Maraming sa paligid, ngunit ng sandaling iyon, parang aapat na tao lamang sila dahil sa mainit na atmospera sa paligid nila. Halos lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Pumikit si Rhian at marahan na bumuga ng hangin. Hindi na siya kumportable ngayong narito na si Zack sa malapit. Hangga’t maaari, ayaw niyang kausapin si Zack, o lumapit ito sa kanya. Tumingin siya kay Gino at nagtanong, "Bigla kang dumating, Mr. Gino. May kailangan ka ba?" Natigilan si Gino sandali bago natawa, "Iniisip ko na baka hindi magalang kung iimbitahan kita dito at pababayaan na lang. Kaya naisipan kong makipag-usap sa'yo sandali." Napilitan si Gino na akuin ang dahilan. Pagkasabi nito, palihim niyang tiningnan si Zack. Iritable ang mukha ni Zack, malinaw na wala itong balak magsalita o sagutin si Rhian. Sa narinig, bahagyang ngumiti si Rhian, "Ayos lang ako. Nakita ko lang ang senior ko dito, bihira kaming magkita kaya nais kong makipag-usap sa kanya sandali. Salamat sa pag-aalala mo, pero hi
Kasama ni Dawn sina Mr. Florentino at Mrs. Florentino habang sinasamahan ang matandang Florentino na humarap sa mga bisita. Pagdating ni Zack, agad niyang hinarap ang ina. “Bakit mo ako pinatawag? May problema ba?” Nagtaka si Dawn, nang makita ang makahulugan na tingin ni Marga ay nakuha ng matanda ang ibig nitong sabihin. “Wala naman, Zack. Kanina kasi ay dumating dito ang isang kasosyo sa negosyo, hinahanap ang iyong ama. Kaya kita pinatawag kay Marga para ikaw ang humarap sa kanya. Ngunit umalis na siya dahil may mahalaga pa siyang gagawin.” Kumunot ang noo ni Zack, maging si Gino at nagtaka. Kasosyo sa negosyo? Ngunit umalis ng ganon lamang? Kung mahalaga ang sadya ng isang tao, narapat lang na maghintay ito. Bukod doon, hindi naman aabutin ng napakatagal bago sila magkausap. “Sino sa kasosyo ng pamilya?” Tanong ni Zack, naniniguro. Medyo nataranta si Marga. Kahit kailan, hindi talaga maiisahan si Zack. “Si… si…” handa si Dawn na ibahin ang paksa mawala ang atensyo
Sa harap ng maraming tao, halos hilahin palabas ng lugar si Rhian ni Zack habang mahigpit na hawak ang kanyang pulso. “Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” Pilit na sinubukang kumawala ni Rhian ng ilang beses, ngunit masyadong mahigpit ang hawak ng lalaki, hindi siya binigyan ng pagkakataon na makawala. Nang makalabas sila ng villa, saka lang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang pulso. Nang bitiwan si Rhian ni Zack, mariing kinagat niya ang kanyang labi. Umatras siya ng dalawang hakbang upang lumayo dito. “Ano bang problema mo?!” Hindi maitago ang inis sa boses na sikmat niya sa lalaki “Ihahatid kita—“ “Salamat nalang, Mr. Saavedra! Pero hindi mo na ako kailangan ihatid dahil kaya ko naman umuwi nang mag-isa! Saka nasa loob pa ang iyong ina at ang iyong fiancee. Dapat bumalik ka na sa kanila!” Matapos sabihin iyon, sinubukan niyang lampasan ang lalaki upang maglakad papunta sa parking lot. Nakakainis! Ano ba ang nakain nito at bigla siyang hinila sa harapan ng nakararam
Sa wakas, nakarating sila sa bahay ni Rhian. Halos hindi na makapaghintay si Manny na apakan ang preno. Pagkatapos apakan ang preno, binuksan niya ang sasakyan at bumaba. Binuksan niya ang pinto para sa dalawa. Pagkababa ng dalawa, halos sabay na umalis ang dalawa. Nang makita niyang pumasok ang kanilang mga bulto sa bahay, napabuntong-hininga siya ng ginhawa. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing magkasama ang kanyang master at ang dating madam ay palaging hindi maganda ang atmosfera... bilang tauhan na palaging kasama ng amo, maging siya ay natatakot sa nakakabahalang awra ng kanyang amo. Pagkapasok ni Rhian sa bahay, sinalubong siya ng tatlong maliliit na bata na may matatamis na ngiti. “Mommy! Nandito ka na!” Masiglang sabi ni Zian. “Mommy, ang ganda mo ngayon!” Malambing na puri ni Rio. Unang beses ng tatlo na makita si Rhian na nakadamit nang ganoon. Sumaya ang pakiramdam ni Rhian nang makita ang tatlong bata. Sa narinig, bahagyang ngumiti ang kanyang mga labi.
Nang makita ang kilos ng bata, medyo nalito si Rhian. Sa panahon ng kanilang pagsasama, matagal nang nakasama ni Rain sina Rio at Zian. Sa tagal nilang magkasama, naiintindihan ng dalawang bata ang ibig sabihin ni Rain sa simpleng tingin o galaw nito. Pero si Rhian ay tila nahihirapan pa ring intindihin ito. Nang mapansin ni Rain na hindi siya maintindihan, medyo naiinip ito, bumuntong-hininga, at muling itinuro ang sarili. Lalong nalito si Rhian. “Mommy, gusto sabihin ni Rain na siya ang gumawa ng bahaging iyon,” paliwanag ni Rio. Nang marinig iyon, saka lamang naintindihan ni Rhian. Napangiti siya, “Ang galing mo naman, Rain! Ang dami mong nabuo!” Sa narinig na papuri mula sa maganda niyang tita, nagliwanag ang mga mata ni Rain at namula ang kanyang maliit na mukha sa tuwa. Tumingin siya sa kanyang ama na may halatang pananabik. Masaya at payapa ang paligid habang magkakasama ang apat. Nang mapansin ni Zack ang mga mata ng anak na puno ng inaasahan, alam niya agad ang i
**Samantala, sa pamilya Suarez.** Bumalik si Marga kasama ang kanyang mga magulang. Habang pauwi, halatang galit ang mga ito.Pagkapasok pa lamang sa bahay, ibinato agad ni Marga ang kanyang mataas na takong sa galit. Nang lalapitan na sana siya ni Belinda upang aluin, nakita nitong mabilis na umakyat ang anak sa hagdanan na may madilim na ekspresyon sa mukha. Kasunod nito ang malakas na pagsara ng pinto, halos yumanig ang buong bahay. Malinaw na labis ang galit nito. Sa itaas, galit na isinara ni Marga ang pintuan ng kwarto, ang mga daliri niya’y mariing bumaon sa kanyang mga palad sa diin ng kanyang pagkuyom. Halos manginig siya sa galit habang umaalingawngaw pa rin sa kanyang pandinig ang usapan ng mga tao sa banquet kanina. "Hindi ba't palaging pinagyayabang ni Marga na malapit na silang ikasal ni Mr. Saavedra? Pero mukhang hanggang yabang lang siya!"“Umasenso lang ang pamilya Suarez dahil sa pamilya Saavedra. Pero kung titingnan ang kilos ni Zack Saavedra, mukhang wal
Nang makita ang mga lalaking walang ekspresyon na may dalang mga kahon, naguluhan si Rhian. "Ano ito...?" Sumagot si Zack, "Lego. Narinig kong gusto nila itong laruin kahapon, kaya ipinamili ko sa aking assistant kagabi. May kasama rin itong mga mahihirap na puzzle. Sigurado akong magugustuhan nila ito." Hindi maiwasan ni Rhian na mamangha. Tiningnan niya ang mga matitikas na lalaki na parang hindi bagay sa mga hawak nilang kahon. "Papapasukin mo na ba sila?" Tanong ni Zack.Nagdalawang-isip si Rhian, ngunit sa huli’y tumabi, nagbigay naman si Zack ng hudyat sa mga bodyguards na ipasok ang mga kahon, pinanood sila ni Rhian na isa-isang inilapag ang mga dala nilang kahon sa sahig. Narinig ng tatlong bata mula sa dining area ang ingay sa labas at dali-daling lumabas upang makita kung ano ang nangyayari. Tumayo sina Rio at Zian malapit sa mga kahon, ang kanilang mga mata ay nagniningning sa tuwa. Si Rain naman ay tumakbo muna sa kanyang daddy, bago bumalik sa tabi ng dalawa
Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n ba
Biglang bumaba ang presyon ng hangin sa pribadong kwarto. Bumuga ng hangin si Gino, nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang susunod na mga salita. "Bakit mo tinatanong 'yan?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at tinititigan siya. Tinikhim ni Gino ang kanyang lalamunan at nagsabi ng walang pakialam, "Kahapon, pumunta siya para tingnan ang kalusugan ng matandang lalaki, at bigla kong naalala na magkaibigan kayong dalawa noon, kaya naisip ko tanungin ka kung may koneksyon pa kayo..." Kung wala namang koneksyon, hindi na sana siya makikialam sa buhay ng iba. Hindi pa siya tapos magsalita, nang ang mga mata ni Zack ay biglang dumilim. Naramdaman ni Gino na parang nabasa siya, kaya tumigil siya sa pagsasalita at nagtanong, "May nangyari ba, Zack?" "Nililigawan mo ba siya?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at madilim ang mukha. “Tsk! Hindi! Bakit mo naman naisip yan!” Sagot agad ni Gino. Nakahinga naman ng maluwag si Zack. Totoo namang mabait si Doktor Rhian, pe
"Tumahimik ka!" Dinedma ni Gino ang sinasabi ni Ana at tumugon ng matigas, "Ginagawa mo ba ito dahil kay tita Dawn o dahil sa sarili mong interes? Ana, tanungin mo ang sarili mo, ano ba ang ginawa ni Doktor Rhian ang pamilya Florentino para gawin mo sa kanya ito? Kung hindi dahil sa kanya, sa tingin mo gagaling si Lolo? Siya ang nag-iisang doktor na gumamot at nagpagaling kay lolo! Okay lang ang pagdududa mo noon, pero ang ginawa mong kamalian ngayon ay hindi na maganda!” Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ana na ganito kaseryoso ang kanyang kapatid. Tila natameme siya at hindi makapagsalita. Humugot ng hininga si Gino at nagpatuloy, "Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo laban kay Doktor Rhian, pero mula ngayon, huwag mong hayaan na malaman ko na gumawa ka na naman ng kamalian! Huwag mong gamitin ang pamilya nila Zack bilang dahilan!" Napansin ni Ana na nagbago na ang tono ng kapatid, kaya't natigilan siya saglit, ngunit hindi rin siya nakapagsalita. Tumayo si Gino,
Ngumiti si Gino at nagsabi, "Ayos lang. Mas madali na’t hindi na maghihirapan ang lolo ko na palaging magtatanong tungkol sa iyo." Nagpalitan sila ng ilang magaan na saloobin bago nila tinapos ang tawag. Iniwan ni Rhian ang kanyang cellphone sa tabi at sinuri ang mga detalye ng kamakailang konsumpsiyon ng mga medicinal materials sa institute. Sumakit ang kanyang ulo. Kahapon, naisip na niya na gagamitin ang koneksyon at hihilingin kay Gino na ipakilala siya sa ilang mga supplier ng medicinal materials. Pero ngayong araw, nagbigay na ang Florentino ng sapat na benepisyo. Kung magsasalita pa si Rhian, magmumukha siyang hindi kontento. Habang tinatawag siya kanina, nagdalawang-isip siya at hindi sinabi ito. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya ay subukang makipag-ugnayan sa mga senior na nakilala niya sa huling exchange meeting. Hindi niya alam kung maalala pa kaya siya ng mga ito. Talaga namang pagod siya kahapon at hindi rin maganda ang tulog niya kagabi. Nang kunin niya an
Nagkatinginan si Rhian at Zanjoe, pagkatapos ay tumango kay Macon ng malamig. "Manager Macon, dumating kayo rito, may kailangan ka ba?" Kung tama ang hinala ni Rhian, siya ang taong nagpakita ng kawalan ng gana at galang kay Zanjoe kahapon sa telepono. Tumatawa pa nga ito. Hindi na nakapagtaka kung bakit tinitigan siya ni Zanjoe ng malamig. Narinig ni Macon ang tono ni Rhian at muling sumama ang pakiramdam niya. Nakangiti siya nang puno ng paghingi ng tawad, "Ganito po kasi, Doktor Rhian, nang tawagan ako ni Doktor Rodriguez kahapon, kailangan kong dumaan sa isang emergency na pulong. Inisip ko na tatawagan ko siya pagkatapos ng meeting, ngunit hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Gino na papunta ako agad dito pagkatapos ng pulong. Kaya't na-delay ako at nagkaroon ng ganitong malaking hindi pagkakaintindihan..." Hinila ni Rhian ang kanyang labi at sumagot ng malamig, "Ang ibig ba niyong sabihin, Manager Macon, ay ang isyung ito ay kasalanan namin, at kami
Lumungkot ang mukha ng kambal, mayamaya at nagsalita si Zian nang may kalungkutan, “Nami-miss namin si Doktor Lu pero hindi namin gustong iwan si Rain.”Natigilan si Rhian sa sinabi ng anak. Nang tumingin siya kay Rio ay bakas din sa mukha nito ang lungkot.Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Alam niya na mauunawaan ng mga bata na hindi rin madali para sa kanya na umalis at malayo kay Rain. Matapos kumain, si Rhian ay talagang pagod na, at wala nang ganang makipaglaro pa sa mga bata, kaya't maaga silang umakyat kasama ang mga anak upang magpahinga.Hinintay ni Rhian na matulog ang mga anak, at dahan-dahang hinaplos ang kanilang mga pisngi, "Pasensya na kayo, mga anak. Pero kailangan itong gawin ni mommy,” dahil sa kanya ay kailangan nilang umalis sa lugar na sanay na sila at masaya.Dapat sana ay mas maganda ang kanilang buhay. Kung sinabi niya lang kay Zack ang tungkol sa mga bata. Ngunit dahil sa makasariling dahilan, sinarili niya ang tungkol sa mga bata.Bagamat nag
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a