Maximo's POVNaroon siya ngayon sa loob ng opisina niya habang nakaupo sa swivel chair at inip na inip na hinihintay ang isa sa mga mga bagong tauhan na inutusan niyang magbantay sa kapatid niya na si Joy dahil napag-alaman niya na may balak na gawing masama ang mag-amang Jade at Don Julio dito, nalaman niya ang bagay na iyon sa informer at kanang kamay niyang si Ryan, ito sana ang uutusan niya na sumubaybay sa kapatid niya pero humiling ito sa kaniya ng isang linggong bakasiyon dahil manganganak na ang asawa nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang payagan ito.Nalaman din niya ang lahat tungkol sa naging buhay ng kapatid niya. Mula nang itakas ito ng nurse na inutusan ng asawa ni Don Julio na ipapatay ito at ibigay ito sa isang biyudang babae na siyang nag-alaga at nagpalaki dito hanggang sa namatay ang taong iyon at makilala nito ang boyfriend nitong si Ricks na kalaunan ay naging asawa ng anak ni Don Julio na si Jade dahil ginamit ng mga ito ang pera at impluwensiya ng mga i
Jade's POVNaroon siya sa isang coffee shop at matiyagang hinihintay ang informer na ipinadala sa kaniya ng daddy niya para matyagan ang kabit ng asawa niya. Ilang araw na din noong huli niyang sugurin ang babae at hindi na niya ito nabalikan pa dahil naging busy na siya sa trabaho niya pero kahit na ganoon ay hindi niya ito tinigilan katunayan ay nagbayad siya ng mga tauhan para tanggalin na ang mga gamit ng babae sa bahay ng asawa niya at maging ang mga gamit nito ay pinasunog niya. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataong makabalik pa doon ang babae at madatnan pa ito doon ng asawa niya.Maya maya lang ay nakita na niya sa bungad ng coffee shop ang lalaki kaya kaagad niya itong kinawayan para mabilis siya nitong makita."Good morning ma'am." bati nito sa kaniya paglapit nito."Good morning, have a seat." sagot niya.Kaagad namang tumalima ang lalaki at naupo sa harap niya at saka inilabas nito ang isang maliit na envelope na nakasuksok sa loob ng jacket nito at iniabot iyon sa kaniya
Ricks POVKanina pa niya kinokontak ang numero ng nobyo niyang si Joy pero hindi man lang nito sinasagot ang tawag niya.Maya maya ay bigla siyang nataranta nang makita niyang biglang pumasok ang asawa niya sa kwarto kaya dali dali niyang ibinulsa ang hawak niyang cellphone, hindi niya alam kung nakita iyon ng asawa niya.At nang halikan siya nito ay hindi na siya nakatanggi pa dahil baka lalo lang itong maghinala sa kaniya.Nagulat pa siya nang iabot nito sa kaniya ang hawak nitong envelope at sinabi nitong buksan niya iyon, kinakabahan man ay napilitan siyang buksan iyon at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya ang laman ng envelope-- mga larawain iyon ng nobya niyang si Joy at ng dati nitong manager na si Simone. Mukhang masayang-masaya ang dalawa sa kuha ng mga ito kaya naman napatiim-bagang siya at naikuyom pa niya ang kamao niya. Pinagsabihan na niya ang lalaking iyon na tigilan na nito ang nobya niya pero sadyang matigas ang mukha ng lalaki at talagang tinataon pa nito
Joy's POV "Tama na!" sigaw ni Joy na nakapagtigil sa pagsusuntukan ng dalawang lalaki.Hilam na siya ng luha dahil hindi niya inaasahan na makikita siya ng nobyo niyang si Ricks sa ganoong sitwasyon. Hindi man lang ito nagtanong sa kaniya at bigla nitong sinugod ng suntok ang walang kamalay-malay na si Simone.Oo nga at hindi niya inaasahan ang biglang pagdating ng nobyo at nakita sila nito sa ganoong sitwasyon pero sana ay nagtanong muna ito, inalam sana muna nito na kaya siya buhat ni Simone ay biglang nanakit ang tiyan niya dahil sa hindi niya sinasadyang pagtalon nang biglang makakita siya ng palaka na labis na kinatatakutan niya kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Simone na buhatin siya at iiwas sa palaka kaso ay bigla na lamang silang sinugod ng nobyo ng hindi man lang sila nakakapagpaliwanag dito.Unang dinaluhan ni Joy ang bugbog saradong si Simone na nakasalampak sa semento at inalalayan niya itong makatayo. Naaawa siya sa lalaki dahil tinulungan na nga siya nito ay
Walang ampat ang pagluha ni Joy dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalaing hindi siya magagawang paniwalaan ng nobyo niya lalo na nang sabihin niya ditong buntis siya at ito ang ama, sa halip ay pinagdudahan pa siya nito.Samantalang ang ginawang panloloko nito sa kaniya ay pinatawad niya at sa tuwing magpapaliwanag ito sa kaniya ay iniintindi niya ito kahit nasasaktan siya ay pilit niyang tinatanggap ang mga paliwanag at pangako nito sa kaniya kahit pa ang maging kabit nito ay pikit matang tinanggap niya dahil sa sobrang pagmamahal niya dito. Ang buong akala niya na katulad niya ay magagawa din nitong pakinggan at tanggapin ang mga paliwanag niya pero nagkamali siya, pinagbintangan pa siya nitong manloloko at napakasakit niyon para sa kaniya-- na sa halip na ang taong pinakamamahal mo ang lubos na makakaunawa sa'yo ay siya pa itong mananakit sa'yo. Ngayon ay hindi na niya alam kung paano pa siya mabubuhay ng wala ito sa tabi niya dahil buong buhay niya ay ito a
Simone's POVKalalabas lang ni Simone ng kwarto ni Joy, hinintay kasi niya itong makatulog muna bago niya iwan at masigurong maayos na ang lagay nito nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon niya. Nakuha niya ang cellphone nito sa mga gamit nito na itatapon at susunugin na sana ng mga tauhan ni Jade.At hindi pa pala niya nasasabi sa babae na nakuha na niya ang mga gamit pati na ang cellphone nito at ibabalik na sana niya ang mga iyon dito kanina pero bigla namang dumating ang boyfriend nito at gumawa ng gulo.Kaagad niyang dinukot ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag dito sa ganoong dis oras ng gabi at ganoon na lang ang pagsasalubong ng mga kilay niya dahil ang walanghiyang nobyo nito ang tumatawag dito. Kaninang umaga pa tumatawag ang lalaki pero hindi niya pinapansin iyon at ngayon ay tumatawag na naman ito kaya naglakas loob na siyang paki-alaman ang cellphone ng babae para sagutin ang tawag ng gag*ng boyfriend nito.Pagsagot niya ng tawag a
Jade's POVMatapos makipag argyumento ni Jade sa asawa ay nagpunta siya sa lugar na palagi niyang pinuntahan kapag may problema siya katulad ngayon. Isa iyong bar kung saan puwedeng magbasag ng mga plato para mailabas mo ang lahat ng sama ng loob mo.Doon ibinuhos ni Jade ang lahat ng galit at matinding sama ng loob niya sa asawa, matapos niyang basagin ang lahat ng mga platong hawak niya ay dumiretcho siya sa bar counter at nag-order ng pinakamatapang na alak, gusto niyang maglasing at makalimutan pansamantala ang problema niya sa asawa. Hindi niya matanggap sa sarili na kahit na anong gawin niya ay hindi man lang siya nito magawang mahalin, palagi siya nitong ipinagtatabuyan at ipinapamukha sa kaniya na mahal na mahal pa din nito ang nobya nito kahit na niloko na ito ng huli. Ang buong akala niya ay mawawalan na ito ng pagmamahal sa kabit nito kapag nalaman nitong may iba ng karelasyon ang babae pero hindi pa din pala! Dahil halos lunurin nito ang sarili sa alak dahil sa nalaman ni
Joy's POVTatlong araw na mula nang magpa-alam si Simone sa kaniya na kailangan muna nitong lumuwas ng Maynila para asikasuhin ang trabaho nito at tatlong araw na ding hindi makapag-isip ng maayos si Joy, naroon siya sa kwarto habang nakahiga at nag-iisip.Nahihiya na siya sa lalaki, napakadami na nitong ginawa para sa kaniya. Kinuhaan pa siya nito ng katulong para may makasama siya sa bahay at masiguro nitong magiging ligtas at maayos ang lagay niya bago siya nito iniwan, dinaig pa nito ang concern na asawa. Sandaling natigilan si Joy sa huling naisip. Inalala niya kung paano siya asikasuhin at alagaan ni Simone, damang-dama niya ang concern nito sa kaniya. Naisip niya kung ganito din ba ito sa ibang babae o sa kaniya lang dahil noon namang magkasama pa sila sa trabaho nito sa Mall ay napakasungit nito sa ibang babae at walang pinapansin sa mga iyon, siya lang ang bukod tanging empleyado na naka-close nito. Ayaw man niyang isipin ay paano pala kung may pagtingin ito sa kaniya kaya
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon