LIKE
Pinakiusapan ni Rhian ang dalawang bata na alagaan si Rain habang naghahanda siya ng hapunan para sa kanila. Isinulat niya ang lahat ng tagubilin ni Zack kanina, at habang nagluluto, sinunod niya ang panlasa ni Rain. Pagkatapos maihanda ang pagkain, sinabi ni Rhian kina Rio at Zianna dalhin si Rain pababa. Hindi nagtagal, nakita sa hagdanan ang tatlong bata. Nakahawak sa kaliwa’t kanan ang dalawang batang lalaki sa kamay ng maliit na batang babae, dahan-dahang bumababa ng hagdan na parang prinsesa at prinsipe sa isang kwento. Nang makita ito, may humaplos na init sa kanyang puso, nag-init din ang sulok ng kanyang mata, nang maalala ang kasalukuyang kalagayan ni Rain, parang dinudurog ang puso niya.Sa hapag-kainan, mas nagpakita ng pag-unawa sina Rio at Zian iniupo nila si Rain sa tabi ng kanilang ina, habang sila ay umupo sa kabilang panig sa gilid. Hinaplos ni Rhian ang ulo ng dalawang anak, natutuwa siya dahil talagang tunay na iniisip nila si Rain at nag-aalala sila dito. M
Pagkarinig nito, bahagyang bumigat ang pakiramdam ni Rhian at agad niyang idinepensa ang sarili, "Gusto ko lang linawin, hindi ako ang may kagagawan nito! Palagi kong iniisip na inosente ang bata, at gustong-gusto nina Rio at Zian si Rain, kaya hindi ko magagawa ang ganito sa kanya." Pagkatapos ng lahat, hindi pa rin maayos ang relasyon nila ni Zack, at ngayong natagpuan si Rain na may ganitong sugat habang nasa kanyang pangangalaga, talagang nakakaduda siya. Bukod dito, may oras din sila ni Rain na magkasama nang walang ibang tao. Kung maghinala si Zack, wala siyang konkretong paliwanag. Sandaling nakaramdam ng kaba si Rhian. May iniisip si Zack ngunit nang marinig ang sinabi niya, tumitig ito nang mabuti kay Rhian, "Hindi kita pinagbibintangan, at may ideya na ako kung sino ang may kagagawan." Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Rhian ngunit nanatili ang pag-aalala para kay Rain, "Sino ang gumawa nito?" Unti-unting bumigat ang aura ni Zack. Kagabi, biglaang kinuha ng k
Kahit umiiyak na si Marga, nanatiling walang pakialam ang lalaking nasa harapan niya. Ang malaking kamay na nakahawak sa kanyang leeg ay hindi nagluwag kahit kaunti. Lalo itong humigpit, tila balak siyang ubusan ng hangin!Halos maubos na ni Marga ang lahat ng lakas niya para makahinga nang bahagya, ngunit matigas pa rin ang kanyang pagtanggi. Alam niyang si Zack ay puro hinala lamang sa ngayon, ngunit ganoon na lang ang kalupitan nito sa kanya. Kapag inamin niya ito, hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya ng lalaking ito! Sumunod kay Zack si Manny, at nang makita niyang namumula na ang mukha ni Marga at hirap na itong huminga, agad siyang lumapit para pigilan ang amo niya. "Master, pakawalan mo na siya, baka mamatay siya dito!" Ngunit hindi pa rin bumitaw si Zack. Naramdaman ni Marga na kaya siyang patayin ng lalaking ito sa harapan niya nang walang alinlangan. Sa huli, kinailangan ni Manny na maglakas-loob at dahan-dahang alisin ang kamay ng amo niya mula sa leeg ni Ma
Pumayag si Rhian at inihatid si Zack sa itaas. Naka-on lamang ang isang night light sa kwarto. Tulog na si Rain. Dahil ayaw siyang gisingin ni Rhian, kumilos siya nang maingat. Nakatayo si Zack sa gilidng pintuan, nakasuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa, at dahan-dahang iginala ang tingin mula kay Rain papunta sa ayos ng silid. Malinis at maayos ang kwarto ni Rhian. May mga maliliit na stuffed toys na tila galing kina Rio at Zian kaya’t ang buong silid ay nagmistulang mainit at parang tahanan. Matapos magmasid, unti-unting nawala ang matagal nang galit na nararamdaman ni Zack. Ang natira na lamang ay isang pakiramdam ng init sa kanyang puso. "Tapos na," maingat na sinabi ni Rhian matapos lagyan ng gamot si Rain. Matapos niyang tiyakin na hindi nagising ang bata, tumayo siya nang may kumpiyansa. Paglingon niya, nagtama ang kanilang mata ng lalaki.Nagulat silang dalawa sa kanilang pagtagpo ng tingin. Bahagyang nag-ayos si Zack ng sarili at tumango nang bahagya, "Salamat."
Pagdating nila sa kindergarten, sabay na nakita ng guro ang limang tao. Masaya ito ngunit medyo nahihiya. "Ang ina nina Rio..." Bagaman mungkahi ni Marga na palayasin ang dalawang bata, nahihiya pa rin ang guro at nais sanang humingi ng tawad. Ngunit pinutol siya ni Rhian na nakangiti, "Pasensya na ulit sa abala nina Rio at Zian" Mabilis na tumango ang guro, "Akin po ang responsibilidad. Napakabait ng dalawang bata kaya wala akong kailangang ipag-alala." Tumango si Rhian. "Isa pa, nitong mga nakaraang araw, medyo hindi mapakali si Rain at hindi masyadong nakikisalamuha. Sana’y matutukan n’yo siya ng kaunti." Hindi niya direktang binanggit ang tungkol sa autism ni Rain. Sa totoo lang, hindi tiyak kung naririnig ito ng bata. Kung marinig niya, baka masaktan siya. Mabilis ding tumango ang guro bilang pagsang-ayon. Hawak nina Rio at Zian Rain sa magkabilang gilid, at nangako sila sa kanilang mommy, "Aalagaan namin si Rain at hinding-hindi namin hahayaang apihin siya ng iba
Naramdaman din ni Rhian ang ganitong pakiramdam kaninang umaga. Nang maisip na baka nga maaring tama sila, lumambot ang puso niya. Nakikilala sila ni Rain. Ito marahil ang dahilan kaya nagre-react ito sa maliit ba paraan. Nang marinig ito, lumambot ang kanyang puso at sinuklian ng ngiti ang sinabi ng anak. "Maaaring ganoon nga. Kaya siya tumahan ay dahil nakikala niya kayo. Kaya naman dahil sa inyo, mas kampante si Mommy na alagaan si Rain." Tinapik ni Zian ang kanyang dibdib at nangako sa kanyang mommy, "Huwag kang mag-alala, Mommy. Kami ni Rio ang mag-aalaga kay Rain! Hindi namin siya papabayaan!” Hindi napigilan ni Rhian na matawa. Narinig ni Zack ang pangako ng bata at ang mahinang pagtawa ni Rhian. Tumingin siya sa rearview mirror at, nang makita ang kanilang masayang tagpo, nagkaroon ng bahagyang init sa kanyang pakiramdam. Ayaw man niya aminin, ngunit napakagaling magturo ng babaeng ito. Kumpara sa mga batang kaedad nila, ang dalawa’y parang maliliit na adulto kung kum
Nang makita si Rain na umiiyak, natigilan sina Rio at Zian hindi alam kung paano siya aaluin. Sa kanilang pananaw, tila umiiyak ang maliit na kapatid dahil nasugatan ang kanilang mommy, na maaaring ituring na reaksyon niya sa mundo. Para sa kanila, isa itong magandang balita. Subalit, nang makita ang mukha ni Rain na basang-basa sa luha, nakaramdam sila ng pagkaawa. Tumingin sila sa kanilang mommy para humingi ng tulong, ngunit nakita nila itong bahagyang nakakunot ang noo habang tinitiis ang sakit at hinuhugasan ang sugat. Nang makita ito, kumalma sina Rio at Zian naglalakbay ang kanilang tingin mula sa kanilang mommy patungo sa maliit na kapatid. Pagkaraan ng ilang sandali, nang matiyak ni Zack na tapos na, marahan niyang hinila ang braso ni Rhian at inalis ang kamay nito mula sa tubig. Tumingin si Rhian sa kanyang sugat. Bagama’t namumula pa rin, hindi na ganoon kalakas ang sakit. "Masakit pa ba?" Tanong ni Zack nang may pag-aalala habang nakatingin sa kanyang mga mat
Dinala ni Rhian ang maliit na bata upang umupo sa sofa sa sala. Agad na dinala ng dalawang bata ang kahon ng gamot para sa Mommy nila at naupo sa tabi. Kinuha ni Rhian ang kahon ng gamot, nagpasalamat sa dalawang bata, at kumuha ng gamot upang ipahid ito sa kanyang sugat. Tatlong maliliit na bata ang nakatingin kay Rhian nang sabay-sabay habang ipinapahid niya ang gamot sa kanyang sarili. Dahil sa pagkasugat ng kanyang kanang kamay, naging mahirap para sa kanya na gumalaw gamit ang kaliwa. "Mommy, hayaan mong tulungan kita!" Inabot ang kamay ni Rio na may malasakit, nais siyang tulungan. Talaga ngang nahirapan si Rhian, kaya't tumango siya at ibibigay sana ang gamot kay Rio, ngunit biglang umabot ang isang malaking kamay at kinuha ang gamot. Napatingin silang mag-ina sa malaking kamay na kumuha ng gamot. Si Zack. Katulad ng palaging makikita sa kanyang mukha, gwapo ngunit seryoso ang hilatsa nito. Hindi maunawan ang tunay na emosyon. Ngunit pakiwari ni Rio ay nag-aalala an
Nagdadalawang-isip si Rhian.Ayaw niyang magkaroon ng masyadong maraming ugnayan kay Zack, ngunit kailangan niyang aminin na ito ang pinakamainam na solusyon sa ngayon. Matapos ang ilang sandali, tumango si Rhian at sumang-ayon, "Sige... p-pasensya na sa abala---"Wag mong isipin yan sa ngayon. Ang mahalaga ay madala ka sa ospital at gumaling." Putol ni Zack sa kanya.Tumango si Rhian. Bumaling siya sa dalawang anak. "Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?""Opo, mommy!"Nakangiting sumabat ang matanda. "Hindi naman pasaway ang mga anak mo, ma'am. Madali silang alagaan kumpara sa iba." Puri nito sa dalawa."M-mabuti naman----" Hindi inaasahan, pagkakatayo ni Rhian ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at malapit siya sa kama. Pagkatapos ng dalawang hakbang na pakiramdam niya’y matutumba siya, napilitang sumandal siya sa kama para hindi bumagsak."Aalalayan kita pababa," alok ni Aling Alicia at mabilis na lumapit upang tumulong.Nagdidilim ang paningin ni Rhian
Nakatayo si Zack sa gilid.Dahil hindi niya nakita si Rhian, ayaw sumama ni Rain pauwi, kaya naghintay siya roon kasama ang bata.Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang narinig niya.Hinila ni Rain ang manggas niya na parang nag-aalala, "Tita..."Naramdaman ni Zack ang nais nitong sabihin at idinugtong nang may mabigat na tinig, "Anong nangyari kay Rhian?"Hindi alam ni Aling Alicia ang alitan sa pagitan nila, dahil walang masama sa tanong, agad niyang sinagot, "Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ma'am Rhian nang dumating siya kagabi. Akala ko pagod lang siya, pero hindi pala. Kinagabihan ay nagkalagnat na siya at nanghihina. Kaya kailangan kong bumalik at alagaan siya agad."Pagkatapos nito, inihanda niya ang dalawang bata para umalis.Nakalimutan pa ng magkapatid na magpaalam kay Rain dahil nagmamadali silang umalis. Sobra silang nag-aalala sa kanilang mommy.Namula ang mga mata ni Rain dahil sa pag-aalala ng malaman ang kalagayan ni Rhian, mahina siyang napaung0t, "Tita..
Pagkauwi sa bahay nila Rhian, nakahanda na ang hapunan sa mesa na hinanda ni Aling Alicia.Pagpasok nila, sinalubong sila nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Ma'am Rhian, bakit kayo nahuli ngayon?"Pinilit ni Rhian na ngumiti. "Wala, natapos lang nang late ang trabaho ko. Pakibantayan na lang ang mga bata, medyo pagod ako. Aakyat muna ako at magpapahinga." "Sige po, mommy!" Sabay na tugon ng kambal. Tumango si Aling Alicia sa amo. Kapansin-pansin nga ang pagod nito. Bumaling siya sa mga anak. "Kumain kayo ng marami ha. Talagang pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako sa kwarto. Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?"Napansin ni Aling Li ang sobrang pagod sa kanyang mukha at agad na tumango.Kinabukasan, nakahanda na ang almusal ni Aling Alicia, ngunit hindi pa rin bumababa si Rhian. Sa halip, ang dalawang bata ang bumaba. Pareho na silang nakagayak."Kumain na muna kayo, aakyat ako para tingnan ang mommy ninyo," sabi ni Aling Alicia. Bagama't baguhan pa lamang siy
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan si
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior..
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila upa
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...
Kanina pa lang naririnig ni Zack ang balita mula sa loob at alam niyang narinig ni Rhian ang balitang iyon tungkol sa kanya. Habang tinitingnan ang ekspresyon nito, hindi siya nakakita ng anumang pagbabago.Mukhang hindi ito naapektuhan.Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya nang mabigat ang tinig, "Dumating ako upang makita si Rain. Kumusta siya?"Tumabi si Rhian upang bigyan siya ng daan, "Nasa itaas siya. Tamang-tama, may gusto akong sabihin sa iyo tungkol kay Rain."Pumasok ang dalawa sa sala nang sunud-sunod. Pinaupo ni Rhian si Zack sa sofa at siya naman ay naupo sa isang upuang malayo upang maiwasan ang anumang tsismis.Agad namang nagdala ng umuusok ng tasa ng kape si Aling Alicia para sa dalawa. Nang makita niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito, agad siyang umakyat."Ano iyon?" untag ni Zack. Naka-antabay siya sa reaksyon ni Rhian... sa hindi malaman na dahilan, ang ekspresyon nito ngayon ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Malumanay na sinabi ni Rhian: "Pumayag akon