LIKE
Si Marga ay tahimik na nagmamasid sa ekspresyon ni Zack. Nang marinig nito ang paksa, nakita niya ang pagtingin nito kay Rhian. Kaya naman sumiklab ang selos sa kanyang puso. "Hindi dapat minamadali ang tungkol sa bagay na ito," malamig na sagot ni Zack habang nakatitig sa taong kaharap. Nais niyang makita kung mananatili pa rin bang kalmado ang babae pagkatapos marinig ang sagot niyang iyon! Pagkarinig nito, sandaling natigilan si Rhian, ngunit mabilis din niyang naintindihan. Oo nga naman, kahit hindi pa sila kasal ngayon, darating din ang araw na mangyayari iyon. Walang nakakagulat doon. Nang maunawaan niya ito, muling ibinaba ni Rhian ang kanyang tingin at kumilos na parang walang narinig. Na para bang wala siyang pakialam sa usapan ng mga ito. Nabigla naman si Marga sa sagot ni Zack... hindi niya mapigilan ang magtaka.Noong huling beses nilang pag-usapan ang kasal, malinaw na nagpahiwatig si Zack ng intensyon na umatras. Pero bakit iba ang pinapakita nito ngayon? Baki
Pagkatapos ng hapunan, umakyat na ang matanda upang magpahinga. Sinundan ito ni Rhian upang muling suriin ang kalagayan ng matanda. Pagkababa niya ng hagdan, nagpaalam siya sa lahat. Sabi ni Gino, "Gabi na, ihahatid na kita." Ngunit ngumiti si Rhian at tumanggi, "Hindi na po, maraming bisita dito. Mas mabuti pang aliwin niyo sila." Pagkarinig nito, hindi na siya nagpumilit si Gino at sinabing, "Kung ganoon, mag-ingat ka na lang sa daan. At huwag mo nang masyadong isipin ang sinabi ni lolo kanina. Matanda na siya kaya mahilig siyang mag-alala tungkol sa mga bagay-bagay." Ngumiti si Rhian at tumalikod upang umalis. "Gabing-gabi na rin, marami pa akong kailangang tapusin sa trabaho, kaya hindi na rin ako magtatagal," sabi ni Zack habang pinagmamasdan si Rhian na papalabas ng villa. Alerto si Marga at agad na nagpaalam, "Sakto, aalis na rin ako. Pwede tayong magsabay." Tinanggihan siya ni Zack nang walang emosyon, "Hindi na, magkaibang direksyon ang pupuntahan natin. Mauuna
Pagkatapos masabi ni Rhian ang mga salita iyon, dumaan ang katahimikan.Napagtanto ni Rhian ang kanyang nasabi at agad itong pinagsisihan. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at hindi na muling nagsalita. Si Zack naman ay seryosong nakatingin sa gawi ng babae, may madilim na tingin ngunit hindi mabasang ekspresyon.Ganito ba katindi ang pag-ayaw ng babaeng ito sa kanya? Walang pakundangan kung itulak siya nito sa iba?Makalipas ang ilang sandaling katahimikan, malamig na nagsalita si Zack, "May iba siyang kailangang asikasuhin at hindi pa siya aalis." Galit na kinuyom ni Rhian ang kamao, humigpit ang hawak niya sa manibela. Hindi maaaring ihatid ni Marga si Zack dahil may iba itong ginagawa? Ngunit siya, may obligasyon ba siyang gawin ito? Subalit, ang taong nasa tabi niya ay nanatiling parang bundok, at kahit anong sabihin niya, siguradong hindi ito basta bababa ng sasakyan. Kilala niya ang ugali ng lalaking ito.Mas matayog pa ito sa bundok at mas matigas sa bato.Wala nang nag
Bahagyang narinig ni Rhian ang sinabi ni Aunt Gina sa telepono, at nalaman niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Rain, nakaramdam siya ng pag-aalala. Matapos marinig ang sinabi ni Zack, agad siyang lumiko at nagmaneho patungo sa mansion ng pamilyang Saavedra.Pagkalipas ng dalawampung minuto, dahan-dahang huminto ang sasakyan sa labas ng Mansion ng nila.Nang maalala ni Rhian ang anak nito ay hindi niya mapigilan ang mag-alala. Tumingin siya sa lalaking katabi at may pag-aalala sa boses na nagsalita. "Alagaan mong mabuti si Rain. Kung sakali na kakailanganin mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako."Tinitigan siya ni Zack nang may hindi mabasang ekspresyon, "Kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi ka na lang umakyat at tingnan siya? Besides, masyadong malapit si Rain sa iyo, kung makikita ka niya ngayong may sakit siya, tiyak na gagaan ang kanyang pakiramdam." Pagkasabi sabihin ito, binuksan ni Zack ang pinto ng kotse, bumaba, at diretsong naglakad patungo sa malaking entrance ng ma
Inalis ni Rhian ang kakaibang pakiramdam, nagpakawala siya ng hangin bago nagpasya na nilapitan ang tatlong tao. Kahit may lagnat si Rain, kumikislap pa rin ang kanyang mga mata nang makita siya, nagningning ang mga ito at nakatitig kay tita ganda ng may pananabik.Tinitigan siya ni Rhian nang may pag-aalala.Agad na iniabot ni Rain ang kanyang mga kamay upang magpayakap.Nang makita ito, hindi sinasadyang tumingin si Rhian kay Zack.Ang batang ito... may sakit, ngunit sa halip na sa kanyang ama magpahawak, nais niyang yakapin siya ng isang estranghero.Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Zack.Ngunit tahimik lang na iniabot ng lalaki ang bata sa kanya.Nag-atubili si Rhian sandali, pagkatapos ay iniabot ang mga kamay upang yakapin ang bata.Pagkapasok pa lang ng maliit na bata sa kanyang mga bisig, naramdaman na niya ang init nito, parang isang maliit na heater.Hindi na nag-isip nang malalim si Rhian, dinikit niya ang pisngi ng bata sa kanyang pisngi upang suriin ang kung gaano
Habang nakatingin si Aunt Gina sa tatlo na magkakasama, lalo niyang namiss ang mga araw noon. Sa pagnanais na mapag-isa ang dalawa, maingat siyang nagpaalam at tahimik na iniwan sila."Dahil narito na kayo para kay Young lady, maiwan ko na kayo," Paalam ng matanda.Naiwan silang tatlo sa sala.Tinitigan ni Zack ang dalawa sa kanyang harapan.Nang mapansin ang tingin nito, bahagyang tumalikod si Rhian at lumapit sa sofa kasama si Rain na nasa kanyang mga bisig, sinusubukang ilapag ito.Nahulaan ni Rain ang kanyang intensyon, puno ng pagtutol ang kanyang bilugang mata; mahigpit siyang kumapit sa balikat ni Rhian. Ayaw niya magpababa.Nang mapansin ito, pinakalma siya ni Rhian. Pagkaupo sa sofa ay malumanay siyang nagsalita, "Rain, may sakit ka. Kailangan mong magpahinga ng maaga. Aalagaan kita hanggang makatulog ka, okay?"Inilubog ni Rain ang kanyang ulo sa leeg ni Rhian at tahimik na umiling.Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian, "Ayaw mo bang matulog?"Tumango ang bata sa kanyang mga b
Habang abala si Rhian sa pag-aalaga kay Rain, biglang tumunog ang cellphone sa kanyang bag.Nag-alala si Rhian na magising si Rain, kaya't walang pag-aalinlangang tinakpan niya ang mga tainga ng bata. Nang tatayo na siya para kunin ang kanyang bag, napansin niyang tumayo na si Zack para kunin ito."Salamat." Aniya matapos tanggapin ang kanyang bag.Nang makita niya ang tumatawag, napangiwi siya. Nakatuon siya masyado sa batang nasa kanyang mga bisig, at nakalimutan ang dalawa niyang anak sa bahay na naghihintay sa kanya."Mommy!" Pagkakonekta ng tawag, narinig niya ang boses ng dalawang anak, "Kailan ka uuwi?" boses ito ni Zian."Mommy, matagal ka pa ba?" tanong naman ni Rio.Dahil ayaw niyang magising si Rain ay mahina siyang sumagot sa kambal. "May dinaanan lang akoako ngayong gabi, baka gabihin na ako ng sobra sa pag-uwi. Kumain na ba kayo?"Malambing na sumagot ang dalawa. "Wag kang mag-alala sa amin, mommy, kumain na kami. Ikaw, mommy? Kumain ka na po ba? Huwag mong kalimutan na a
Nang marinig ang paghikbi ng anak, nag-angat ng tingin si Zack.Dahan-dahang tinapik ni Rhian ang likod ng bata upang pakalmahin ito, ngunit lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Rain. Kumawala ito mula sa kumot at umiyak sa mga bisig ni Rhian, mahigpit na nakahawak sa kanyang mga damit gamit ang maliliit na kamay.Habang umiiyak, ibinukas niya ang kanyang mga mata na punong-puno ng luha at tumitig kay Rhian, na para bang sinisigurong naroon pa rin siya. Nang makita niya ito, dahan-dahang humina ang kanyang pag-iyak.Nakita ni Rhian ang namumula nang mukha ng bata at nakaramdam siya ng labis na pag-aalala, bigla ay parang nakita niya ang mukha ng anak niya sa mukha nito habang nasa bisig niya."Rain, nandito si tita kaya huwag ka ng umiyak. Please, tahan na, baka maging kuting ka kapag umiyak ka pa," mahinang wika ni Rhian habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ng bata.Matinding iyak ang ibinuhos ni Rain kaya’t hindi agad siya makapagpigil ng luha. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga ito
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag