Nang mai-park ko na ang sasakyan ko ay dali dali akong tumakbo papunta sa bahay nila Lola Adelaida bitbit bitbit ang maletang dala ko.
Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyong nasa bulsa ng pantalon ko.
"Jusmiyo nandiyan ka na pala, Cheska!" Humahangos na lumapit sa akin si Lola na may dalang tuwalya na dapat ay ipinang pupunas niya sa kanyang sarili.
"Kumusta po?" Nakangiti kong bati at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla nya kong hampasin.
"Hindi mo ba alam na may bagyo at hindi ka nagdadala ng payong?" Hinampas niya ulit ako kaya't napahawak na lang ako sa ulo ko.
"Sumunod ka sa akin," Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad at gaya ng inutos niya ay sinundan ko siya.
Moderno ang design ng bahay kahit na alam kong ilang taon na itong nakatayo sa lupang 'to. Sa pagkakaalam ko ay simula mga bata pa lamang sila Lolo at Lola Adelaida ay dito na sila nakatira siguro dala na rin ng makabagong taon kung bakit hindi na mukhang lumang bahay itong bahay na 'to.
"Dito ka muna tumuloy pansamantala habang nagbabakasyon ka rito," Inilahad ni Lola ang kanyang palad para ituro ang loob ng kwartong tutuluyan ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong ito. Kung ang loob ng bahay ay moderno na ang design, sa loob naman ng kwarto ay puro gawa sa kawayan ang mga gamit na makikita mo at tanging electric fan lang ang naiiba rito.
Gawa sa kahoy ang kama, gawa sa kahoy ang lamesa, gawa sa kahoy ang malaking salamin at aparador kaya dahan dahan akong humarap kay Lola.
Baka may biglang lumabas na espirito mula rito sa mga gamit na 'to.
"Dito po talaga muna ako tutuloy pansamantala?" Paninigurado ko.
"Bakit ayaw mo ba, hija?" Balik n'yang tanong kaya umiling na lang ako at inilagay ko na ang mga gamit ko sa gilid at saka nahiga sa kama.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maalala ko ang unang panaginip ko kay Sebastian. Ganitong ganito rin ang panahon nuong una ko siyang napaginipan at wala pa akong interes sa kanya noon pero nung nagsunod sunod na ang panaginip ko tungkol sa kanya ay doon na ko natakot.
Sariwa pa sa utak ko kung paano n'ya ko iniligtas sa mga lalaking naka motor na may masamang balak na gawin sa akin at ang pag tugtog n'ya ng gitara sa harap ng maraming tao upang gumaan ang loob ko.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong gumising. Hindi ko nga alam kung natulog nga ba talaga ako o hinintay kong sumapit si haring araw at bumangon.
Nadatnan kong naghahanda na sila tita ng almusal kaya dali dali akong lumapit sa kanila at tumulong sa paghanda.
Our breakfast went smooth. Kwento rito, kwento roon. Tawanan dito, tawanan doon.
Pagkatapos kumain ay nagulat ako nang hilain ako ng dalawa kong nakababatang pinsan para maglaro ng taguan.
"Ikaw ang taya ate Cheska!" natatawang sabi ni Ava at sabay silang nanakbo ni Shane upang magtago.
Wala na kong nagawa kundi ang makipaglaro sa kanila. Habang naglalakad sa maliit na hallway papunta sa mga kwarto na nandito ay may nadaanan akong isang kwarto na naiiba ang kulay ng pinto. Gawa iyon sa kahoy pero yung ibang pinto rito ay nasa modern na pintuan. Sa loob lang ang mga kahoy ang gamit.
Tumingin muna ako sa paligid at nang makita kong walang tao ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto.
Nang makapasok na ko ay nanlaki ang mata ko. Puno ang sahig ng mga haystack na makikita mo lamang sa farm at walang gamit ni isa. Sa gilid ay may isang bintana na nakasarado kaya lumapit ako doon at binuksan.
Napaatras ako nang makita ko ang nasa labas. Pumikit pa ako at dumilat para makasigurado ako na tama ang nakita ko.
Is this real? Hindi halaman at mga bulaklak ang nakita ko kundi mga kumikinang at mga kakaibang bagay na parang inaakit ako.
Lumingon ako sa pinto na pinasukan ko para masigurado ko na ako lang ang tao na nandito. Nang makita ko na ako nga lang ang tao na nandito ay basta na lang akong umakyat para makababa sa bintana.
Ilang segundo akong nakapikit. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang paligid. Napaka tahimik na gubat at napaka dilim.
Babalik na sana ako sa bintana pero wala na kong makita na bintana ni anino ng bintana ay wala.
Lalong nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga kaluskos.
Paanong nagkaroon ng gubat dito sa bahay nila Lola Adelaida? Ang alam ko dagat ang nasa likod ng bahay nila, eh.
Napaatras ako sa takot nang makakita ako ng tao na papalapit sa 'kin at may hawak na baril na hindi ko maintindihan kung anong klaseng baril 'yon.
Mukhang galing sa ibang bansa ang baril na iyon at mamahalin dahil hindi natin afford bumili ng ganoong klaseng baril dito sa Pilipinas.
"H-hindi po ako magnanakaw," Itinaas ko ang dalawa kong kamay pero parang wala syang naririnig kaya nabahala ako at patuloy lang sa pag atras hanggang sa maramdaman ko ang isang puno. Nakasandal na ko sa puno.
"H-hindi po kita sinusundan," kinakabahan na sabi ko pero patuloy lang siya sa paglapit sa 'kin kaya lalo akong nabahala.
"Maniwala ho kayo," mahinang saad ko.
Gusto ko lang naman makita yung mga magagandang bagay na nakita ko sa labas ng bintana, eh, at hindi ko naman alam na lilinlangin lang pala ako. Edi sana hindi na ko lumabas sa bintana na 'yon. Mamamatay ako ng maaga dahil sa magandang tanawin.
Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko ng mariin at hinintay ang bala ng baril na tatama sa katawan ko.
Akala ko ay kapag naranasan kong matutukan ng baril ay magagawa kong umiwas o di kaya'y manlaban pero ibang iba pala talaga ang mga teleserye na pinapalabas. Hindi ko nga manlang maigalaw ang mga paa ko upang tumakbo,eh, manlaban pa kaya.
Hindi ko pa nararanasan na ihagis ang sumbrero ko pagkatapos ko mag-graduate sa college at hindi ko pa nasusubukan na um-attend sa mga press conference at mag-cover ng isang malaking project. Madami pa kong hindi nagagawa.
Ilang minuto akong nakapikit ng mariin nang biglang may narinig ako na pagpukpok ng isang bagay at sinundan iyon ng isang pagbagsak sa sahig. Dali dali kong iminulat ang dalawa kong mata at natuop ko ang aking bibig. Nakita ko na nakahandusay na ang lalaking may hawak kanina ng baril na nakatutok sa 'kin.
Pero teka. P-pinukpok sya ng kahoy sa ulo?Nakita ko ang lalaking nasa likod nya na may hawak ng malaking kahoy at nakita ko din ang dumudugong ulo ng lalaking nakahandusay na sa sahig at sa lagay nito ay patay na siya.
Oh, shit.
Bumigay ang tuhod ko na kanina ko pang nilalabanan dahil sa takot.
"M-maawa ka po sa 'kin... please?" Nakatingin lang ako sa mga mata nyang walang buhay at bigla na lang nagdilim ang paligid.
Where I am?Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sa 'kin. Hindi nga ako nagkakamali dahil may nakatitig nga sa akin."Ahh!!!" Tili lang ako ng tili at isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kama at binalot ko ang katawan ko sa comforter."Noisy, Noisy, she's so noisy." Lalo pa kong tumili nang marinig ko na nakakapagsalita sya. Paikot ikot sya dito sa loob ng malaking kwarto na 'to at nagsasabi ng 'Noisy'.Nang bumukas ang pintuan ay tumigil ako sa kakatili at mabilis akong tumakbo sa likod ng kung sino mang tao na pumasok dito."You can stop now, Sofia," malamig nyang sabi.S-sofia? May pangalan ang robot na 'yon? At saka kelan pa nagkaroon ng robot dito sa Pilipinas?Nasa likod nya pa rin ako at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.Tumikhim siya kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa damit nya. Hindi tumagal ay humarap sya sa 'kin.Nangunot ang noo ko nang matandaan ko na sya an
DreamI saw in my peripheral vision na may nakatayong lalaki kaya mabilis akong lumingon.Muntikan pa kong magkanda hulog hulog sa high stool na ito tapos sya nakasandal lang sa hamba ng pintuan at pinagmamasdan kung ano ang kagagahan na ginagawa ko?May kinuha syang maliit na bagay. Remote ba 'yon? Kaya natigil ang maliit na puting bilog na hula ko ay kumukuha ng mga dumi at alikabok sa sahig. Unti unti akong bumaba at ibinalik ang mop kung saan ko ito kinuha.Lumapit ako at humarap ako sa kanya na nakapameywang. "Anong klaseng bahay 'to? Pero teka bahay ba 'to?" Tumingin sya sa 'kin na parang sinasabi nya sa 'kin na ang tanga tanga ko pero hindi ako nasindak at tinuro ko sya sa dibdib."Kelan pa nagsalita ang rice cooker? Kelan pa nagkaroon ng robot sa Pilipinas? At kelan pa nagkaroon ng mga computers na may hologram, ha?" k
DoorBinilisan ko pa ang pagtakbo ko dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.It's already 7:00 AM and here I am jogging. Walang masyadong dumadaan na sasakyan kaya malaya akong nakakatakbo.Ngayon lang ba sila nakakita ng babae na nagjo-jogging ng ganitong oras? Tama naman ang suot ko, hindi rin naman ako nagjo-jogging sa gitna ng daan dahil nandito lang ako sa gilid.I wore a black leggings and blue crop top na ginagamit sa pag-e-excerise at itinali ko din ang buhok ko na isinasayaw habang tumatakbo ako.Hininaan ko ang volume ng music at binagalan ko na ang pagtakbo ko.Nakarating ako sa bayan at makikita mo ang mga samo't saring mga makukulay na banderitas na inaayos ng mga kalalakihan.Malapit na pala ang Fiesta. Ilang araw na lang at Fiesta na rito sa Leyte. 
RobotsNakaupo ako ngayon sa harap n'ya at siya naman ay nasa harapan ko at sinusuri akong mabuti.Kada gagalaw o tatayo ako ay nakakatanggap ako ng mga masasamang tingin kaya hindi na ko nagtatangka pang gumalaw. Steady lang ako sa harapan niya.Kulang na lang maglaro kami dito ng Pinoy Henyo."I repeat. Who are you?" mariin n'yang tanong at ramdam mo ang pagkaseryoso niya. May inilabas din siyang isang iPad pero nagulat ako nang makita kong may nakalutang na kulay green at mga kung ano anong words.It's a hologram.Para akong nasa isang shooting at ako ang bida sa palabas na isang secret agent na may mission pero na-kidnap ako ng isang gwapong lalaki at tinatanong tungkol kung sino ako at ang pakay ko dito sa lugar na ito.Napailing iling na lang ako sa mga kalokohan na naisip ko kaya napati
Explanation"Didn't I tell you that you shouldn't be going outside?" Matalim n'ya akong tinignan at kulang na lang ay mag apoy siya sa galit habang papasok sa mansion niya.We're here at his house at para akong bata na pinauwi ng aking tatay dahil umalis ako ng walang paalam.Pumasok ako na nakatungo.Kung hindi ba naman ako baliw, eh. I know he told me na h'wag akong lumabas dito sa bahay na 'to pero hindi ako nakinig and infact nagsaya pa ako at muntik ng mamatay."You don't know how dangerous that place is," Tinagilid n'ya ang ulo n'ya at niluwagan ang necktie ng kanyang suot na puting polo."That's the reason kung bakit ako lumabas at sinundan ka.""For what?" Tumaas ang isang kilay nya at mabilis din na bumaba."I think I will be going crazy to this place," mahina
Why?I woke up na may ngiti sa mga labi and guess what my dream is?Napaginipan ko na naman siya!Pinagpagan ko ang short ko at tumayo na. Ano na naman kayang ginagawa ko dito sa kwartong 'to? Pero thanks to this room dahil parang araw araw ko nang napapaginipan si Seb.Nahagip ng mata ko ang nakasarang bintana at konti na lang ang mga nakalagay na haystack na nandito.Dati madami yon, ah.Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Narinig ko ang mga kalansing ng mga kutsara't tinidor kaya't sumilip ako mula dito sa itaas.Inaayos na nila ang mga plato na pinagkainan namin at nakita ko si Tita Audrey na naghuhugas na ng mga plato kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko pansamantala kasi wala na naman akong maitutulong.Muntik na kong
Fiesta"Suki! Halika na rito!" Napatingin ako sa aleng nasa gilid at tinatawag n'ya si lola Adelaida.Inayos ko ang hawak kong bayong at naglakad na kami ni lola papunta sa kanya."Kumusta?" ani ng aleng nagtitinda habang papalapit kami sa kanya."Eto payat at sexy pa din!" Nagpameywang pa si Lola Adelaida na parang kasali siya sa isang pageant at nagtawanan sila.Lola Adelaida is a tall woman, has a tanned skin, at payat. Hindi naman siya ganoong sobrang payat kumbaga sakto lang at malayong malayo siya sa kanyang edad. Kapag makikita mo siya ay aakalain mong nasa 50's pa lang siya pero ang totoo ay nasa 60+ na siya.Mukha din siyang hindi tumatanda.Walang pinagbago sa mukha at katawan n'ya."Ano handa natin, Mare?" Lumipat naman kami sa kabilang tindahan."Gusto ng apo ko ang malalaking
Food trip"Tagal magbihis," He even make face. Pagkalabas ko sa kwarto ay si Jacob agad ang bumungad."Eto na po," I rolled my eyes at him at inakbayan n'ya lang ako at sabay kaming bumaba sa hagdan.I wore a black jumper na pinatungan ko ng white turtle neck long sleeve at gladiators naman ang suot kong sapin sa paa."Mom, we're just going to bayan," ani Sydney. Lumingon siya sa 'kin ng makita n'ya akong tumawa.Napaka conyo niya."What?" I just raised both of my hands and shrug my shoulder."Let's go?" Napatingin ako kay Jacob nang hawakan n'ya ang kamay ko at patakbo kaming lumabas sa bahay na para bang first time namin na gumala sa labas at makawala sa hawla.We're going to fiesta na dinaraos sa bayan. Kami ang mauuna dahil nagluluto pa lamang sila lola at tita ng kakainin namin mamaya pagdating
"This Al human-like robots that not only have human appearances but also characteristics like eye contact, facial recognition, speech and the ability to hold natural conversations will serves you like your buddies." I jot down all the informations as I listened to his speech."And you know what more is interesting?" The director asked."This Al robot is not battery operated. You can actually charge this for just a maximum of 6 hours or overnight if you want." The reporters were clapping their hands and smiling like an idiot."Hey, isn't that amazing?" Napabaling ako sa katabi kong isa ring journalist na halos makinig na lang sa sinasabi ng director at hindi na nagsulat."Yes, indeed." I smiled at her.Not at all.I don't know why but I have this feeling that I don't want to see any human-like robots were indeed it was amazing and helpful at some point.I once dreamed about robots and it turns out it's a nightma
Bayan"Bakit ba natin 'to ginagawa? Puwede naman ang mga katulong ang mamili ng mga gulay," Giit ko habang namimili siya ng maayos na mga gulay."Ginagawa mo ba 'to dahil nagkikita kayo ni kuya?" saad ko at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa wakas bumaling na din sya sa akin."Tama ba ako?" tanong ko pa nang hindi siya sumagot."Heh! ewan ko sa'yo, Aida. Napaka rami mong tanong at hindi ka na lamang tumulong sa akin," Dire-diretso niyang sabi na muntikan pang magkautal utal. Napahalakhak ako at siya namang pagkurot nya sa aking tagiliran.Kukutyahin ko pa sana siya ng biglang may bumunggo sa akin at mabuti na lamang at katabi ko lang si Felicia kung hindi nakahandusay na ako sa lupa at pinagtitinginan na ng mga tao ngayon."Tingan mo nga naman at umagang umaga puro bulok ang aking makikita," Arogante nitong sabi at kahit si Felicia na abala sa pamimili ng mga gulay ay napatingin na din sa kanya.
CryingHabol ko ang aking hininga nang magising ako. Sweat is all over my face and I feel like my heart is going to explode. As I stare into my hands, full of thoughts and questions kept playing in my head. My tears keep falling into my chin down to my hands.It was a long nightmare and I feel like ako ang babae na nandoon sa panaginip ko. I don't know what's going on between them but I honestly feels what that girl was feeling.Bakit nga ba ako umiiyak nang dahil lang sa panaginip? I must be crazy.Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko na naman ang nangyari. A guy cheated on his partner and you know what's more is painful? It was already planned in the first place and she lost her baby. I can't imagine how heartbroken that girl is. My heart is aching hindi dahil sa hiniwalayan at niloko siya ng boyfriend niya kundi dahil she lost her baby at wala manlang nagawa. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang mawalan n
I wish I was sorryLove. One word and four letters that can change a people. It can be excited, tragic, a happy relationship or a perfect ones but it is really true that there's a perfect relationship? Yes, maybe. But that 'perfect relationship' is only existed in the fairy tale.Some people maybe sees love in a wonderful relationship and the example for that is the teenager's but here's the truth let just say yes, love is a wonderful thing but you can't escape the fact that it just for a meantime kumbaga sa una lang ang lahat. Sa una lang ang kilig, saya at ang excitement na pakiramdam.For me sa una palang ay alam ko na ang lahat ng iyan. Wala man akong past relationships but I can tell by just observing some of my friends love life. Some of them is happy and wonderful pero sa huli ay napupunta sa tragic na relasyon.Why? Bakit kailangan na mauwi palagi sa salitang tragic ang bawat relasyon? Simple, we have
FlashbackTuloy tuloy akong tumatakbo pauwi sa bahay dahil naabutan ako ng malakas na ulan.Pagkapasok ko sa loob ay mabilis na nabasa ang sahig. Mukha na akong basang sisiw ngayon.Mabilis kong tinakbo ang kwarto ko para maligo pero nasa kalagitnaan palang ako ng pagpunta sa banyo ay nakarinig na ako ng mga pagkabasag ng mga pinggan. Sumilip ako sa siwang ng pinto at nakita kong kalalabas pa lang ni mama sa kanilang kwarto at hinahabol si papa.Palagi na lang ganito ang ganap sa bahay. Tuwing umiinom si papa palagi na lang siyang nagwawala at nauuwi sa pag-aaway nila ni mama.At alam ko kung bakit nagkakagano'n si papa. Sila lola ang nagpapa-aral sa akin mula nang tumungtong ako sa college. Kahit hindi man sabihin sa akin nila mama at papa na nahihirapan na sila ay ramdam ko 'yon dahil maging ako ay nahihirapan na din sa sitwasyon ko.Wala akong karapatang tumigil sa pag-aaral dahil una sa lahat m
Music room"Hey, good morning." Napabaling ako kay Jacob na nakasilip sa pinto."Breakfast is ready," he smiled and I nod.Nang makababa ako ay nadatnan ko ang lahat na nasa harap na ng lamesa kaya naupo na ako para kumain. Tahimik ang lahat ibang iba nang mga nakaraang araw. Ultimo sila Sydney at Jacob ay tuloy tuloy lang ding kumakain ng tahimik.Napatingin ako kay Lola Adelaida na katapat ko.Nang imulat ko ang mga mata ko ay sinalubong agad ako ng mga matang nagliliyab sa galit. Bago ko pa makita ang may ari ng mga matang iyon ay isang malakas na sampal na ang natamo ko."Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag ka nang pumunta rito sa kwartong 'to?!" Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko."Why? Bakit lola? Tell me wala naman akong ginagawang masama, hindi ba? Bakit mo 'ko iniipit palagi sa mga sitwasyong alam mong wala akong takas? Hindi pa ba sapat na kinuha ko ang kursong gusto at pangarap mo sa s
I'm sorryHindi ko alam kung ilang minuto na ako palakad lakad dito sa loob ng kwarto ko. I keep thinking kung pupuntahan ko ba ulit sya sa hospital or mabuti nang hindi? But he has a girlfriend waiting for him to wake up from that long sleep.What should I do? Ni hindi nga niya ako kilala sa totoong buhay at worst sa panaginip lang kami nagkikita.Hindi ko mapigilan na mapailing. How's absurd.It is even possible na maaalala niya ako? Or... Maaalala niya pa ba ang pamilya at girlfriend niya?No one knows.Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa nag-iisang kwarto na palagi kong pinupuntahan para mapaginipan siya.Nang buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang simoy ng hangin. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang matinding sikat ng araw at ang mga naggagandahang bulaklak mula sa ibaba.Mabilis na lumapit ako sa bintana at hindi nga ako nagkakamali, tila may mahik
He's in the hospitalDala dala ko ang notebook ko na naglalaman ng mga panaginip ko sa kanya at saka patagong lumabas ng bahay.Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng walang nakakakita sa akin. Nang may dumaan na tricycle ay pinara ko ito at nagpahatid sa pinakang malapit na hospital.Ilang minuto lang ang lumipas at pinagmasdan ko ng mabuti ang labas ng hospital.I sigh and took a steps. I already cleared up my mind na pupuntahan ko ang hospital para malaman kung totoo ba ang panaginip ko.I know it's too risky because it just a freaking dream and here I am following that kind of dream. I just want to know if Seb would be here just like what he told me.Isang gabi pa lang ang nakakalipas pero hindi ko malaman kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko may hindi tama... May kulang.Papunta na sana ako ng receptionist nang may nakita akong isang men in b
BackHindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko si Jacob na nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin na akala mo'y binabantayan ako kanina pa."What the heck was just happened to you?" Napatingin ako kay Sydney na katabi lang din ng kuya niya. Matalim ang mga tingin nya sa 'kin at may halong pag-aalala.Umupo ako at tinignan sya ng deretso. "What?" Tinignan ko ito na naguguluhan.Magtatanong ulit sana ako nang bigla akong hinila ni Jacob ng marahas at nauntog ako sa kanyang dibdib. He tightly hugged me like he was afraid."You've almost died! For Pete's sake!" Rinig kong sabi ni Sydney at patuloy pa din niya akong sinesermonan na hindi ko alam kung bakit.Natahimik siya nang biglang isinubsob ng kuya nya ang kanyang mukha sa leeg ko."You scared me to death," mahina niyang sambit sapat na para marinig ko."Huh?