Kinabukasan ay maagang umalis si Jade sa condo unit niya, iniwanan niyang natutulog pa ang asawa pero bago niya ito iwan ay tinawagan muna niya ang mga body guard niya at sinabing bantayan ng mga ito ng maige ang asawa niya at huwag na huwag itong hahayaang makawala sa paningin nila dahil ang mga ito ang mananagot oras na malaman niyang mawala sa paningin ng mga ito ang asawa niya.Kulay itim na dress ang isinuot ni Jade na tinernuhan niya ng itim na heels at itim din na sumbrero dahil ngayon pa lang ay ipinagluluksa na niya ang magiging kapalaran ng kabit ng asawa niya, nang marating niya ang bahay kung saan nakatira ang babae ng asawa ay hindi na siya nagdalawang isip na mag door bell. Kaagad nitong binuksan ang pinto at gulantang ito ng mabungaran siya."A--nong ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito sa kaniya.Ngumisi muna siya dito bago nagsalita."Wala naman, gusto ko lang dalawin ang malanding kabit ng asawa ko, nagulat ba kita?" nang-uuyam na sabi niya dito."Kung wala kang m
"Aray ko, please tama na, ang baby ko.." nanghihinang paki-usap ni Joy sa asawa ng nobyo. Pakiramdam kasi niya ay biglang nanakit ng bahagya ang tiyan niya dahil sa pagkaladkad nito sa kaniya pero tila bingi ito at walang naririnig hanggang sa makalabas sila nito sa gate ng bahay. Doon lang siya patulak na binitiwan nito.Pasadsad na napasalampak ng upo si Joy sa semento, akmang susugurin ulit siya nito nang biglang may magsalita sa likod niya kaya kaagad na napalingon si Joy dito."Simone.." mahinang usal niya. "Stop it, Jade!" sigaw ni Simone habang papalapit sa nakasalampak sa sementong si Joy.Kalalabas lang niya ng bahay para sana makita ito dahil ilang araw na siyang naglalagi sa bahay niya doon ay hindi man lang niya nakikitang lumabas si Joy at gustong-gusto na niyang makita ang babae pero laking gulat niya paglabas niya ng bahay nang makita niya itong kinakaladkad ni Jade at may ideya na siya kung bakit ito umaaakto ng ganoon. Marahil ay nalaman na nitong nagsasama pa din it
Dinala ni Simone sa pinakamalapit na hospital si Joy at matiyaga siyang nagbantay hanggang sa matapos itong suriin ng doctor. Naroon siya sa labas ng ER habang naglalakad ng pabalik-balik, kung iisipin ng iba ay parang siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Joy dahil sa makikitang matinding pag-aalala na nakarehistro sa kaniyang mukha. Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor na nagsuri dito."Kayo po ba ang asawa ng pasyente?" tanong nito paglapit sa kaniya.Hindi na nakapag isip pa si Simone at tumango. Bahala na tutal ay wala naman dito ang nobyo ni Joy at alam niyang hindi makakapunta ang lalaki dahil sa malamang ay pinaghihigpitan na ito ng asawa nito at isa pa ay nakahanda naman siyang akuin ang responsibilidad nito kay Joy sakaling tuluyan ng maghiwalay ang mga ito-- at alam niyang doon na din naman papunta ang relasyon ng mga ito. Nagulat pa si Simone nang tumikhim ng malakas ang doctor bago ito nagsalita. Kanina pa pala siya nakatulala dito."Your baby is safe now, mabuti na lama
Nang makauwi ng bahay sila Joy ay hindi na siya nagtaka lalo na nang makita niya na nakakandado na ang bahay nila ni Ricks at mabasa niya ang malaking karatulang nakapaskil doon na House for Sale. Alam niyang kagagawan lahat iyon ni Jade, tinotoo nga nito ang banta nito sa kaniya na palalayasin siya nito. Pero nasaan ang mga gamit niya? Ni hindi man lang siya nito hinintay na makauwi bago nito pinalagyan ng padlock ang bahay nila ni Ricks at pagpasyahang ipagbili. Malungkot siyang nakatingin sa naka padlock na gate. Nagulat na lang siya nang biglang magsalita si Simone sa likuran niya, nakababa na pala ito ng kotse."Jade is so cruel, hindi ko alam na pati ang bagay na ito ay magagawa niya sa'yo." komento nito."Let's go." maya maya ay sabi pa nito sabay hila sa kamay niya.Nagtatakang napatingin si Joy sa lalaki."S--aan tayo pupunta?" tanong niya dito."Saan pa edi diyan sa bahay ko." simpleng sagot nito."Teka lang, Simone." pigil niya dito na biglang ikinahinto nito."What?" kuno
Joy's POVPag-alis ni Simone ay kaagad na inilibot ni Joy ang paningin niya sa loob ng kwarto nito. Konti lang din ang mga gamit na naroon at mukhang hindi naman masyadong tinutulugan iyon, sabagay ay nasa Maynila naman ang trabaho ng lalaki at nagbabakasyon lang ito dito, naisip ni Joy.Nagtungo siya sa bintana at sumilip doon, tanaw na tanaw pala mula roon ang bahay at bakuran nila ni Ricks. Muli na naman siyang nakaramdam ng lungkot pagkakita niya sa bahay, naroon pa kasi ang mga gamit nila. Inisip niya kung paano niya makukuha ang mga iyon-- wala man lang kasi siyang mga damit na pamalit, kahit pera ay wala din siya ngayon dahil naiwan niya iyon doon sa loob ng bahay nang sugurin siya ng asawa ng nobyo at madala sa hospital. Sa naisip ay napabuntong hininga na lang ng malalim si Joy.Paano nga ba siya makakapagpahinga ng maayos nito gayong napakadaming bagay ang gumugulo sa isip niya, isa na dito ay ang nobyo niyang si Ricks, sa naisip ay bigla niyang naalala na kailangan nga pala
Habang lulan ng kotse niya si Simone ay hindi niya naiwasang isipin kung gaano kadali napunta kay Jade ang bahay ni Joy gayong tatlong araw pa lang nawawala doon ang babae. Sa kabilang banda ay bigla din niyang naisip na wala nga pa lang nakukuha ang babae na hindi nito ginusto. Hanggang sa makarating si Simone sa grocery. Dali-dali siyang pumasok doon para mamili ng mga pangangailangan nila ni Joy dahil baka nagugutom na ito at hanapin siya nito kapag nakita nitong wala siya sa bahay, hindi pa naman siya nakapagpa-alam sa babae dahil sa kakamadali niya. Pag-uwi niya ng bahay ay saglit muna niya itong sinilip sa kwarto at nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na payapa itong natutulog doon. Inayos muna niya ang kumot ng babae bago siya muling bumaba para simulang magluto. Ganadong-ganado siyang magluto dahil ngayon pa lang niya mapagsisilbihan at makakasalo ang babaeng lihim niyang iniibig sa pagkain. Nang matapos magluto ni Simone ay kaagad niyang inayos ang lamesa at hinain a
Maximo's POVNaroon siya ngayon sa loob ng opisina niya habang nakaupo sa swivel chair at inip na inip na hinihintay ang isa sa mga mga bagong tauhan na inutusan niyang magbantay sa kapatid niya na si Joy dahil napag-alaman niya na may balak na gawing masama ang mag-amang Jade at Don Julio dito, nalaman niya ang bagay na iyon sa informer at kanang kamay niyang si Ryan, ito sana ang uutusan niya na sumubaybay sa kapatid niya pero humiling ito sa kaniya ng isang linggong bakasiyon dahil manganganak na ang asawa nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang payagan ito.Nalaman din niya ang lahat tungkol sa naging buhay ng kapatid niya. Mula nang itakas ito ng nurse na inutusan ng asawa ni Don Julio na ipapatay ito at ibigay ito sa isang biyudang babae na siyang nag-alaga at nagpalaki dito hanggang sa namatay ang taong iyon at makilala nito ang boyfriend nitong si Ricks na kalaunan ay naging asawa ng anak ni Don Julio na si Jade dahil ginamit ng mga ito ang pera at impluwensiya ng mga i
Jade's POVNaroon siya sa isang coffee shop at matiyagang hinihintay ang informer na ipinadala sa kaniya ng daddy niya para matyagan ang kabit ng asawa niya. Ilang araw na din noong huli niyang sugurin ang babae at hindi na niya ito nabalikan pa dahil naging busy na siya sa trabaho niya pero kahit na ganoon ay hindi niya ito tinigilan katunayan ay nagbayad siya ng mga tauhan para tanggalin na ang mga gamit ng babae sa bahay ng asawa niya at maging ang mga gamit nito ay pinasunog niya. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataong makabalik pa doon ang babae at madatnan pa ito doon ng asawa niya.Maya maya lang ay nakita na niya sa bungad ng coffee shop ang lalaki kaya kaagad niya itong kinawayan para mabilis siya nitong makita."Good morning ma'am." bati nito sa kaniya paglapit nito."Good morning, have a seat." sagot niya.Kaagad namang tumalima ang lalaki at naupo sa harap niya at saka inilabas nito ang isang maliit na envelope na nakasuksok sa loob ng jacket nito at iniabot iyon sa kaniya
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon