"My gosh, ate! Napakaguwapo naman ng dating manager mo!" kinikilig na sabi ni Rhiya habang nakatingin kay Simone. Nasa counter ito at umo-order ng pagkain nila.Hindi na nakatanggi si Joy dito nang sabihin nitong ito na ang magbabayad ng kakainin nila."Mas guwapo pa din ang kuya mo para sa akin Rhiya at walang makakahigit sa kaniya." nakangiting saad niya dito."Inlove na inlove ka talaga sa kuya ko ate. Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?" curious na tanong nito."Hmm.. simple lang, iba siya sa mga lalaking nakilala ko at alam kong kailanman ay hindi niya ako magagawang lokohin." seryosong sagot niya kay Rhiya na biglang ikinatahimik nito."Pero ate, paano kung--Hindi na natapos ni Rhiya ang iba pa sanang sasabihin dahil biglang dumating si Simone kaya nabaling ang tingin nila dito."Here's our food." nakangiting sabi nito bago umupo sa tapat ni Joy."Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina Rhiya?" tanong ni Joy sa babae pagkaupo ni Simone."Ha? Ah.. wala ate Joy, hindi naman importante
Hinihingal na biglang napabalikwas ng bangon si Joy. Napanaginipan na naman kasi niya ang nobyong si Ricks at sa pagkakataong ito ay may kasama na daw itong ibang babae-- magkayakap at masayang-masaya ang mga ito habang siya ay nasa isang sulok at tahimik lang na umiiyak at pinagmamasdan ang mga ito. Napahid ni Joy ang luhang kusang pumatak sa mga mata niya."Ano ba ito? Bakit ganito na lang palagi ang laman ng panaginip ko sa'yo Ricks? Bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing napanaginipan kita? Ang sakit-sakit sa dibdib." at hindi na naman napigilan ni Joy ang pagluha, nang nahimasmasan siya ay napatingin siya sa wall clock. Alas cuatro pa lang pala ng madaling araw.Napahawak siya sa impis pa niyang tiyan at kinausap iyon."Pasensiya ka na baby kung palaging umiiyak si mommy, huwag kang mag-alala mahal na mahal tayo ng daddy mo.. panaginip lang iyon." kausap niya sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.Maya-maya ay napatayo siya at napagpasyahang tumungo sa garden para magpahangin, h
Thursday, araw ng birthday ni Ricks kaya todo prepare si Joy para i-surpresa ito. Nangako kasi ito na uuwi ito sa mismong araw ng birthday nito. Kanina pa niya hinahanap si Rhiya para magpatulong dito sa pag-aayos at pag-decorate ng mga banners para sa birthday ng kuya nito pero hindi niya ito makita, marahil ay tulog pa ito. Sobrang excited kasi siya sa pag-uwi ng nobyo kaya alas singko pa lang ng madaling araw ay naghahanda na siya. Hindi na siya makapaghintay na ipaalam dito ang pagdadalang tao niya. Pa kanta-kanta pa siya habang nagluluto ng paborito nitong ulam nang biglang tumunog ang cellphone niya.Si Ricks ang caller kaya kaagad na sinagot niya iyon."Hello babes? Happy birthday! Anong oras ka uuwi?" excited na bungad niya sa nobyo."Salamat babes.. pero bukas pa ako makakauwi dahil hindi kami nakaabot sa flight ng boss ko, may importante pa kasi siyang dinaanan kanina." malungkot na sabi nito."Ah.. ganoon ba babes.." biglang nakaramdam ng panlulumo si Joy. Nakapagluto pa
Napatanga si Joy nang huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant ang sinakyang taxi ni Rhiya. Pagbaba nito ay dire-diretcho itong pumasok doon.Alanganin namang sinundan ni Joy ang babae. Nahiya pa siyang pumasok sa loob dahil sa itsura niya. Nakasuot lang kasi siya ng simpleng bestida samantalang ang mga taong nakikita niya sa loob ng restaurant ay mga elegante tingnan. Naka bihis ng pormal ang mga ito samantalang siya ay para lang katulong 'pag dumikit sa mga ito."Do you have any reservations ma'am?" magalang na tanong ng waiter kay Joy nang makapasok siya sa bungad ng restaurant. Alanganing-ngiti ang sinukli niya sa waiter."Ah.. may hinahanap lang kasi akong isang tao." sagot niya habang palinga-linga sa paligid."May I know who is the person your looking?" tanong ulit nito."Ricks Gregorio." maikling sagot niya, hindi siya mapakali dahil hindi niya matanaw sa pwesto niya ang hinahanap."Yes, we have customer named Ricks Gregorio here, family member po ba kayo?" tanong ulit
Nangangapdi ang mga mata ni Joy nang makauwi siya ng bahay. Iyak siya ng iyak habang nakaupo sa sahig. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nagawang lokohin ni Ricks ng ganito. Kaya ba siya itinago ng nobyo sa lintik na lugar na ito ay para gawing kabit? At ang babaeng iyon na nagpakilalang asawa nito na sinadya siyang ipahiya noon sa Mall na pinapasukan niya, ngayon ay maliwanag na sa kaniya kung bakit nagawa ng babaeng iyon na ipahiya siya ay dahil sa selos nito sa kaniya.Ang sakit-sakit! Bakit hindi kaagad niya nalaman na niloloko lang siya ng nobyo? Kailan pa siya niloloko nito? Ang daming mga katanungan sa isip niya na hindi niya masagot kaya wala siyang nagawa kung hindi iiyak na lang ang sakit na nararamdaman niya.Walang kasing sakit ang ginawa nito sa kaniya. Ang balak niyang surprise para sa birthday nito ay sa kaniya napunta. Siya ang nasurpresa sa ginawa nito. Niloko siya nito at ng buong pamilya nito.Mahal na mahal niya ang nobyo at pakiramdam niya ay mamamatay siya
Pero kahit na siya pa ang mahal nito ay hindi na mababago pa ang katotohanang kasal na ito at may asawa na kaya hindi napigilan ni Joy na isatinig sa nobyo ang laman ng isip niya."Pero kahit na ano pa ang sabihin mo ay hindi mo na mababago ang katotohanan na kasal ka na at may asawa Ricks.. " malungkot na sagot niya sa nobyo."Asawa ko lang siya sa papel babes pero ikaw ang mahal ko.. bigyan mo lang ako ng kaunting panahon at gagawin ko ang lahat para ma-annul kaagad ang kasal namin." paki-usap nito."At ano ang gagawin mo sa akin Ricks? May takot ako sa Diyos, hindi ko gustong magkasala at maging kabit." muli ay napaiyak na naman si Joy sa kaisipang isa na lang siyang dakilang kabit nito ngayon."Alam ko babes pero hindi ko kayang mawalay sa'yo, ikamamatay ko kapag iniwan mo ako at alam kong ganoon ka din sa akin kaya please pagkatiwalaan mo lang ako at aayusin ko lahat ito." pagmamakaawa nito.Pero alanganin pa din si Joy, hindi siya makapag-desisyon kung maniniwala na naman ba siy
Matapos ipaliwanag ni Ricks ang lahat kay Joy ay muli niya sanang hahalikan ito dahil sabik na sabik na siyang angkinin ito pero pinigilan na naman siya nito."Sa ganda ng Jade na iyon ay hindi ka ba talaga ma-aakit o magkaka-gusto man lang sa kaniya?" nagseselos na tanong nito at nauunawaan ni Ricks kung bakit ito nagkakaganito."Okay aaminin kong maganda siya babes pero mas maganda ka at nakaka-akit, sa mga titig mo pa lang ay natutunaw na ako." lambing niya sa nobya."Hmf! Talaga lang ha?" tanong pa nito."Oo naman babes kaya sige na pagbigyan mo na ako at kanina pa ako L na L sa'yo eh!" reklamo niya sabay himas sa maumbok na p'wet nito.Agad pinamulahan ng mukha si Joy sa ginawa ng nobyo, sisitahin sana niya ito pero nabitin na sa ere ang iba pa niyang sasabihin dahil mabilis na sinakop nito ang labi niya bago siya binigyan ng makapugtong-hiningang halik.Napaungol na lang siya nang maramdaman ang dila nitong naglulumikot sa loob ng bibig niya habang ang mga kamay nito ay humihima
Habang nagmamaneho si Ricks pauwi ay naalala niya kung paano siya nakatakas mula sa asawa niya kanina kahit na pinigilan siya nitong huwag umalis at sundan ang nobya niyang si Joy."And where do you think you're going, hon?" pigil sa kaniya ng asawang si Jade nang akmang susundan niya ang nobya niyang si Joy matapos nitong malaman ang buong katotohanan.Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago sana niya ito sasagutin pero biglang tumunog ang cellphone nito.Kaagad naman nitong sinagot ang tawag."Yes dad? Is that urgent? Okay I'll be there in a minute." sagot nito sa kausap.Pagkatapos nitong ibaba ang cellphone ay binalingan siya nito."Dad call me at may urgent meeting daw sa office, you can continue celebrating your birthday with your family, magkita na lang tayo sa bahay mamaya." paalam nito sa kaniya na parang wala lang dito ang nangyari kanina pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi at nagmamadaling umalis.Ni hindi man lang ito nagpa-alam ng maayos sa mga ka
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon