Share

Kabanata 58: Threatened

"Bakit kasama mo ang lalaking iyon?" may himig pagseselos na tanong ni Ricks sa nobyang si Joy habang mabagal na nagmamaneho ng motor nito paalis sa restaurant na iyon.

"Siya ang tumulong sa akin para hindi ka makita ng asawa mo." malumanay na sagot ni Joy.

Kunot-noong napatigil sa pagmamaneho si Ricks at hinarap ang nobya.

"Anong ibig mong sabihin babes?" nagtataka tanong nito.

"Nakita ako ng asawa mo kanina at kinausap." pabuntong hiningang sagot ni Joy.

"Anong sinabi niya? May ginawa ba siya sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ricks sa nobya.

Napansin ni Joy ang labis na pag-aalala sa guwapong mukha ng nobyo kaya hinaplos niya ang pisngi nito bago nagsalita.

"Wala naman babes.. huwag mo ng intindihin iyon at okay naman ako." nakangiti sagot niya.

Sa isip ni Joy ay ayaw na niyang banggitin sa nobyo ang mga pang-iinsultong sinabi sa kaniya ng asawa nito dahil baka magalit pa ito.

"Sigurado ka ba babes? Wala siyang ginawa sa'yo?" tanong ulit nito.

"Ano ka ba babes, wala nga dahil dumating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status