi naman kasi ito ganoon.“Hindi ko masabi sa'yo ito ng harapan, Serrie,”umpisa nito. Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan itong umpisahan ang sasabihin. “Pero kasi. Nakukunsensiya ako noong marinig kong ipapakasal ka na kay Coby.”Humagulhol si Divine. Napalunok siya. Kinabahan na rin dahil pakiramdam niya may malaking problema si Divine. Kaya lang anong
Wala naman siyang ginawang masama sa lalaki pero hindi niya maintindihan kung bakit pinagpapawisan siya ng malamig ngayon. Binaba na nito ang phone at ngayo'y binalot sila ng katahimikan sa loob ng elevator.Hindi niya ito magawang lingunin. Kung maaring huwag na lang huminga ngayon para hindi lang siyang mapansin ni Hidan ay gagawin niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagsakit ng puson. Kanina pa siya nakatayo mula pa noong dumating siya dito sa building at nagbuhat siya ng napakaraming damit mula sa mga karton sa dressing room. Napagod siya kaya duda niya, iyon ang dahilan kaya sumakit ang puson niya ngayon. O baka naman magkaka-period na siya.Sinapo niya ang puson. Kaya lang sumakit pa iyon ng tudo dahilan para mabitiwan niya ang damit. Ilang beses siyang nagdasal sa isipan niya na sana huwag naman ngayon. Huwag naman sa harapan ni Hidan. Pinindot niya ang open button ng elevator. Nakarating na sila sa eksaktong floor pero hindi pa nagbubukas ang pinto kaya natataranta na
“Sino po? Bakit walang sinasabi si Papa?” Panay ang sunod niya sa mama niya. Patungo ito ng pool at may bitbit na libro.Walang binanggit ang ama niya kung sino at anong uri ng tao ang ipapakasal sa kaniya. Siya ang ikakasal at makikisama doon sa taong iyon kaya kailangan niyang malaman. Sinabi ng ama niya na isang CEO ang lalaking iyon. Pero pagkatapos no'n, wala na.“Matanda na ba? Ilang taon ang tanda sa akin?” Nahihintakutan niyang sunod-sunod na tanong.Ayos lang sa kaniya kahit pa matanda pa sa kaniya o ano. Hindi importante ang pisikal ang problema ay kung mas makapangyarihan kaysa sa kanila, tiyak mas delikadong makalaban ang taong iyon. Kapag nalaman ng lalaki na buntis siya matapos ang kasal ay tiyak mas magiging delikado ang buhay nila ng kaniyang anak.“I don't know, Serrie. Sumunod ka na lang sa ama mo para wala nang gulo,”balewalang sabi ng ina niya. Nagpapahid ito ng sunscreen habang naka-upo sa sun lounger ng pool. May bitbit na libro ang mama niya at balak pa yatang b
"Bernard!"Umalingawangaw ang boses ng ina niya sa buong mansyon. Kararating lang nila at siya namang pagtalikod ni Hidan Alijer. Hinintay lang ng ama-amahan na makaalis si Hidan Alijer para magawa na nito ang gusto nito. Humarang ang ina niya sa kaniya kaya't ang mukha ng ina niya ang natamaan ng sampal nito. Nahintakutan si Bernard nang makita ang namumulang pisngi ng asawa. Mas lalo lang itong nagalit sa kaniya kaya't susugod na dapat ito ulit sa kaniya nang magsalita ang ina niya. "Buntis ang anak mo!"Namilog ang mata ni Bernard sa narinig. "A-Ano?" Tulala ito."Huwag mong saktan si Serrie dahil buntis siya..." Wala sa sariling ulit ng ina niya.Hindi niya alam kung saan iyon narinig ng Mama niya. Maliban kay Divine wala na siyang sinabihan na iba. Kaya't papaano nito nalaman ang tungkol doon? "Ikaw..." Kumuyom ang kamao ni Bernard. Niyakap siya ng ina. Dahil kung galit ito kanina. Tiyak na mas galit ito ngayon matapos marinig ang pinakamalalang balita. “Ipalaglag mo 'yan!”
Namamangha na napatingala si Serrie sa mataas na ceiling ng bahay. Hindi niya lubos akalaing mas malaki pa ang mansyon na ito kaysa sa bahay nila. Ito ang unang araw na lilipat siya sa mansyon ni Hidan. Ito ang unang araw na gagampanan niya na ang pagiging asawa niya. Bumuntong hininga siya nang sulyapan ang bagahe. Napanganga siya nang mamalayang nasa labas pa ang bagahe niya. Pumasok na ang driver at hindi man lang pinasok ang bagahe niya. Napilitan siyang balikan sa labas ang bagahe at napabaling sa paligid. Wala yata si Hidan sa bahay ngayon. Iniisip niya nasa trabaho ang asawa. May nasalubong siyang babae. Nakasuot ng pangkatulong na damit.Ngumiti siya dito. “Ah, ipapasok ko lang ang gamit ko. Nasaan ang silid ko-”Hindi na siya pinatapos nito. Dahil may inilahad itong papel sa kaniya. Nanatiling blangko ang emosyon sa mukha ng babae nang ibigay sa kaniya ang papel.“Ito ang iniwan ni Sir Hidan sa akin. Ibigay ko raw sa'yo para malaman mo ang mga dapat at hindi dapat gawin sa b
“G-Ganoon ba?” Agad na napayuko si Serrie. Kung ganoon. May girlfriend na si Hidan. Kung hindi siya dumating ay malamang sa malamang na ang girlfriend nito ang pakakasalan nito.Napatingin siya sa sarili. Ang layo ng agwat nila ng babaeng dala ni Hidan. Dahilan para mas lalong bumaba ang tingin niya sa sarili. Naiintindihan niya si Hidan. Kahit si Coby hindi siya maipagmalaking girlfriend nito. Ano pa kaya si Hidan? Wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang asawa niyang papasok kasama ang magandang babae na iyon. “Baka mapagalitan tayo. Tara na,”anyaya ni Owen. Tipid siyang ngumiti at tumango.Silang dalawa ni Owen ang binigyan ng napakaraming trabaho ng manager nila. Iyong ibang lalaki na nandoon lalo na si Rex ay hindi naman ganoon karami ang pinapatrabaho. Iba sa kanila ni Owen. “Ayos ka lang?”ani Owen nang mapansin na napapatigil siya minsan.Nahihilo kasi siya at ayaw niyang mabuwal dito sa kinatatayuan. Perhuwisyo pa kay Owen kapag nangyari iyon. Nahihirapan na rin ang
Bumaba siya sa itim na sasakyan. Ilang hakbang lang ang layo mula sa building na pinapasukan niya. Nakasuot siya ng casual dress na hanggang tuhod ang haba. Gustuhin niya man na magsuot ng maong ay hindi niya na magagawa pa. Buntis siya at natatakot siyang baka mapaano pa ang anak niya sa tiyan.Kagabi ay hindi na umimik si Hidan sa kaniya. Nauna itong pumasok at iniwan siya sa may gate. Kinabukasan ay may driver nang naghihitay sa kaniya para ihatid siya sa trabaho. Ngayon niya lang nakita ang driver na ito. Siguro ay nag-hire ng bagong driver si Hidan para sa kaniya. Medyo magaan ang pakiramdam niya sa driver na ito hindi tulad doon sa personal driver ni Hidan. Tahimik iyon at mukhang hindi maaaring kausapin."Ayos lang po talaga sa inyo na dito ko lang po kayo ibababa, Ma'am?" Medyo hindi pa sigurado ang driver habang kinukuha niya ang mga box dito na naglalaman ng mga papel. Iyon iyong mga soft copy na ni-xerox niya kagabi. Mabuti na lang at may printer sa bahay ni Hidan. Pinadal
Napalunok siya at pinagmasdan ang dalawa. Natuon ang mata niya sa babae. Ang layo ng agwat nila ng babaeng kasama ni Hidan. Nakaakbay si Hidan sa babae habang parehong nakaupo sa couch ang dalawa at ini-enjoy ang pag-inom ng wine. Para itong mga bagong kasal na naglalambingan doon. Sino nga bang hindi magdududa sa relasyon ng dalawa kung ganitong senaryo ang makikita niya?Kaya bakit kailangan pa siya nitong pakasalan kung may nobya na ito? Iyon ang hindi niya maintindihan. Nahihiya siya sa parte kung saan naging hadlang siya sa relasyon ng dalawa. Ngayon nandito ang babae ay parang ayaw niya na itong tingnan sa mata. Agad siyang nagtungo sa hagdan para umakyat. Hindi niya na gagambalain ang dalawa. Pakiramdam niya'y wala siyang karapatan para gawin iyon.Hindi siya makatulog. Pasaglit-saglit siyang napapaisip sa dalawang nasa baba. Naalala niya kung papaano akbayan ni Hidan ang babae. Kung papaano magtawanan ang dalawa na parang may mga sarili itong mundo.12 na ng hating gabi. Kays
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n
“Ayos lang naman siya ‘di ba, Mama? Wala namang nangyari sa kaniyang masama, ‘di ba?” Sunod sunod ang mga tanong ni Edann. Ngumiti siya nang balingan ang anak. Halata kasi sa mukha nitong nag-aalala talaga ito sa Tito Sandro nito.“Ayos lang siya, anak. Walang mangyayaring masama sa Tito Sandro mo. Nandito tayo babantayan na’tin siya.”Tumango tango ang anak niya. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ito. “Bakit kasi kailangan pa na’tin iwan si Tito Sandro? Pwede naman kasi na’tin siyang isama sa pupuntahan na’tin. Huwag kasi na’tin siyang iwan.” Maiiyak ang anak niya habang nakatitig sa kaniya. Bakas ng pagsusumamo ang mga mata nito.Hindi kasi nito alam na desisyon ni Sandro ang iwan ito. Hindi niya nasabi iyon sa anak. Ayaw niya na rin na magtanong ito sa dahilan niya. Ayaw niyang ang ama nito ang dahilan kaya sila aalis doon. Mas lalo lang nitong kasusuklaman ang ama kapag nalaman nito ang lahat. Ayaw niyang mamuhay na may galit sa puso ang anak niya. Habang buhay na pahihira
“You don’t like the food?” Napaangat ang tingin niya kay Hidan nang magsalita ito. Umiling siya dito. “Ayos lang,” aniya. Ang totoo niyan ay masarap ang pagkain. Talagang nagustuhan niya. Kaya lang hindi siya kumportableng kumakain kasama si Hidan kaya hindi siya makasubo ng maayos. Kung sana pumayag na lang itong kakain siya sa sarili niyang table e ‘di sana maayos siyang nakakakain ngayon. “What are your favorite foods?”Natigilan siya sa naging tanong ni Hidan. Huminto siya sa pagsubo at sinulyapan ang plato nito. Imbes na si Hidan ang tingnan. Bakit naman nito natanong iyon?“You like grapes, don’t you?”dagdag nito.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na siya nang mapagtantong tila kumakalap ito ng impormasyon sa kaniya. Ang alam nito ay hindi niya ito maalala. Kapag sinabi niyang ‘oo’ magtatanong pa ulit ito kung kailan niya iyon nagustuhan. Baka aksidente niyang masabing paborito niya iyon no’ng naglilihi siya. Kapag nalaman nitong aware siya sa katauhan nito baka kung anong
Pag-isipan mong mabuti, Serrie. Alam kong pabor sa’yo ito.” Natahimik siya sa sinabi ni Sandro. Nag-offer si Sandro ng ibang trabaho maliban sa magtrabaho sa banana plantation. Tama si Sandro. Pabor nga sa kaniya ang sinabi nito. Makakalayo na siya kay Hidan at mailalayo niya na rin ang anak niya. Kaya lang nakokonsensiya siya. Parang hindi naman tama na layasan na lang nila ng ganun-ganoon lang si Sandro pagkatapos sila nitong tulungan. Nasa kasagsagan ng crisis ang plantation nito. Ngayon, mas kailangan sila ni Sandro. Pero iyong offer ni Sandro ay malaking bagay rin para sa kanila ng anak niya. Isa iyon sa pinangarap niya… ang makalayo kay Hidan. Kaya nalilito siya ngayon.“Hindi na’tin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ni Hidan ngayon. Hindi na’tin alam kung bakit wala pa siyang ginagawa ngayon matapos niya kayong makita ni Edann. Hindi na tayo dapat maghintay ng matagal. Pasensiya na kung bakit natagalan ako sa bagay na ‘to. Marami akong inayos kaya natagalan.”Hindi n
Kagagaling lang nila sa guidance office. Pinagmasdan ni Serrie ang anak. Hindi ito sumabay sa kaniyang maglakad bagkus ay nauna ito sa kaniya. Inakala niya kung ano na ang nangyari dito. Malaman laman niya pa, nakikipagbasag ulo pala ang anak niya. Hindi niya lubos akalaing magkakaganito si Edann. Hindi naman talaga ito ganito dati. Mabait ang anak niya kaya nakakagulat na bigla itong nagkaganito. Atsaka nakakapanibago rin ang pananahimik nito. Nagsimula iyon matapos siyang ihatid ni Hidan sa kanila.“Edann," tawag niya dito.Hindi agad ito tumigil pero unti unting bumagal ang paglalakad. Hanggang sa tumigil din kalaunan at nilingon siya.“Pwede ba tayong mag-usap?” aniya.Magsi-six pa lang si Edann pero para siyang may kaharap na 18 years old. Para itong matanda kung kumilos. Nanatiling malamig ang mga mata ng anak niya habang nakatingin sa kaniya. Kaya nakaramdam siya ng pagaalangan sa anak. Galit ba ito sa kaniya? Hanggang ngayon galit pa rin ba ito? Ano ba kasi ang dahilan?Ak