Ibinaba ni Zack ang mga papeles na hawak niya ng marinig ang ulat ni Manny. Bahagyang tumiim ang kanyang mga mata habang naaalala ang pag-alis ni Rhian kasama ang isang hindi kilalang lalaki noong nakaraang gabi. "Kung ganoon, sino ang lalaking iyon?" "Ang lalaking iyon ay si Zanjoe Rodriguez, ang head ng Virus Research Institute. Siya ang ipinatawag noon ni Mr. Florentino upang suriin ang kanyang kalusugan," tugon ni Manny, habang sinasabi ito, dama niya ang tensyon sa loob ng opisina, kaya naging mas maingat ang pagsalaysay niya. "Bukod pa rito, nalaman ko na si Zanjoe ay single pa rin, at mukhang wala namang espesyal na relasyon sa pagitan nila ni Miss Fuentes. Posibleng nagkakilala lang sila noong pareho pa silang nag-aaral ng medisina." Nang marinig ang posibilidad na iyon, bahagyang nakahinga ng maluwag si Zack. "May iba ka pa bang nalaman bukod sa mga iyan?” Tumungo si Manny at umiling. "Sa ngayon, ang mga iyan pa lang ang aming natuklasan. Tungkol kay Miss Fuentes, nalam
Matapos matuklasan na sila ay sinasabotahe, kaya naman lalong nadagdagan ang ilang mga proyekto sa research institute ang na-kansela, hindi maiwasan ni Rhian ang makaramdam ng pagkabahala. Hindi niya inaasahan na kahit matapos ang anim na taon, mananatili pa rin ang matinding galit ni Marga sa kanya. Lalo siyang nagulat na gagamitin ng babaeng ‘yon ang ganitong klaseng tusong paraan para gumanti sa kanya. Ngunit hindi ito ang tamang panahon para ilabas ang kanyang emosyon. Kinuyom ni Rhian ang kanyang mga kamao, pinipilit ang sarili na kumalma. Tumingin siya kay Zanjoe at sinabing, “Sa ngayon, dito palang naman tayo nagsisimulang maghanap supplier sa bayan at karatig bayan. Malawak ang Pilipinas, sigurado ako na may makikipag-cooperate din sa atin.” Iyon nga lang, sigurado na mas mataas ang magiging gastos at mas matagal ang oras na gugugulin. Bagaman hindi binanggit ni Rhian ng malakas ang huli niyang sinabi, malinaw na nauunawaan niya ang sitwasyon. Umaasa siyang makakahanap si
Ang karamdaman ni Mr. Florentino ay medyo kumplikado, kaya’t marami nang bantog na doktor ang hindi nagtagumpay na makahanap ng lunas sa sakit nito. Inabot ng kaunting oras si Zanjoe upang ipaliwanag kay Rhian ang detalye ng kalagayan ng Matanda. Alas sais ng gabi, matapos ang trabaho ay nagtungo si Rhian mag-isa sa mansyon ng Florentino, ayon sa adres na ibinigay ni Zanjoe. Isang may edad na lalaki ang nagbukas ng pintuan, na sa kanyang palagay ay siyang mayordomo ng lugar Nang makita si Rhian ay magalang na bumati ito at tinanong. “Magandang gabi. Ano ang kailangan nila at sino sila? May maipaglilingkod ba ako, miss?” Ngumiti si Rhian at sumagot, "Magandang gabi. Ako po ang doktor na tumawag kanina. Nandito ako upang tingnan ang kalagayan ni Mr. Florentino." Nang marinig ito ng mayordomo ay sinipat nito si Rhian mula ulo hanggang paa. Napansin nito ang kabataan niya kaya naman hindi nito maiwasan ang magduda. ‘Masyado pa siyang bata. Kaya niya ba talaga, lalo pa’t bata
Mabilis na lumapit ang tatlo sa harap ni Rhian Samantala habang karga si Rain ng kanyang amang si Zack sa bisig nito, nakatitig lang siya sa ‘magandang ate’ na nakilala niya noon… makikita ang labis na kasiyahan sa mukha ng bata na bihira lang makita ng iba. Si Rhian naman ay biglang nahiya habang tinitingnan siya ng mag-ama, hindi niya alam kung paano magre-react sa titig nila. Sa kabutihang palad, ang lalaking nasa unahan ang unang nagsalita upang basagin ang katahimikan. “Ikaw ba ang doktor na inirekomenda ni Dr. Rodriguez para gamutin ang lolo ko?” Bahagyang inayos ni Rhian ang kanyang ekspresyon at ngumiti nang bahagya. “Yes, ako nga po iyon. Magandang araw, ako si Doktor Rhian Fuentes, the head of FV research institute.” “Magandang araw, Doktor Fuentes,” nilahad ng lalaki ang kanyang kamay, “I’m Gino,, at ito ang kapatid kong si Ana.” Pagkatapos ay sumulyap ito sa likuran ng kapatid, sa direksyon ni Zack, “Siya naman si kuya Zack, he’s a family friend at parang nakatata
Lahat ng naroroon ay nabigla sa ginawa ni Zack. Nang makita ni Rhian na inagaw nito ang kanyang mga dokumento, bigla siyang kinabahan. Simula nang makita niya si Zack kanina, sinubukan niyang umiwas at kahit sa gilid ng kanyang mga mata ay hindi niya nililingon ang mag-ama. Pero ngayon na kinuha nito ang kanyang mga dokumento, napilitan siyang ibaling ang kanyang atensyon sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan. Bakit? Mahigpit na hinawakan ni Zack ang mga dokumento bago niya tinignan si Rhian at nagsalita nang may ibig sabihin, "Marami ng tao ang nagpapeke ng mga credentials at ginagamit ito para manloko. Hindi maganda ang kondisyon ni lolo Gin kaya huwag tayong magpaloko sa mga ganitong tao." Habang sinasabi ito, isa-isang binuksan ni Zack ang mga dokumento, mabagal na binabasa ito, na para bang seryoso niyang sinusuri kung totoo ang mga ito. Ang mga paaralan kung saan nag-aral si Rhian, pati na ang mga lugar kung saan siya nagtrabaho, ay isa-isang nabasa ni Zack.
Nang makita ni Gino ang kumpiyansa ni Rhian ay napangiti siya sa pagkabikib, hindi nito napigilan na bumaling kay Zack para tingnan ang ekspresyon nito. Si Zack naman ay seryosong nakatingin lamang kay Rhian na wala ng kibo, walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit bakas ang kalamigan don. “Sumunod ka sa akin, Doktor Fuentes.” Nakahinga ng maluwag si Rhian ng marinig ang sinabi ni Gino. Binalewala niya ang matiim na titig ni Zack at sumunod dito. Dumaan pa siya sa harapan nito at nilagpasan ito na parang walang pakialam. Nang makita ni Ana na dinadala ng kapatid niya si Rhian paakyat, hindi niya napigilang makaramdam ng pagkabalisa at mabilis na sumunod sa mga ito. Nang mawala ang magkapatid kasama si Rhian, hindi nakatiis si Rain. Hinila niya ang manggas ng damit ng daddy niya at sa pamamagitan ng tingin, humiling siya na sundan ang magandang babae na gusto niya. Ibinaba ni Zack ang tingin mula sa hagdanan, tiningnan niya ang kanyang anak na nakahawak sa kamay niya, nak
Nairita ang magkapatid sa sinabi ni Rhian at inis na nagtanong. “Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?” Galit na tumingin si Ana kay Rhian. “ “Kaya mo bang gamutin siya? Kung hindi, sabihin mo na lang! Hindi yung papaasahin mo kami o pabibigatin pa ang loob namin!” Malamig na tumingin si Rhian sa kanya, “Bilang doktor naging tapat lang ako. Ang iyong lolo ay matagal nang hindi nakatanggap ng tamang paggamot, at ngayon ang kanyang mga function sa katawan ay nagsisimula ng bumagsak, at mabilis na bumababa ang kanyang immunity. Sa normal na sitwasyon, ang pasyente sa ganitong kalagayan ay dapat makatanggap ng agarang pangangalaga, ngunit ang inyong medical team ay hindi pinapansin ang kalagayan ng pasyente at basta-basta na lang nag-aadminister ng gamot. Hindi ito paggamot sa sakit, ito ay pag-ubos sa kanyang lakas at buhay!” Agad na hindi natuwa ang attending physician mula sa medical team nang marinig ito. Lumapit ito, na may matigas na tono, at nagsalita, “doktor Funetes, hindi mo
Ang lahat ay nagulat sa sinabi ni Rhian. Marami na silang nakitang mga kilalang doktor na nagtatangkang gamutin ang matandang lalaki, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na may humiling na tanggalin ang kanyang mga damit. “Kailangan ba talaga ito?” Tanong ni Gino Tumango si Rhian sa kanya. “Kailangan kong gamutin ang lolo niya, at nakakaabala ang kanyang mga kasuotan. May makakatulong ba na alisan siya ng saplot? Please, pakibilisan niyo na.” Sa isang sandali, ang lahat sa silid, kasama ang nakaraang medikal team, ay nagpalitan ng mga tingin. Anong klaseng panggagamot ang nangangailangan ng pagtanggal ng mga damit ng pasyente? Pagkatapos mag-alinlangan ng ilang sandali, si Gino ay nagpasya na. Nang makita ni Ana na pumayag ang kanyang kapatid, nakadama siya ng inis, “Anong klaseng paggamot ito? Bakit—” Bago niya natapos ang kanyang pangungusap, nakita niyang binuksan ni Rhian ang kanyang medikal kit at kinuha ang isang antigong kahon na kahoy, na naglalaman ng isang bagay
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Mar
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.Samantala, mabilis na bumaba si Marga mat
Matapos ang ilang araw, naging malungkot ang pagpasok ni Rain sa eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, nakita niyang nag-eenjoy ang kambal kasama ang ibang mga bata, ngunit hindi siya pinapansin ng dalawa. Sa wakas, nang magkaroon siya ng lakas ng loob para tumakbo at lapitan sila.Nagkatinginan ang dalawang bata, si Rio ay sinadyang magtanong ng seryoso. "Ano ang kailangan mo sa amin?"Hinawakan ni Rain ang kanyang maliit na palda, ang kanyang mga kilay at labi ay kumibot Tinitigan niya sila ng seryoso at binuksan ang bibig upang subukan na maglabas ng tunog... Nakaramdam ng awa at pagkabahala sina Rio at Zian para sa kanya. Naawa sila pero kailangan nila itong gawin. Sa paraang ito lamang sila makakatulong sa dalawa. Kung hindi nila ito gusto tulungan, hindi nila gagawin ito kay Rain.Matapos maghintay ng matagal, gusto nang sumuko ng dalawang bata, ngunit bigla nilang narinig ang isang malambot na boses na kasing hina ng langgam."Kuya..."Namumula si Rain, at sa wakas ay naka
Kinabukasan, isinama ni Rhian ang tatlong bata para kumain. Tahimik na nakaupo si Rain sa tabi niya, nakikipagkulitan ito sa dalawa niyang anak. Habang tinitingnan ito, gusto gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. Ang cute kasi nito. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na makadama ng awa. Kahapon ay nakita niya ang kagustuhan nito ba makapagsalita… nagsisikap ito na maglabas ng boses… ngunit sa huli ay wala itong nagawa. Nang maisip ito ni Rhian, mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi at malambing na nagsalita. “Ano ang gusto mong kainin, Rain? Gusto mo ba ng cake? Eh pancakes? Masiglang tumango ito sa kanya. Nag-order agad si Rhian ng cake at pancakes para sa bata. Nang dumating ito, nag-slice siya at nilagay sa plato nito. “Kumain ka na marami ha. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang kay tita.” Habang nakatitig sa magandang mukha ni Rhian, kumurap si Rain… ang lambing ng boses ni tita, ang sarap pakinggan! Bumuntong-hininga si Rhian, may kalun
"Pasensya na, may mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kanina kaya hindi ko kayo nasundo. Nakakain na ba kayo?" Bumitaw ng yakap si Rhian sa tatlo at hinaplos ang mga mukha nila.Tumango si Zian. "Opo, mommy, kumain na kami! Naglaro pa nga kami ng matagal!"Tumango naman si Rion at sinabing, "Nag-eenjoy kami habang naglalaro dito nila Rain!"Nakangiting huminga ng maluwag si Rhian at tumayo, "Anong nilalaro ninyo? Ipakita ninyo nga sa akin."Masayang tumakbo si Zian patungo sa sala, "Naglaro kami ng Lego na ibinigay sa amin ng tito kanina. Nakakamangha! Ang dami nito! Talagang masaya na maglaro gamit ito!"Sumunod sina Rio at Rain kay Rhian. Hawak ni Rhian ang isang kamay ni Rain, at sa kabila naman ay kamay ni Rion, nakangiti silang nakatingin at nakasunod kay Zian.Ang Lego na ibinigay ni Zack sa mga bata ay pasok sa kanilang expectation. Kung titingnan ang modelo at difficulty nito, talagang nagustuhan nila ito.Napaawang ang labi ni Rhian ng makita ang nabuo ng tatlo. I
Nagsimula nang gumalaw ang traffic sa harap, pinakawalan ni Rhian ang preno at ibinalik ang tingin sa kalsada.Naisip niyang bigla ang ekspresyon ng lalaki kanina, kaya't lalo niyang naramdaman ang pagkaasar, "Hindi ba't ikakasal ka na, Mr. Saavedra kay Miss Suarez? Hindi mo ba naisiip na hindi tama na magkasama tayo? O bigla ka nalang sumusulpot... kahit sabihin mong dahil ito kay Rain. Hindi tama ito!"Kung makapag-usisa ito ay parang close sila. Eh siya nga ay hindi rin alam ang kung sino ang tunay na ina ni Rain.Kahit na nagkalapit sila dahil kay Rain. Wala itong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Sino ba ito upang manghimasok? Hindi inasahan ni Zack na banggitin ni Rhian si Rain. May dumaan na pagkabahala ang mukha niya, at sumagot siya nang malabo, "Ibang usapin iyon."Tumaas ang kilay ni Rhian at nagpasabog ng tawa, "Ano'ng pagkakaiba? Bukod pa rito, wala naman tayong ibang relasyon. Kaya lang naman tayo nagkakalapit ngayon ay dahil lang iyon sa anak mo. Ni hindi nga tay
Parang naramdaman ni Rhian na may malamig na mata na nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang mata sa paligid ng kunot ang noo, ngunit wala namang kakaiba sa paligid. Baka guni-guni lang niya na parang may nakatingin sa kanya."Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Mike nang mapansin ang kakaibang kilos ni Rhian. Binalik ni Rhian ang tingin sa kanya at umiling. "Wala. Saan na nga tayo kanina?" Aniya para alisin ang suspisyon niya, tinuon nalang niya ang atensyon kay Mike. Ngunit habang nag-uusap si;a, hindi nawala ang ganung pakiramdam... parang may nakatingin talaga sa kanya na hindi naman niya alam kung saan nagmula.Natapos nalang sila kumain ngunit hindi parin siya napalagay, dama niya parin ang tila tumatagos na tingin sa kanya.Binasag ni Mike ang ilang sandali na pananahimik niya. "Gabi na, ihahatid na kita pauwi." Ngunit tumanggi si Rhian at ngumiti, "Hindi na, ako na lang, may sarili akong sasakyan, hindi mo na kailangan mag-abala." Dahil dito, hindi na nagpumi
Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n b
Nang makita ang mga lalaking walang ekspresyon na may dalang mga kahon, naguluhan si Rhian. "Ano ito...?" Sumagot si Zack, "Lego. Narinig kong gusto nila itong laruin kahapon, kaya ipinamili ko sa aking assistant kagabi. May kasama rin itong mga mahihirap na puzzle. Sigurado akong magugustuhan nila ito." Hindi maiwasan ni Rhian na mamangha. Tiningnan niya ang mga matitikas na lalaki na parang hindi bagay sa mga hawak nilang kahon. "Papapasukin mo na ba sila?" Tanong ni Zack.Nagdalawang-isip si Rhian, ngunit sa huli’y tumabi, nagbigay naman si Zack ng hudyat sa mga bodyguards na ipasok ang mga kahon, pinanood sila ni Rhian na isa-isang inilapag ang mga dala nilang kahon sa sahig. Narinig ng tatlong bata mula sa dining area ang ingay sa labas at dali-daling lumabas upang makita kung ano ang nangyayari. Tumayo sina Rio at Zian malapit sa mga kahon, ang kanilang mga mata ay nagniningning sa tuwa. Si Rain naman ay tumakbo muna sa kanyang daddy, bago bumalik sa tabi ng dalawa