"Please, Lennon. Wala akong panahon sa mga kalokohang ganiyan..." pagtanggi ko sa alok niya.
"Kung para sa 'yo kalokohan ito, pero sa akin hindi. I want to court you, seriously," saad niya na may giit sa boses.Matagal nanatili ang tingin ko sa kanya, hinahanapan ko siya ng anumang bakas ng pagbibiro ngunit wala akong makita. Is he really serious? Gusto niya ako ligawan?"You know I can't, Lennon. Your brother is all I want," saad ko upang patigilin siya sa kanyang iniisip gawin."Pero iyung gusto mo, ayaw naman sa 'yo. Kaya bakit ka mangangarap ng isang taong hindi kailan man mapapa-sa iyo?" Para bang ginigising niya ako sa kahibangan kong ito at nagsilbing sampal ng katotohanan para sa akin.Bakit ang hilig nitong ipamukha sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kapatid niya?"Kung hahayaan kitang ligawan ako, ano nang mangyayari pagkatapos? Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung papayag ako paligaw sa iyo," saad ko sa kanya upang ipaintindi na ayaw ko ng ideya niya.He wants me to divert my feelings to him. Iyon ang gusto niyang mangyari sa tingin ko. At isa pa, hindi ba ay may gusto siyang babae? Sila ng Kuya niya?"Just give it a try, Cherry. Walang masamang i-divert ng atensyon mo sa ibang tao bilang distraction. Hindi mo ma-e-enjoy ang buhay mo kung focus ka lang kay Kuya Lennox na wala namang interes sa iyo," pangungumbinsi niya sa akin.Hindi na talaga nawala sa kanyang pamukaan ako na hindi talaga ako gusto ng Kuya niya."Hindi ba may babae kayong gusto niyo ni Lennox? Bakit hindi siya ang ligawan mo kung ganoon?""I changed my mind dahil ikaw naman talaga ang babaeng gusto ko noon pa man at ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo dito Cherry." Napansin ko kung gaano siya ngayon ka-seryoso.Wait. Gusto niya ako matagal na? At naghintay siya sa pagbabalik ko rito sa Pilipinas? Tunay ba iyon?Duda akong tiningnan siya. "Y-You are now confusing me, I don't believe you, Lennon.""Anong kailangan kong gawin para maniwala ka?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.Wala naman siyang kailangan gawin... sadyang hindi lang ako makapaniwala."I-I'm just confused and shocked dahil sa ganitong paraan mo sinasabi sa akin..." rason ko."Sa anong paraan ko ba dapat sabihing gusto kita? For me, this is the perfect timing, tayong dalawa lang ang naguusap ngayon at ito ang unang pagkakataong nakausap ulit kita after five years of being away from you..." It seems that he really meant his words.I don't know what to say... baka kung si Lennox pa ay nahimatay na ako sa kilig.Pinagmasdan ko siya, kasing kisig siya ng kanyang Kuya Lennox ngunit mas soft nga lang ang features niya kumpara sa kapatid niya at higit na mas mabait pa, ngunit hindi mababago nito na kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya at hindi na lalagpas pa roon.Huminga ako ng malalim bago magsalita."Alam mo Lennon, I really appreciate your confessions and the words you chose but, I just can't allow myself being suitored by you gayong alam mong Kuya mo ang gusto ko at mas tamang sabihing mahal ko," saad ko dahil ayaw ko siya paaasahin.Mabuti nang mas linawin ko iyon sa kanya.His face remains stoic, hiding his reaction."Gusto ko lang ding subukan natin, Cherry. Just give it a try and give me a chance. Ang tagal kita hinintay kaya sana pagbigyan mo ako sa pagkakataong ito," saad niya na tila mayroong himig ng pakikiusap.I'm not used to someone who's begging for my attention, he seems like he is really mad in love with me kahit pa sinabi niyang gusto niya lang naman ako. Ngunit higit sa pagkagusto niya sa akin ang nakikita ko sa kanya.Napaisip tuloy ako, kung aamin ako kay Lennox malamang magiging ganito rin ako. I'm sure I am going to beg for his love and attention.Kaya hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili kong aminin sa kanya ang tunay kong nadarama."Lennon... h'wag—"Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang agad niya akong pinutol sa pagsasalita."Let's just give it a try, Cherry. Kung hindi man mag-work out, titigil ako ng pag-aligid sa iyo," he said with hope.Huminga ako ng malalim kasabay ng paghagod ng buhok ko. Kung pagbigyan ko kaya ito tutal ay wala naman siguro masama?I have never been in a relationship, so... I think it's good for experience at isa pa kung palagi kong kasama si Lennon... mapapadalas din ang pagkikita namin ni Lennox...Alam kong hindi maganda ang iniisip kong rason sa pagpayag ko sa gusto ni Lennon na maging boyfriend ko pero wala rin naman ako pag-asa kay Lennox kahit ano pang gawin ko, kaya bakit hindi ko nga naman subukan? At least palagi kong matatanaw ang lalaking mahal ko kahit sa malayo lang.At isa pa, gusto lang naman ni Lennon na maging nobyo ko para subukan, sa tingin ko naman ay hindi na hihigit pa roon dahil alam niya kung sino nang nagmamay-ari sa puso ko."Kung iyan talaga ang gusto mo, sige. Pumapayag na ako. Wala naman siguro masamang subukan makipag-relasyon sa isang binata," pagpayag ko na sa gusto niya.Bakas ang tuwa at biglang pag-aliwalas ng mukha niya. He looks really happy with my decision."Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Cherry. I will do my best to make you happy," saad niya na puno ng kagalakan sa boses."May isang kundisyon nga lang ako," hirit ko."What is it? Say it," he asked and let me speak."Ayaw kong may makaalam... ayaw ko may makaalam na liligawan mo ako lalo na kapag naging tayo na," kundisyon ko na sa tingin ko ay hindi siya sasang-ayon.He look at me in puzzled. "You want a secret relationship with me? Dahil ba ayaw mong malaman ni Kuya Lennox?"Oo na agad ang sagot pero hindi lang iyon ang dahilan, ayaw ko rin malaman ng mga magulang ko dahil siguradong hindi rin naman magtatagal ang relasyon namin ni Lennon. Ayaw ko magkaroon ng ilangan sa pagitan ng mga pamilya namin."Hindi lang dahil doon, alam naman natin na walang kasiguraduhan ang patutunguhan ng magiging relasyon natin, ayaw ko lang din na dumating ang panahong magkaroong puwang ang mga pamilya natin dahil lang alam nila na minsan tayong nagkaroon ng relasyon," rason ko na sana ay maintindihan niya.Nagiging advance lamang ako. Kapag naghiwalay kami sigurado magkakaroon ng ilangan sa bawat isa at ayaw ko mangyari iyon kaya ngayon pa lang mabuti nang ilihim mula sa kanila."Kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko. Pero sana matutunan mo rin akong mahalin hindi man ako si Kuya, nasisiguro ko na mas kaya kitang pasayahin," mapanuyo niyang saad sa akin na may himig ng pagpapangako.Lennon is a good man, I can see it.Pero ngayon pa lang pakiramdam ko ay nakukunsensya na ako kahit alam naman naming pareho ang totoo. He is too kind for me which I don't deserve because I can't give anything in return..."Let's try if we can work out together, at kung magkaroon man ng tiyansa ako mismo ang magsasabi sa kanilang may relasyon tayo," saad ko na mukang ngayon pa lang pagsisisihan ko na.Sa sinabi ko parang mas binigyan ko pa siya ng pag-asa. Even though I have no experience in a relationship, alam ko kaakibat ng pag-ibig ang sakit at hindi malabong masaktan namin ang isa't isa sa huli."Ipinagpapasalamat ko na pumayag ka at mas lalo akong naging determinado dahil diyan sa sinabi mo... and I'll take that as a challenge, Cherry," saad niya na mukang mas nagbigay pag-asa nga sa kanya.He is now my suitor, right? Not my boyfriend yet.Natigil lang ang paguusap namin nang may biglang tumikhim mula sa aming likuran kaya sabay kaming napalingon ni Lennon.It's Lennox, seryoso siyang nakatingin sa amin, at biglang naging blangko ang mga mata niya nang dumako ang tingin niya sa gawi ko.His darkly gaze takes my breath away."Kuya Lennox!" Nakangising tawag ni Lennon sa kanyang Kuya at bakas ang saya sa tinig niya."Kanina pa kayo mag-uusap dito sa labas, wala ba kayong balak pumasok sa loob?" sita ni Lennox sa amin na may himig ng iritasyon sa kanyang boses.He seems irritated, pero bakit? Baka napagod siya kaka-entertain sa mga magulang ko dahil siya lamang ang naiwan doon kasama nila at kami naman ni Lennon ay naririto lang sa labas."Papasok na rin kami, Kuya. May importante lang kaming pinag-usapan nitong si Cherry," saad ni Lennon sa kanya sabay kindat niya naman sa akin.Ramdam ko ang biglang panginginit ng pisngi ko at ayaw ko ng ganoon lalo na at kaharap pa namin ang Kuya niya.Nag-taas ng isang kilay si Lennox. "Ano namang pinag-usapan niyo at tumagal kayo rito ng halos dalawang oras?" kuryosong tanong niya sa amin."U-Uh... Uhm... Ano, kinamusta niya lang a-ang p-pananatili ko sa ibang b-bansa n-ng limang t-taon," nauutal kong sagot sa kanya.Gusto ko na lang kaninin ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos sa harapan niya. He looks really intimidating and his strong appearance makes my legs into jelly."You look nervous, why?" puna sa akin ni Lennox nang mapansin niya ang pagiging aligaga ko sa pagsasalita.He is now talking to me!He is literally asking me like we are a normal people. I think my heart will get out of my rib cage just because of his simple words.Ganito ka-grabe ang epekto niya sa akin."Because of you, Kuya. You should stop asking her, natatakot siya sa iyo muka ka raw kasing mangangagat," si Lennon ang sumagot na purong ka-pilyo-han lang ang isinagot sa Kuya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin."Oh, so my presence makes you nervous, huh?" saad niya sa baritono niyang boses sabay ngisi sa akin na halos ikalundag ng puso ko.Ang ngiting iyon... it hits my weak spot."Oh? Are you two done talking? Take your time mga anak, mamaya pa naman tayo uuwi," saad sa amin ni Mommy nang makapasok na kami sa loob.Nasa salas sila nang pumasok kami ni Lennon kasama na si Lennox na sinundo lang kami sa labas ng garden."Pinapasok ko na sila Tita, hindi tamang ako lang naririto habang may sarili silang mundo sa labas, they should join with the conversation here," saad ni Lennox na ikinalunok ko.Pakiramdam ko nagtataksil ako sa kanya kahit wala namang kami. Tama nga ang nasa isip ko, naumay na siya kaka-entertain sa mga parents ko habang kami nasa labas lang."Napasarap lang kami ng kwentuhan ni Cherry, Tita Lina. We have a very long catch up na kulang ang isang araw para pagusapan," saad naman ni Lennon na hindi mawala-wala ang malawak na ngiti sa kanyang mukha."You look happy, Lennon. Is there something happened?" kuryosong tanong naman ni Tito Enriz habang mapanuri niyang pinagmasdan ang anak na tila bago sa kanya ang nakikita."Wala naman Dad... masaya lang
"I've never been in your mind... alam ko kailan man hindi ako makakapasok diyan sa isip mo at matagal ko na iyong alam," wala sa loob na saad ko sa kanya na alam kong nagbigay ng ibang kahulugan.Humugot siya ng malalim na buntong hininga at binasa niya ang sariling labi gamit ang dila kaya natuon ang atensyon ko roon. Agad din akong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanyang labing mamula-mula.Lihim akong napalunok. Nahuli niya akong nakatingin sa roon... pero iniisip ko kung ano kayang lasa ng mga labi niyang tingin ko ay ubod ng lambot? Gusto ko kurutin ang sarili dahil kung anu-ano na lamang ang napasok sa aking kukorte na kung malalaman niya lang ay kahiya-hiya talaga.Nawala na tuloy sa isip ko kung ano nga bang pinaguusapan naming dalawa. Ramdam ko naman ang paninitig sa akin ni Lennon sa kabilang banda ko. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang nagiging takbo ng usapan."You know what, young lady. You are always welcome in our home, hindi ka na rin iba s
Hindi ko man rektang sinabing siya ang lalaking tinitukoy ko ngunit ang mahalaga nagpagkatotoo ako sa aking sarili, malinaw kong sinabi ang tunay na nilalaman ng puso ko, hindi nga lang kasama ang pangalan.Ayaw kong paniwalaan niya na gusto ko si Lennon kaya ako magpapaligaw, ngunit dahil gusto ako ng kapatid niya. Para sa akin, wala naman masama sa pagpapakatotoo sa tunay kong nadarama, mabuti nang malinaw iyon sa kanilang dalawa.Ayaw kong lokohin ang sarili ko at palabasin may nararamdaman ako kay Lennon kahit na wala naman talaga. Alam ko na may epekto sa kanya ang pag-amin ko sa harapan ng Kuya niya hindi ko man ito pinangalanan.I feel his heavy stare at me, habang si Lennox naman ay nanatiling nakatitig sa akin na para bang tinatantya ang buo kong saloobin.Alam ko rin naman na darating ang raw na kailangan ko magtapat at harapin ang sarili kong nararamdaman. Hindi naman habang buhay ay maitatago ko ito. Ngunit ngayon pa lang nagiging tapat na ako sa kanya, na siya lamang ang t
Ang dami agad nangyari sa loob lang ng ilang oras na pagbisita namin sa mansion ng mga Villariano.Iniisip-isip ko pa rin ang pangyayaring nagdaan, bumalik ako para makita ko ulit si Lennox at magbaka-sakali sa pagkakataong ito, but instead of getting Lennox, I got Lennon.Nahagod ko na lang ang mahaba kong buhok na kulay dark copper. Bumaba na ako buhat ng sasakyan at diretso akong pumasok sa loob ng bahay kasunod si Mommy.Ngayon lang kami nakauwi, mag-alas siyete na rin dahil napasarap sila ng kwentuhan, si Lennox ay umalis kanina bandang pahapon na dahil may kikitain daw ito. Ang sabi ni Lennon, babae raw.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, wala naman ako karapatan magalit, o ano pa man ngunit mabigat sa dibdib. Hindi komportable sa pakiramdam.Bago ako humakbang ng isang baitang sa hagdanan, tumigil ako at sandali kong nilingon ang aking ina."Mommy, h'wag niyo na po akong ipatawag sa hapunan, gusto ko na lang magpahinga," saad ko sa kanya at hindi talaga maganda ang timpl
"Saan mo una gustong pumunta?" tanong ni Lennon na kasalukuyan nang nagmamaneho."Star City? EK? Sa SM? Kahit saan," sagot ko.Gusto ko rin maglibang, ilang years akong nawala rito sa Pinas kaya gusto ko puntahan ulit ang mga lugar na maraming mga tao.Ngumiti siya. "Alright, dadalhin kita kahit saan pa kalayo. I'm your personal driver for today," saad niya habang nakikita ko kung gaano kaaliwalas ang kanyang mukha.He seems in a good mood, pero kung sa bagay palagi naman siyang good mood, masiyahin siyang tao.I noticed that his smile is too bright. It really suits his bad boy look. Hindi ko namalayang napatagal pala ang paninitig ko sa kanyang mukha."Baka matunaw ako niyan," biro niya nang maramdaman ang paninitig ko kaya agad akong nag-iwas at umiba ng tingin.Nanginit bigla ang magkabilang pisngi ko. "Feelingerong lalaki," saad ko ngunit hindi maitatangging gwapo naman talaga ito.He chuckled. "Wala naman kaso sa akin kahit buong maghapon mo ako titigan, mas pabor pa sa akin iyon
"Stop smirking," utos ko sa kanya."Why? What's wrong?" he asked in amusement at hindi pa rin inaalis ang kanyang ngisi sa mukha na para pang nananadya.Tumikhim ako. "It makes me uncomfortable," pag-amin ko at mabuti nang alam niya dahil hindi talaga ako komportable. Masiyado akong nagiging aligaga."I'm making you uncomfortable? I didn't do anything to you, young lady," saad niya sabay halukipkip sa harapan ko.Akala mo lang wala kang ginagawa sa akin pero meron, meron! Sobra ako naaapektuhan kahit simpleng pagkurap ng mga mata mo ay siyang laki ng epekto sa akin."And you should stop calling me young lady, I'm not a kid anymore," saad ko sa kanya na may halo nang iritasyon sa boses.Pakiramdam ko kasi sa tuwing tinatawag niya akong young lady ay mas nagmumuka akong bata sa kanya kahit na totoong matanda nga siya sa akin.Hinagod niya naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa, may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa. Mabilis na uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa gi
Lumipas ang maghapong kasa-kasama namin si Lennox, nagmukha tuloy itong third wheel, gusto niya raw sumama sa amin kaya napilitan si Lennon pumayag.Hindi rin nito na-enjoy dahil sa presensya ng kanyang Kuya, at humirit pang sasama pa raw ito sa susunod na may lakad kami."Kuya, can you please stop tailing us? Nag-mu-mukha kang third wheel," angil ni Lennon sa kanyang Kuya na ang cool-cool lang ng datingan."Ayos lang, spending time with our sister is fine, hindi ko naman inaabala ang date niyong dalawa kahit nga mag-holding hands pa kayo, hindi ko pinakikialaman," saad ni Lennox na mukang hindi niya alintana ang pagka-ayaw ng kapatid.Pinaninindigan niya talaga ang salitang sister niya ako. Hindi ba siya nasusuya."Tss, I won't court her kung kapatid ang turing ko sa kanya at isa pa, presensya mo pa lang Kuya, nangaabala na," diretsuhang sinabi ni Lennon na hatalang iritado na."Hindi ikaw ang mag-de-desisyon kung sasama ako sa mga lakad niyo o hindi, at isa pa gaya nga ng sinabi ko,
"Ano itong nabalitaan kong nasuntok daw ni Lennox si Lennon? Anong nangyari?" bungad agad sa akin nang makapasok ako ng bahay at ginabi na ako.Malamang ay naitawag na agad ni Tita Solen kay Mommy kaya alam na nito agad, hindi rin niya ako hinayaang ihatid ng anak niyang si Lennon kaya sa driver na lang nila ako ipinahatid pauwi."Nag-umpisa sa random topic na nauwi sa pikunan, Mom. Kahit nga ako hindi ko alam ang pinaka-dahilan nila kung bakit ba sila nagkakainitan," sagot ko kasabay ng pag-upo ko sa sofa katabi niya."Tell me the whole story, I will listen.""Lennox wants to hang out with us, he wants to make bond with me and Lennon so he can make time with me, gusto raw niyang bumawi at bigyan ako ng oras na hindi niya nagawa noon, he wants our friendship works, sa pagkakataong ito," paunang paglalahad ko."Lennox wants to be close to you, this time?" May himig ng duda sa boses niya ngunit hindi ko naman binigyang kahulugan iyon."You know Lennox, Mom. He sees me as his younger sist
"Cherry, sorry nawala ako ng ilang oras. Nagpasama sa akin si Daddy tapos nasiraan pa kami ng gulong." Kamot sa ulong saad ni Lennon nang makauwi sila ni Tito Enriz."Ayos lang, Lennon. I was entertained naman by Caroline kaya walang problema," saad ko naman sa kanya na ikinatango niya at dumako ang tingin niya sa kanila.Magkatabing nakaupo sina Lennox at Caroline sa mahabang sofa at bahagya pang kumaway si Caroline kay Lennon at tipid lamang siyang nginitian nito saka muling bumaling sa akin."Kumain ka na?"Tumango ako. "Oo, kasabay ko sila. Ang Mommy mo naman nasa taas ngayon may ginagawa. Kayo, kain na kayo ni Tito Enriz.""Kumain na rin kami habang ipinaayos ang gulong ng sasakyan kanina, I'm full, tara sa garden."Iginaya niya ako sa hardin nila at naupo sa madalas naming pwesto sa tuwing kami ay nagkukwentuhan."Kamusta naman habang wala ako?" tanong niya habang nakatanaw sa malayo. Parang kay lalim ng kanyang iniisip."Ayos naman... walang bago ganoon pa rin," sagot ko habang
"Well... then, congrats! My brother got into a serious relationship with a decent woman." Tumango-tango siya habang sinasabi iyon pero mukang hindi naman siya masaya."Thanks, your brother is a good man, he deserves my yes," kimi kong sinabi ngunit alam kong hindi naman ako masaya ro'n sa naging desisyon ko."He will take care of you, I know." He smiled but he seemed like he is in a deep thought.Kung sana lang ikaw iyon, Lennox."But I have a favor... can we keep this as a secret? I-I don't want to make it public, parents ko lang ang may alam at ang parents niyo wala pang idea kaya sana mapakiusapan kita h'wag ito ipamalita sa mga kakilala niyo. Can you do that for me?" May pakiusap sa boses ko. Nangunot ang noo niya at napakamot sa kilay. "You know what Cherry, I think that's not fair for my brother's part, you want to keep him like he's your secret lover? What's your real reason behind that?" nalilito niyang tanong.Natatandaan kong naipaliwanag ko naman na sa kanya ngunit natanon
"Madalas kang bumisita rito sa kanila?" tanong sa akin ni Caroline nang maiwan kaming dalawa rito sa kusina.Gusto niya raw siya ang gumawa ng meryenda namin at nag-prisinta akong tulungan siya, wala naman akong ibang gagawin."Ah, oo, sa katunayan niyan halos magkakabata na kaming tatlo nina Lennox at Lennon," sagot ko na ikinatango-tango niya lang."Then, what's your relationship with Lennon? Friends lang ba talaga kayo?" usisa niya na ikinatigil ko sa kasalukuyang paghihiwa ng garlic.Gagawa raw kasi ito ng garlic bread."Friends lang kami," tipid kong sagot na pawang kasinungalingan. Sino ka para pagsabihan ko ng sikreto."Talagang friends lang? Pero ang sabi sa akin ni Lennox, his brother is now courting you." Bigla namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.Ikaw na Lennox ka, kadaldal mo pala."Nagsisinungaling ang boyfriend mo."She chuckled. "Hay, si Lennox talaga mahilig mag-conclude na porke't magkasama tunay nang nagliligawan.""Eh, ikaw ba? Matagal na ba kayong magkakilala
Naging maayos naman ang naging paguusap ng mga magulang ko kaharap si Lennon, at humingi ito ng dispensa sa hindi niya pagharap ng pormal sa kanila.Ngunit akas kay Daddy na hindi pa rin siya pabor sa ginawa kong biglaang desisyon na gawin nobyo si Lennon ngunit wala na rin siyang nagawa pa. "Natakot ako sa mga magulang mo kanina, akala ko sasakmalin na ako ng Daddy mo," saad ni Lennon habang nagmamaneho.Natawa ako. "Gano'n lang iyon si Daddy, pero mabait at supportive siya. Ayaw niya lang na naglilihim ako. Pareho sila ni Mommy."Papunta kami ngayon sa bahay nila, gusto raw akong bumisita nina Tito Enriz at Tita Solen.Isang araw lang daw ako hindi nagpunta sa kanilang mansion ay nangulila na raw sila agad sa akin. Natawa na lang ako nang sabihin iyon ni Lennon sa akin kanina.Sa palagay ko ay minsan na nilang ginusto magkaroon ng babaeng anak kaya ganoon na lamang sila kabait makitungo sa akin sa tuwing nasa kanila ako o kahit minsan ay makita lamang nila ako kahit saan."Inaasahan
"Mommy... sinagot ko na po si Lennon..."Bakas ang pagkagulat sa mukha niya sa ibinalita ko, ganoon din si Daddy na alam kong alam niya na rin ang ginagawa ni Lennon na panliligaw sa akin."Sandali lang, anak. Hindi ba't nag-usap lang tayo kagabi? Paanong sinagot mo na siya ng ganoon na lang?" naguguluhang tanong sa akin ng aking ina."Cherry, ni hindi pa nga siya umaakyat ng pormal na panliligaw dito sa bahay, hindi pa siya humaharap sa amin bilang manliligaw mo, tapos sinagot mo na agad? May isang linggo pa lang simula nang naglalalabas kayo niyan ni Lennon," dismayadong bulalas naman ni Daddy.Paano ko ba ipaliliwanag? Si Mommy ay walang problema ngunit si Daddy ay halata nang galit at iritable sa nalaman. He thinks I bypassed him."Daddy, sorry for not telling you, alam ko nang alam niyo na dahil sinabi naman na sa inyo ni Mommy pero ako nagsabi kay Lennon na ilihim namin ito. Kaya po hindi na siya naglakas loob sabihin sa inyo, at pormal na umakyat ng ligaw," alanganin paliwanag
Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ng aking silid habang sapo ang aking dibdib."You are such a fool, Cherry! Ba't ka naman umiyak??" pagalit ko sa sarili sabay sapo ko sa aking noo.Ngayon magtataka na sila para saan ba ang luhang iyon... naalala ko ang gulat sa mukha ni Lennox nang magtama ang aming mga mata.Nasapo ko na lang din ang magkabila kong pisngi dahil sa labis na kahihiyan ganoon din ang aking dibdib na ang lakas ng pagtibok.Siguradong kahit si Lennon nabigla rin at hindi niya inaasahan ang inasta kong iyon.Ano naman kayang paliwanag ang gagawin ko? Anong idadahilan ko? Nagpaikot-ikot ako sa loob ng aking silid... hindi alam kung anong gagawin.Dumako ang tingin ko sa pinto nang may biglang kumatok mula sa labas, mas lalo tuloy ako nataranta."Cherry? Can we talk?" Boses iyon ni Lennon.Huminga muna ako ng malalim at saka tumungo sa pinto. Hawak ko na ang door knob at mariin muna akong pumikit bago ko binuksan."Lennon..." nahihiyang tawag ko sa kanya.His face
Magdamag na naging masarap ang tulog ko, nakatulong ang pakikipagusap ko sa aking ina patungkol sa mga bagay na hindi ko lubusang maunawaan.Marami akong napagtanto, at nakuhang sagot sa aking ibang mga katanungan.Nag-ayos na ako at ginawa ang nakasanayang ginagawa sa umaga.Bumaba na ako para sana mag-umagahan, habang papalapit ako sa dinning mayroon akong naririnig na panlalaking mga boses.They are here? I'm shocked to see Lennon with Lennox and they are talking to my parents, they seem like they are in deep talks bago pa man ako makalapit.Nagpa-lipat-lipat ang tingin ko sa dalawang binata na kay aga-aga ay mga naririto. Ang agang pag-bisita... bakit pati si Lennox ay kasama?"Sa susunod ay h'wag naman sana kayong humantong ulit sa ganoon, hindi maganda tingnan gayong magkapatid kayo," payo ni Mommy sa kanila na narinig ko.Napalingon silang lahat sa akin nang mapansin na nila ang paglapit ko ngunit ang mga mata ko ay nanatili kay Lennox. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa pagig
"Ayaw namin ng Daddy mo na maghabol ka sa isang lalaki dahil diyan sa nararamdaman mo, ngunit ayaw rin naman namin lokohin mo ang sarili mo at paniwalaing si Lennon ang gusto mo kahit si Lennox naman talaga. Do you get my point here?" Tumango ako. "Yes, Mommy.""Minsan, ang pagsiwalat ng nararamdaman ay malaking tulong, hindi naman ibig sabihin na umamin ka, maghahabol ka na, at least pag umamin ka malalaman mo ang totoo, kung dapat pa bang ipagpatuloy ang kahibangan na iyan, o kung dapat na talagang itigil." She pointed it out."Kasi anak, look. Lennon is there but you don't like him but he is willing to win your heart and unlike Lennox, still a mystery... who's already won your heart effortlessly," saad pa niya.Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya kaya naman tumatak iyon lahat sa aking isipan. Gusto niyang subukan ko ihayag ang tunay kong mararamdaman kay Lennox para malaman kung may pag-asa ba o wala.Should I make a first move? And the answer is yes, dahil ako lang naman ang ta
"Ano itong nabalitaan kong nasuntok daw ni Lennox si Lennon? Anong nangyari?" bungad agad sa akin nang makapasok ako ng bahay at ginabi na ako.Malamang ay naitawag na agad ni Tita Solen kay Mommy kaya alam na nito agad, hindi rin niya ako hinayaang ihatid ng anak niyang si Lennon kaya sa driver na lang nila ako ipinahatid pauwi."Nag-umpisa sa random topic na nauwi sa pikunan, Mom. Kahit nga ako hindi ko alam ang pinaka-dahilan nila kung bakit ba sila nagkakainitan," sagot ko kasabay ng pag-upo ko sa sofa katabi niya."Tell me the whole story, I will listen.""Lennox wants to hang out with us, he wants to make bond with me and Lennon so he can make time with me, gusto raw niyang bumawi at bigyan ako ng oras na hindi niya nagawa noon, he wants our friendship works, sa pagkakataong ito," paunang paglalahad ko."Lennox wants to be close to you, this time?" May himig ng duda sa boses niya ngunit hindi ko naman binigyang kahulugan iyon."You know Lennox, Mom. He sees me as his younger sist