LIKE
Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n ba
Parang naramdaman ni Rhian na may malamig na mata na nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang mata sa paligid ng kunot ang noo, ngunit wala namang kakaiba sa paligid. Baka guni-guni lang niya na parang may nakatingin sa kanya."Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Mike nang mapansin ang kakaibang kilos ni Rhian. Binalik ni Rhian ang tingin sa kanya at umiling. "Wala. Saan na nga tayo kanina?" Aniya para alisin ang suspisyon niya, tinuon nalang niya ang atensyon kay Mike. Ngunit habang nag-uusap si;a, hindi nawala ang ganung pakiramdam... parang may nakatingin talaga sa kanya na hindi naman niya alam kung saan nagmula.Natapos nalang sila kumain ngunit hindi parin siya napalagay, dama niya parin ang tila tumatagos na tingin sa kanya.Binasag ni Mike ang ilang sandali na pananahimik niya. "Gabi na, ihahatid na kita pauwi." Ngunit tumanggi si Rhian at ngumiti, "Hindi na, ako na lang, may sarili akong sasakyan, hindi mo na kailangan mag-abala." Dahil dito, hindi na nagpumil
Nagsimula nang gumalaw ang traffic sa harap, pinakawalan ni Rhian ang preno at ibinalik ang tingin sa kalsada.Naisip niyang bigla ang ekspresyon ng lalaki kanina, kaya't lalo niyang naramdaman ang pagkaasar, "Hindi ba't ikakasal ka na, Mr. Saavedra kay Miss Suarez? Hindi mo ba naisiip na hindi tama na magkasama tayo? O bigla ka nalang sumusulpot... kahit sabihin mong dahil ito kay Rain. Hindi tama ito!"Kung makapag-usisa ito ay parang close sila. Eh siya nga ay hindi rin alam ang kung sino ang tunay na ina ni Rain.Kahit na nagkalapit sila dahil kay Rain. Wala itong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Sino ba ito upang manghimasok? Hindi inasahan ni Zack na banggitin ni Rhian si Rain. May dumaan na pagkabahala ang mukha niya, at sumagot siya nang malabo, "Ibang usapin iyon."Tumaas ang kilay ni Rhian at nagpasabog ng tawa, "Ano'ng pagkakaiba? Bukod pa rito, wala naman tayong ibang relasyon. Kaya lang naman tayo nagkakalapit ngayon ay dahil lang iyon sa anak mo. Ni hindi nga tayo
"Pasensya na, may mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kanina kaya hindi ko kayo nasundo. Nakakain na ba kayo?" Bumitaw ng yakap si Rhian sa tatlo at hinaplos ang mga mukha nila.Tumango si Zian. "Opo, mommy, kumain na kami! Naglaro pa nga kami ng matagal!"Tumango naman si Rion at sinabing, "Nag-eenjoy kami habang naglalaro dito nila Rain!"Nakangiting huminga ng maluwag si Rhian at tumayo, "Anong nilalaro ninyo? Ipakita ninyo nga sa akin."Masayang tumakbo si Zian patungo sa sala, "Naglaro kami ng Lego na ibinigay sa amin ng tito kanina. Nakakamangha! Ang dami nito! Talagang masaya na maglaro gamit ito!"Sumunod sina Rio at Rain kay Rhian. Hawak ni Rhian ang isang kamay ni Rain, at sa kabila naman ay kamay ni Rion, nakangiti silang nakatingin at nakasunod kay Zian.Ang Lego na ibinigay ni Zack sa mga bata ay pasok sa kanilang expectation. Kung titingnan ang modelo at difficulty nito, talagang nagustuhan nila ito.Napaawang ang labi ni Rhian ng makita ang nabuo ng tatlo. Is
Kinabukasan, isinama ni Rhian ang tatlong bata para kumain. Tahimik na nakaupo si Rain sa tabi niya, nakikipagkulitan ito sa dalawa niyang anak. Habang tinitingnan ito, gusto gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. Ang cute kasi nito. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na makadama ng awa. Kahapon ay nakita niya ang kagustuhan nito ba makapagsalita… nagsisikap ito na maglabas ng boses… ngunit sa huli ay wala itong nagawa. Nang maisip ito ni Rhian, mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi at malambing na nagsalita. “Ano ang gusto mong kainin, Rain? Gusto mo ba ng cake? Eh pancakes? Masiglang tumango ito sa kanya. Nag-order agad si Rhian ng cake at pancakes para sa bata. Nang dumating ito, nag-slice siya at nilagay sa plato nito. “Kumain ka na marami ha. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang kay tita.” Habang nakatitig sa magandang mukha ni Rhian, kumurap si Rain… ang lambing ng boses ni tita, ang sarap pakinggan! Bumuntong-hininga si Rhian, may
Matapos ang ilang araw, naging malungkot ang pagpasok ni Rain sa eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, nakita niyang nag-eenjoy ang kambal kasama ang ibang mga bata, ngunit hindi siya pinapansin ng dalawa. Sa wakas, nang magkaroon siya ng lakas ng loob para tumakbo at lapitan sila.Nagkatinginan ang dalawang bata, si Rio ay sinadyang magtanong ng seryoso. "Ano ang kailangan mo sa amin?"Hinawakan ni Rain ang kanyang maliit na palda, ang kanyang mga kilay at labi ay kumibot Tinitigan niya sila ng seryoso at binuksan ang bibig upang subukan na maglabas ng tunog... Nakaramdam ng awa at pagkabahala sina Rio at Zian para sa kanya. Naawa sila pero kailangan nila itong gawin. Sa paraang ito lamang sila makakatulong sa dalawa. Kung hindi nila ito gusto tulungan, hindi nila gagawin ito kay Rain.Matapos maghintay ng matagal, gusto nang sumuko ng dalawang bata, ngunit bigla nilang narinig ang isang malambot na boses na kasing hina ng langgam."Kuya..."Namumula si Rain, at sa wakas ay nakap
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.Samantala, mabilis na bumaba si Marga mata
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Marg
Patuloy pa ring naniniwala ang mga empleyado sa balita at pinag-uusapan ang tungkol sa balitang kumalat."Narinig ko na ayaw daw talagang magpakasal ni Sir Zack kay Ma'am Marga, kaya panay ang pag-antala niya sa engagement nila. Hindi ko inasahan na napaka-romantiko pala niya sa likod ng eksena.""Ang gwapo at maalaga ni Sir! Gusto ko rin ng boyfriend na katulad niya!""Ako din! Gusto ko din ng lalaking katulad niya! Mayaman na, gwapo pa! Nasa kanya na ang lahat!"Habang naririnig ang mga usapan, nagbago nang ilang beses ang ekspresyon ni Marga. Halos maipit niya ang sariling palad sa tindi ng kanyang pagkuyom hanggang sa magkaroon ng marka ng dugo upang pigilan ang galit na nararamdaman. "Oras ng trabaho ito! Huwag kayong mag-usap ng ganyan! Bago kayo magtsismisan, magtrabaho kayo nang maayos!"Pagkasabi nito, malamig na tiningnan ni Marga ang mga empleyadong nagsasalita, bago tumalikod at nagmamadaling umalis nang hindi lumilingon.Hindi na niya talaga matagalan ang mga usap-usapan!
Habang iniinspeksyon ni Marga ang kumpanya, napansin niyang tila may kakaiba sa mga tingin ng mga empleyado sa kanya."Ma'am Marga, ang swerte mo talaga kay Sir Zack. Naiinggit kaming lahat," pabirong sabi ng isang babaeng empleyado na malapit sa kanya.Sa narinig, natigilan si Marga. Saglit siyang napangiti na para bang natural lang ito at kunwaring nagtanong, "Talaga? Paano niyo naman nalaman?"Ang ngiti ng babaeng empleyado ay naging mas naging mapanukso, "Alam ng lahat na si Sir Zack ang nag-alaga sa'yo sa ospital magdamag kahapon, kaya nakapagtrabaho ka pa rin ngayong umaga. Napaka-swerte mo talaga dahil nagkaroon ka ng nobyong kagaya niya! Hindi nakapagtataka na kinaiinggitan ka ng lahat!"Biglang nanigas ang ekspresyon ni Marga. "Anong sinabi mo?"Si Zack ang nag-alaga sa kanya sa ospital magdamag? Anong kalokohana ng pinagsasabi ng babaeng ito? Wala naman siyang naramdamang masama nitong mga nakaraang araw. Kailan siya nagpunta sa ospital?Iniisip ng babaeng empleyado na nahih
Hawak ni Zack ang kamay ni Rain habang nakatingin sa babaeng malamig ang mukha sa hindi kalayuan. Sabi niya nang may bahid ng pagkaasar."Kahit pa estranghero ako, hindi mo kailangang umiwas ng ganito Miss Fuentes. Papunta rin naman ako sa eskwelahan ni Rain, at mula doon, dadaan ako sa institusyon mo. Kaya ko inialok na ihatid kita. Ano kaya ang ikinabahala mo?"Hindi inaasahan ni Rhian ang sinabi ni Zack. Siya pa itong nababahala? Wow ha. Ano ang gustong palabasin ng lalaking ito?"Iniiwasan mo ba ako?""A-Ano? H-hindi ako umiiwas sayo!" Nang mapansin na tumaas ang boses niya. Tumikhim si Rhian para alisin ang bara sa lalamunan. Gusto rin ni Rain na makasama pa ang maganda niyang Tita nang kaunti pang sandali. Sa narinig, tumingin siya kay Rhian gamit ang kanyang bilugang mata at sumabat sa kanila, "Tita..."Napatingin si Rhian sa batang babae, nabitin sa ere ang anumang gusto niyang sabihin sa ama nito. Napaurong ang kanyang dila ng makita ang cute na mukha nito at nangungusap na
Pasado alas otso ng umaga bago sila nakalabas ng ospital. Maghapon at magdamag nang nakahiga si Rhian, kaya pakiramdam niya ay naninigas ang kanyang katawan. Sa wakas, nakalanghap siya ng sariwang hangin sa labas at nag-inat din siya ng katawan.Nasa likuran niya sina Rio at Zian, tila nag-aalala na baka may mangyari ulit sa kanya."Ma'am Rhian, mas mabuti pang umuwi ka muna at magpahinga kahit isang buong umaga lang!" payo ni Aling Alicia nang buong sinseridad. Nag-aalala siya na baka mabinat ang amo niya.Lumingon si Rhian at ngumiti, "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Nagkaroon lang ako ng mahabang operasyon at napagod ako ng husto dahil halos pitong oras tumagal ang operasyon. Kaya siguro ako nagkasakit. Hmm. Mukhang tumatanda na yata ako dahil tinablan na ako ng sakit." Birong dagdag niya.Natawa ang matanda. "Masyado ka pang bata, ma'am. Nagkasakit ka dahil sa sipag mo. Halos wala ka ng pahinga. Maaring sa susunod ay alagaan mo ang kalusugan mo para hindi kami ng mga bata mag
Pagkatapos kumain, tiningnan ni Rhian ang oras at naisip na kaya pa niyang humabol sa institute ngayon. Maraming trabaho na kailangan niyang tapusin kaya hindi siya pwedeng manatili dito ng matagal."Okay na ang lagnat ko, Aling Alicia, pakiusap asikasuhin na ang paglabas ko sa ospital. Marami pa akong kailangang gawin."Naantala ang operasyon sa institute dahil sa operasyon sa kamag-anak ni Mike. Ayaw ni Rhian na madelay pa ang progreso ng kanilang pananaliksik dahil sa kanya. Kaya kailangan niyang bumalik.Nag-alinlangan si Aling Alicia sa sinabi niya, "Ma'am TRhian, mas mabuting manatili ka pa sa ospital ng isa pang araw. Nakita ko kung gaano ka ka-busy nitong mga nakaraang araw. Ang biglang lagnat mo kahapon ay dahil sigurado sa sobrang pagod. Bagong baba lang ng lagnat mo, tapos gusto mo agad bumalik sa trabaho. Baka hindi kayanin ng katawan mo."Hindi pa man siya matagal sa bahay ni Rhian para mag-alaga, nakita na niya ang tindi ng trabaho nito nitong mga nakaraang araw. Kung h
"Mommy, kamusta na po? Wala na ba ang lagnat mo?" Agad na tumakbo sina Rio at Zian sa gilid ng kama, puno ng pag-aalala ang kanilang mga mukha.Ngumiti si Rhian at tumango, "Oo, mas mabuti na ako ngayon."Bagama’t nag-aalala pa rin, pinatong ng dalawang bata ang kanilang mga kamay sa noo ng ina upang salatin ang kanyang noo.Nang makita ito, bahagyang niyuko ni Rhian ang ulo para maabot ng mga ito, hinayaan niyang salatin ng dalawa ang kanyang noo.Napansin niya si Rain na nakatayo sa likod nina Rio at Zian. Kagat nito ang kanyang labi, puno ng luha ang mga mata, at bakas ang pag-aalala sa kanyang maliit na mukha. Halata na labis itong nag-aalala sa kanya, ngunit mukhang nahihiya na lapitan siya. Sa tatlo kasi, si Rain ang pinakamahiyain.Hindi siya nakatiis. Nakangiti niyang tinanong si Rain. "Gusto mo bang lumapit at siguraduhin na maayos na ang lagay ko, Rain?" aniya sa malambing na tinig.Bagama't nahihiya dahil ayaw ni Rain makipag-agawan ng atensyon sa kambal. Masaya siyang tuman
Matapos kainin ni Rhian ang lugaw, tahimik na tinulungan siya ni Zack na ayusin ang kama. Pagkatapos niyang itabi ang pinagkainan, bumalik siya sa kwarto.Walang pa ring imikan ang dalawa.Dahil nakatulog si Rhian nang halos buong araw, hindi siya makatulog muli. Pero ayaw naman niyang makipag-usap kay Zack... kaya pumikit siya at nagpanggap na tulog. Bahala ng mapanisan ng laway.Sa kabilang banda, dahil sa daming ginawa ni Zack sa opisina, talagang pagod na pagod siya. Kaya ng ipikit nito ang kanyang mga mata ay agad siyang hinila ng antok.Tahimik ang kwarto, ang tanging maririnig ay ang pantay na paghinga ni Zack.Dahan-dahang iminulat ni Rhian ang kanyang mga mata at tumingin sa direksyon ni Zack. Nakita niya na ang coat ng lalaki ay nakapatong sa kumot na nakapatong sa katawan niya. Nilagay ito ni Zack kanina sa kanya. Ang nipis ng suot na damit nito... sa kanilang dalawa, mukhang mas nilalamig ito ngayon kaysa sa kanya.Pagkatapos mag-isip saglit, maingat na bumangon si Rhian,
Si Zack ay mababaw kung matulog. Sa gitna ng kanyang pagkaidlip, narinig niya ang mahina at kaluskos na tunog, kaya’t kumunot ang kanyang noo at iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya si Rhian na ngayon ay gising na. "Kamusta ang pakiramdam mo? Mataas pa ba ang lagnat?" tanong nito habang papalapit sa kama kung nasaan si Rhian.Medyo mabagal ang kilos ni Rhian. Dahan-dahan niyang inalalayan ang sarili sa kama at umupo at magalang na nagpasalamat, ngunit may kalamigan ang tono. "Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat nga pala sa paghatid sa akin dito. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kagabi."Nang mahimigan ang malamig na pakikitungo ni Rhian, bahagyang dumilim ang mga mata ni Zack. Gayunpaman, inalala niyang may sakit pa rin ang babae kaya't pinigilan niya ang kanyang inis. Hinatid at tumulong na siya, bakit ganito parin ang trato nito sa kanya? Pinanatili niya ang compure at malamig na nagtanong. "Hindi ka kumain kagabi, gutom ka ba?"Mas mabuti sana
Nakatulog si Rhian sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa tapat ng ospital.Saglit na nagdalawang-isip si Zack kung gigisingin ito, ngunit hindi niya magawang gisingin ito. Sinabihan niya si Manny na buksan ang pinto, hinubad ang kanyang coat, maingat na ibinalot ito kay Rhian, at saka niya ito binuhat palabas ng sasakyan.Dumating sila nang gabi, kaya tanging ang emergency department na lamang ang bukas.Nagparehistro si Zack at binuhat si Rhian papunta sa departamento.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Rhian. Ang unang tumambad sa kanyang paningin ay ang gwapong mukha ni Zack... para siyang hinehele...Pagkapasok nila, unti-unting natauhan si Rhian. Makalipas ang ilang segundo, naintindihan niya ang sitwasyon: nasa bisig pa rin siya ng lalaki at nasa harap sila ng doktor.Nang mapagtanto ito, namula agad ang mukha ni Rhian. Pero dahil sa kanyang lagnat, mabuti nalang at may lagnat siya kaya hindi ito masyadong halata."A-Ano ba, Mr. Saavedra, ibaba mo nga ako!!" Nahihiya ni