Joy's POVIsang linggo ang mabilis na lumipas at wala na namang paramdam si Ricks sa kaniya. Naroon siya sa bintana at nakapalumbaba. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa nobyo, naroong tatawagan niya ito pero palaging un-attended ang numero nito. Kahit na ganoon ay positibo pa din ang isip ni Joy na tutuparin nito ang pangako nito na aayusin nito ang lahat bago muling bumalik sa kaniya. Hindi rin nito tinupad ang sinabi nitong pasasamahan siya nito sa kapatid nitong si Rhiya pero ayos lang sa kaniya dahil wala namang gumagambala sa kaniya sa isang linggong pag-iisa niya sa bahay, iyon nga lang ay lalo na siyang nahihirapan sa pagbubuntis niya dahil napag-alaman niyang bumaba ang inunan niya noong huling nagpa-check up siya kaya pala palaging sumasakit ang balakang niya at ibabang bahagi ng puson niya ay nakababa na pala ang inunan niya at kapag hindi siya nag-ingat ay maari siyang makunan. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang kundisyon ng baby niya ang tanging paliwanag lang
"Sinungaling ka!" duro ni Jade sa babae ng asawa niya."Hindi ka na nga nakuntento sa pakiki-apid mo sa asawa ko ay balak mo pa kaming sirain!" dagdag pa niya na hindi na napigilan ang matinding galit na biglang lumukod sa dibdib niya.Oo nga at hindi siya mahal ng asawa pero ang ipamukha pa mismo sa kaniya ng kabit nito ang bagay na iyon ay sobrang napakasakit para sa kaniya."Hinding-hindi ko sa'yo ibibigay ang asawa ko! Ni ang makipaghati sa iyo ay hindi ko mapapayagan!" galit na sigaw na niya dito. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan na sila ng mga taong dumaraan sa hallway ng condo niya, walanghiy* ang babaeng ito para puntahan pa siya mismo nito sa sarili niyang bahay at sabihan pa nitong hiwalayan na niya ang asawa niya. "Please nakiki-usap ako sa'yo, ibalik mo na sa akin si Ricks.. tutal ay ikaw naman ang umagaw sa kaniya sa akin. Masaya kaming nagsasama kung hindi ka lang dumating at pumasok sa eksena, kung hindi mo siya inagaw sa akin ay baka kami na ang kasal at mag
"No.. hindi ako naniniwala sa'yo.." umiiyak na iling ni Joy sa babae, kailangan niyang makausap si Ricks. Hindi siya basta-basta maniniwala sa sinasabi ng babaeng ito.Sa naisip ay nagsisisigaw siya sa labas ng condo unit ni Jade."Ricks babes! Mag-usap tayo!" sigaw niya na pilit na tinatanaw ang loob ng condo unit ng babae, nagbabakasakali siyang masisilip niya doon ang nobyo pero nabigo siyang makita ito."Gusto kong makausap si Ricks.. gusto kong marinig mula sa bibig niya kung totoo nga ang mga sinasabi mo." kahit hilam sa luha ay nagawa niyang sabihin iyon sa asawa nito."At talaga nga'ng napaka-kapal ng pagmumukha mo ano? Wala dito ang asawa ko! Umalis ka na dito kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa mga guards na narito! sigaw ng asawa ng nobyo."Hindi-- hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita at nakakausap si Ricks. Hihintayin ko siya, mag-uusap kami dahil kailangan niyang malaman na buntis ako at magkaka-anak na kami." pagmamatigas ni Joy sa babae."Nag-iilusyon ka ku
Sa kabilang banda ay kanina pa sinusundan ni Maximo si Joy. Gusto kasi nito itong makita ng personal, sa katunayan ay nasa bahay pa lang nito ito sa Bataan ay nakasunod na siya dito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa doon ng babae at bakit umiiyak ito sa gitna ng kalsadang iyon. Nakatanaw lang siya dito sa di kalayuan habang lulan siya ng kotse niya, nang makita niya itong bigla na lang bumagsak sa gilid ng kalsada ay hindi na siya nag atubuli at dali-dali siyang lumabas ng kotse niya para tulungan ang kapatid niya.Nang malapitan niya ito ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa dibdib lalo na noong matitigan niya ang maamong mukha nito, para niyang nakikita ang sariling ina sa babae. Magkamukhang-magkamukha kasi ang mga ito pero isinantabi muna niya ang naramdaman niyang lukso ng dugo at mabilis niya itong binuhat at saka isinakay sa kotse niya para dalhin ito sa pinakamalapit na hospital.Dinala ni Maximo ang babae sa isang private hospital at siniguro niyang ligtas ito bago ni
Nagising si Joy sa isang unfamiliar na lugar. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napagtanto niya na nasa hospital siya. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina, iyak siya ng iyak sa gilid ng kalsada dahil sa mga nalaman niya at sinabi sa kaniya ng asawa ng nobyo niya. Walang patid ang pagluha niya nang bigla siyang makaramdam ng hilo at manlabo ang paningin niya, pagkatapos noon ay wala na siyang maalala, kung paano siya nakarating sa hospital na ito ay malaking pala-isipan sa kaniya.Maya maya ay nabaling ang paningin ni Joy sa pintuan dahil bigla iyong bumukas at iniluwa niyon ang isang nakangiting doctor. "Mabuti at gising ka na misis, titingnan ko lang ang bp mo saglit." sabi nito sa kaniya at nilapitan siya bago kinuha nito ang kanang braso niya at saka siya nito sinimulang kuhaan ng blood pressure.Nakatingin lang dito si Joy pero nang hindi siya nakatiis ay tinanong niya ito."Doc, sino po ang nagdala sa akin sa hospital na ito?" tanong niya sa doctor na nagsusu
Ricks POVDalawang linggo na mula nang pansamantalang iwan ni Ricks ang nobya niyang si Joy sa bahay nila nito sa Bataan at miss na miss na niya ang babae, pakiramdam niya ay mababaliw na siya kaka-isip dito.Hindi kasi siya makagawa ng paraan para mapuntahan ito dahil palaging may nakasunod sa kaniya na mga body guard ng asawa o kung hindi naman ay ito mismo ang nakasunod sa kaniya kaya naman sa loob ng dalawang linggo na iyon ay palagi niyang sinusunod ang mga gusto nito para payagan na siya nitong lumakad mag-isa. Hindi rin niya magawang tawagan ang nobya dahil masyadong madikit sa kaniya ang mga body guard nito, may mga tao din itong binilinan sa loob ng University na pinapasukan niya para matyagan siya, dinaig pa niya ang isang preso sa ginagawa nitong paghihigpit sa kaniya. Gusto niyang hulihin ang loob ng asawa para magtiwala ulit ito sa kaniya at hindi maghinala.Saglit siyang nakatakas sa mga body guard ng asawa ng malingat ang mga ito sa kaniya, naroon siya sa school at ka
Nang mawala ang asawa niya sa kaniyang paningin ay pagod na isinalampak ni Ricks ang katawan niya sa sofa na naroon. Sobrang sakit talaga ng ulo niya kaya hinilot niya iyon, maya maya ay natigilan siya nang mahagip ng paningin niya ang isang video recorder na nasa lamesita. Bigla siyang kinutuban sa naisip kaya mabilis na dinampot niya iyon, hindi nga siya nagkamali sa naisip dahil naroon nga ang video nila na ni-record nito. Pinanuod niya iyon at saka niya naisip na marahil ay hindi nito pinatapos ipanuod kay Joy ang buong video, pinutol nito iyon doon sa part na binabanggit niya ang pangalan ng nobya.Ginamit ng asawa niya ang video na iyon para magsinungaling sa nobya niya at paniwalang-paniwala naman ang huli, hindi niya alam kung ano pa ang mga sinabi nito para pasakitan si Joy basta't ang alam lang niya ay kailangan niyang magpaliwanag sa nobya sa lalong madaling panahon. Mabilis na ibinalik ni Ricks sa ibabaw ng lamesita kung saan niya kinuha ang video recorder nang marinig ni
Kinabukasan ay maagang umalis si Jade sa condo unit niya, iniwanan niyang natutulog pa ang asawa pero bago niya ito iwan ay tinawagan muna niya ang mga body guard niya at sinabing bantayan ng mga ito ng maige ang asawa niya at huwag na huwag itong hahayaang makawala sa paningin nila dahil ang mga ito ang mananagot oras na malaman niyang mawala sa paningin ng mga ito ang asawa niya.Kulay itim na dress ang isinuot ni Jade na tinernuhan niya ng itim na heels at itim din na sumbrero dahil ngayon pa lang ay ipinagluluksa na niya ang magiging kapalaran ng kabit ng asawa niya, nang marating niya ang bahay kung saan nakatira ang babae ng asawa ay hindi na siya nagdalawang isip na mag door bell. Kaagad nitong binuksan ang pinto at gulantang ito ng mabungaran siya."A--nong ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito sa kaniya.Ngumisi muna siya dito bago nagsalita."Wala naman, gusto ko lang dalawin ang malanding kabit ng asawa ko, nagulat ba kita?" nang-uuyam na sabi niya dito."Kung wala kang m
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon