LIKE
Sa loob ng ilang saglit, tumaas ang paghanga ng lahat ng naroon sa hapag kay Rhian. Ang mga naroon na may sariling research facility ay gustong makuha si Rhian bilang kanilang kasapi. Ngunit matapos makita na tinanggihan si Doktor Sanchez, naasiwa silang mag-alok dahil alam nila na maging sila ay tatanggihan rin. Mabilis na dinala ni Doktor Sanchez ang usapan sa ibang paksa, ngunit patuloy itong umiikot sa larangan ng medisina. Dahil sa ipinamalas ni Rhian noong hapon, tuwing may bagong tanong si Doktor Sanchez, siya agad ang tinitingnan ng lahat. Pakiramdam ni Rhian ay parang nasa isa na naman siyang exchange meeting. Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ang ganitong atmosphere. Napansin ni Doktor Sanchez na nagiging seryoso at mabigat na ang usapan kaya't itinulak niya ito sa mas magagaan na paksa. Bilang mga nakababata, si Rhian at Mike ang naging tampulan ng biro. “Doktor Gazini, sabihin mo. Paano ka nakahanap ng isang katulad ni Doktor Fuentes?” Biro ng isang may eda
"Lintik! Sino ang nangahas na sirain ang magandang plano ko!" Hawak ni Doktor Chen ang kanyang baywang na sinipa at pilit na tumayo mula sa sahig. Bago pa niya maaninag nang malinaw ang tao sa harapan niya, isa pang malakas na sipa sa tiyan ang tumama sa kanya. “Aghhh!!!” Napakalakas ng sipa ng lalaki, kaya't pinagpawisan nang malamig si Doktor Chen. Yumuko siya habang nakanganga, at hindi makapagsalita ng matagal dahil sa sakit. Tinitingnan ni Rhian ang lalaking nasa harap niya na tila nababalot ng lamig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng ginhawa ng dumating ito. “Sabihin mo lang kung mahalaga pa sayo ang kamay mo… baka ako mismo ang pumutol ng kamay mo.” Nakasuot si Zack ng mamahaling custom-made na suit. Ang kanyang buhok ay nakasuklay ng pa-brush up, na nagpapakita ng matatalim na facial features ng kanyang gwapong mukha. Ang kanyang manipis na mga labi ay naka-pinid sa isang tuwid na linya, at ang kanyang mga mata at kilay ay puno ng kalupitan. Sa
Makalipas ang ilang sandali, kalmadong nagsalita si Rhian, nananatiling malamig ang tono. "Hindi ko hiningi ang tulong mo." Bahagyang kumunot ang noo ni Zack, at ang kanyang mga mata at kilay ay puno ng inis. "Talaga? Kung hindi ako kumilos, ano ang gagawin mo kanina?" Ibinaba ni Rhian ang kanyang tingin. "Isa akong doktor. Natural na may paraan ako." Pagkatapos ng maraming taong pag-aaral sa acupuncture, alam ni Rhian kung aling mga pressure point ang maaaring magpatigil sa kakayahan ng isang tao na umatake nang hindi ito ikamamatay. Naunahan lang talaga siya ng takot kanina dahil nahawakan siya ng matandang iyon. Tumango-tango si Zack, mukhang hindi naniniwala. Noong ginagamot ni Rhian si Lolo Gin gamit ang acupuncture, nasaksihan niya ang kahusayan ang babaeng ito sa pressure points ng katawan ng tao. Sa ganitong paraan, totoo nga na kayang protektahan ni Rhian ang sarili kanina. Nguniy nakita niya rin kung gaano ito katakot kanina. Nang maalala ang takot na nakita dit
Ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata, inayos ang ekspresyon, at pinigil ang magpakita ng galit. Nang mag-angat siya ng tingin, kalmado na siya. "Hindi ko alam kung paano kita babayaran. Kaninang habang naglalakad kami, may nakita kaming magandang coffee shop. Ano kaya kung ilibre nalang kita ng coffee? Siguro naman okay na ‘yon? Marami ka ng pera… hindi mo na kasi kailangan noon.” May halong insulto na sabi niya. Pero mukhang hindi naman ito tinablan. Tumaas ang sulok ng labi ni Zack. “Well, hindi na masama,” Pagkatapos ay dahan-dahan nitong binitawan ang pulso niya. Habang naglalakad, aksidenteng tumama ang mahabang daliri ni Zack sa malambot na kamay ni Rhian. Kaya napahinto siya sa paglalakad. Hindi man lang ito huminto sa paglakad, nagpatuloy ito na parang wala lang. sa kanilang dalawa, mukhang siya lang ang apektado. Hindi niya namalayang napakuyom ang kanyang mga kamao. Nang magpasya siyang sumunod, malayo na ito sa kanya. Ngunit dahil matangkad at mahaba ang kanyang
Tahimik na humigop ng kape si Zack, ngunit halata sa kanyang mukha ang hindi niya kasiyahan. Inimbitahan siya ng babaeng ito, ngunit para saan? Akala niya ay magpasalamat ito o babawi sa kanya, hindi para umupo lang sa katahimikan. Bagama’t ang sinasabing "hindi matagumpay na deal" ay isa lamang dahilan, iniisip ba talaga ng babaeng ito na sapat na ang isang tasang kape upang bayaran ang kanyang nawala? Ibinaba ni Rhian ang tasa, tumingin sa labas ng bintana, at wala nang balak pang magsalita. Una, wala naman talaga siyang maisip na dapat nilang pag-usapan sa puntong sa mga oras na ito, at pangalawa, ayaw niyang masyadong mapalapit sa lalaki. Ang kape na ito ay isang paraan lang para matapos na ang usapan. Isang pormal na pasasalamat. Bukod sa masakit ang kanyang ulo, mas lalo pa siyang nahilo. Mukhang ngayon lang lumabas ang tama ng maraming alak na kanyang nainom kanina. Napahawak siya sa ulo… Paminsan-minsan, humihigop siya ng kape at pasimpleng tinitingnan kung gaano kara
Dahan-dahang tumigil ang sasakyan sa harap ng hotel. Nang makita na Rhian na narito na sila, hindi tumitingin kay Zack na nagsalita siya. “Salamat sa paghatid, hanggang dito nalang ako.” Pagkatapos niyang sabihin ito, kinuha niya ang kanyang handbag, binuksan ang pinto, at bumaba mula sa sasakyan. Pagbaba niya, muntik na siyang matumba. Bukod sa medyo lasing pa siya kanina, masakit din talaga ang ulo niya. Bagamat sinubukan niyang manatiling alerto at labanan ang pagkahilo, nakaramdam pa rin siya ng kaunting antok. Ang tanging gusto ng katawan niya ngayon ay humiga sa malambot na kama at magpahinga. Pagbaba niya ng sasakyan, medyo nanghina ang kanyang mga binti. “Ahhh!” Habang papatumba siya, isang malakas na braso ang pumigil sa kanyang baywang, hinila siya pabalik sa sasakyan. Nang makaupo siya nang maayos, binitawan na siya ng matipunong braso ni Zack. Inabot ng ilang segundo bago niya napagtanto kung ano ang nangyari kanina. Nakakahiya. Muntik na siyang masubsob sa malami
Sa parehong oras, sa Center Sky Resto. Si Mike ay kanina pa nag-iinom kasama ang mga seniorl, nang mapansin na hindi pa rin bumabalik si Rhian. Hindi maiwasang mag-alala si Mike. Nagdahilan siya na pupunta sa banyo, ngunit lumabas lang siya upang tawagan si Rhian. Agad na humiga ng kama si Rhian. Halos makatulog siya sa pagkalasing nang bigla siyang magising sa tunog ng kanyang cellphone. Binuksan niya ang kanyang mga mata at natigilan ng matagal bago siya naka-react. Hindi man lang tiningnan ang caller ID, sinagot niya agad ang tawag, "Hello, sino ito?" Halos paos niyang sagot. Sa kabilang linya, si Mike ay natigilan dahil hindi siya nakilala ni Rhian, "Ako ito, si Mike." Nawala ang antok ni Rhian, napatingin sa screen ng kanyang cellphone, sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pangalan ng kanyang senior. "Nasaan ka? Bakit hindi ka pa bumabalik?" tanong ni Mike na may pag-aalala. Biglang naalala ni Rhian na kailangan pa niyang bumalik sa dinner pagkatapos magpahangin.
Kinabukasan, nagising si Mike na may sakit sa ulo, ngunit nag-aalala pa rin siya tungkol sa kalagayan ni Rhian. Pagkatapos maghilamos, lumabas siya patungo sa kwarto sa katabing silid. Pagbukas ng pinto, nakita niyang halos sabay na nagbukas ang pinto ng kwarto sa kaliwa ni Rhian, at isang pamilyar na anyo ang lumabas. Si Zack ay nag-aalala din sa kalusugan ni Rhian at nais niyang alamin ang kanyang kalagayan, kaya lumabas siya upang silipin ito. Ngunit hindi inaasahan, nagtagpo sila ni Mike. Nang magkasalubong ang mga mata nila, kumunot ang noo ni Zack. Polite na bumati si Mike sa kanya. “Mr. Saavedra?” Nakilala niya ang tao sa harap niya, ngunit hindi siya makapaniwala na makikita dito si Zack kaya may pag-aatubili siya. Sa lahat ng mga hotel dito da sentro, ang hotel na ito ay hindi sikat o kilala sa sentro. Kung tutuusin, walang dahilan upang mag-stay si Zack sa isang hotel na tulad nito batay sa kanyang estado. Tumango si Zack sa kanya. “Mr. Gazinin, hindi ko inaasaha
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag