Matapos alalahanin ni Maximo ang nakaraan ay muli niyang inilabas sa drawer niya ang lumang larawan na may sulat ng kaniyang ina at binasa iyon."Mahal kong Luis, Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa'yo at hindi ko ipina-alam na ginahasa ako ng walanghiyang si Don Julio noong mga panahong nangatulong ako sa kanila. Hindi totoong umalis ako dahil sa kagustuhan ko kun'di pinalayas ako ng asawa niya dahil nalaman niya ang totoo. Diring-diri ako sa sarili ko lalo na nang magbunga ang isang gabing pagsasamantala niya sa akin pero ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko kamumuhian ang magiging anak namin. Patawarin mo ako kung ipinaako ko sa'yo ang ipagbuntis ko noon gayong hindi naman ikaw ang tunay na ama. Nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo akong hanapin ang anak ko-- malakas ang kutob kong hindi siya namatay dahil kitang-kita kong buhay siya noong ipinanganak ko siya bago ako nawalan ng malay. Sana ay mabasa mo ang sulat na ito mahal. Mahal na mahal kita, kayo ng anak nati
Nagmamadaling tinungo ni Joy ang pinto matapos niyang marinig na may nag doorbell. Ang buong akala niya ay ang nobyo niyang si Ricks na iyon kaya nakangiti siya habang binubuksan ang pinto. Nagtext kasi ito sa kaniya na pupuntahan siya nito ngayong araw. Dalawang araw pa lang buhat nang umuwi sila galing sa Boracay ay na-miss na kaagad siya nito."Babes-- Pero nabitin sa ere ang iba pa niyang sasabihin nang mapagsino niya ang nasa tapat ng pinto. Si Don Julio! May kasama pa itong dalawang body guard sa tabi nito. Napalis din ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pangamba.Napaatras pa si Joy nang walang sabi-sabing pumasok ito at ang mga body guard nito sa loob ng bahay."So.. dito pala itinatago ng magaling kong son-in-law ang kabit niya." sabi nito habang inililibot ang paningin sa buong kabahayan.Tinakasan ng kulay ang magandang mukha ni Joy matapos niyang marinig ang mga sinabi ng matanda. Ngayon lang niya ito personal na nakita at nakakatakot ang presensiya nito. Mul
Hindi pa man humuhupa ang takot na nadarama ni Joy sa biglaang pagpapakita sa kaniya ni Don Julio ay muli na naman siyang nakarinig ng may nag doorbell sa pinto.Sa isip niya ay baka bumalik si Don Julio at ang mga body guard nito kaya takot na takot na siyang buksan iyon. Tulala lang siya habang nakatayo sa may tapat ng pinto nang biglang bumukas iyon at iluwa ang nobyo niyang si Ricks na ngiting-ngiti habang may hawak pang isang bungkos ng red roses.Napalis ang mga ngiti sa labi nito nang makita siya nitong namumutla at tila balisa."Babes? Anong nangyari sa'yo? May problema ba?" nag-aalangang tanong nito at mabilis na lumapit sa kaniya. "At saka bakit nanlalamig ang mga kamay mo? May sakit ka ba?" tanong ulit nito nang hindi siya sumagot t'saka sinalat pa nito ang noo niya."Ha? Ah wala ito babes.. bigla lang kasing sumama ang pakiramdam ko." iwas niya dito. Ayaw niyang ipaalam sa nobyo na pinuntahan siya ni Don Julio at pinagbantaan. Baka makadagdag lang siya sa problema at is
Dali-daling dinala ni Ricks si Joy sa pinakamalapit na hospital sa Bataan. Mabuti na lang at sa hospital kung saan nagpapacheck-up si Joy siya dinala ng nobyo. Kaagad na dinaluhan sila ng nurse nang makita nitong nakahawak siya sa sumasakit niyang tiyan."Ano pong nangyari kay misis?" tanong kaagad nito paglapit sa kanila."Bigla po kasing sumakit ang tiyan ng asawa ko." sagot naman ni Ricks na ikinatuwa ni Joy. Kung sana ay totoo lang na asawa siya nito at hindi kabit pero kaagad na iwinaksi niya ang bagay na iyon sa kaniyang isipan dahil ang pino-problema niya ngayon ay hindi pa siya handang ipagtapat sa nobyo ang kaniyang pagbubuntis dahil hindi pa naman nito naaayos ang problema nila at ang pakikipaghiwalay nito sa asawa nito."Sige misis pasok na po kayo sa loob." baling ng nurse kay Joy na mabilis niyang sinunod.Akmang susundan siya ng nobyo nang tawagin ito ng nurse."Ah sir, dito lang po muna kayo dahil kailangan ko pa ng information ng misis niyo, pinauna ko lang siya sa loo
Naawang napatingin na lang si Joy sa doktora. Magkapareho pala sila ng sitwasyon nito, siya naman ay hindi niya masabi sa nobyo ang ipinagbubuntis niya, natatakot na siya sa magiging reaksiyon nito dahil may asawa na ito at hanggang ngayon ay wala pa din siyang ideya kung ano na ang status ng mga ito-- kung napapayag na ba ng nobyo niya ang asawa nito sa balak nitong pakikipaghiwalay katulad ng ipinangako nito sa kaniya.Gusto na niyang madaliin ang lahat dahil gusto niya na kapag lumabas ang baby nila ni Ricks ay hindi ito magiging bastardo lang at magkakaroon ito ng buong pamilya na hindi niya naranasan sa buong buhay niya. Ayaw niyang matulad sa kaniya ang magiging anak nila ni Ricks-- na hindi man lang nakilala ang totoong mga magulang. Ang alam lang niya ay namatay na ang mga ito, ni wala man lang maipakitang litrato ng mga magulang niya ang lola Damiana niya sa kaniya noong nabubuhay pa ito. Sa tuwing tatanungin kasi niya ang lola niya noon tungkol sa mga magulang niya ay palag
Nagulat pa si Joy dahil pagbukas niya ng pinto ng clinic ay tumambad sa kaniya ang nag-aalangang mukha ng nobyong si Ricks."Kumusta ang check-up mo babes? Masakit pa ba ang tiyan mo? Ano daw ang sakit mo?" sunod-sunod na tanong nito.Magsasalita sana si Joy nang biglang sumagot ang OB-GAYNE niya na nasa likod na pala niya."Huwag ho kayong mag-alala mister okay na okay ho itong girlfriend niyo, nalipasan lang siya ng gutom kaya sumakit ang tiyan niya." sabi nito na kay Joy nakatingin sabay kindat.Nakahinga ng maluwag si Joy dahil ito na mismo ang gumawa ng palusot sa nobyo niya. Hindi na niya kailangan magdahilan pa dito."Ganoon po ba doc? Sige po maraming salamat po." sagot ni Ricks sabay baling sa kaniya.Magsasalita sana ito nang muling sumingit si Dr. Roxas."O' siya mauna na ako sa inyo, alagaan mo itong girlfriend mo mister dahil masyadong maselan iyan." makahulugang sabi nito kay Ricks bago tuluyan ng umalis at nagpa-alam.Nagtataka namang nasundan na lang ni Ricks ng tingin
Paglabas ni Joy sa loob ng cubicle ay naghugas siya ng kamay sa lababo at saka niya hinanap sa loob ng dala niyang pouch ang lipstick niya. Tinitingnan niya ang sariling repleksiyon sa salamin habang nagpapahid ng lipstick. Medyo may eyebags din pala siya kaya kinuha naman niya ang polbo niya ay naglagay niyon sa kaniyang mukha. Busy si Joy sa pagbabalik ng lipstick at polbo sa loob ng pouch niya kaya hindi niya namalayan na may mga matatalim na pares ng mga mata na pala ang nakatitig sa likod niya. Tumabi ito sa kaniya habang inilalabas nito ang mamahalin nitong lipstick bago nagsalita."Such a cheap and rude bitch!" maanghang na sabi nito na nakapagpalingon kay Joy dito.Tinakasan ng kulay sa mukha si Joy nang makita niya kung sino ang nasa tabi niya-- si Jade Isavedra! Ang asawa ng nobyo niya. Napaka elegante nitong tingnan sa suot nitong silver dress na hapit na hapit sa katawan nito na tinernuhan ng silver ding 3 inches heels. Kumikinang din ang mga alahas sa katawan nito na lal
Jade's POV11 o'clock ang napag-usapang nilang oras ng meeting ni Mr. San Diego, isa sa kasosyo ng daddy niya sa negosyo pero past 11 na ay wala pa rin ang mga ito, naiinis man ay nakuha pa ring maghintay ni Jade dahil malaking kliyente ng daddy niya ang mag-asawang San Diego.Habang naghihintay ay hindi maiwasan ni Jade na paulit-ulit na sipatin ang sarili niya sa salamin at nang makita niya na hulas na ang make up niya ay dali-dali siyang pumunta sa comfort room para mag-retouch. Ayaw niyang humarap sa mga kliyente ng daddy niya na hindi kaaya-aya ang itsura niya, kung bakit naman kasi kung saan-saan siya ipinapa-dala ng daddy niya para mag-ayos ng mga negosyo nito, hindi tuloy niya matutukan ang asawa niya. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita ng maayos dahil marami talaga siyang inaasikaso at isa pa ay nag-aaral na din ito. Pinagbigyan niya ang asawa na sa mga magulang muna nito tumuloy habang nag-aaral ito dahil palagi lang silang nag-aaway nito pag magkasama sila sa condo