LIKE
Kinagabihan, inutusan ni Rhian sina Rio at Zian na magpahinga, at pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto upang alagaan si Rain. Alam ni Aunt Gina na gumaling na ang Young lady, at nais nitong manatili kay Rain sa lahat ng oras. Kaya naman, hinayaan niya ang Young lady sa kanyang gusto. Alamniya kung gaano kagusto at kalapit ang bata sa Madam, kaya wala siyang balak na sumingit sa oras ng dalawa.Habang pinapaliguran si Rain, sabay nila itong binanlawan. Nang makita ang mga pasa sa pwet ni Rain, labis na nalungkot si Aunt Gina at hindi napigilang magreklamo na nakasimangot ang mukha, "Sino kaya ang may ganitong kalupitan? Mahina ang katawan ng Young lady, kaya naman hindi kayang magbitiw ng masakit na salita ng young master sa kanya... o maski ang saktan siya. Napakasama at malupit ng taong gumawa nito sa bata!" Pumikit si Rain ng dalawang beses nang marinig ang mga salitang iyon, at pagkatapos naalala ang babala ni Marga, kaya't mahigpit niyang isinara ang bibig. Biglang naala
Sa parehong oras, sa mansyon ng pamilya Saavedra, Nagpapahinga na sana sina Dawn at Wilbert nang marinig nila ang katok sa kanilang silid."Madam, may bisita po kayo sa ibaba." Imporma ng kanilang kasambahay.Kumunot ang noo ng mag-asawa. Wala silang inaasahan na bisita. Kaya sino sila?Pagkababa ng hagdan, sila'y dumiretso sa sala. Doon ay naabutan nila ang mag-asawang sina Armando at Belinda, mukhang nagsisisi ang kanilang mukha, sa likuran ng mag-asawa, nakatayo ang kanilang anak na si Marga, na ngayon ay namumula ang mga mata."Kumuha kayo ng maiinom at magdala dito!" Utos ni Dawn sa kanilang kasambahay. Bumaling siya sa mga ito. "Ano'ng nangyari?" Tanong ni Dawn nang makita ang ekspresyon ng tatlo. Tinutok ni Belinda ang tingin kay Marga. Si Marga, na may mga mata na pula at puno ng pagsisisi, ay nagsalita, "Tita, narito ako upang humingi ng tawad." Dahil dito, lalong naguluhan si Dawn. Umupo siya sa sofa kasama ang tatlo, "Ano'ng nangyari? Bakit ka humihingi ng tawad?"
Nang marinig ito, nagbago ang mukha ni Dawn, tumalim ang kanyang tingin, "Marga, anong sinasabi mo? Wala nang posibilidad na magkabalikan si Zack at ang babaeng 'yon. Nagtanong na ako, at sinabi ng aking anak na wala siyang balak na makipag-ayos sa kanya. Kaya huwag mong sabihin ang bagay na yan!"Ngunit patuloy na nakayuko si Marga at humihikbi, "Pero ngayon, si Rain ay laging kasama si Rhian. Sa mga araw na ito, tumira pa nga siya sa bahay ni Rhian. Ang laki ng pagkahulog ni Rain sa kanya. Kung wala talagang balak si Zack, bakit niya ipagkakatiwala kay Rhian si Rain?" Alam ni Marga ang bawat galaw ni Rhian dahil pina-monitor niya ang mga kilos n ito.Nalaman niya nasa bahay ni Rhian si Rain, kaya't nag-alala si Marga at sinabi ang lahat sa kanyang mga magulang. Matapos siyang pagalitan, dinala siya ng mga magulang niya dito upang humingi ng tawad. Nang makita niya na pinatawad siya ng ginang, sinamantala ni Marga na ungkatin ito sa ina ni Zack.Samantala, nagulat si Dawn sa kanya
Sinundan ni Rhian ng tingin si Dawn hanggang makapasok ito s aloob at makaupo sa sofa. Bago sumunod. marahan niya isinara ang pintuan, umupo sa isang single sofa, at tinitigan ang babaeng nasa harap niya nang hindi mapagpakumbaba o mayabang, "Mrs. Saavedra, dumating po kayo ng maaga at walang abiso. May kailangan po ba kayong sabihin?"Diretso si Dawn, "Dumaan ako dito para sabihin sa'yo na lumayo ka kay Zack at huwag mong pakialaman si Rain. Wala siyang kinalaman sa'yo. Dahil pinili mong makipagdiborsyo at umalis nang walang paalam, wala kang karapatang bumalik sa kanilang buhay!."Nang marinig ito, hindi maiwasan ni Rhian na magtaka at sumagot nang kalmado, "Hindi niyo kailangan na mag alala, nang pinili ko pong umalis, hindi ko po naisip na bumalik pa sa buhay niya.""Talaga?" Sinupladuhan siya ni Dawn, "Paano mo naman ipapaliwanag ang pagkikita mo sa anak ko? At bakit nandito si Rain kasama mo?"Pagkasabi nito, tinitigan ni Dawn si Rhian ng may pang-iinsulto.Sinabi niyang hindi na
Nakita ni Aunt Gina na umiiyak ang bata, kaya’t dali-dali siyang lumapit upang pakalmahin ito, "Madam, bumalik po ang sakit ng batang ito nitong mga nakaraang araw, at binugbog siya ni Miss Suarez. Ngayon lang po siya gumaling, ngunit hindi pa rin po stable ang kalagayan niya. Huwag po sana ninyo siyang takutin."Inisip ni Aunt Gina ang nangyari noong nakaraang gabi at nahulaan kung sino ang nangbugbog sa batang babae. Ngayon, upang pakalmahin si Madam, pinili niyang sabihin ang kanyang hinala.Hindi ito tinanggap ni Dawn, "Sinabi na sa akin ni Marga ang tungkol dito. Si Rain ang matigas ang ulo. Nagmagandang-loob lamang na tinuruan siya ni Marga. Pumunta na siya sa akin at humingi ng tawad, pati na kay Rain. Si Marga na ang magiging stepmother ni Rain, ngunit nagpapakita pa rin siya ng ganitong ugali." Nang marinig ang sinabi ng ina ng kanyang master, hindi na alam ni Aunt Gina kung anong sasabihin, kaya’t tinitigan na lang si Rain nang may pag-aalala.Ang batang iyon ay kakalabas lan
Nang marinig ang mga sinabi ng kanyang ina, tumango si Zack nang walang imik.Inisip ni Dawn na pumayag siya, kaya't humarap na siya upang kunin ang kanyang apo, ngunit narinig niyang nagsalita si Zack mula sa likuran niya."Maaaring hindi mo alam ang kalagayan ni Rain nitong mga nakaraang araw."Napahinto si Dawn sa kanyang mga hakbang. Narinig niya mula kay Aunt Gina na nagkaroon ng autism attack si Rain nitong mga nakaraang araw, ngunit hindi niya alam kung gaano ito kalala."Mas malala ang autism attack ni Rain ngayon kaysa dati, at kahit si Vince ay hindi nakatulong. Tanging si Rhian lang ang nakapagpatino kay Rain. Kapag kasama siya, parang normal na bata si Rain. Bukod pa rito, dahil kay Rhian, nagsalita si Rain ilang araw na ang nakalipas. Kung noon pa ito nangyari, Hindi mo ba maiisip itong gawin?" tanong ni Zack nang malalim ang tinig.Laking gulat ni Dawn. Nagsalita si Rain?!Tinanggap na niyang hindi na magsasalita ang kanyang apo, ngunit hindi niya inakalang magsasalita si
Malinaw ang ibig sabihin ni Dawn. Nais pa rin niyang magkasama sila ni Marga.Narinig na ni Zack ang ganitong pakiusap ng maraming beses sa nakalipas na anim na taon.Hindi maitago ang pagkairita sa gwapong mukha ni Zack. "Ako na ang bahala sa usaping ito, hindi niyo na kailangang mangialam."Medyo nag-init ang ulo ni Dawn, "Kaya mo ba talagang ayusin ito mag-isa? Talaga bang ititigil mo na ang engagement niyo ni Marga?"Matapos maghintay ng ilang sandali at hindi makuha ang sagot ni Zack, lumamig ang mukha ni Dawn at naging matigas ang tono, "Anuman ang mangyari, dahil ikaw mismo ang pumirma sa engagement sa pamilya Suarez, hindi ko papayagan na basta-basta mo itong kanselahin. Matagal nang naghihintay si Marga para sa’yo, hindi mo siya pwedeng paasahin. Hindi ko papayagan na mawalan siya, at huwag mong ituloy ang ideya ng pagkansela ng engagement, at huwag mong nawang banggitin ito sa hinaharap!"Pagkatapos nitong sabihin, tinignan ni Dawn ang kanyang anak ng malupit, saka tumingin s
Pagkaalis ni Dawn sa bahay ni Rhian, habang pauwi siya, nag-isip siya ng mabuti at nagdesisyong tawagan si Marga. Sa kabilang linya, nakita ni Marga ang tawag mula kay Dawn sa umaga at medyo nagtataka. "Marga, nakipag-usap ako kay Zack. Sabi mo dati na gusto ni Zack na kanselahin ang engagement niyong dalawa. Pero hindi na niya ito babanggitin pa sa hinaharap, kaya naman hindi mo na kailangan mabahala.” Bagaman isa lamang itong isang panig na kahilingan, hindi tumutol ang anak niyang si Zack, kaya't ipinasa ni Dawn ang mensahe. Nang marinig ito, natuwa si Marga, "Talaga po, Tita?" Pagkatapos nito, nagkunwaring malungkot si Marga at nagtanong, "Pero, paano si Rhian? Mukhang malapit siya kay Zack, at si Rain ay gusto siya..." Nang banggitin si Rhian, lumamig ang tono ni Dawn, "Huwag mo siyang alalahanin pa, ang magiging asawa ni Zack ay tanging ikaw lang! Bukod pa riyan, si Rain ay bata pa, kaya kailangan mo maging mahinahon sa kanya. Kalimutan na natin ang ginawa mo, ngunit mang
Nakatulog si Rhian sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa tapat ng ospital.Saglit na nagdalawang-isip si Zack kung gigisingin ito, ngunit hindi niya magawang gisingin ito. Sinabihan niya si Manny na buksan ang pinto, hinubad ang kanyang coat, maingat na ibinalot ito kay Rhian, at saka niya ito binuhat palabas ng sasakyan.Dumating sila nang gabi, kaya tanging ang emergency department na lamang ang bukas.Nagparehistro si Zack at binuhat si Rhian papunta sa departamento.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Rhian. Ang unang tumambad sa kanyang paningin ay ang gwapong mukha ni Zack... para siyang hinehele...Pagkapasok nila, unti-unting natauhan si Rhian. Makalipas ang ilang segundo, naintindihan niya ang sitwasyon: nasa bisig pa rin siya ng lalaki at nasa harap sila ng doktor.Nang mapagtanto ito, namula agad ang mukha ni Rhian. Pero dahil sa kanyang lagnat, mabuti nalang at may lagnat siya kaya hindi ito masyadong halata."A-Ano ba, Mr. Saavedra, ibaba mo nga ako!!" Nahihiya n
Nagdadalawang-isip si Rhian.Ayaw niyang magkaroon ng masyadong maraming ugnayan kay Zack, ngunit kailangan niyang aminin na ito ang pinakamainam na solusyon sa ngayon. Matapos ang ilang sandali, tumango si Rhian at sumang-ayon, "Sige... p-pasensya na sa abala---"Wag mong isipin yan sa ngayon. Ang mahalaga ay madala ka sa ospital at gumaling." Putol ni Zack sa kanya.Tumango si Rhian. Bumaling siya sa dalawang anak. "Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?""Opo, mommy!"Nakangiting sumabat ang matanda. "Hindi naman pasaway ang mga anak mo, ma'am. Madali silang alagaan kumpara sa iba." Puri nito sa dalawa."M-mabuti naman----" Hindi inaasahan, pagkakatayo ni Rhian ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at malapit siya sa kama. Pagkatapos ng dalawang hakbang na pakiramdam niya’y matutumba siya, napilitang sumandal siya sa kama para hindi bumagsak."Aalalayan kita pababa," alok ni Aling Alicia at mabilis na lumapit upang tumulong.Nagdidilim ang paningin ni Rhian
Nakatayo si Zack sa gilid.Dahil hindi niya nakita si Rhian, ayaw sumama ni Rain pauwi, kaya naghintay siya roon kasama ang bata.Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang narinig niya.Hinila ni Rain ang manggas niya na parang nag-aalala, "Tita..."Naramdaman ni Zack ang nais nitong sabihin at idinugtong nang may mabigat na tinig, "Anong nangyari kay Rhian?"Hindi alam ni Aling Alicia ang alitan sa pagitan nila, dahil walang masama sa tanong, agad niyang sinagot, "Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ma'am Rhian nang dumating siya kagabi. Akala ko pagod lang siya, pero hindi pala. Kinagabihan ay nagkalagnat na siya at nanghihina. Kaya kailangan kong bumalik at alagaan siya agad."Pagkatapos nito, inihanda niya ang dalawang bata para umalis.Nakalimutan pa ng magkapatid na magpaalam kay Rain dahil nagmamadali silang umalis. Sobra silang nag-aalala sa kanilang mommy.Namula ang mga mata ni Rain dahil sa pag-aalala ng malaman ang kalagayan ni Rhian, mahina siyang napaung0t, "Tita..
Pagkauwi sa bahay nila Rhian, nakahanda na ang hapunan sa mesa na hinanda ni Aling Alicia.Pagpasok nila, sinalubong sila nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Ma'am Rhian, bakit kayo nahuli ngayon?"Pinilit ni Rhian na ngumiti. "Wala, natapos lang nang late ang trabaho ko. Pakibantayan na lang ang mga bata, medyo pagod ako. Aakyat muna ako at magpapahinga." "Sige po, mommy!" Sabay na tugon ng kambal. Tumango si Aling Alicia sa amo. Kapansin-pansin nga ang pagod nito. Bumaling siya sa mga anak. "Kumain kayo ng marami ha. Talagang pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako sa kwarto. Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?"Napansin ni Aling Li ang sobrang pagod sa kanyang mukha at agad na tumango.Kinabukasan, nakahanda na ang almusal ni Aling Alicia, ngunit hindi pa rin bumababa si Rhian. Sa halip, ang dalawang bata ang bumaba. Pareho na silang nakagayak."Kumain na muna kayo, aakyat ako para tingnan ang mommy ninyo," sabi ni Aling Alicia. Bagama't baguhan pa lamang siy
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan si
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior..
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila upa
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...