42Third Person's POVNang makalayo si Lucian sa dalawa ay agad niyang sinagot ang tawag mula kay William."Hello, William. May problema ba sa kompanya? " Tanong agad nito sa kanyang sekretarya."Good morning sir. Wala naman pong problema, kaya lang po ay dumating dito si Sir Helios at mainit po ang ulo. Kayo po ang hinahanap niya Sir." "Nandiyan pa ba siya ngayon? ""Umalis na po Sir. Pero sabi niya ay tawagan ko raw kayo at sabihing hinahanap ka po niya.""Okay, thank you William." Pinatay na niya ang tawag, sakto namang pagkapatay niya ay tumawag rin sa kanya si Helios.Napabuntong hininga na lamang siya at saka ito sinagot ."Nasaan ka Lucian? I need to talk to you." Malamig na sabi ni Helios sa kanyang kaibigan."Wrong timing man, I'm busy right now." Alam na ni Lucian kung anong kailangan ni Helios sa kanya."Kasama mo ba si Lyrica? " "Yes.""Fuck! ""Sorry bud. Tawagan na lang kita kapag hindi na ako busy."Mabilis niyang pinatay ang tawag. Alam niya kung bakit ganoon ang ka
43Pakiramdam ko ay palagi akong magugulat sa mga kayang gawin ni Lucian. Parang kanina lang ay nasa condo kami bago pumunta ng munisipyo. Lahat ng gamit namin ngayon ay naririto na sa bahay niya. "Paano iyong condo unit mo Lucian? ""May mag aasikaso noon darling. May makakasama ka pati rito sa bahay para may katulong ka.""Hindi naman kailangan Lucian, kaya ko naman rito.""I know darling, pero mas mapapanatag ako kung may kasama ka rito. Hindi tayo palaging magkakasama dahil nasa trabaho ako. " Malambing itong yumakap sa akin at saka pinatakan ng halik ang leeg ko."Maya maya darating ang nga makakasama mo rito sa bahay darling. For now, magpahinga na muna tayo. Alam kong napagod ka dahil sa ginawa natin kagabi." Nakangising sabi nito sa akin. Naalala ko naman ang ginawa namin kagabi kaya naman napatawa ako. "Hindi ko kasi maintindihan ang trip mo, kung kelan gabi saka mo naisipang mag gym." Naiiling na sabi ko sa kanya. Add"Maganda naman para sa katawan iyon darling. May nali
44Madaling araw na ay hindi pa umuuwi si Lucian. Hanggang ngayon ay naririto pa rin ako sa sala at hinihintay siya. Sinubukan ko na rin siyang tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Tinanong ko na rin si Hyna at Leighton ngunit umiling lamang ang dalawa sa akin. Ayaw rin nila akong paalisin kaya naman wala akong magawa kundi ang hintayin siyang makauwi.Third Person's POV"YOU FUCKER! NASAAN SIYA HA? " Bugbog sarado na si Lucian dahil sa kanyang kaibigan na si Helios. Nagkita sila sa likod ng Valiente, meron sila doong 'hideout'. Napakalawak ng lugar na iyon na kakasya ang nasa sampung kotse. Pinagawa talaga iyon ni Kyros para maging tambayan nilang lima."Sorry bud. She's mine." Inuubong sabi ni Lucian sa kaibigan, hinayaan lamang niya na bugbugin siya nito. "Tangina naman Lucian ! Sabi ko na sa iyo huwag si Lyrica." "What the fuck! Anong ginagawa niyong dalawa? " Mabilis na lumapit si Kyros at tinulungan ang kaibigan na si Lucian. "Helios! Nababaliw ka na ba? " Hindi makapaniwa
45"Wow! Asensado si ate girl! May kotse na may driver pa. Hi pogi!" Bati ni Shiela kay Leighton. Napatawa naman si Jessie dahil doon."Huwag nga kayong ganyan. Siya si Leighton. Leighton mga kaibigan ko, si Jessie at Shiela." "Hi! Sa tabi mo ako mauupo ha! " Nakangising sabi ni Shiela dito, napailing na lamang si Leigh at saka inaya kaming sumakay sa kotse."Tawagin niyo na lang akong Leigh." Maikling sabi nito."Saan ba ang punta niyo ngayon Lyrica? " Tanong ni Leigh sa akin. Nasa tabi niya ngayon si Shiela at magkatabi naman kami ni Jessie sa likod ng sasakyan."Uh, Shiela saan ba tayo ngayon? " "Hmmm, sa mall lang. Kumain muna tayo tapos mag ikot ikot! Maraming sale ngayon sa mall!""Gaga ka! Kaya pala aya ka ng aya! Tsk, wala akong budget, nakakainis 'to!" Hinampas ni Jessie si Shiela sa braso. "Hayaan mo na, marami akong budget for today!""So, saan galing ang budget mo? Tiba tiba ka na naman sa costumer mo kagabi? ""Yes! Napakagalante ba naman ni Sir Xyver. Siya ang costum
46Inabot na kami ng gabi sa pamamasyal sa loob ng mall. Hindi ko na masyadong naisip si Lucian dahil sa pagod, naging tagabitbit pa namin si Leighton habang si Hyna naman ay namili na rin ng kanilang gamit mag asawa."Sa wakas, uuwi na tayo." Pagod na pagod na sabi ni Jessie. Kakatapos lamang naming kumain ng hapunan pero ramdam na ramdam talaga namin ang pagod. "Uh, Shiela ako na ang magbabayad. " Sabi ko naman kay Shiela dahil kanina pa siya gastos ng gastos dahil sa pinamili namin.Pumayag naman siya kaya iniabot ko na sa waiter ang card na ibinigay sa akin ni Lucian, hindi naman siguro siya magagalit dahil sa nagbayad ako ng aming pagkain."Si bakla nakablack card! " Parang nawala ang pagod ni Shiela dahil sa nakita niyang iniabot kong credit card sa waiter."Gago! Binigay ba iyan sayo ni Lucian? " Gulat na gulat ring tanong sa akin ni Jessie."Uh... Oo, sabi niya kasi kapag daw may gusto akong bilhin iyan daw ang gamitin ko. Ano bang meron dito? " Nagtataka kong tanong.Nasamid
47"Lucian..." Mabilis akong napatayo ng makita ko si Lucian. Bumati lang din si Leigh at Hyna dito bago lumabas ng kusina."Hi darling, miss me? " Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tumakbo ako palapit sa kanya para yumakap, napaiyak na rin ako dahil muli na kaming nagkita."Shhh, don't cry darling. Sorry at hindi ako personal na nakapagpaalam sa iyo." Malumanay na sabi nito sa akin."Wala ka man lang halos paramdam Lucian. Hindi mo man lang ako itinetext kahit isang beses sa isang araw... Napakarami kong tawag at chat sa iyo. Alam ko namang importante ang ipinunta mo sa Cebu pero sana naman hindi mo malimutang magmessage sa akin kahit isang beses." Umiiyak pa rin na sabi ko."Galit ka pa rin ba kasi ayaw ko ng may bodyguard? Sabi mo, sabihin ko sa iyo ang mga saloobin ko tapos magagalit ka... " Dagdag ko pa."I'm so sorry darling..." Guilty na sabi nito."Hindi talaga ako makapagmessage sa iyo dahil sobrang busy ko talaga..." Dagdag pa niya."Alam ko naman iyon, pero asawa mo
48"Hijo, anong klaseng pagpapakasal ang ginawa ninyo at wala kaming kaalam alam? " "I learned my lesson ma. " Malamig na sabi ni Lucian."Sigurado akong kung saan na namang squatter nakuha ni Lucian ang babae niya." Naiiling na sabi ng isa pang babae na naroroon."Ate Lily, stop disrespecting my wife." Ramdam ko ang galit doon ni Lucian."Why? Hindi ka pa talaga natuto. Halos mabaliw ka na dahil sa babae mo noon and then what? Uuwi ka ritong may dala na namang babaeng hindi namin kilala! " Galit na bulyaw sa kanya ng ate niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa naging reaksiyon nila... "Magsitigil kayo! You're all scaring Lyrica." Saway ng mamà ni Lucian sa mga naroroon."Come here hija, pagpasensiyahan mo na ang pamilya namin. Paranoid lang talaga ang mga iyan dahil sa dinanas noon ni Lucian." Malumanay na sabi pa nito sa akin."Salamat po." Malumanay na sabi ko at saka sumama sa kanya pag upo sa mesang naroroon. Nakakahiya naman kung bigla na lamang akong aalis... Ayokong big
49"Darling, let's go? Pinahanda ko na kay manang Linda ang pantulog mo. " Tumango lamang ako kay Lucian at saka ngumiti.Magkasama kami ngayong dalawa sa kwarto dahil dito kami matutulog ngayon sa bahay ng magulang niya. Pagkapasok nga namin sa kwartong iyon ay hindi na rin ako nagulat sa kung gaano kalaki iyon. Mas malaki pa yata ito kaysa sa bahay namin sa probinsiya. "Maiiwan muna kita rito darling. Pupuntahan ko lang si Ate Lily.""Sige Lucian.""Thank you darling." Seryosong sabi nito sa akin."Bakit ka naman nagpapasalamat? " Natatawang tanong ko sa kanya."Because you're still here.""Baliw. Syempre, I'm your wife." Biro ko sa kanya kaya naman napatawa siya."Hmmm, sarap naman sa pandinig darling." Yumakap pa ito sa aking likuran nakaharap kami ngayon sa isang malaking salamin na nasa loob ng malaking kwarto."Halata nga, namumula ka oh. Kinikilig ka no?" Mas lalo siyang napahalakhak dahil sa sinabi ko."Damn, why are you so good at this huh? " Pinupugan niya ang leeg ko ka
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p