LIKE
Pagkaalis ni Dawn sa bahay ni Rhian, habang pauwi siya, nag-isip siya ng mabuti at nagdesisyong tawagan si Marga. Sa kabilang linya, nakita ni Marga ang tawag mula kay Dawn sa umaga at medyo nagtataka. "Marga, nakipag-usap ako kay Zack. Sabi mo dati na gusto ni Zack na kanselahin ang engagement niyong dalawa. Pero hindi na niya ito babanggitin pa sa hinaharap, kaya naman hindi mo na kailangan mabahala.” Bagaman isa lamang itong isang panig na kahilingan, hindi tumutol ang anak niyang si Zack, kaya't ipinasa ni Dawn ang mensahe. Nang marinig ito, natuwa si Marga, "Talaga po, Tita?" Pagkatapos nito, nagkunwaring malungkot si Marga at nagtanong, "Pero, paano si Rhian? Mukhang malapit siya kay Zack, at si Rain ay gusto siya..." Nang banggitin si Rhian, lumamig ang tono ni Dawn, "Huwag mo siyang alalahanin pa, ang magiging asawa ni Zack ay tanging ikaw lang! Bukod pa riyan, si Rain ay bata pa, kaya kailangan mo maging mahinahon sa kanya. Kalimutan na natin ang ginawa mo, ngunit mang
Kinabukasan, hindi dumating si Zack kaya’t mag-isa si Rhian na nagdala sa tatlong bata sa eskwelahan. Pagdating sa eskwelahan, nadatnan nila ang titser ng mga mata na nag-aabang sa pintuan. Nang magkita nitong nag-iisa si Rhian, nagtaka ito."Ma'am Fuentes, nag-iisa ka yata ngayon. Ikaw pala ang maghahatid maging kay Rain ngayon. Akala ay ay magkasama kayong maghahatid ni Mr. Saavedra."Narinig ito, hindi maiwasang matigilan si Rhian. Nitong nakaraan, kasama niya si Zack sa nakaraang dalawang araw sa paghatid sa mga bata. Hindi niya inaasahang mapapansin iyon ng guro at tatanungin siya ngayon. Mukhang nitong nakaraan ay nagiging malapit na sila ni Zack. Sa sandaling iyon, hindi alam ni Rhian kung paano ito sasagutin. Ngunit inilabas na ni Rain ang kanyang maliit na kuwaderno at sinulat ang sagot, "Nakatira ako sa bahay ni tita ganda ko ngayon!" Hawak-hawak ng bata ang maliit na kuwaderno at masayang ngumiti. Napansin ng titser na tila malungkot ang bata nitong mga nakaraang
Hindi na natuloy ang pagpapasalamat ni Rhian. Natigilan din si Gino, saka kumunot ang noo at mahigpit na sinaway ang kapatid, “Ana, ano na naman ang pinagsasasabi mo?” Nagkibit-balikat si Ana at walang pakialam na sinabi, “Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi lang ako ng totoo. May mga tao na hayagang nakipaghiwalay kay Kuya Zack noon. Oh, tama, umalis pa siya nang walang paalam. Tapos nagyon ay may lakas pa ng loob at walang kahihiyang ginugulo si Kuya Zack. Hindi ba nila alam na si Marga na ang fiancee ngayon ni Kuya Zack? Hindi ko alam kung anong pinagkaiba ng asal na ito sa pagiging kabit?” Pagkatapos nito, tiningnan niya si Rhian ng may paghamak. Hindi niya talaga magustuhan ang babaeng ito. Kahit pa napagaling nito ang kanilang Lolo, hindi pa rin niya ito matanggap! Bagamat walang pangalan ang nabanggit, malinaw na si Rhian ang tinutukoy ni Ana. Dahan-dahang dumilim ang mukha ni Rhian. Tinitigan niya si Ana nang walang emosyon at malamig na sinabi: “Miss Florentino
Habang pinapanood ni Gino ang sasakyan ni Rhian na papalayo, bumalik siya sa villa. Si Ana ay nakaupo sa sofa, umiinom ng juice, hanggang ngayon ay hindi parin maipinta ang kanyang mukha. Nang makita niyang pumasok si Gino, bahagya lamang niyang itinaas ang mga mata at agad ding ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone. Nang makita ni Gino ang kanyang kapatid, dumilim ang kanyang mukha. "Ano bang problema mo? Ano ba ang ginawa ni Doktor Fuentes para lagi kang magpatutsada tuwing nakikita mo siya? Siya ang tumulong na gumaling si Lolo!” Narinig ito, walang pakialam na tumingin si Ana sa kapatid, “Tulong? Bayad ang serbisyo niya! Kaya wag mong palabasin na walang kapalit ang ginagawa niya! Pareho lang naman tayong nakikinabang sa isa't isa!"Pagkatapos sabihin ito, muli siyang nagtanong nang masama ang tono, “Kuya, bakit mo siya ipinagtatanggol nang ganyan? Baka naman nalinlang ka ng babaeng iyon? Nakita mo naman kung paano niya ako ininsulto! Ako naman ang magtatanong kung anong
Tinitigan ni Rhian ang cellphone matapos ibaba ang tawag. Nagdalawang-isip siya sandali bago muling itinabi ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sakto namang kailangan pa ng oras para sa kanyang ginagawa, kaya’t mabuti na rin na si Zack ang pumunta para sumundo. --- Sa maliit na palaruan ng kindergarten, nakaupo ang tatlong bata sa isang linya sa bangko, may mga nakasukbit na schoolbag sa kanilang likod. Sanay na sina Rio at Zian na nakakalimutan sila ng kanilang mommy kapag abala ito sa trabaho. Tahimik silang nakaupo nang maayos, paminsan-minsan tumitingala at nakikipag-usap sa kanilang guro. Si Rain naman ay nasa gitna nilang dalawa. Sa simula’y medyo balisa, ngunit nang makita ang dalawang kuya niyang kalmado, unti-unting nahikayat ang kanyang atensyon. Itinaas niya ang kanyang maliit na mukha, tahimik na nakikinig sa usapan ng mga kuya, at tila nasisiyahan. Nang dumating si Zack, walang sinuman sa kanila ang nakapansin. Habang pinapanood ang tatlong bata, nakaramdam si Z
Si Zian ay gutom na gutom na kaya agad nalipat ang atensyon sa pagkain nang mabanggit ito. Habang nagbibilang gamit ang kanyang mga maliit na daliri, sinabi niya, “Gusto kong kumain ng sweet and sour spare ribs, steamed fish, chicken legs... mga paborito namin ni Rio!” Nang marinig iyon, tumingin si Zack kay Rio, na tahimik lamang sa tabi. Ayaw sanang sagutin ni Rio, ngunit dahil nasabi na ni Zian, napilitan siyang tumango nang walang imik. Nag-order si Zack ng mga putahe ayon sa panlasa ng tatlong bata. Sandali silang naging tahimik sa mesa, at hindi niya alam kung paano magsisimula ng usapan. Pagdating ng pagkain, partikular niyang inutos sa waiter na ilagay ang dalawang putahe sa harapan ng mga bata. Malayo ngunit magalang na nagpasalamat si Rio, “Salamat po, tito.” “Walang anuman,” tugon ni Zack, malamig ang tono. Dahil bihira niyang makasama ang dalawa, tila may kaunting pag-aalangan sa kanyang boses. Habang kumakain, kahit hindi niya pinapakain ang mga bata tulad ng
Sa isang tabi, gustong magsalita ni Zian, pero natigilan siya matapos marinig ang sinabi ng kanyang kambal. Halos makalimutan niya na masama ang Daddy nila, kaya hindi niya dapat ito binibigyang pansin! Nakita ni Zack na tila hindi masaya ang dalawang bata. Bahagyang sumimangot ito, alam niyang hindi nararapat ang tanong na binanggit niya, kaya agad siyang humingi ng paumanhin, “Pasensya na. Hindi sinasadya ni tito na banggitin ang mga bagay na nakakalungkot sa inyo.” Pagkasabi niya nito, hindi niya alam kung paano sila aaliwin. Nagbukas siya ng bibig ngunit walang masabi. Yumuko si Rio at nagkunwaring seryosong kumakain. “Okay lang, sanay na rin naman kami.” Saglit na naging mabigat ang atmospera sa mesa. Pagkalipas ng ilang sandali ng katahimikan habang kumakain, hindi na nakatiis si Zian. Tumingala siya kay Zack, namumula ang mga mata, “Tito, gusto mo ba ng mga bata?” Nagulat si Zack sa tanong ng bata. Nagpatuloy si Zian na tila kinakausap ang sarili, “Dapat gusto mo
Naisip ni Zack na nagalit si Rhian dahil nalungkot ang mga bata. Bilang paghingi ng paumanhin, sumang-ayon siya, “Hindi ko alam noon, pero ngayon alam ko na. Huwag kang mag-alala, hindi ko na babanggitin ang tungkol doon sa harap nila.” Tumingin si Rhian sa tatlong bata na tahimik na naglalaro ng Lego, at naisip ang nangyari. Kung hindia nito binanggit, hindi niya malalaman na nagtanong ito tungkol sa ama ng kanyang anak. Nakadama siya ng takot... Dahil baka magtanong pa ito sa kanya, kaya direkta na niyang pinaalis ito. “Lumalalim na ang gabi. Dapat ka na sigurong umuwi, Mr. Saavedra. Salamat na rin sa pagsundo mo sa mga bata ngayon.” Samantala, natigilan si Zack, ngunit agad din siyang tumango. "Aalis na ako." Paalam niya kay Rhian. Habang pauwi, tila may bumabagabag sa kanyang damdamin, ngunit hindi niya mawari kung ano iyon. Pagkarating niya sa bahay, inalis niya ang kanyang kurbata nang may pagka-irita at umupo sa sofa. Kahit pa sandaling nagpahinga, hindi pa rin mawala a
Nakatulog si Rhian sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa tapat ng ospital.Saglit na nagdalawang-isip si Zack kung gigisingin ito, ngunit hindi niya magawang gisingin ito. Sinabihan niya si Manny na buksan ang pinto, hinubad ang kanyang coat, maingat na ibinalot ito kay Rhian, at saka niya ito binuhat palabas ng sasakyan.Dumating sila nang gabi, kaya tanging ang emergency department na lamang ang bukas.Nagparehistro si Zack at binuhat si Rhian papunta sa departamento.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Rhian. Ang unang tumambad sa kanyang paningin ay ang gwapong mukha ni Zack... para siyang hinehele...Pagkapasok nila, unti-unting natauhan si Rhian. Makalipas ang ilang segundo, naintindihan niya ang sitwasyon: nasa bisig pa rin siya ng lalaki at nasa harap sila ng doktor.Nang mapagtanto ito, namula agad ang mukha ni Rhian. Pero dahil sa kanyang lagnat, mabuti nalang at may lagnat siya kaya hindi ito masyadong halata."A-Ano ba, Mr. Saavedra, ibaba mo nga ako!!" Nahihiya n
Nagdadalawang-isip si Rhian.Ayaw niyang magkaroon ng masyadong maraming ugnayan kay Zack, ngunit kailangan niyang aminin na ito ang pinakamainam na solusyon sa ngayon. Matapos ang ilang sandali, tumango si Rhian at sumang-ayon, "Sige... p-pasensya na sa abala---"Wag mong isipin yan sa ngayon. Ang mahalaga ay madala ka sa ospital at gumaling." Putol ni Zack sa kanya.Tumango si Rhian. Bumaling siya sa dalawang anak. "Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?""Opo, mommy!"Nakangiting sumabat ang matanda. "Hindi naman pasaway ang mga anak mo, ma'am. Madali silang alagaan kumpara sa iba." Puri nito sa dalawa."M-mabuti naman----" Hindi inaasahan, pagkakatayo ni Rhian ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at malapit siya sa kama. Pagkatapos ng dalawang hakbang na pakiramdam niya’y matutumba siya, napilitang sumandal siya sa kama para hindi bumagsak."Aalalayan kita pababa," alok ni Aling Alicia at mabilis na lumapit upang tumulong.Nagdidilim ang paningin ni Rhian
Nakatayo si Zack sa gilid.Dahil hindi niya nakita si Rhian, ayaw sumama ni Rain pauwi, kaya naghintay siya roon kasama ang bata.Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang narinig niya.Hinila ni Rain ang manggas niya na parang nag-aalala, "Tita..."Naramdaman ni Zack ang nais nitong sabihin at idinugtong nang may mabigat na tinig, "Anong nangyari kay Rhian?"Hindi alam ni Aling Alicia ang alitan sa pagitan nila, dahil walang masama sa tanong, agad niyang sinagot, "Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ma'am Rhian nang dumating siya kagabi. Akala ko pagod lang siya, pero hindi pala. Kinagabihan ay nagkalagnat na siya at nanghihina. Kaya kailangan kong bumalik at alagaan siya agad."Pagkatapos nito, inihanda niya ang dalawang bata para umalis.Nakalimutan pa ng magkapatid na magpaalam kay Rain dahil nagmamadali silang umalis. Sobra silang nag-aalala sa kanilang mommy.Namula ang mga mata ni Rain dahil sa pag-aalala ng malaman ang kalagayan ni Rhian, mahina siyang napaung0t, "Tita..
Pagkauwi sa bahay nila Rhian, nakahanda na ang hapunan sa mesa na hinanda ni Aling Alicia.Pagpasok nila, sinalubong sila nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Ma'am Rhian, bakit kayo nahuli ngayon?"Pinilit ni Rhian na ngumiti. "Wala, natapos lang nang late ang trabaho ko. Pakibantayan na lang ang mga bata, medyo pagod ako. Aakyat muna ako at magpapahinga." "Sige po, mommy!" Sabay na tugon ng kambal. Tumango si Aling Alicia sa amo. Kapansin-pansin nga ang pagod nito. Bumaling siya sa mga anak. "Kumain kayo ng marami ha. Talagang pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako sa kwarto. Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?"Napansin ni Aling Li ang sobrang pagod sa kanyang mukha at agad na tumango.Kinabukasan, nakahanda na ang almusal ni Aling Alicia, ngunit hindi pa rin bumababa si Rhian. Sa halip, ang dalawang bata ang bumaba. Pareho na silang nakagayak."Kumain na muna kayo, aakyat ako para tingnan ang mommy ninyo," sabi ni Aling Alicia. Bagama't baguhan pa lamang siy
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan si
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior..
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila upa
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...