Hating gabi na ay hindi pa din dalawin ng antok si Joy. Iniisip niya kung tama ba ang ginawa niyang pagpayag sa kahilingan ng nobyo na magtiis munang maging kabit nito. Aaminin niyang sobra siyang na shocked sa mga nangyari, hindi niya akalaing sa isang iglap ay magiging kabit lang siya nito, siya na una nitong minahal at fiancee nito. Nasasaktan siya sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon-- na ngayon ay hindi na ito malaya at kailangan siya nitong itago sa tunay na asawa nito.Muli na naman niyang naramdaman ang pag-iisa katulad noong namatay at iniwan siya ng kaniyang mahal na lola.Kung bakit kasi hindi niya naramdam noon na malaki pala ang problema ng nobyo para sa pagpapa-opera ng inay nito. 'Di sana ay natulungan niya ito at wala sana sila sa ganitong sitwasyon ngayon.Maya-maya ay napahawak na naman si Joy sa impis pa niyang puson."I'm sorry baby kung nalagay tayo sa ganitong sitwasyon.. kung hindi ko masabi sa daddy mo na buntis ako, gusto ko muna na maging maayos ang lahat
Imbis na dumiretcho si Ricks sa opisina ng asawa ay lumabas siya ng building para maghanap ng telepono at ganoon na lang ang panlulumo niya ng wala siyang makitang payhone sa labas ng building.Pabalik na sana siya ng opisina nang makita niya ang sekretarya ng asawa na bumibili ng kape sa coffee shop, kaagad na nilapitan niya ito at nakisuyo na makikitawag lang saglit dito na pinaunlakan naman nito."Hi Maya can I use your phone for awhile? May tatawagan lang ako, naiwan ko kasi yung cellphone ko sa office." kuwari ay sabi niya sa sekretarya ng asawa."Sure sir." pa-cute na sagot nito sabay abot sa kaniya ng cellphone na hawak nito.Dinayal niya ang numero ng nobya para magpaliwanag dito pero nakaka-limang dial na siya ay hindi pa din nito sinasagot ang tawag. Akmang idadayal niya ulit ang numero ng nobya nang mahagip ng tingin niya ang asawang palabas ng building at patungo sa gawi niya.Wala sa sariling naibalik niya ang cellphone sa sekretarya nito at nagpa-alam ng umalis."Walang
Bago umakyat ng opisina si Jade ay dinayal muna niya ang numerong tinawagan ng asawa kanina na ibinigay sa kaniya ng sekretarya niya. Pero nakakatatlong dial na siya ay wala pa ring sumasagot.Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone niya, kaagad na tiningnan niya iyon sa pag-aakalang ang numerong tinatawagan niya kanina ang nasa kabilang linya pero ang daddy pala niya ang tumatawag."Yes dad?" bungad na tanong niya sa ama."Where are you hija? Kanina ka pa namin hinihintay ng asawa mo dito sa opisina, male-late na tayo sa flight." sabi nito sa naiinip na tono."I'm sorry dad, may dinaanan lang ako saglit.. don't worry paakyat na din ako diyan." hinging-paumanhin niya sa ama. Alam kasi niyang kapag ganoon na ang tono ng boses ng daddy niya ay galit na ito."No, kami na lang ang pupunta diyan sa baba hija, alam mo namang ayaw ko ng pinaghihintay hindi ba?" tanong pa nito."Yes dad, I'm sorry.." nahihiyang sagot niya sa daddy niya.Nasita na naman siya nito. Kung bakit kasi inuuna pa
Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay hindi pa din nagpapakita kay Joy ang nobyo. Ilang beses njyang sinubukang tawagan ang numero nito pero palaging un-attended iyon at wala man lang siyang ideya kung nasaan na ito o kung inaalala din ba siya nito?Sa loob ng isang linggo na hindi man lang nagpaparamdam kay Joy ang nobyong si Ricks, pakiramdam niya ay mababaliw na siya.Miss na miss na niya ito at napapabayaan na niya ang sarili niya sa sobrang pagka-miss dito. Walang araw at gabi na hindi siya umiyak sa pag-aalala para dito.Habang nag-iisip ay biglang naalala ni Joy ang kapatid ni Ricks na si Rhiya. Kaagad na tinawagan niya ito para magtanong kung nasaan ang kuya nito."Hello ate Joy?" alanganing bungad na tanong sa kaniya ni Rhiya."Hello Rhiya gusto ko lang sanang itanong kung may balita ka ba sa kuya mo? Hindi kasi siya nagte-text o tumatawag man lang sa akin eh." nahihiyang tanong niya sa kapatid nito.Narinig ni Joy ang pagbuntong-hininga ni Rhiya sa kabilang linya bago ito
SPGIsang linggong sinulit nila Ricks at Joy ang mga nakaw nilang sandali.Nag out of town sila at nag stay ng isang linggo sa isang beach resort sa Boracay. In-off din nila ang mga cellphone nila para walang sino man ang maka-istorbo sa masasayang sandali na pinagsasaluhan nila.Sa isip ni Ricks ay bahala na, sa isang linggo pa naman ang uwi ng asawa at father-in-law niya galing Zambales. Nauna na siyang pinauwi ni Don Julio sa Maynila dahil hindi na siya kailangan doon at umpisa na ng enrollment sa University na papasukan niya pero imbis na asikasuhin ni Ricks ang pag-eenroll ay kaagad na dumiretcho siya sa nobya at sinulit ang masasayang sandali habang kasama ito. Naroon si Ricks sa tabing dagat at pinapanuod niya ang nobya habang masaya itong nagtatampisaw sa tubig. Nakasuot ito ng one piece at hubog na hubog ang magandang katawan nito. Pero parang may napapansin siyang kakaiba dito, medyo nananaba kasi ito at nagkakaroon na ng bilbil pero ganoon pa man ay ito pa din ang pinaka-s
Samantalang galit na nilamukos ni Don Julio ang mga larawang ibinigay sa kaniya ng tauhan niya. Naroon siya sa opisina niya habang iniisip kung sino ang sumabotahe sa kaniya sa dapat na lupang bibilhin niya sa Zambales. Napaaga ng tatlong araw ang uwi nila ng anak niyang si Jade dahil imbis na sa kaniya ibenta ni Mr. Valderama ang lupang napag-usapan nila na bibilhin niya dito ay bigla na lang nagbago ang isip nito at napag-alaman niyang sa ibang tao nito ibenta iyon. Nakaplano pa naman na ang lahat-- ang gagawin niyang proyekto para sa lupa sa Zambales pero dahil sa ginawa ng kung sino mang tao na karibal niya sa negosyo ay malaking pera ang nawala sa kaniya. Sinabayan pa ng manugang niyang si Ricks na buong akala niya ay nasa panig na ng anak niya, iyon pala ay palihim pa ring nakikipagkita sa nobya nito. Lihim niya itong pinasubaybayan sa isa sa mga tauhan niya dahil napag-alaman niyang hindi pa rin ito nag-eenroll sa University na papasukan nito katulad ng inutos niya dito, 'yon
Matapos alalahanin ni Maximo ang nakaraan ay muli niyang inilabas sa drawer niya ang lumang larawan na may sulat ng kaniyang ina at binasa iyon."Mahal kong Luis, Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa'yo at hindi ko ipina-alam na ginahasa ako ng walanghiyang si Don Julio noong mga panahong nangatulong ako sa kanila. Hindi totoong umalis ako dahil sa kagustuhan ko kun'di pinalayas ako ng asawa niya dahil nalaman niya ang totoo. Diring-diri ako sa sarili ko lalo na nang magbunga ang isang gabing pagsasamantala niya sa akin pero ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko kamumuhian ang magiging anak namin. Patawarin mo ako kung ipinaako ko sa'yo ang ipagbuntis ko noon gayong hindi naman ikaw ang tunay na ama. Nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo akong hanapin ang anak ko-- malakas ang kutob kong hindi siya namatay dahil kitang-kita kong buhay siya noong ipinanganak ko siya bago ako nawalan ng malay. Sana ay mabasa mo ang sulat na ito mahal. Mahal na mahal kita, kayo ng anak nati
Nagmamadaling tinungo ni Joy ang pinto matapos niyang marinig na may nag doorbell. Ang buong akala niya ay ang nobyo niyang si Ricks na iyon kaya nakangiti siya habang binubuksan ang pinto. Nagtext kasi ito sa kaniya na pupuntahan siya nito ngayong araw. Dalawang araw pa lang buhat nang umuwi sila galing sa Boracay ay na-miss na kaagad siya nito."Babes-- Pero nabitin sa ere ang iba pa niyang sasabihin nang mapagsino niya ang nasa tapat ng pinto. Si Don Julio! May kasama pa itong dalawang body guard sa tabi nito. Napalis din ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pangamba.Napaatras pa si Joy nang walang sabi-sabing pumasok ito at ang mga body guard nito sa loob ng bahay."So.. dito pala itinatago ng magaling kong son-in-law ang kabit niya." sabi nito habang inililibot ang paningin sa buong kabahayan.Tinakasan ng kulay ang magandang mukha ni Joy matapos niyang marinig ang mga sinabi ng matanda. Ngayon lang niya ito personal na nakita at nakakatakot ang presensiya nito. Mul
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon