LIKE
Pumayag si Rhian at inihatid si Zack sa itaas. Naka-on lamang ang isang night light sa kwarto. Tulog na si Rain. Dahil ayaw siyang gisingin ni Rhian, kumilos siya nang maingat. Nakatayo si Zack sa gilidng pintuan, nakasuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa, at dahan-dahang iginala ang tingin mula kay Rain papunta sa ayos ng silid. Malinis at maayos ang kwarto ni Rhian. May mga maliliit na stuffed toys na tila galing kina Rio at Zian kaya’t ang buong silid ay nagmistulang mainit at parang tahanan. Matapos magmasid, unti-unting nawala ang matagal nang galit na nararamdaman ni Zack. Ang natira na lamang ay isang pakiramdam ng init sa kanyang puso. "Tapos na," maingat na sinabi ni Rhian matapos lagyan ng gamot si Rain. Matapos niyang tiyakin na hindi nagising ang bata, tumayo siya nang may kumpiyansa. Paglingon niya, nagtama ang kanilang mata ng lalaki.Nagulat silang dalawa sa kanilang pagtagpo ng tingin. Bahagyang nag-ayos si Zack ng sarili at tumango nang bahagya, "Salamat."
Pagdating nila sa kindergarten, sabay na nakita ng guro ang limang tao. Masaya ito ngunit medyo nahihiya. "Ang ina nina Rio..." Bagaman mungkahi ni Marga na palayasin ang dalawang bata, nahihiya pa rin ang guro at nais sanang humingi ng tawad. Ngunit pinutol siya ni Rhian na nakangiti, "Pasensya na ulit sa abala nina Rio at Zian" Mabilis na tumango ang guro, "Akin po ang responsibilidad. Napakabait ng dalawang bata kaya wala akong kailangang ipag-alala." Tumango si Rhian. "Isa pa, nitong mga nakaraang araw, medyo hindi mapakali si Rain at hindi masyadong nakikisalamuha. Sana’y matutukan n’yo siya ng kaunti." Hindi niya direktang binanggit ang tungkol sa autism ni Rain. Sa totoo lang, hindi tiyak kung naririnig ito ng bata. Kung marinig niya, baka masaktan siya. Mabilis ding tumango ang guro bilang pagsang-ayon. Hawak nina Rio at Zian Rain sa magkabilang gilid, at nangako sila sa kanilang mommy, "Aalagaan namin si Rain at hinding-hindi namin hahayaang apihin siya ng iba
Naramdaman din ni Rhian ang ganitong pakiramdam kaninang umaga. Nang maisip na baka nga maaring tama sila, lumambot ang puso niya. Nakikilala sila ni Rain. Ito marahil ang dahilan kaya nagre-react ito sa maliit ba paraan. Nang marinig ito, lumambot ang kanyang puso at sinuklian ng ngiti ang sinabi ng anak. "Maaaring ganoon nga. Kaya siya tumahan ay dahil nakikala niya kayo. Kaya naman dahil sa inyo, mas kampante si Mommy na alagaan si Rain." Tinapik ni Zian ang kanyang dibdib at nangako sa kanyang mommy, "Huwag kang mag-alala, Mommy. Kami ni Rio ang mag-aalaga kay Rain! Hindi namin siya papabayaan!” Hindi napigilan ni Rhian na matawa. Narinig ni Zack ang pangako ng bata at ang mahinang pagtawa ni Rhian. Tumingin siya sa rearview mirror at, nang makita ang kanilang masayang tagpo, nagkaroon ng bahagyang init sa kanyang pakiramdam. Ayaw man niya aminin, ngunit napakagaling magturo ng babaeng ito. Kumpara sa mga batang kaedad nila, ang dalawa’y parang maliliit na adulto kung kum
Nang makita si Rain na umiiyak, natigilan sina Rio at Zian hindi alam kung paano siya aaluin. Sa kanilang pananaw, tila umiiyak ang maliit na kapatid dahil nasugatan ang kanilang mommy, na maaaring ituring na reaksyon niya sa mundo. Para sa kanila, isa itong magandang balita. Subalit, nang makita ang mukha ni Rain na basang-basa sa luha, nakaramdam sila ng pagkaawa. Tumingin sila sa kanilang mommy para humingi ng tulong, ngunit nakita nila itong bahagyang nakakunot ang noo habang tinitiis ang sakit at hinuhugasan ang sugat. Nang makita ito, kumalma sina Rio at Zian naglalakbay ang kanilang tingin mula sa kanilang mommy patungo sa maliit na kapatid. Pagkaraan ng ilang sandali, nang matiyak ni Zack na tapos na, marahan niyang hinila ang braso ni Rhian at inalis ang kamay nito mula sa tubig. Tumingin si Rhian sa kanyang sugat. Bagama’t namumula pa rin, hindi na ganoon kalakas ang sakit. "Masakit pa ba?" Tanong ni Zack nang may pag-aalala habang nakatingin sa kanyang mga mat
Dinala ni Rhian ang maliit na bata upang umupo sa sofa sa sala. Agad na dinala ng dalawang bata ang kahon ng gamot para sa Mommy nila at naupo sa tabi. Kinuha ni Rhian ang kahon ng gamot, nagpasalamat sa dalawang bata, at kumuha ng gamot upang ipahid ito sa kanyang sugat. Tatlong maliliit na bata ang nakatingin kay Rhian nang sabay-sabay habang ipinapahid niya ang gamot sa kanyang sarili. Dahil sa pagkasugat ng kanyang kanang kamay, naging mahirap para sa kanya na gumalaw gamit ang kaliwa. "Mommy, hayaan mong tulungan kita!" Inabot ang kamay ni Rio na may malasakit, nais siyang tulungan. Talaga ngang nahirapan si Rhian, kaya't tumango siya at ibibigay sana ang gamot kay Rio, ngunit biglang umabot ang isang malaking kamay at kinuha ang gamot. Napatingin silang mag-ina sa malaking kamay na kumuha ng gamot. Si Zack. Katulad ng palaging makikita sa kanyang mukha, gwapo ngunit seryoso ang hilatsa nito. Hindi maunawan ang tunay na emosyon. Ngunit pakiwari ni Rio ay nag-aalala an
Matapos makuha ang tugon mula sa maliit na bata, ang puso ni Rhian ay napuno ng init, namumula man ang kanyang mga mata, ngunit ang kanyang mukha ay puno ng ngiti. Masaya siya na bumalik na ito sa dati.Hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Zack ang pamumula ng dalawang anak ni Rhian. Katulad ng kanilang ina, bakas din ang kasiyahan sa kanilang mukha. Pagakalipas ng ilang sandali na katahimikan, ay saka lamang siya nagsalita. "Mabuti pa ay kumain na kayo."Binitiwan ni Rhian ang maliit na bata sa kanyang mga braso, pigil pa rin niya ang kanyang emosyon, ngunit naroon parin ang ngiti sa labi "Mabuti pa nga, kumain muna tayo." Pagkasabi niyan, naalala niya ang kalat sa pintuan ng kusina at tumayo upang linisin ito. Nakita ni Zack ang kanyang balak at pinigilan siya, "Tatawagin ko si Aunt Gina. Mananatili siya dito upang tulungan ka sa mga susunod na araw. Maupo ka muna at kumain." Tumigil si Rhian at lumingon upang magpasalamat sa lalaki, "Salamat." Dahil kay Rain, hindi siya masy
Kinagabihan, inutusan ni Rhian sina Rio at Zian na magpahinga, at pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto upang alagaan si Rain. Alam ni Aunt Gina na gumaling na ang Young lady, at nais nitong manatili kay Rain sa lahat ng oras. Kaya naman, hinayaan niya ang Young lady sa kanyang gusto. Alamniya kung gaano kagusto at kalapit ang bata sa Madam, kaya wala siyang balak na sumingit sa oras ng dalawa.Habang pinapaliguran si Rain, sabay nila itong binanlawan. Nang makita ang mga pasa sa pwet ni Rain, labis na nalungkot si Aunt Gina at hindi napigilang magreklamo na nakasimangot ang mukha, "Sino kaya ang may ganitong kalupitan? Mahina ang katawan ng Young lady, kaya naman hindi kayang magbitiw ng masakit na salita ng young master sa kanya... o maski ang saktan siya. Napakasama at malupit ng taong gumawa nito sa bata!" Pumikit si Rain ng dalawang beses nang marinig ang mga salitang iyon, at pagkatapos naalala ang babala ni Marga, kaya't mahigpit niyang isinara ang bibig. Biglang naala
Sa parehong oras, sa mansyon ng pamilya Saavedra, Nagpapahinga na sana sina Dawn at Wilbert nang marinig nila ang katok sa kanilang silid."Madam, may bisita po kayo sa ibaba." Imporma ng kanilang kasambahay.Kumunot ang noo ng mag-asawa. Wala silang inaasahan na bisita. Kaya sino sila?Pagkababa ng hagdan, sila'y dumiretso sa sala. Doon ay naabutan nila ang mag-asawang sina Armando at Belinda, mukhang nagsisisi ang kanilang mukha, sa likuran ng mag-asawa, nakatayo ang kanilang anak na si Marga, na ngayon ay namumula ang mga mata."Kumuha kayo ng maiinom at magdala dito!" Utos ni Dawn sa kanilang kasambahay. Bumaling siya sa mga ito. "Ano'ng nangyari?" Tanong ni Dawn nang makita ang ekspresyon ng tatlo. Tinutok ni Belinda ang tingin kay Marga. Si Marga, na may mga mata na pula at puno ng pagsisisi, ay nagsalita, "Tita, narito ako upang humingi ng tawad." Dahil dito, lalong naguluhan si Dawn. Umupo siya sa sofa kasama ang tatlo, "Ano'ng nangyari? Bakit ka humihingi ng tawad?"
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag