Share

CHAPTER ONE

last update Last Updated: 2023-11-13 00:44:31

"Cherry, is everything okay?" tanong sa akin ni Mommy nang mapansin niya ang pananahimik ko.

Sa katunayan kinakabahan ako na may halong pananabik dahil matapos ng ilan taon makikita ko na ulit siya, si Lennox Villiariano. Ang binatang kinasasabikan kong makita.

"Ayos lang po, medyo naninibago lang ako ulit na makita ang kinalakihan kong lugar," sagot ko na may katotohanan din naman.

Papunta kami ngayon sa mansion ng pamilya Villariano lulan kami ng aming sasakyan dahil inanyayahan nila kaming bumisita sa kanila.

Kauuwi lang namin dito sa Pinas noong nakaraang linggo lang galing Switzerland. Doon ako nag-aral ng kolehiyo kaya ilan taon akong nanirahan doon, kami ng buo kong pamilya.

"Kung sa bagay, may limang taon din tayong hindi nakauwi, siguradong miss na miss mo na si Lennox, ano?" saad ni Mommy na may halong panunukso.

Ramdam ko ang panginginit ng pisngi ko.

"M-Mommy! Hindi po!" tanggi ko.

Tumawa siya ganoon din si Daddy na siyang nangmamaneho ng aming sasakyan.

"H'wag mo nang tuksuhin ang anak mo, Lina. Baka mamaya hindi pa iyan pumasok sa loob ng mansion ng mga Villariano dahil sa hiyang makita si Lennox," sabat ni Daddy na mukang hindi naman niya sinasaway si Mommy sa halip ginagatungan pa nga.

"Mom, Dad. Please, stop teasing me. Do you know how old I am now? I'm freaking twenty! Hindi na ako bata na p'wede niyo asar-asarin, nakakahiyang marinig iyang mga panunukso niyo sa akin kay Lennox, bata pa po ako noon and that was just a puppy love," depensa ko sa sarili.

Sila lang ang nakakaalam ng lihim kong pagtingin kay Lennox na ilang taon ang tanda sa akin at sino bang niloko kong puppy love lamang iyon? Hanggang ngayon ay si Lennox pa rin ang nilalaman nitong puso ko, mas lumalim pa sa paglipas ng mga taon.

Hindi na sila nagsalita at tanging mga mata na lang nila ang nangungusap nang makahulugan silang magkatinginan.

Hindi ko na lamang sila pinansin at tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Ano na kayang itsura niya? Ganoon pa rin kaya? Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng tungkol sa kanya dahil sabik na sabik na akong makita siya.

Mabilis na lumipas ang oras, tumigil na kami sa isang malaking mansion ng mga Villariano at mas lalo lang tumindi ang nararamdaman kong pagpintig ng puso ko.

I am now going to see him again, after all these years. Sana wala pa siyang girlfriend.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng kanilang butler at mga maids. Ibinigay ni Daddy ang susi sa butler at ang mga maids naman ay iginaya kami papasok sa loob ng magarang mansion.

Dati na akong nakakapunta rito bago pa kami tumungo pa-ibang bansa noon dahil kaibigan ng pamilya Villariano ang aming pamilya kaya kahit na anong oras ay welcome kami rito sa kanilang tahanan.

"Lina! Augustus!" Tawag sa mga magulang ko ng pamilyar na boses ng babaeng alam ko na agad kung kanino.

She's Tita Solen, Lennox and Lennon's mother.

Naalala ko bigla si Lennon, kamusta na rin kaya ito? Sana ay naririto rin siya, gusto ko rin siyang makita. He is my dear friend, and really a close one.

"Solen!" Sabay na tawag ng mga magulang ko sa ginang na papalapit pa lamang sa amin upang salubungin kami.

Nagyakapan sila at nag-beso sa isa't isa, tahimik ko lang silang pinapanuod hanggang sa dumako ang tingin sa akin ni Tita Solen at nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ito na ba si Cherry??" Manghang tanong niya sa mga magulang ko kaya naghagikhikan ang mga ito.

"Oo, siya na iyan ang nag-iisang anak naming dalaga," proud na sagot ni Mommy sa ginang.

Napasinghap ako nang yakapin ako ni Tita Solen, her hug is warm and very welcoming. She also kissed my cheeks.

Nginitian ko siya nang humiwalay siya sa akin. Hawak niya ang magkabila kong braso habang pinagmamasdan at sinusuri niya ako mabuti.

"Ang ganda-ganda mo, hija! Hindi ko akalain may mas igaganda ka pa pala makalipas ang limang taon! You are glowing and absolutely beautiful young lady!" Puri niya sa akin kaya nakaramdaman ako bigla ng hiya.

Napahawak ako sa aking leeg sabay yumuko. Maraming nagsasabing magaganda tungkol sa akin tuwing nakikita ako ngunit hindi ako masanay-sanay, nahihiya pa rin ako.

Magsasalita na sana ako nang may malagong na boses ang namutawi papalapit sa amin.

"Oh! Nandito na pala ang ating mga bisita!" Boses iyon ng lalaking alam ko na rin agad kung kanino.

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at tama ako. He is Tito Enriz, Lennox and Lennon's father, Tita Solen's husband.

Nakangiti at nagagalak itong lumapit sa amin pababa siya ng hagdanan. Open arms niyang sinalubong ang mga magulang ko.

"Enriz!" si Mommy.

"Kumpadre!" si Daddy.

Malawak din ang ngiti sa kanilang mga mukha, nagyakapan sila at masayang mga nagbatian, dumako naman ang tingin ni Tito Enriz sa gawi ko at kagaya ng reaksyon ng asawa niya ay gulat din siyang makita ako.

Ganito pala ang pakiramdam ng matagal nawala at bumalik na galing sa ibang bansa, maninibago sila sa iyo dahil sa tagal ka nilang hindi nakita.

"Cherry? Ikaw na ba iyan, hija?" manghang tanong din niya sa akin kaya napatango na lang ako at ngumiti.

"Opo," tanging iyon lang ang naisagot ko dahil nahihiya pa rin ako.

Niyakap din niya ako, his hugs are warm and welcoming too kagaya ng pagtanggap sa amin ng kanyang may bahay.

"You've grown up beautifully!" puri niya rin sa akin at tumingin siya kay Tita Solen. "Solen, honey. Ito na ba iyung batang palaging napapasyal dito sa atin noon? Look at her, parang hindi!" tuwang-tuwa na dagdag ni Tito Enriz.

Napaisip tuloy ako, pangit ba ako noon at ganito na lang sila kung magulat nang makita ako ulit?

"Kanino pa ba magmamana? Sa ina siyempre!" Si Mommy na tila proud na may anak talaga siyang maganda na nagmana sa kanya.

Natawa ako, ganoon din sila.

"Maiba tayo, nasaan naman sina Lennox at Lennon? Iyung dalawang binata niyo nasaan na ba?" Hanap naman ni Daddy sa mga anak nila.

Akmang magsasalita na sana si Tita Solen nang may tawanan kaming narinig papalapit kaya napalingon kami sa may hagdanan kung saan ngayon ay pababa na ang dalawang makikisig na mga binata.

Halos mahigit ko ang paghinga ko nang magtama ang mga mata namin ni Lennox.

Ang kaninang masaya niyang mukha na may panaka-nakang pagtawa ay napalitan na ng pagiging seryoso. Habang si Lennon naman ay mas lumawak ang ngisi nang makita ako.

Unang binati ni Lennox ang mga magulang ko nang tuluyan na silang makalapit at si Lennon naman ako kaagad ang una niyang nilapatan at hinigit para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

Nagkamustahan ang mga magulang ko at si Lennox, napansin kong ang laki ng pinagbago niya, he bacame more darkly handsome who's ruling everything around him. He looks now more intimidating compared to before.

I appreciate Lennon for being welcoming, pero si Lennox ay nanatiling malamig ang tingin sa akin ngunit nang lumapit siya sa akin nagawa niya naman akong yakapin hindi nga lang kasing init ng pagtanggap sa akin ng kapatid at mga magulang niya.

Kagaya pa rin pala siya ng dati noong umalis ako at ngayon nagbalik ako ay mas naging malamig pa ata siya kumpara noon.

"Such a beauty! You've grown up!" Nagagalak na saad sa akin ni Lennon at nagawa niya pa akong iikot na parang manika.

"Stop! Nahihilo ako!" saway ko sa kanya.

Everyone chuckled, except for Lennox.

"Let's continue our talks in the dinning, the lunch is ready," anyaya na sa amin ni Tita Solen.

Si Lennon ay hindi na ako nilubayan, kahit sa hapag ay naupo siya sa silyang katabi ko.

Sa lahat ata ng narito, si Lennon lang ata ang hindi nagbago, he still clingy and talkative like before which I adore about him. He's really a good friend of mine.

Si Lennox naman ay naupo sa mismong katapat ko, his eyes are piercing and intently and it's kinda dominating. Hindi ko matagalan ang mga mata niya nang saglit na napatitig sa akin at halos sabay lang kaming nag-iwas ng tingin nang kausapin siya ni Daddy.

"So Lennox, balita namin nagtayo ka raw ng sarili mong kumpanya under your name? Is that true?" tanong ni Daddy.

Tumango si Lennox bilang kumpirmasyon.

"Yes, Tito Augustus. Gusto kong bumukod ng sarili kong kumpanya gayong si Lennon na ang magmamana ng kumpanya ng pamilya," sagot niya.

Nanatili akong nakikinig sa kanila, basta talaga tungkol sa kanya ay interesado ako makinig.

"Wala pa naman kumpirmasyon na sa akin nga ipapamana ang company, Kuya," sabat naman ni Lennon.

"Hindi ko ugaling makipag-kumpetensya sa kapatid ko pagdating sa mana, negosyo, o sa kahit na ano pa mang mga bagay," katwiran ni Lennox.

"Kayo talagang dalawa, pareho kayong may karapatan sa company. Okay? P'wede niyong pamahalaan pareho, walang kaso roon," saad naman ni Tita Solen.

"Pero Kuya, sa negosyo lang ba? Paano kapag tungkol sa babaeng gusto ko ngunit gusto mo rin, magpapaubaya ka pa rin?" makahulugang tanong ni Lennon sa Kuya Lennox niya.

Hindi ko alam kung bakit napunta sa ganitong usapan ang kaninang tungkol lang naman sa negosyo. Nanaig ang katahimikan sa naging tanong ni Lennon.

"Depende," tipid na sagot ni Lennox habang naghihiwa ng rib steak sa kanyang plato at hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin niisa sa amin.

"Wala naman sigurong masama sa tanong ko kasi lahat kaya ipaubaya ni Kuya para sa akin kaya na-curious ako kung ganoon din ba siya pagdating sa babaeng pareho naming gusto," saad pa ni Lennon na tila may ibig ipabatid.

Nanatiling seryoso si Lennox at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Ngumisi naman si Lennon kasabay ng pagsulyap niya sa akin at nakita ko kung paano pinanlakihan ng mata ni Tito Enriz ang anak nang magtama ang tingin nila na tila ba binabalaan itong h'wag na ulit babanggit ng ganoon sa harap ng hapag.

Related chapters

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER TWO

    Napaisip tuloy ako kung sino ang babaeng tinutukoy ni Lennon na pareho nilang nagugustuhan ni Lennox?Ang swerte ng babaeng iyon... gusto siya ni Lennox, samantalang ako kahit anong gawin kong papansinin simula pa noon parang wala man lang epekto.Ang tagal ko na nililihim ang nararamdaman ko para sa kanya at ang tagal na panahon ko na rin itong kinikimkim ngunit wala akong lakas ng loob sabihin.Natatakot ako, natatakot akong hindi niya tanggapin ang pag-ibig ko para sa kanya.Alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman, wala lang ako para sa kanya. Hindi niya magugustuhan ang kagaya kong sa tingin niya ay mas bata sa kanya.Sa paraan ng kung paano niya ako tingnan doon pa lang itinataboy niya na ako, alam ko na ayaw niya sa presensya ko simula pa man noon kahit magpasa-hanggang ngayon.Pero siya, gustong-gusto ko, gustong-gusto ko ang lahat ng mga tungkol sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, nabubuhayan ako. Nagkakaroong kulay ang mundo ko. I love him but I'm not hop

    Last Updated : 2023-11-14
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER THREE

    "Please, Lennon. Wala akong panahon sa mga kalokohang ganiyan..." pagtanggi ko sa alok niya."Kung para sa 'yo kalokohan ito, pero sa akin hindi. I want to court you, seriously," saad niya na may giit sa boses.Matagal nanatili ang tingin ko sa kanya, hinahanapan ko siya ng anumang bakas ng pagbibiro ngunit wala akong makita. Is he really serious? Gusto niya ako ligawan?"You know I can't, Lennon. Your brother is all I want," saad ko upang patigilin siya sa kanyang iniisip gawin."Pero iyung gusto mo, ayaw naman sa 'yo. Kaya bakit ka mangangarap ng isang taong hindi kailan man mapapa-sa iyo?" Para bang ginigising niya ako sa kahibangan kong ito at nagsilbing sampal ng katotohanan para sa akin.Bakit ang hilig nitong ipamukha sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kapatid niya?"Kung hahayaan kitang ligawan ako, ano nang mangyayari pagkatapos? Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung papayag ako paligaw sa iyo," saad ko sa kanya upang ipaintindi na ayaw ko ng ideya niya.He wants me to

    Last Updated : 2023-11-14
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FOUR

    "Oh? Are you two done talking? Take your time mga anak, mamaya pa naman tayo uuwi," saad sa amin ni Mommy nang makapasok na kami sa loob.Nasa salas sila nang pumasok kami ni Lennon kasama na si Lennox na sinundo lang kami sa labas ng garden."Pinapasok ko na sila Tita, hindi tamang ako lang naririto habang may sarili silang mundo sa labas, they should join with the conversation here," saad ni Lennox na ikinalunok ko.Pakiramdam ko nagtataksil ako sa kanya kahit wala namang kami. Tama nga ang nasa isip ko, naumay na siya kaka-entertain sa mga parents ko habang kami nasa labas lang."Napasarap lang kami ng kwentuhan ni Cherry, Tita Lina. We have a very long catch up na kulang ang isang araw para pagusapan," saad naman ni Lennon na hindi mawala-wala ang malawak na ngiti sa kanyang mukha."You look happy, Lennon. Is there something happened?" kuryosong tanong naman ni Tito Enriz habang mapanuri niyang pinagmasdan ang anak na tila bago sa kanya ang nakikita."Wala naman Dad... masaya lang

    Last Updated : 2023-11-15
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FIVE

    "I've never been in your mind... alam ko kailan man hindi ako makakapasok diyan sa isip mo at matagal ko na iyong alam," wala sa loob na saad ko sa kanya na alam kong nagbigay ng ibang kahulugan.Humugot siya ng malalim na buntong hininga at binasa niya ang sariling labi gamit ang dila kaya natuon ang atensyon ko roon. Agad din akong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanyang labing mamula-mula.Lihim akong napalunok. Nahuli niya akong nakatingin sa roon... pero iniisip ko kung ano kayang lasa ng mga labi niyang tingin ko ay ubod ng lambot? Gusto ko kurutin ang sarili dahil kung anu-ano na lamang ang napasok sa aking kukorte na kung malalaman niya lang ay kahiya-hiya talaga.Nawala na tuloy sa isip ko kung ano nga bang pinaguusapan naming dalawa. Ramdam ko naman ang paninitig sa akin ni Lennon sa kabilang banda ko. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang nagiging takbo ng usapan."You know what, young lady. You are always welcome in our home, hindi ka na rin iba s

    Last Updated : 2023-11-16
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SIX

    Hindi ko man rektang sinabing siya ang lalaking tinitukoy ko ngunit ang mahalaga nagpagkatotoo ako sa aking sarili, malinaw kong sinabi ang tunay na nilalaman ng puso ko, hindi nga lang kasama ang pangalan.Ayaw kong paniwalaan niya na gusto ko si Lennon kaya ako magpapaligaw, ngunit dahil gusto ako ng kapatid niya. Para sa akin, wala naman masama sa pagpapakatotoo sa tunay kong nadarama, mabuti nang malinaw iyon sa kanilang dalawa.Ayaw kong lokohin ang sarili ko at palabasin may nararamdaman ako kay Lennon kahit na wala naman talaga. Alam ko na may epekto sa kanya ang pag-amin ko sa harapan ng Kuya niya hindi ko man ito pinangalanan.I feel his heavy stare at me, habang si Lennox naman ay nanatiling nakatitig sa akin na para bang tinatantya ang buo kong saloobin.Alam ko rin naman na darating ang raw na kailangan ko magtapat at harapin ang sarili kong nararamdaman. Hindi naman habang buhay ay maitatago ko ito. Ngunit ngayon pa lang nagiging tapat na ako sa kanya, na siya lamang ang t

    Last Updated : 2023-11-16
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SEVEN

    Ang dami agad nangyari sa loob lang ng ilang oras na pagbisita namin sa mansion ng mga Villariano.Iniisip-isip ko pa rin ang pangyayaring nagdaan, bumalik ako para makita ko ulit si Lennox at magbaka-sakali sa pagkakataong ito, but instead of getting Lennox, I got Lennon.Nahagod ko na lang ang mahaba kong buhok na kulay dark copper. Bumaba na ako buhat ng sasakyan at diretso akong pumasok sa loob ng bahay kasunod si Mommy.Ngayon lang kami nakauwi, mag-alas siyete na rin dahil napasarap sila ng kwentuhan, si Lennox ay umalis kanina bandang pahapon na dahil may kikitain daw ito. Ang sabi ni Lennon, babae raw.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, wala naman ako karapatan magalit, o ano pa man ngunit mabigat sa dibdib. Hindi komportable sa pakiramdam.Bago ako humakbang ng isang baitang sa hagdanan, tumigil ako at sandali kong nilingon ang aking ina."Mommy, h'wag niyo na po akong ipatawag sa hapunan, gusto ko na lang magpahinga," saad ko sa kanya at hindi talaga maganda ang timpl

    Last Updated : 2023-11-17
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER EIGHT

    "Saan mo una gustong pumunta?" tanong ni Lennon na kasalukuyan nang nagmamaneho."Star City? EK? Sa SM? Kahit saan," sagot ko.Gusto ko rin maglibang, ilang years akong nawala rito sa Pinas kaya gusto ko puntahan ulit ang mga lugar na maraming mga tao.Ngumiti siya. "Alright, dadalhin kita kahit saan pa kalayo. I'm your personal driver for today," saad niya habang nakikita ko kung gaano kaaliwalas ang kanyang mukha.He seems in a good mood, pero kung sa bagay palagi naman siyang good mood, masiyahin siyang tao.I noticed that his smile is too bright. It really suits his bad boy look. Hindi ko namalayang napatagal pala ang paninitig ko sa kanyang mukha."Baka matunaw ako niyan," biro niya nang maramdaman ang paninitig ko kaya agad akong nag-iwas at umiba ng tingin.Nanginit bigla ang magkabilang pisngi ko. "Feelingerong lalaki," saad ko ngunit hindi maitatangging gwapo naman talaga ito.He chuckled. "Wala naman kaso sa akin kahit buong maghapon mo ako titigan, mas pabor pa sa akin iyon

    Last Updated : 2023-11-17
  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER NINE

    "Stop smirking," utos ko sa kanya."Why? What's wrong?" he asked in amusement at hindi pa rin inaalis ang kanyang ngisi sa mukha na para pang nananadya.Tumikhim ako. "It makes me uncomfortable," pag-amin ko at mabuti nang alam niya dahil hindi talaga ako komportable. Masiyado akong nagiging aligaga."I'm making you uncomfortable? I didn't do anything to you, young lady," saad niya sabay halukipkip sa harapan ko.Akala mo lang wala kang ginagawa sa akin pero meron, meron! Sobra ako naaapektuhan kahit simpleng pagkurap ng mga mata mo ay siyang laki ng epekto sa akin."And you should stop calling me young lady, I'm not a kid anymore," saad ko sa kanya na may halo nang iritasyon sa boses.Pakiramdam ko kasi sa tuwing tinatawag niya akong young lady ay mas nagmumuka akong bata sa kanya kahit na totoong matanda nga siya sa akin.Hinagod niya naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa, may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa. Mabilis na uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa gi

    Last Updated : 2023-11-18

Latest chapter

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER NINETEEN

    "Cherry, sorry nawala ako ng ilang oras. Nagpasama sa akin si Daddy tapos nasiraan pa kami ng gulong." Kamot sa ulong saad ni Lennon nang makauwi sila ni Tito Enriz."Ayos lang, Lennon. I was entertained naman by Caroline kaya walang problema," saad ko naman sa kanya na ikinatango niya at dumako ang tingin niya sa kanila.Magkatabing nakaupo sina Lennox at Caroline sa mahabang sofa at bahagya pang kumaway si Caroline kay Lennon at tipid lamang siyang nginitian nito saka muling bumaling sa akin."Kumain ka na?"Tumango ako. "Oo, kasabay ko sila. Ang Mommy mo naman nasa taas ngayon may ginagawa. Kayo, kain na kayo ni Tito Enriz.""Kumain na rin kami habang ipinaayos ang gulong ng sasakyan kanina, I'm full, tara sa garden."Iginaya niya ako sa hardin nila at naupo sa madalas naming pwesto sa tuwing kami ay nagkukwentuhan."Kamusta naman habang wala ako?" tanong niya habang nakatanaw sa malayo. Parang kay lalim ng kanyang iniisip."Ayos naman... walang bago ganoon pa rin," sagot ko habang

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER EIGHTEEN

    "Well... then, congrats! My brother got into a serious relationship with a decent woman." Tumango-tango siya habang sinasabi iyon pero mukang hindi naman siya masaya."Thanks, your brother is a good man, he deserves my yes," kimi kong sinabi ngunit alam kong hindi naman ako masaya ro'n sa naging desisyon ko."He will take care of you, I know." He smiled but he seemed like he is in a deep thought.Kung sana lang ikaw iyon, Lennox."But I have a favor... can we keep this as a secret? I-I don't want to make it public, parents ko lang ang may alam at ang parents niyo wala pang idea kaya sana mapakiusapan kita h'wag ito ipamalita sa mga kakilala niyo. Can you do that for me?" May pakiusap sa boses ko. Nangunot ang noo niya at napakamot sa kilay. "You know what Cherry, I think that's not fair for my brother's part, you want to keep him like he's your secret lover? What's your real reason behind that?" nalilito niyang tanong.Natatandaan kong naipaliwanag ko naman na sa kanya ngunit natanon

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SEVENTEEN

    "Madalas kang bumisita rito sa kanila?" tanong sa akin ni Caroline nang maiwan kaming dalawa rito sa kusina.Gusto niya raw siya ang gumawa ng meryenda namin at nag-prisinta akong tulungan siya, wala naman akong ibang gagawin."Ah, oo, sa katunayan niyan halos magkakabata na kaming tatlo nina Lennox at Lennon," sagot ko na ikinatango-tango niya lang."Then, what's your relationship with Lennon? Friends lang ba talaga kayo?" usisa niya na ikinatigil ko sa kasalukuyang paghihiwa ng garlic.Gagawa raw kasi ito ng garlic bread."Friends lang kami," tipid kong sagot na pawang kasinungalingan. Sino ka para pagsabihan ko ng sikreto."Talagang friends lang? Pero ang sabi sa akin ni Lennox, his brother is now courting you." Bigla namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.Ikaw na Lennox ka, kadaldal mo pala."Nagsisinungaling ang boyfriend mo."She chuckled. "Hay, si Lennox talaga mahilig mag-conclude na porke't magkasama tunay nang nagliligawan.""Eh, ikaw ba? Matagal na ba kayong magkakilala

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SIXTEEN

    Naging maayos naman ang naging paguusap ng mga magulang ko kaharap si Lennon, at humingi ito ng dispensa sa hindi niya pagharap ng pormal sa kanila.Ngunit akas kay Daddy na hindi pa rin siya pabor sa ginawa kong biglaang desisyon na gawin nobyo si Lennon ngunit wala na rin siyang nagawa pa. "Natakot ako sa mga magulang mo kanina, akala ko sasakmalin na ako ng Daddy mo," saad ni Lennon habang nagmamaneho.Natawa ako. "Gano'n lang iyon si Daddy, pero mabait at supportive siya. Ayaw niya lang na naglilihim ako. Pareho sila ni Mommy."Papunta kami ngayon sa bahay nila, gusto raw akong bumisita nina Tito Enriz at Tita Solen.Isang araw lang daw ako hindi nagpunta sa kanilang mansion ay nangulila na raw sila agad sa akin. Natawa na lang ako nang sabihin iyon ni Lennon sa akin kanina.Sa palagay ko ay minsan na nilang ginusto magkaroon ng babaeng anak kaya ganoon na lamang sila kabait makitungo sa akin sa tuwing nasa kanila ako o kahit minsan ay makita lamang nila ako kahit saan."Inaasahan

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FIFTEEN

    "Mommy... sinagot ko na po si Lennon..."Bakas ang pagkagulat sa mukha niya sa ibinalita ko, ganoon din si Daddy na alam kong alam niya na rin ang ginagawa ni Lennon na panliligaw sa akin."Sandali lang, anak. Hindi ba't nag-usap lang tayo kagabi? Paanong sinagot mo na siya ng ganoon na lang?" naguguluhang tanong sa akin ng aking ina."Cherry, ni hindi pa nga siya umaakyat ng pormal na panliligaw dito sa bahay, hindi pa siya humaharap sa amin bilang manliligaw mo, tapos sinagot mo na agad? May isang linggo pa lang simula nang naglalalabas kayo niyan ni Lennon," dismayadong bulalas naman ni Daddy.Paano ko ba ipaliliwanag? Si Mommy ay walang problema ngunit si Daddy ay halata nang galit at iritable sa nalaman. He thinks I bypassed him."Daddy, sorry for not telling you, alam ko nang alam niyo na dahil sinabi naman na sa inyo ni Mommy pero ako nagsabi kay Lennon na ilihim namin ito. Kaya po hindi na siya naglakas loob sabihin sa inyo, at pormal na umakyat ng ligaw," alanganin paliwanag

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FOURTEEN

    Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ng aking silid habang sapo ang aking dibdib."You are such a fool, Cherry! Ba't ka naman umiyak??" pagalit ko sa sarili sabay sapo ko sa aking noo.Ngayon magtataka na sila para saan ba ang luhang iyon... naalala ko ang gulat sa mukha ni Lennox nang magtama ang aming mga mata.Nasapo ko na lang din ang magkabila kong pisngi dahil sa labis na kahihiyan ganoon din ang aking dibdib na ang lakas ng pagtibok.Siguradong kahit si Lennon nabigla rin at hindi niya inaasahan ang inasta kong iyon.Ano naman kayang paliwanag ang gagawin ko? Anong idadahilan ko? Nagpaikot-ikot ako sa loob ng aking silid... hindi alam kung anong gagawin.Dumako ang tingin ko sa pinto nang may biglang kumatok mula sa labas, mas lalo tuloy ako nataranta."Cherry? Can we talk?" Boses iyon ni Lennon.Huminga muna ako ng malalim at saka tumungo sa pinto. Hawak ko na ang door knob at mariin muna akong pumikit bago ko binuksan."Lennon..." nahihiyang tawag ko sa kanya.His face

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER THIRTEEN

    Magdamag na naging masarap ang tulog ko, nakatulong ang pakikipagusap ko sa aking ina patungkol sa mga bagay na hindi ko lubusang maunawaan.Marami akong napagtanto, at nakuhang sagot sa aking ibang mga katanungan.Nag-ayos na ako at ginawa ang nakasanayang ginagawa sa umaga.Bumaba na ako para sana mag-umagahan, habang papalapit ako sa dinning mayroon akong naririnig na panlalaking mga boses.They are here? I'm shocked to see Lennon with Lennox and they are talking to my parents, they seem like they are in deep talks bago pa man ako makalapit.Nagpa-lipat-lipat ang tingin ko sa dalawang binata na kay aga-aga ay mga naririto. Ang agang pag-bisita... bakit pati si Lennox ay kasama?"Sa susunod ay h'wag naman sana kayong humantong ulit sa ganoon, hindi maganda tingnan gayong magkapatid kayo," payo ni Mommy sa kanila na narinig ko.Napalingon silang lahat sa akin nang mapansin na nila ang paglapit ko ngunit ang mga mata ko ay nanatili kay Lennox. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa pagig

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER TWELVE

    "Ayaw namin ng Daddy mo na maghabol ka sa isang lalaki dahil diyan sa nararamdaman mo, ngunit ayaw rin naman namin lokohin mo ang sarili mo at paniwalaing si Lennon ang gusto mo kahit si Lennox naman talaga. Do you get my point here?" Tumango ako. "Yes, Mommy.""Minsan, ang pagsiwalat ng nararamdaman ay malaking tulong, hindi naman ibig sabihin na umamin ka, maghahabol ka na, at least pag umamin ka malalaman mo ang totoo, kung dapat pa bang ipagpatuloy ang kahibangan na iyan, o kung dapat na talagang itigil." She pointed it out."Kasi anak, look. Lennon is there but you don't like him but he is willing to win your heart and unlike Lennox, still a mystery... who's already won your heart effortlessly," saad pa niya.Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya kaya naman tumatak iyon lahat sa aking isipan. Gusto niyang subukan ko ihayag ang tunay kong mararamdaman kay Lennox para malaman kung may pag-asa ba o wala.Should I make a first move? And the answer is yes, dahil ako lang naman ang ta

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER ELEVEN

    "Ano itong nabalitaan kong nasuntok daw ni Lennox si Lennon? Anong nangyari?" bungad agad sa akin nang makapasok ako ng bahay at ginabi na ako.Malamang ay naitawag na agad ni Tita Solen kay Mommy kaya alam na nito agad, hindi rin niya ako hinayaang ihatid ng anak niyang si Lennon kaya sa driver na lang nila ako ipinahatid pauwi."Nag-umpisa sa random topic na nauwi sa pikunan, Mom. Kahit nga ako hindi ko alam ang pinaka-dahilan nila kung bakit ba sila nagkakainitan," sagot ko kasabay ng pag-upo ko sa sofa katabi niya."Tell me the whole story, I will listen.""Lennox wants to hang out with us, he wants to make bond with me and Lennon so he can make time with me, gusto raw niyang bumawi at bigyan ako ng oras na hindi niya nagawa noon, he wants our friendship works, sa pagkakataong ito," paunang paglalahad ko."Lennox wants to be close to you, this time?" May himig ng duda sa boses niya ngunit hindi ko naman binigyang kahulugan iyon."You know Lennox, Mom. He sees me as his younger sist

DMCA.com Protection Status