Pinilit kong isantabi lahat ng mga nangyari noong nandito pa sila cendra. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para kalimutan lahat at magfocus sa pagtratrabaho.Gustuhin ko mang umalis nalang ay hindi ko na makaya. Alam ko sa sarili kong hinding hindi ko na 'yon makakaya. "Aunt sally saan po kayo pupunta?" Tanong ko ng mapansing mukhang paalis siya."Sa bayan sana mamalengke lang, paubos na ang stock natin." "Ako na ho," bahagya siyang natigilan at napatitig sa akin. "Ha? Sigurado ka ba jan hija?""Opo, 'di ko naman po makakayang hayaan nalang kayo. Ang layo ng bayan para kayo pa ang pumunta, dito nalang po kayo at ako na ang mamamalengke." "Oh sige, basta magingat ka.""Opo aunt sally, akin na po ang listahan ng bibilhin." Agad naman niyang inabot sa akin kasama ang perang pambili. Nagpalit lang ako at nagpaalam na para mas maaga akong makauwi. Tulad nang dati ay nilakad ko ang hangang station 6, ilang minuto lamang ang hinintay ko at dumating narin ang tren na daraan sa bayan ng
Matapos mamili, ay sinamahan parin ako ni Dave hangang sa makarating kami sa bukana ng Vampere Forest."Are you sure you'll be okay?""Oo naman, maaga pa naman eh." Tiningala ko ang langit at nakitang maliwanag pa naman. "Pwede naman kitang ihatid hangang sa harap lang ng mansion.""Hindi na talaga dave, nakakahiya na sayo. Kaya ko na talaga." Bumuntong hininga naman siya at ngumiti. "Oh sige na nga, pero hindi muna ako aalis dito ng mga trenta minutos. Kapag may humarang sayo, sumigaw ka lang---maririnig kita." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya and he really looks sincered. "Sure ka? Okay lang naman talaga.""No wine, I insist." "S-sige, salamat ulit dave! Saka dito sa black rose.""No prob, sige na...para madali karing makauwi." Tumango lang ako at kumaway sa kaniya bago nagsimulang maglakad papasok. I can only hear the sounds of dry leaves and tree branches, the chirping sounds of different birds and the rumbling sounds of air againts the trees. Too peaceful, I kind of p
Hindi ko alam kung kailan ako kumalma, niyakap lang ako ni zach ng hindi nagbibitaw ng kahit isang salita. He was just there caressing my back. Hindi ko maikakailang nakakapagpakalma ang init na nagmumula sa kamay niya, na humahaplos sa likuran ko. My sobs toned down as my tears stopped from dripping. "Wine hija? Kumain ka na muna." I heard Aunt sally's voice behind zach. Unti-unti akong lumayo ngunit mabilis na hinawakan ni zach ang mukha ko at tinaas ang t-shirt na suot niya para punasan ang mga luha ko.Nang lingunin ko si aunt sally ay may kakaibang ngiti ang sumilay sa labi niya na agad ring nawala ng makitang nakatingin na ako. Tila muli akong nabalik sa sarili at narealize ang lahat ng ginawa ko, nakakahiya! at nakakakaba. "O-okay na ho ako, pasensya na...d-dala siguro ng nangyari a-at nung panaginip ko." Mabilis akong tumayo at nagbow kay zach bago nilingon si aunt sally na may hawak na tray ng pagkain."Salamat po, okay na ako. Sa baba nalang po ako kakain aunt sally." K
Ramdam ko ang kakaibang hangin na bumalot sa akin nang sandaling makapasok sa kwartong iyon. Pinaghalong init at lamig na hindi ko alam kung masakit ba sa pakiramdam o iba ang dahilan kung bakit tila nakakaramdam ako ng sakit hindi lang pisikal, kundi pati emosyonal. The room was dimmed by the only light in the middle of the ceiling. Nang sundan ko ang katapat noon ay halos mapaatras ako ng makita ang isang bagay na tila dahilan kung bakit naroroon ang ilaw. Binibigyan nito ng liwanag ang isang bagay na nakapatong sa isang bilog at mataas na lamesang gawa sa crystal. Nanginig ang tuhod ko at tila nanghina sa nakita, hindi ko alam kung alin ang rason ng panghihina ng tuhod ko, kung ang pakiramdam na bumabalot sakin at kakaibang temperatura sa kwartong ito, o ang bagay na nakikita ko ngayon?Agad ko 'yong nilapitan, marahang paghakbang at iniingatang hindi makagawa ng ingay.Mas naging malinaw sa akin ang bagay na 'yon.Isang nakalutang na itim na rosas sa loob ng isang glass contain
Mabigat ang pakiramdam na nagimpake ako ng mga gamit. The more na mas nagtatagal ako ay the more na mas masakit para sa akin ang katotohanang kailangan ko nang lumisan. Kung sana'y nung una palang na makaramdam na ako ng kakaiba pinili ko nasanang umalis. Hindi na sana ako nagmatigas at nagpadala sa kagustuhan ng puso ko.Tuloy tuloy na naglandas ang mga luha ko. Ang sakit sa pakiramdam ng katotohanang ito na ang huling oras ko dito. Nanatili si aunt sally sa tapat ng pintuan ko, tahimik akong pinapanood sa aking ginagawa. Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang pigilan ako ngunit nanatili siyang tahimik hangang sa matapos ko ang pagiimpake. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko at humihikbing binuhat ang mga bag bago nilingon aunt sally na malungkot akong sinalubong ng tingin. "A-aunt sally..." Pagkasabi ko noon ay mabilis ko siyang niyakap. Humikbi ako habang yakap siya."T-thank you p-po sa lahat lahat, t-thank y-you po at dinala mo ako dito para ipakilala sa aki
Noong araw ding iyon ay hinayaan na ako ni ate arlyn na tumuloy na sa bahay na pinili kong rentahan.The house was too spacious for 1 person. Kaya naman mas naging komportable ako roon unang tapak ko palamamg. May mga iilan pang gamit na naiwan, na nasisiguro ko'y pagmamay-ari ng dating nagrerent dito. Ang ginawa ko nalang ay sinalay 'yun lahat sa iisang box at nagsimula nang isalay ang ilang gamit ko. I was busy cleaning the whole house when I heard footsteps. Nagtataka man ay nagawa ko parin silipin kung saan nanggaling iyon at isang babaeng nakashirt at maong shorts ang tumambad sa akin. Mukhang hindi pa niya ako napapansin nang magsimula siyang maghanap sa paligid, like there was really something she needs to find. Agad ko siyang nilapitan ng hindi manlang talaga niya nahahalata."Hello," she almost jumped out of shock as she look at me."Sorry," nakangiwing sabi ko. "No, it's okay. Sorry I trespassed. Hindi ko alam na may bago na palang nagrerent dito. May naiwan kasi akong m
Isang buwan. Naghintay ako ng isang buwan na bumalik si Winter ngunit hangang ngayon ay wala parin. Nakahanap ako ng maayos ayos na trabaho na nirecommend sa akin ni ate arlyn. Sa kagustuhan kong makalimot kahit konti at may mapagtuunan ng pansin, ay tinanggap ko agad ang recommendation ni ate arlyn.Isa iyong maliit na kainan, parang mini-restaurant, na nasaktuhang naghahanap ng bagong waitress kaya agad akong nagapply at laking pasalamat ko nang agad nila akong tinanggap.Sa loob ng isang buwan, hindi nawala sa isip ko si Zach. He's always been in mu dreams, my mind and my heart. Nakakapanghina sa t'wing maaalala ko siya. His face, his eyes, his presence, his voice and his touch. Lahat ng tungkol sa kaniya ay hinahanap hanap ko. Ngayong naaalala ko nanaman siya ay ramdam ko nanaman ang pangingilid ng mga luha ko. I love him.Hindi ko alam na darating pala ang panahon na magmamahal at magmamahal ako kahit gaano ko kaayaw ang bagay na 'yon. "Wine sa table 6," agad akong nabalik
Para akong nawalan ng buhay ng sandaling marinig iyon. Unti-unti akong nanghina at bumagsak sa sahig. Umiiyak ako, ngunit nanatiling nakatulala sa kawalan. Pilit pinoproseso ang nalaman ngunit kahit anong pag-iisip ko ay hindi kayang tanggapin ng utak ko lahat ng nalaman."H-hindi...h-hindi maaari...h-hindi.""Hindi aksidente ang pagdating mo sa bahay ni Zachary archer, wine."Umiling iling ako, hindi maaari...hindi pwede, napasapo ako sa dibdib sa sobrang sakit."Dahil ang matanda na mismong nagdala sa atin ay walang iba kundi---Hindi...hindi pwede."Kundi ang ating ina." Lalo na akong napaiyak. "Si Creseia.""Tama na, tama na!" Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi matanggap ng isip ko lahat ng sinasabi niya.P-panong, p-panong naging si aunt sally si creseia."Matagal nang patay ang matandang nagsisilbi kay zachary, ngunit walang kaalalam alam si zachary na nung isang gabing naging halimaw siya ay napatay niya ang matanda. Kinuha ni mama ang pagkakataon para gayahin ang pagkatao