LIKE
"Lintik! Sino ang nangahas na sirain ang magandang plano ko!" Hawak ni Doktor Chen ang kanyang baywang na sinipa at pilit na tumayo mula sa sahig. Bago pa niya maaninag nang malinaw ang tao sa harapan niya, isa pang malakas na sipa sa tiyan ang tumama sa kanya. “Aghhh!!!” Napakalakas ng sipa ng lalaki, kaya't pinagpawisan nang malamig si Doktor Chen. Yumuko siya habang nakanganga, at hindi makapagsalita ng matagal dahil sa sakit. Tinitingnan ni Rhian ang lalaking nasa harap niya na tila nababalot ng lamig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng ginhawa ng dumating ito. “Sabihin mo lang kung mahalaga pa sayo ang kamay mo… baka ako mismo ang pumutol ng kamay mo.” Nakasuot si Zack ng mamahaling custom-made na suit. Ang kanyang buhok ay nakasuklay ng pa-brush up, na nagpapakita ng matatalim na facial features ng kanyang gwapong mukha. Ang kanyang manipis na mga labi ay naka-pinid sa isang tuwid na linya, at ang kanyang mga mata at kilay ay puno ng kalupitan. Sa
Makalipas ang ilang sandali, kalmadong nagsalita si Rhian, nananatiling malamig ang tono. "Hindi ko hiningi ang tulong mo." Bahagyang kumunot ang noo ni Zack, at ang kanyang mga mata at kilay ay puno ng inis. "Talaga? Kung hindi ako kumilos, ano ang gagawin mo kanina?" Ibinaba ni Rhian ang kanyang tingin. "Isa akong doktor. Natural na may paraan ako." Pagkatapos ng maraming taong pag-aaral sa acupuncture, alam ni Rhian kung aling mga pressure point ang maaaring magpatigil sa kakayahan ng isang tao na umatake nang hindi ito ikamamatay. Naunahan lang talaga siya ng takot kanina dahil nahawakan siya ng matandang iyon. Tumango-tango si Zack, mukhang hindi naniniwala. Noong ginagamot ni Rhian si Lolo Gin gamit ang acupuncture, nasaksihan niya ang kahusayan ang babaeng ito sa pressure points ng katawan ng tao. Sa ganitong paraan, totoo nga na kayang protektahan ni Rhian ang sarili kanina. Nguniy nakita niya rin kung gaano ito katakot kanina. Nang maalala ang takot na nakita dit
Ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata, inayos ang ekspresyon, at pinigil ang magpakita ng galit. Nang mag-angat siya ng tingin, kalmado na siya. "Hindi ko alam kung paano kita babayaran. Kaninang habang naglalakad kami, may nakita kaming magandang coffee shop. Ano kaya kung ilibre nalang kita ng coffee? Siguro naman okay na ‘yon? Marami ka ng pera… hindi mo na kasi kailangan noon.” May halong insulto na sabi niya. Pero mukhang hindi naman ito tinablan. Tumaas ang sulok ng labi ni Zack. “Well, hindi na masama,” Pagkatapos ay dahan-dahan nitong binitawan ang pulso niya. Habang naglalakad, aksidenteng tumama ang mahabang daliri ni Zack sa malambot na kamay ni Rhian. Kaya napahinto siya sa paglalakad. Hindi man lang ito huminto sa paglakad, nagpatuloy ito na parang wala lang. sa kanilang dalawa, mukhang siya lang ang apektado. Hindi niya namalayang napakuyom ang kanyang mga kamao. Nang magpasya siyang sumunod, malayo na ito sa kanya. Ngunit dahil matangkad at mahaba ang kanyang
Tahimik na humigop ng kape si Zack, ngunit halata sa kanyang mukha ang hindi niya kasiyahan. Inimbitahan siya ng babaeng ito, ngunit para saan? Akala niya ay magpasalamat ito o babawi sa kanya, hindi para umupo lang sa katahimikan. Bagama’t ang sinasabing "hindi matagumpay na deal" ay isa lamang dahilan, iniisip ba talaga ng babaeng ito na sapat na ang isang tasang kape upang bayaran ang kanyang nawala? Ibinaba ni Rhian ang tasa, tumingin sa labas ng bintana, at wala nang balak pang magsalita. Una, wala naman talaga siyang maisip na dapat nilang pag-usapan sa puntong sa mga oras na ito, at pangalawa, ayaw niyang masyadong mapalapit sa lalaki. Ang kape na ito ay isang paraan lang para matapos na ang usapan. Isang pormal na pasasalamat. Bukod sa masakit ang kanyang ulo, mas lalo pa siyang nahilo. Mukhang ngayon lang lumabas ang tama ng maraming alak na kanyang nainom kanina. Napahawak siya sa ulo… Paminsan-minsan, humihigop siya ng kape at pasimpleng tinitingnan kung gaano kara
Dahan-dahang tumigil ang sasakyan sa harap ng hotel. Nang makita na Rhian na narito na sila, hindi tumitingin kay Zack na nagsalita siya. “Salamat sa paghatid, hanggang dito nalang ako.” Pagkatapos niyang sabihin ito, kinuha niya ang kanyang handbag, binuksan ang pinto, at bumaba mula sa sasakyan. Pagbaba niya, muntik na siyang matumba. Bukod sa medyo lasing pa siya kanina, masakit din talaga ang ulo niya. Bagamat sinubukan niyang manatiling alerto at labanan ang pagkahilo, nakaramdam pa rin siya ng kaunting antok. Ang tanging gusto ng katawan niya ngayon ay humiga sa malambot na kama at magpahinga. Pagbaba niya ng sasakyan, medyo nanghina ang kanyang mga binti. “Ahhh!” Habang papatumba siya, isang malakas na braso ang pumigil sa kanyang baywang, hinila siya pabalik sa sasakyan. Nang makaupo siya nang maayos, binitawan na siya ng matipunong braso ni Zack. Inabot ng ilang segundo bago niya napagtanto kung ano ang nangyari kanina. Nakakahiya. Muntik na siyang masubsob sa malami
Sa parehong oras, sa Center Sky Resto. Si Mike ay kanina pa nag-iinom kasama ang mga seniorl, nang mapansin na hindi pa rin bumabalik si Rhian. Hindi maiwasang mag-alala si Mike. Nagdahilan siya na pupunta sa banyo, ngunit lumabas lang siya upang tawagan si Rhian. Agad na humiga ng kama si Rhian. Halos makatulog siya sa pagkalasing nang bigla siyang magising sa tunog ng kanyang cellphone. Binuksan niya ang kanyang mga mata at natigilan ng matagal bago siya naka-react. Hindi man lang tiningnan ang caller ID, sinagot niya agad ang tawag, "Hello, sino ito?" Halos paos niyang sagot. Sa kabilang linya, si Mike ay natigilan dahil hindi siya nakilala ni Rhian, "Ako ito, si Mike." Nawala ang antok ni Rhian, napatingin sa screen ng kanyang cellphone, sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pangalan ng kanyang senior. "Nasaan ka? Bakit hindi ka pa bumabalik?" tanong ni Mike na may pag-aalala. Biglang naalala ni Rhian na kailangan pa niyang bumalik sa dinner pagkatapos magpahangin.
Kinabukasan, nagising si Mike na may sakit sa ulo, ngunit nag-aalala pa rin siya tungkol sa kalagayan ni Rhian. Pagkatapos maghilamos, lumabas siya patungo sa kwarto sa katabing silid. Pagbukas ng pinto, nakita niyang halos sabay na nagbukas ang pinto ng kwarto sa kaliwa ni Rhian, at isang pamilyar na anyo ang lumabas. Si Zack ay nag-aalala din sa kalusugan ni Rhian at nais niyang alamin ang kanyang kalagayan, kaya lumabas siya upang silipin ito. Ngunit hindi inaasahan, nagtagpo sila ni Mike. Nang magkasalubong ang mga mata nila, kumunot ang noo ni Zack. Polite na bumati si Mike sa kanya. “Mr. Saavedra?” Nakilala niya ang tao sa harap niya, ngunit hindi siya makapaniwala na makikita dito si Zack kaya may pag-aatubili siya. Sa lahat ng mga hotel dito da sentro, ang hotel na ito ay hindi sikat o kilala sa sentro. Kung tutuusin, walang dahilan upang mag-stay si Zack sa isang hotel na tulad nito batay sa kanyang estado. Tumango si Zack sa kanya. “Mr. Gazinin, hindi ko inaasaha
Nang makita niyang tumango si Zack, puno ng pagkalito ang mga mata ni Rhian. "Malapit na ang oras ng agahan. Kung hindi mo alintana, maaari tayong mag-agahan nang sabay," kalmadong wika ni Zack, hindi alintana ang presensya ni Mike. Nang marinig ito, sandaling natigilan si Rhian, si Mike din ay halatang nagulat. Matapos ang ilang sandali, saka lamang natauhan si Rhian at nakapagsalita. “Alam kong abala ka, Mr. Saavedra. Nakakahiya naman kung aabalahin pa kita. Saka matagal akong mag-ayos. Baka mapaghintay lang kita ng matagal dito. Ayokong maabala kayo katulad kagabi, kaya mauna ka nang kumain ng mag-isa. Mamaya na ako kakain.” Pagdadahilan niya. Isa itong malinaw na pagtanggi. Ngunit ngumiti si Zack, "Wala akong plano ngayon, walang trabaho, kaya may oras akong maghintay." Pinigilan ni Rhian ang mapasimangot. Malinaw na pagtanggi ang sinabi niya. Dahil sa sagot ni Zack, parang sasakit pa ang ulo niya. Pilit na ngumiti siya at muling nagdahilan. “Sa simpleng restaurant l
Biglang bumaba ang presyon ng hangin sa pribadong kwarto. Bumuga ng hangin si Gino, nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang susunod na mga salita. "Bakit mo tinatanong 'yan?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at tinititigan siya. Tinikhim ni Gino ang kanyang lalamunan at nagsabi ng walang pakialam, "Kahapon, pumunta siya para tingnan ang kalusugan ng matandang lalaki, at bigla kong naalala na magkaibigan kayong dalawa noon, kaya naisip ko tanungin ka kung may koneksyon pa kayo..." Kung wala namang koneksyon, hindi na sana siya makikialam sa buhay ng iba. Hindi pa siya tapos magsalita, nang ang mga mata ni Zack ay biglang dumilim. Naramdaman ni Gino na parang nabasa siya, kaya tumigil siya sa pagsasalita at nagtanong, "May nangyari ba, Zack?" "Nililigawan mo ba siya?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at madilim ang mukha. “Tsk! Hindi! Bakit mo naman naisip yan!” Sagot agad ni Gino. Nakahinga naman ng maluwag si Zack. Totoo namang mabait si Doktor Rhian, pe
"Tumahimik ka!" Dinedma ni Gino ang sinasabi ni Ana at tumugon ng matigas, "Ginagawa mo ba ito dahil kay tita Dawn o dahil sa sarili mong interes? Ana, tanungin mo ang sarili mo, ano ba ang ginawa ni Doktor Rhian ang pamilya Florentino para gawin mo sa kanya ito? Kung hindi dahil sa kanya, sa tingin mo gagaling si Lolo? Siya ang nag-iisang doktor na gumamot at nagpagaling kay lolo! Okay lang ang pagdududa mo noon, pero ang ginawa mong kamalian ngayon ay hindi na maganda!” Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ana na ganito kaseryoso ang kanyang kapatid. Tila natameme siya at hindi makapagsalita. Humugot ng hininga si Gino at nagpatuloy, "Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo laban kay Doktor Rhian, pero mula ngayon, huwag mong hayaan na malaman ko na gumawa ka na naman ng kamalian! Huwag mong gamitin ang pamilya nila Zack bilang dahilan!" Napansin ni Ana na nagbago na ang tono ng kapatid, kaya't natigilan siya saglit, ngunit hindi rin siya nakapagsalita. Tumayo si Gino,
Ngumiti si Gino at nagsabi, "Ayos lang. Mas madali na’t hindi na maghihirapan ang lolo ko na palaging magtatanong tungkol sa iyo." Nagpalitan sila ng ilang magaan na saloobin bago nila tinapos ang tawag. Iniwan ni Rhian ang kanyang cellphone sa tabi at sinuri ang mga detalye ng kamakailang konsumpsiyon ng mga medicinal materials sa institute. Sumakit ang kanyang ulo. Kahapon, naisip na niya na gagamitin ang koneksyon at hihilingin kay Gino na ipakilala siya sa ilang mga supplier ng medicinal materials. Pero ngayong araw, nagbigay na ang Florentino ng sapat na benepisyo. Kung magsasalita pa si Rhian, magmumukha siyang hindi kontento. Habang tinatawag siya kanina, nagdalawang-isip siya at hindi sinabi ito. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya ay subukang makipag-ugnayan sa mga senior na nakilala niya sa huling exchange meeting. Hindi niya alam kung maalala pa kaya siya ng mga ito. Talaga namang pagod siya kahapon at hindi rin maganda ang tulog niya kagabi. Nang kunin niya an
Nagkatinginan si Rhian at Zanjoe, pagkatapos ay tumango kay Macon ng malamig. "Manager Macon, dumating kayo rito, may kailangan ka ba?" Kung tama ang hinala ni Rhian, siya ang taong nagpakita ng kawalan ng gana at galang kay Zanjoe kahapon sa telepono. Tumatawa pa nga ito. Hindi na nakapagtaka kung bakit tinitigan siya ni Zanjoe ng malamig. Narinig ni Macon ang tono ni Rhian at muling sumama ang pakiramdam niya. Nakangiti siya nang puno ng paghingi ng tawad, "Ganito po kasi, Doktor Rhian, nang tawagan ako ni Doktor Rodriguez kahapon, kailangan kong dumaan sa isang emergency na pulong. Inisip ko na tatawagan ko siya pagkatapos ng meeting, ngunit hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Gino na papunta ako agad dito pagkatapos ng pulong. Kaya't na-delay ako at nagkaroon ng ganitong malaking hindi pagkakaintindihan..." Hinila ni Rhian ang kanyang labi at sumagot ng malamig, "Ang ibig ba niyong sabihin, Manager Macon, ay ang isyung ito ay kasalanan namin, at kami
Lumungkot ang mukha ng kambal, mayamaya at nagsalita si Zian nang may kalungkutan, “Nami-miss namin si Doktor Lu pero hindi namin gustong iwan si Rain.”Natigilan si Rhian sa sinabi ng anak. Nang tumingin siya kay Rio ay bakas din sa mukha nito ang lungkot.Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Alam niya na mauunawaan ng mga bata na hindi rin madali para sa kanya na umalis at malayo kay Rain. Matapos kumain, si Rhian ay talagang pagod na, at wala nang ganang makipaglaro pa sa mga bata, kaya't maaga silang umakyat kasama ang mga anak upang magpahinga.Hinintay ni Rhian na matulog ang mga anak, at dahan-dahang hinaplos ang kanilang mga pisngi, "Pasensya na kayo, mga anak. Pero kailangan itong gawin ni mommy,” dahil sa kanya ay kailangan nilang umalis sa lugar na sanay na sila at masaya.Dapat sana ay mas maganda ang kanilang buhay. Kung sinabi niya lang kay Zack ang tungkol sa mga bata. Ngunit dahil sa makasariling dahilan, sinarili niya ang tungkol sa mga bata.Bagamat nag
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a