LIKE 👍
Pagbalik nila sa kwarto, lampas na ng alas-nueve ng gabi. Katatapos lang maglaro ng tagu-taguan Rio at Zian, kaya't pawis na pawis sila. Pagbalik nila, agad na pinasok ni Rhian ang mga bata sa banyo para maligo. Paminsan-minsan, maririnig ang tunog ng paglalaro ni Rhian at ng dalawang bata sa banyo. Si Rain ay nakaupo sa kama, nakatingin sa pintuan ng banyo na may pag-asam sa mga mata. Noong nakatira siya sa bahay ng kanyang tita ganda, madalas siyang paliguan nito. Nang bumalik siya sa kanyang daddy, si Lola Gina na ang nagpapligo sa kanya. Naalala pa niya na sobrang banayad ng kanyang tita kapag pinapaliguan siya, naiiwan ang amoy ng shower gel na ginagamit nito. Gustong-gusto niya ang amoy niyon, para siyang amoy baby lalo. Samantala, nakatingin si Zack sa kanyang anak ng mga sandaling ito. Bilang ama, alam ang inggit sa nararamdaman nito ngayon. Walang duda, masyadong nakadepende ang batang ito kay Rhian. O baka ganun na talaga kalakas ang ugnayan ng isang ina at anak na b
Biglang tumunog ang isang cellphone. Nasa tabi ng kama ang cellphone ni Zack, at kumikislap ang screen. Mabilis na sumulyap si Rhian dito, at nang makita ang pangalan ng tumawag, ibinaba niya ang kanyang mata at umiwas ng tingin. Tumunog pa ang cellphone ng ilang sandali bago ito sinagot ni Zack. Pagtingin sa pangalan ng tumawag, nagmamadali niyang binigyan ng sulyap si Rhian, naglakad papunta sa bintana, at sinagot ang tawag, "May kailangan ka ba?" Sa kabilang linya, narinig ang boses ni Marga na may bahid ng reklamo, "Narinig ko na nagkaroon ng tree planting charity event ang kindergarten ni Rain. Dinala mo ba siya doon?" Sumagot si Zack nang malamig, "Oo." "Di ba't ayaw ni Rain ng maraming tao? Hindi naman siya sumasali sa mga ganitong aktibidad dati, bakit siya sumama ngayon?" Sa kabilang linya, tila hindi maipaliwanag ni Marga ang kanyang nararamdaman. Naiinis siya dahil pumunta sila Zack doon ng hindi niya nalalaman. Hindi na pinatagal ni Zack at sumagot agad nang maikli,
Kinabukasan, nagsimula ang tree planting activity. Hinintay ng guro na makumpleto ng mga magulang ang pagkain nila kasama ang mga anak bago nila dalhin ang lahat sa lugar ng aktibidad. Ang paaralan ay nakipagtulungan sa botanical garden, at naglaan ang botanical garden ng kapiraso ng lupa para magtanim ng puno ang mga bata. Nang dumating ang lahat, marami nang mga staff ang naghihintay sa lugar.Ang lahat ng mga bata ay halatang excited, lahat sila ay napa-cute, kaya’t hindi mapigilan ng mga staff na pansinin sila. Ipinakilala ng guro ang mga staff sa mga magulang, at hinati ang mga magulang sa mga grupo, pinakiusapan silang sumunod sa staff upang kumuha ng mga punla. Nang marinig na sila ay hahatiin sa mga grupo, tumingin si Rain kay Rhian na parang nagmamasid, at tumayo doon nang hindi gumagalaw hanggang sa basahin ng guro ang kanyang pangalan. Nakakunot ang noo ni Zack, sinundan ang tingin ng anak, tumingin kay Rhian sa malayo, at hindi nagsalita. Si Rhian naman ay naii
Nakakuha si Rhian ng tatlong punla, iniisip na magtatanim siya ng isa kasama ang mga bata. Seryosong-seryoso ang dalawang bata sa aktibidad na ito. Labis silang tuwang-tuwa nang magising ng maaga, parang sasali sila sa isang malaking kompetisyon. Pagkatapos matanggap ang mga punla, nagsimula silang maghukay ng mga butas sa ilalim ng gabay ng mga staff. Masigasig na nagtatrabaho ang dalawang bata. “Rio! Tingnan mo dali! Ang lalim nang nahukay ko!” Pagyayabang ni Zian. “Mas malalim ang sa akin… tingnan mo!” Pagmamalaki naman ni Rio. Nakanging napailing siya habang pinapakinggan ang masayang mga anak. Nagbihis si Rhian ng parehong sportswear na suot ng mga bata para sa araw na iyon, par madali niyang magawa ang trabaho at para kumportable sila na kumilos. Seryoso silang tatlo sa kanilang ginagawa, magkasama silang kumilos kaya mabilis silang nakahukay ng mga butas. Habang papunta na sila sa ibang parte ng lupa para maghukay, biglang may narinig silang malambing na boses n
Nagkunot ng noo si Zack at naramdaman na hindi madali ang bagay na hawak niya, kahit anong paraan ang gawin niyang paggamit. Habang nakaramdam siya ng kaunting inis, napansin niya ang isang mata na dahan-dahang nakatutok sa kanya. Tumingin siya pataas at nakatagpo ng mata ni Rhian na nakangiti sa kanya. Natigilan si Zack… hindi siya agad nakahuna. Ang ngiti ni Rhian, ang ganda tingnan at nakakahalina Nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad na ibinaling ni Rhian ang kanyang tingin at nagbago ang kanyang mukha, naging kalmado muli. Nawala ang kunot ng noo ni Zack, ang kanyang inis ay nawala sa isang iglap lang. Tumikhim na lumingon siya at sinabi sa staff, "Medyo hindi ako sanay dito. Puwede po bang ipakita ninyo sa akin kung paano gamitin ito?" Matagal na pinanood ng mga staff si Zack at nakita nilang matangkad at malakas siya. Nang gamitin niya ang pala, tuwid ang kanyang likod. Halatang hindi ito marunong at hindi sanay. Nais sanang sabihin ng isa sa kanila na mali ang g
Tumayo si Rhian at kinuha ang pangatlong punla at itinanim ito sa hukay. Hindi nagtagal, may narinig silang ingay mula sa hindi kalayuan. "Miss Suarez, bakit nandito ka rin?" Ang guro ay naglalakad sa gitna ng mga bata. Nang makarating siya sa may pintuan, medyo nagulat siya nang makita ang isang tao na papalapit mula sa malayo. Si Marga ay nakasuot ng pulang damit, may wavy na kulot na buhok na nakapusod sa kanyang dibdib, at may suot na sun glass sa mata, fashionista ang dating. Nang makarating siya sa harap ni Teacher Pajardo, inalis niya ang sunglasses, pinasingkit ang kanyang mata habang iniisa-isa na tingnan ang mga tao bago nagsalita, "Sinabi ni Zack na magkakaroon ng activity para sa magulang at anak sa kindergarten ngayon. Nababahala ako kay Rain, kaya't dumaan ako dito. Nasaan sila?" Tumango ang guro at nakakaunawa na tumango. Tinuro niya ang direksyon nila Rhian, “Naroon siya, kasama sina Rio at Zian. Kanina pa nila kasama si Rain, hindi kasi niya nais mawalay sa kan
“Dahil nandito na si Miss Suarez at tapos na magtanim ang mga bata, pwede nang kunin ni Mr. Saavedra at Miss Suarez si Rain.” Talaga ayaw ni Rhian ng atensyon, kaya't malamig niyang ininterrupt si Marga. Sigurado na gagawa pa kasi ito ng eksena kung magtatagal pa itong kasama sila. Nang marinig ito, tumayo si Marga at ngumiti kay Zack. Ang layunin niya sa pagpunta dito ay hindi para manatili si Zack kay Rhian. Ngayon na ito na mismo ang nagmungkahi, inaasahan niyang mangyayari ito. Hindi naman tanga si Zack para manatili pa dito pagkatapos lantaran na itaboy ng babae. Nang marinig ang mga salita ng dating asawa, kumunot ang noo ni Zack, at tinitigan siya, "Si Doktor Fuentes ay tumulong kay Rain at sa akin sa pagtatanim ng puno. Hindi ko siya maaaring iwan. May isa pang puno. Magtanim tayo ng sabay." Nagmumukhang nag-aalangan si Rhian, nais niyang tumanggi. Sa gilid, tumingin si Rain kay Rhian ng may pag-asam. "Gusto pa niya magtanim ng puno kasama si tita! Nang marinig ni Rhian a
"Ano ang ginagawa mo dito?" Nang makita na walang nakatingin, hinila ni Zack si Marga patungo sa gilid ng kagubatan at tinanong ito ng walang ekspresyon. Nang marinig iyon, tiningnan ni Marga ang maliit na bata sa kanyang mga bisig nang may pag-aalala, "Nag-aalala ako kay Rain, kaya pumunta ako dito para makita siya. Huwag kang mag-alala, hindi ko kayo istorbohin." Nang matapos siyang magsalita, narinig niya muli ang malamig at matigas na boses ni Zack, "Ngayon ay makikita ko na ayos na si Rain. Kung wala nang iba, maaari ka nang umuwi." Nanlumo si Marga, "Zack, galing pa ako sa malayo at pagod pa ako. Hindi ba pwede na pakainin mo muna ako? Saka… saka nandito na ako eh, bakit mo ako pinapaalis kaagad.” Kagat ang labi na yumuko siya, puno ng pagsisisi ang boses nang siya’y magsalita, "Alam kong galit ka pa sa akin dahil sa huling beses na sinaktan ko si Rain, pero hindi ko talaga sinasadya iyon. Sa loob ng maraming taon, tinuturing ko si Rain bilang aking sariling anak, w-wa
Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama
Samantala, sa villa ng pamilya Suarez, Masana ang loob ni Marga mula nang siya ay itaboy ni Zack noong araw na iyon. Noon, si Dawn ay laging nagtatanggol sa kanya, ngunit hindi siya nagsalita noong araw na iyon, na nagpakita lamang na kahit ito ay hindi kayang tumulong. Dahil dito, halos mawalan ng pag-asa si Marga. Hindi siya bobo, pagkatapos maghintay kay Zack sa loob ng maraming taon, alam niyang malamang ay wala na itong balak na pakasalan siya. Ngunit palaging may kaunting pag-asa siyang hawak, dahil tinulungan siya ni Dawn sa bawat hakbang. Palagi niyang iniisip na basta't maghintay siya, darating din ang araw na papakasalan siya ni Zack. Ngunit hindi inaasahan, bumalik sa bansa si Rhian, at si Zack ay wala nang ibang iniintindi kundi ito, paulit-ulit din nitong sinasabi na nais nitong kanselahin ang kanilang engagement. Kung hindi lang sana bumalik ang babaeng iyon! Matapos magpalamig nang ulo sa bahay buong araw, nagpupumilit pa rin si Marga na panghawakan ang
Tumingin si Rain sa likod ni Rhian na may mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang pigilan ang pagdaloy ng mga luha. Hindi inasahan ng dalawang maliliit na bata na magiging ganoon kalupit si Mommy kay Rain. Natigilan sila ng ilang sandali bago sila nakabalik sa kanilang mga sarili at tumakbo kay Rain upang aliwin ito. "Rain, huwag kang umiyak. Talagang abala lang si Mommy nitong mga nakaraang araw. Kapag tapos na si Mommy, maaari ka na ulit tumira sa amin!" Nakangiting sabi ni Zian. Imbes tumahan, lalo lamang umiyak si Rain, hindi siya mapapatahan ng mga sinabi nito. Kinuha ni Rio ang panyo upang punasan ang mga luha nito at nagsabi nang kalmado, "Aalagaan ka namin sa eskwelahan. Gusto ka rin ni Mommy. Huwag ka nang malungkot. Kung patuloy kang iiyak at maging pangit, hindi ka na magugustuhan ni Mommy." Nang marinig ito, unti-unting huminto ang pag-iyak ni Rain, ngunit may kalungkutan pa rin sa kanyang mukha. Tumango si Zian at nagsabi, "Kami at si M
"Hindi, gusto ko si tita ganda!" Tumingin si Rain kay Rhian nang sabik, at pagkatapos ay tumingin kay Zack ng nakasimangot. Nakita ni Zack ang determinasyon ng anak, alam niyang hindi ito susunod ngayon, kaya't tumigil na siya sa pagpapilit at tumingin kay Rhian. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, medyo kumunot ang noo ni Rhian, agad niyang nahulaan kung ano ang sasabihin ni Zack. "Laging nakadepende si Rain sa iyo, at sa iyo rin unti-unting bumuti ang kanyang mga sintomas ng autism. Ngayon, natakot siya at nagkaroon ng ilang relaps, kaya't hindi na niya gustong lumayo sa iyo. Maaari mo ba siyang alagaan pansamantala?" May pakiusap na sabi ni Zack kay Rhian. Nang marinig ni Rain na papayagan siyang manatili sa bahay nila Rhian, kumislap ang mga mata ng bata habang nakatingin kay Rhian, umaasa siya na papayag ito. Ngunit pagkatapos maghintay ng ilang segundo, napansin ni Rain na tila may hindi tama sa ekspresyon ng mukha ni Rhian. Nang mahulaan na parang ayaw nito, agad na b
Pagkatapos ng ilang sandali, nakabawi si Zack at mataman na nagsalita, "Tama kayo. Hindi ko na kayo guguluhin pa." Tungkol naman sa kasal niya kay Marga, naisip niya na hindi na niya kailangan pang sabihin sa kanila ang tungkol don. Hindi pa niya ito ipinahayag sa publiko, kaya’t hindi niya balak ipaalam sa iba ito sa ngayon. Medyo nagulat ang dalawang bata nang makita nilang madaling sumuko si Zack, nalungkot sila at medyo nasaktan. Talagang gusto ni daddy na pakasalan ang masamang ale na yon. Ayaw na ba talaga nito sa mommy nila. Lalo silang nalungkot sa naisip nila. Kahit nalulungkot sila, mas nanaig ang kanilang galit. Tumingala sila at pinag-krus pa ang braso sa kanilang dibdib. “Ba-bye, tito Zack,” matapang at sabay na sabi nila Rio at Zian. Napakamot si Zack sa kilay habang nakatingin sa kambal na animo’y malaking tao na nakatayo at nakaharap sa kanya. Pakiramdam niya ay galit ito sa pagpapakasal niya kay Marga. Pero bakit magagalit ang mga ito? Kung kanina ay handa na