Share

177.

Author: Alliza
last update Huling Na-update: 2024-11-25 17:09:55
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.

Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.

Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.

Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.

Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.

Samantala, mabilis na bumaba si Marga mata
Alliza

LIKE

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   178.

    Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Marg

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   179.

    Sa private room, dahan-dahang itinaas ni Marga ang kanyang ulo ng mawala na ang mag-asawang Dawn at Wilbert, wala na ang luha na o lungkot na makikita sa kanyang mukha."Sinabi ko naman sayo di'ba? Maghihintay ka lang!" sabi ni Belinda habang ini-angat ang kanyang ibabang labi ng may kumpiyansa.Ang tanging paraan para masolusyunan ang mga tsismis, bukod sa pagkansela ng kasunduan, ay gawing totoo ang kasunduan sa kasal!Naniniwala siya na pareho sila ni Dawn ng pananaw!---Kinabukasan ng umaga, nang dumating si Zack sa opisina, napansin niyang medyo kakaiba ang ekspresyon ni Manny. Para itong hindi mapakali at may gustong sabihin."Ano'ng nangyari? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Zack nang nakakunot ang noo.Nag-atubili si Manny ng matagal, ngunit hindi na napigilan na magtanong, "Master, kayo po ba ni Miss Marga ay..."Lalong lumalim ang guhit sa noo ni Zack, "Ako at siya ay?"Nang makita ni Manny ang naguguluhang hitsura ng kanyang master, naisip niyang may maki, kaya naman

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   180.

    Matapos tumayo sa harap ng French window ng matagal, kinuha ni Zack ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ama.Agad na sinagot ang kabilang linya."Zack, ano ang kailangan mo?" Tanong ni Wilbert. Hindi siya pumasok sa kumpanya ngayon at abala siyang kumakain ng almusal sa bahay. Nang matanggap ang tawag mula sa anak, tumingin siya kay Dawn na nasa tapat niya.Nang marinig na ang anak ang tumawag, minuwestra ni Dawn ang kamay para kunin ang telepono sa asawa, naintindihan naman ni Wilbert at inabot ang telepono mula sa kanya.Hindi ito tinanggihan ni Wilbert. Ibinigay niya ang telepono ayon sa nais ng asawa.Sa kabilang linya, hindi alam ni Zack na hawak ng ina ang telepono, kaya't nagtanong siya nang malalim ang boses, "Ikaw ba ang nag-utos na ilabas ang balita tungkol sa kasal?"Bagamat nasuri na ito ni Manny, nais pa rin niyang marinig ang personal na pag-amin mula sa kanyang ama.Hindi nito inaasahan na boses ng ina ang maririnig sa kabilang linya."Ako ang may ideya, anong

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   181.

    Samantala, si Rhian ay kumakain ng almusal habang nakikinig ng balita tulad ng dati, at habang kumakain ay inaalagaan ang tatlong maliliit na bata habang nakikinig sa mga balita.Isang lalaking reporter ang nagbalita."Patungkol sa kasal ng mga pamilya Saavedra at Suarez, ang kasunduan ng dalawang pamilya ay tumagal ng anim na taon. Kamakailan, nakakuha tayo ng tumpak na balita. Magkakaroon ng pormal na seremonya ng kasal ang dalawang pamilya sa lalong madaling panahon."Huminto si Rhian habang nilalagay ang pagkain para sa mga bata at natigilan ng ilang saglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya na parang wala lang nangyari.Biglang nawalan ng gana kumain si Rio at Zian, at napangiti sila ng malungkot.Noong sila ay nasa ibang bansa, nagtataka sila kung anong klaseng tao ang kanilang Daddy, puno ng pag-asa ang kanilang mga puso.Pagbalik nila sa bansa, nalaman nilang may anak na si Daddy. Hindi natuwa ang dalawa sa kanya at naiinis sila dahil iniwan sila ni Daddy at hindi niya nakas

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   182.

    Kanina pa lang naririnig ni Zack ang balita mula sa loob at alam niyang narinig ni Rhian ang balitang iyon tungkol sa kanya. Habang tinitingnan ang ekspresyon nito, hindi siya nakakita ng anumang pagbabago.Mukhang hindi ito naapektuhan.Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya nang mabigat ang tinig, "Dumating ako upang makita si Rain. Kumusta siya?"Tumabi si Rhian upang bigyan siya ng daan, "Nasa itaas siya. Tamang-tama, may gusto akong sabihin sa iyo tungkol kay Rain."Pumasok ang dalawa sa sala nang sunud-sunod. Pinaupo ni Rhian si Zack sa sofa at siya naman ay naupo sa isang upuang malayo upang maiwasan ang anumang tsismis.Agad namang nagdala ng umuusok ng tasa ng kape si Aling Alicia para sa dalawa. Nang makita niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito, agad siyang umakyat."Ano iyon?" untag ni Zack. Naka-antabay siya sa reaksyon ni Rhian... sa hindi malaman na dahilan, ang ekspresyon nito ngayon ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Malumanay na sinabi ni Rhian: "Pumayag akon

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   183.

    Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   184.done

    Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila upa

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   185.

    Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior..

Pinakabagong kabanata

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   207.

    Pagkatapos ng pag-uusap ni Dawn kay Zack, umuwi siya at agad nakipag-ugnayan sa pamilya Suarez. Dahil sa balita, ayaw ni Marga na pumasok sa kumpanya at makinig sa mga usapan ng mga empleyado tungkol sa kung gaano kaganda ang pagkakapareho ni Zack at ng babaeng nasa larawan, kaya nanatili siya sa bahay sa nakaraang dalawang araw. Nang tumawag si Dawn, si Belinda ay nakaupo sa sofa katabi ni Marga. "Nakipag-usap na ako kay Zack, ipaalam mo kay Marga na huwag mag-alala, hindi na mauulit ang ganitong insidente. Maghihintay na lang tayo sa engagement!" maririnig na sinabi ni Dawn mula sa kabilang linya. Tumingin si Belinda kay Marga at ipinahiwatig na siya na ang sumagot sa tawag. Inabot niya ang telepono sa anak, na agad naman nitong kinuha. Hinanda ni Marga ang kanyang sarili at nagpasalamat nang magalang at may lambing, "Salamat po, Tita. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Sa tuwing may ganitong problema, palagi nalang kayong nari’yan ni tito para tulungan ako.”

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   206.

    Sa kabilang banda, pagkauwi ni Rhian kasama ang mga bata pabalik sa bahay, nag-aalangan siya kung iimbitahan ba si Zanjoe na pumasok para alukin na magkape bilang pasasalamat sa paghatid sa kanila. Napansin naman ni Zanjoe ang kanyang pag-aalangan, kaya nginitian nito ng nakakaunawa si Rhian, "Medyo late na, kailangan ko na ring umuwi. Magkita tayo bukas." Hindi maipaliwanag ni Rhian ang pakiramdam ng ginhawa na bumangon sa kanya, kaya hindi na niya pinilit si Zanjoe. “Salamat nga pala sa paghatid ha.” “Walang anuman, Doktor Fuentes. Basta ikaw… malakas ka sa akin eh.” Birong-totoo ni Zanjoe bago tuluyang umalis. Habang pinagmamasdan niyang umalis ang kotse ni Zanjoe, dinala ni Rhian ang dalawang bata papasok sa bahay. Naghanda na ng hapunan si Aling Alicia at inilapag ang mga pagkain sa mesa nang makita sila nitong dumatong. Tinuturing ni Rhian si Aling Alicia na parang kapamilya, kaya’t nagsalo silang apat sa pagkain. Habang kumakain, naalala ni Aling Alicia ang tung

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   205.

    Pagkatapos umupo sa sala ng ilang sandali, inutusan ni Zack si Aunt Gina na tawagin si Rain para kumain. Si Rain ay matyagang naghintay sa kanyang kwarto, iniisip ang sinabi ng kanyang lola kanina, at iniimagine ang eksena na kung ang magandang tita ang magiging ina niya. Sabik na sabik na bumaba siya. Nang makaupo sa mesa. Napansin ni Rain na tahimik ang daddy niya… ngunit dahil sa pagkasabik, hindi niya inisip na may problema ito. Habang kumakain, hindi niya napigilang magtanong, "Daddy, pakakasalan mo po ba si tita ganda?" Puno ng pag-asam ang kanyang tono at mga mata. Mula nang bumalik ang maliit na batang babae, bagamat madalas siyang makipag-usap, karamihan ng kanyang mga sinabi ay mga maikling pangungusap lang. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya ng ganito kahabang pangungusap. Napansin ni Zack ang tanong ng bata at nagulat siya. Nang maisip ang saloobin ng anak kay Rhian, nag-isip siya sandali at nagtanong, "Gusto mo ba siya na maging ina?" “Yes, daddy!!!” T

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   204.

    Nang marinig ni Zack ang mga salita ng kanyang ina, tumaas ang labi niya nang may pang-aasar, "Kung wala akong balak na pakasalan siya? Paano mo ito ipapaliwanag kay Marga?" Nang marinig ito, napasinghap si Dawn sa pagkabigla. Nang makabawi, tumalim ang kanyang mata sa galit. "Ano'ng ibig mong sabihin? Si Marga ay naghintay para sa'yo ng maraming taon at nagbigay ng maraming sakripisyo para sa'yo! Sinasabi mo ngayon na wala kang balak magpakasal sa kanya? Ang kasunduan ng kasal natin at ng pamilya ni Marga ay pinalaganap na sa buong bayan sa loob ng maraming taon. Naisip mo ba kung anong sasabihin ng tao kapag nakansela na ang kasunduan?" Sumagot si Zack ng malamig, "Bakit mo iniisip na hindi ako kumilos sa bagay na ito sa loob ng anim na taon? Sinabi ko na sa'yo na hindi mo na kailangang makialam. Ako na ang bahala tungkol sa bagay na ito!" Nang marinig ni Dawn ang mga salitang iyon, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Malinaw ang gustong iparating ng kanyang anak—malinaw n

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   203.

    Nang makita ni Zack na malapit nang magtapos ang klase sa kindergarten, dahan-dahan niyang isinantabi ang kanyang mga iniisip at nagmaneho patungo roon. Ayon sa nakasanayan ng kanyang anak, baka makita niya ang babae sa kindergarten. Baka hindi nito agad pinaalis ang babae… Pagdating niya doon, napansin niyang hindi naman siya huli, pero ang babae ay dumating nang mas maaga at wala na si Rhian at ang mga anak nitong lalaki. Si Rain ay sanay na maghintay sa kanyang ama kasama ang kambal, pero ngayon, siya lang mag-isa, tahimik siyang nakatayo habang ng teacher ang kamay niya. "Mr. Saavedra, nandito na po kayo." Alam ni Teacher ang kalagayan ni Rain kaya't maingat siya sa bata. Noon pa man ay hindi niya ito iniiwan ng mag-isa hangga’t wala ang sundo nito. Kaya ng makita niyang dumating ang ama ng kanyang estudiyante, lihim siyang nakahinga ng maluwag. Mabuti at hindi ito nahuli ngayong araw. Bumitaw di Rain sa kanyang guro at lumapit sa kanyang ama. Pagkabasok nila sa kotse, ha

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   202.

    "May mga hot topic ba na kailangang pagtuunan ng pansin kamakailan?" tanong ni Zanjoe nang mapansin niyang matagal nang nagbabrowse si Rhian sa cellphone. Nang marinig ito, tinago ni Rhian ang kanyang cellphone at tumingin sa lalaki, pinipigilan ang sarili na huwag mapahalakhak ng tawa dahil sa mga komentong nabasa. Ngumiti siya nang parang wala lang, "Wala, may nakita lang akong ilang tsismis. Tsismis na sobrang nakakaaliw!” Dahil sa kasalukuyang relasyon nila ni Zack, ang balita tungkol kay Zack ay tila tsismis na lamang sa kanya. "Anong tsismis? May celebrity bang naba-bash ngayon?" tanong ni Zanjoe habang nag-iisip kung anong balita ang sinasabi ni Rhian. “Pero mukhang natatawa ka kanina… sino ang tinatawanan mo?” Natigilan si Rhian sa tanong niya, ngumit sumagot pa rin siya, "Hindi celebrity, hindi ko matandaan kung sino siya, basta na-click ko lang.” pagsisinungaling niya. Pagkatapos sabihin iyon, hindi niya binigyan si Zanjoe ng pagkakataon na magtanong. Mabilis niyang

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   201.

    Kakauwi pa lang ni Rhian mula sa trabaho nang marinig niya ang mga staff na pinag-uusapan ang tungkol sa kasal nina Zack at Marga. Puro papuri ang maririnig sa mga ito… at naiinggit din ang ilang kababaihan. "Ang sweet talaga ni Sir Saavedra. Inalagaan niya ang kanyang fiancée nang buong gabi. Nakakainggit talaga! Ang nobyo ko, ni minsan ay hindi naging ganyan ka-sweet sa akin!” “Ako din. Kahit minsan ay hindi naging ganyan ang nobyo ko. Kaya nakakainggit talaga ang fiancee ni Mr. Saavedra. Hindi lang gwapo at mayaman ang mapapangasawa niya, sweet din at maalaga!” Papuri na may halong sambit naman ng isang babae. Mayamaya, may napansin ito. “Hindi niyo ba napapansin? May pagkakahawig kay Doktor Rhian ang babaeng karga niya?” Dahil sa sinabi nito, tiningnan ng mabuti ng iba ang malabong kuha ng larawan. “Aba, oo nga noh! Kahawig na ni Doktor Rhian!” Sang-ayon nila. Habang naglalakad at nagkukuwentuhan ang mga researcher, napansin nila si Rhian at binati siya. "Paalam, Dok

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   200.

    Matagal na nag-usap ang tatlo at napagdesisyunang humingi ng tulong kay Dawn para solusyunan ang isyung ito. Sa huli, si Dawn ang pinaka-nagtulak kay Marga na makapasok sa pamilyang Saavedra, at alam nilang makikinig si Zack sa kanya. Dahil dito, pinakiusapan ni Belinda si Dawn na makipagkita sa kanila. "Narito rin pala si Marga? Ano ang gusto mong kainin? Treat ko na ito," masayang bati ni Dawn habang umupo sa harapan nila, hindi napansin ang kakaibang ekspresyon ng dalawa. Ngumiti nang pilit si Marga. "Salamat, tita Dawn, pero wala akong gana ngayon." Pagkasabi nito, yumuko siya na tila malungkot, inilagay ang mga kamay sa tuhod, at nilaro ang sariling mga daliri. Gawain na ito ni Marga… sa ganitong paraan, alam niyang makukuha niya ang pansin ng mommy ni Zack. At hindi nga siya nagkamali. Nang makita ang itsura ni Marga, nagtanong si Dawn nang may pag-aalala, "Hindi ba maganda ang pakiramdam mo ngayon? Anong nangyari? May problema ba?" Pigil ang emosyon, tumango si

  • A Love Reclaimed: Fated To Love You   199.

    Patuloy pa ring naniniwala ang mga empleyado sa balita at pinag-uusapan ang tungkol sa balitang kumalat."Narinig ko na ayaw daw talagang magpakasal ni Sir Zack kay Ma'am Marga, kaya panay ang pag-antala niya sa engagement nila. Hindi ko inasahan na napaka-romantiko pala niya sa likod ng eksena.""Ang gwapo at maalaga ni Sir! Gusto ko rin ng boyfriend na katulad niya!""Ako din! Gusto ko din ng lalaking katulad niya! Mayaman na, gwapo pa! Nasa kanya na ang lahat!"Habang naririnig ang mga usapan, nagbago nang ilang beses ang ekspresyon ni Marga. Halos maipit niya ang sariling palad sa tindi ng kanyang pagkuyom hanggang sa magkaroon ng marka ng dugo upang pigilan ang galit na nararamdaman. "Oras ng trabaho ito! Huwag kayong mag-usap ng ganyan! Bago kayo magtsismisan, magtrabaho kayo nang maayos!"Pagkasabi nito, malamig na tiningnan ni Marga ang mga empleyadong nagsasalita, bago tumalikod at nagmamadaling umalis nang hindi lumilingon.Hindi na niya talaga matagalan ang mga usap-usapan!

DMCA.com Protection Status