Napalunok siya at pinagmasdan ang dalawa. Natuon ang mata niya sa babae. Ang layo ng agwat nila ng babaeng kasama ni Hidan. Nakaakbay si Hidan sa babae habang parehong nakaupo sa couch ang dalawa at ini-enjoy ang pag-inom ng wine. Para itong mga bagong kasal na naglalambingan doon. Sino nga bang hindi magdududa sa relasyon ng dalawa kung ganitong senaryo ang makikita niya?Kaya bakit kailangan pa siya nitong pakasalan kung may nobya na ito? Iyon ang hindi niya maintindihan. Nahihiya siya sa parte kung saan naging hadlang siya sa relasyon ng dalawa. Ngayon nandito ang babae ay parang ayaw niya na itong tingnan sa mata. Agad siyang nagtungo sa hagdan para umakyat. Hindi niya na gagambalain ang dalawa. Pakiramdam niya'y wala siyang karapatan para gawin iyon.Hindi siya makatulog. Pasaglit-saglit siyang napapaisip sa dalawang nasa baba. Naalala niya kung papaano akbayan ni Hidan ang babae. Kung papaano magtawanan ang dalawa na parang may mga sarili itong mundo.12 na ng hating gabi. Kays
Pakiramdam ni Serrie ay nananaginip siya. Parang nananaginip siyang nakahiga siya sa malambot at mabangong kama. Hindi niya alam kung ang panaginip ba ay iyong pagtulog niya sa storage room kagabi o itong paghiga sa malambot na higaan. Nagmulat siya ng mata at napag-alamang nakahiga siya sa pamilyar na kama. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa katawan at bumangon. Gulat na pinagmasdan niya ang paligid. Nasa silid siya ni Hidan. Papaano siya nakarating dito? Nag-sleep walk ba siya? Tinapik tapik niya ang pisngi at agad kumilos para makaalis na. .....Kulang sa tulog si Serrie at inaantok pa rin nang makapasok na siya sa trabaho. Halatang puyat ang mukha niya na sa tingin niya'y napansin ni Owen.“Ayos ka lang?” Siniko siya ni Owen. Tumango siya at ngumiti. Panay pa rin ang sulyap ni Owen sa kaniya hanggang sa lunch. Hindi na nga siya kumain ng maayos na tanghalian dahil kumain na lang ng burger at inilaan niya na lang sa pagtulog ang buong break time niya. At nagtungo ulit siya s
“Na-late ka?” tanong ni Owen.“Ah, oo. Nag-aayos pa ako ng kwarto ko.” aniya at tipid na ngumiti kay Owen.Iyong storage room kasi ay nilinisan niya pa ng maaga para lang kumportable siyang makatulog doon mamayang gabi.“Ayos lang ba ang trabaho mo sa kariderya?” Tumango siya. “Oo naman. Mababait sila sa akin. Lalo na si Nanay Linda.”Tumangu-tango si Owen. “Mabuti naman kung ganoon. Mabuti na lang at hindi pa nakarating si Talula. Baka mapag-initan ka na naman.”Napalunok siya. “Hindi na ako male-late sa susunod. Pangako!"Nang mag-break time na ay agad lumapit ang mga office mates nila sa table nila.“Hoy, Serrie! Dapat mainit pa ang kape ko pagdating dito, ha. Kaya dalian mo paakyat dito.” ani kasamahan niya.“Hoy, ako rin. Pakibilisan. Huwag kasi kayo pabagal-bagal. Huwag mo na kayang isama itong si Owen? Babakla-bakla, e. Kaya kayo natatagalan sa baba.” dagdag pa ng isa.Tumango lang siya habang tahimik lang si Owen. Pero sumama pa rin si Owen sa kaniya pababa.“Baka mapag-inita
Bumaba si Serrie sa sasakyan at napatingin sa sasakyan sa malayo. Ngumiti siya doon at tumango. Kahit distansiya siya sa sasakyan ni Sandro ay alam niyang nakita nito ang pagtango niya.Saka lang umalis si Sandro sa kinapaparadahan nito nang makitang nakapasok na siya.Pagkapasok niya ay naalala niyang wala na nga pala siyang refrigerator. May bitbit pa man din siyang grapes.Naalala niyang may refrigerator sa baba, sa kusina. Doon niya na lang ilalagay ang grapes na dala. Nagpapasalamat siyang tahimik ang buong bahay pagkapasok niya.Hinugasan niya muna ang prutas bago niya inilagay sa plato at binuksan niya ang refrigerator. Napanganga siya nang makitang fresh milk, can beer at kung anu-anong inumin lang ang laman ng refrigerator.“Saan kaya siya kumakain kung gano'n?” napaisip siya.“What are you doing?” Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Hidan sa likuran niya.”Ah, h-hi!” ngumiti siya kahit kinakabahan.Tumingin si Hidan sa refrigerator at sa kaniya.“W
Hindi niya na matingnan ngayon si Hidan. Tapos nitong maabutan siya sa loob ng clinic, hindi niya na alam kung anong iaakto.“K-Kakain ako pagkatapos nito.” basag niya sa katahimikan.Nasa sasakyan na silang pareho. Habang hawak ni Hidan ang fetus picture.“Diyan! Ibaba mo na lang ako diyan. Diyan ako kakain!” agad niyang tinuro ang fast food na nadaan.Kunyari, kakain lang siya. Pero ang totoo ay tatakasan niya lang si Hidan. Kahit pa sabihin niyang hindi siya handang aminin kay Hidan ang lahat ay alam niyang hindi siya makakatakas ngayon.Huminto ang sasakyan. Pero nagulat siya nang makitang bumaba rin si Hidan.“Saan ka pupunta?” gulat na tanong niya.Kumunot ang noo nito. “Sasamahan ka sa loob.”Napanganga siya. “Wala kang ibang gagawin?”Bumaling ito sa kaniya gamit ang seryosong tingin. Napalunok siya at agad kinabahan.Alanganin siyang nagbitiw ng tawa. “Kasi ano-”“Let's go.” putol nito sa sasabihin niya.Problemadong sinundan niya ng tingin si Hidan. Hindi niya alam kung papa
Nahihirapan nang sagutin ni Serrie ang cellphone niya habang hawak ang mga kape sa kamay. Mahaba pa ang pila sa coffee shop na iyon kanina kaya natagalan siya. May ibang coffee shop pero malayo na iyon at hindi siya pwedeng magtungo pa doon. Mas lalo lang siyang matatagalan.“Sorry, sorry, parating na ako. Kunti na lang. Nagbabayad lang ako.”natataranta niyang sabi.“T*ngina mo talaga. Matatapos na ang break, malamig na yata ang kape di ka pa nakakarating.” bulalas ng office mate niya sa kabilang linya.“Sorry talaga. Mahaba kasi ang pila-”“Kapag iyan malamig na. Bayaran mo 'yan, ha! Kairita!”putol nito.Napakurap kurap siya sa gulat.“Parating na ako. Pasensiya na.” Nagmamadali na siyang umalis ng coffee shop nang matapos siyang makapagbayad.Patakbo na siyang nagtungo sa elevator. Kaya lang nagulat siya nang pagbukas ng elevator ay si Hidan ang bumungad sa kaniya.Nang matauhan siya ay agad siyang pumasok. Nahihirapan na siyang pumindot sa button ng elevator. Sinikap niyang abutin
Hindi na magawang tingnan ni Serrie ang mga kasamahan matapos iyon sabihin ni Hidan. Hindi niya rin alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki. Akala niya ay dapat niya iyon isekreto. Pero si Hidan na mismo ang nagbunyag no’n. Hindi niya lang maintindihan. “Ikaw pala ang asawa ng CEO?” Ani John at nakangiti na ngayong lumapit sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti. Bumaling siya sa iba niyang kasama sa office. Kita ang takot sa mga mata ng iba sa mga ito. Tila may nagbago bigla. “Sana sinabi mo agad. Ikaw talaga,” ani Jhon at pabiro pa siyang hinampas sa balikat. Bakla si Jhon. After ng isang buwan ay ito ang agad na naging malupit sa kaniya. Ito ang pumalit kay Rex sa pagka-bully. Ngayo’ng narinig na nito ang lahat tungkol sa kaniya, hindi niya alam kung anong magiging trato nito sa kaniya. “Sorry, Serrie! Pasensiya na talaga!” si Vern ang lumapit sa kaniya at agad humawak sa braso niya. “Medyo mean ako sa’yo nitong mga nagdaang araw. Pero hindi ko iyon sinasadya. Talagang stress lang
Kahit late siya ay nagtaka siya nang hindi siya napagalitan niya Talula. Tiningnan lang siya ni Talula at ibinalik ang tingin sa laptop nito. Napansin niyang nagbulungan agad ang mga katrabaho niya nang mapansing dumating na siya. Nagulat nalang siya paglapit niya sa upuan niya ay may kape na sa desk niya. May note pang nakalagay sa cup ng kape. 'Keep it up. Kaya mo 'yan.' Iyon ang nakasulat sa cup ng kape na nasa desk niya."Sa'kin galing 'yan." ani isa sa katrabaho niya na agad lumapit sa kaniya. Napanganga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Isa kasi ang lalaking ito na nanguutos sa kaniya noon ng kape. Nakakagulat na biglang ganito na ito sa kaniya ngayon. Ito pa mismo ang nagbibigay sa kaniya ng kape. Ngumisi ito. "Naisip ko lang na baka hindi ka pa nagkape. No'ng bumaba ako para magkape, naisip agad kita."Alanganing ngiti ang ginawad niya dito. Naninibago pa rin siya. "Aysus, napaka sipsip talaga," ani isa pang lalaki na dumaan sa likod. Pinaparinggan nito itong nagbigay
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n
“Ayos lang naman siya ‘di ba, Mama? Wala namang nangyari sa kaniyang masama, ‘di ba?” Sunod sunod ang mga tanong ni Edann. Ngumiti siya nang balingan ang anak. Halata kasi sa mukha nitong nag-aalala talaga ito sa Tito Sandro nito.“Ayos lang siya, anak. Walang mangyayaring masama sa Tito Sandro mo. Nandito tayo babantayan na’tin siya.”Tumango tango ang anak niya. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ito. “Bakit kasi kailangan pa na’tin iwan si Tito Sandro? Pwede naman kasi na’tin siyang isama sa pupuntahan na’tin. Huwag kasi na’tin siyang iwan.” Maiiyak ang anak niya habang nakatitig sa kaniya. Bakas ng pagsusumamo ang mga mata nito.Hindi kasi nito alam na desisyon ni Sandro ang iwan ito. Hindi niya nasabi iyon sa anak. Ayaw niya na rin na magtanong ito sa dahilan niya. Ayaw niyang ang ama nito ang dahilan kaya sila aalis doon. Mas lalo lang nitong kasusuklaman ang ama kapag nalaman nito ang lahat. Ayaw niyang mamuhay na may galit sa puso ang anak niya. Habang buhay na pahihira
“You don’t like the food?” Napaangat ang tingin niya kay Hidan nang magsalita ito. Umiling siya dito. “Ayos lang,” aniya. Ang totoo niyan ay masarap ang pagkain. Talagang nagustuhan niya. Kaya lang hindi siya kumportableng kumakain kasama si Hidan kaya hindi siya makasubo ng maayos. Kung sana pumayag na lang itong kakain siya sa sarili niyang table e ‘di sana maayos siyang nakakakain ngayon. “What are your favorite foods?”Natigilan siya sa naging tanong ni Hidan. Huminto siya sa pagsubo at sinulyapan ang plato nito. Imbes na si Hidan ang tingnan. Bakit naman nito natanong iyon?“You like grapes, don’t you?”dagdag nito.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na siya nang mapagtantong tila kumakalap ito ng impormasyon sa kaniya. Ang alam nito ay hindi niya ito maalala. Kapag sinabi niyang ‘oo’ magtatanong pa ulit ito kung kailan niya iyon nagustuhan. Baka aksidente niyang masabing paborito niya iyon no’ng naglilihi siya. Kapag nalaman nitong aware siya sa katauhan nito baka kung anong
Pag-isipan mong mabuti, Serrie. Alam kong pabor sa’yo ito.” Natahimik siya sa sinabi ni Sandro. Nag-offer si Sandro ng ibang trabaho maliban sa magtrabaho sa banana plantation. Tama si Sandro. Pabor nga sa kaniya ang sinabi nito. Makakalayo na siya kay Hidan at mailalayo niya na rin ang anak niya. Kaya lang nakokonsensiya siya. Parang hindi naman tama na layasan na lang nila ng ganun-ganoon lang si Sandro pagkatapos sila nitong tulungan. Nasa kasagsagan ng crisis ang plantation nito. Ngayon, mas kailangan sila ni Sandro. Pero iyong offer ni Sandro ay malaking bagay rin para sa kanila ng anak niya. Isa iyon sa pinangarap niya… ang makalayo kay Hidan. Kaya nalilito siya ngayon.“Hindi na’tin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ni Hidan ngayon. Hindi na’tin alam kung bakit wala pa siyang ginagawa ngayon matapos niya kayong makita ni Edann. Hindi na tayo dapat maghintay ng matagal. Pasensiya na kung bakit natagalan ako sa bagay na ‘to. Marami akong inayos kaya natagalan.”Hindi n
Kagagaling lang nila sa guidance office. Pinagmasdan ni Serrie ang anak. Hindi ito sumabay sa kaniyang maglakad bagkus ay nauna ito sa kaniya. Inakala niya kung ano na ang nangyari dito. Malaman laman niya pa, nakikipagbasag ulo pala ang anak niya. Hindi niya lubos akalaing magkakaganito si Edann. Hindi naman talaga ito ganito dati. Mabait ang anak niya kaya nakakagulat na bigla itong nagkaganito. Atsaka nakakapanibago rin ang pananahimik nito. Nagsimula iyon matapos siyang ihatid ni Hidan sa kanila.“Edann," tawag niya dito.Hindi agad ito tumigil pero unti unting bumagal ang paglalakad. Hanggang sa tumigil din kalaunan at nilingon siya.“Pwede ba tayong mag-usap?” aniya.Magsi-six pa lang si Edann pero para siyang may kaharap na 18 years old. Para itong matanda kung kumilos. Nanatiling malamig ang mga mata ng anak niya habang nakatingin sa kaniya. Kaya nakaramdam siya ng pagaalangan sa anak. Galit ba ito sa kaniya? Hanggang ngayon galit pa rin ba ito? Ano ba kasi ang dahilan?Ak