Share

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother
A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother
Author: LuckyRose25

CHAPTER 01

Author: LuckyRose25
last update Last Updated: 2025-04-01 00:56:23

CHAPTER 01

Ramdam na ramdam ni Tiffany ang butil ng luha sa kanyang mga mata na gusto nang makawala pero pinigilan niya ito dahil sa kadahilanan na ayaw niyang ipakita sa kanyang asawa na hindi niya ito pipigilan sa pagpirma ng annulment paper at kayang-kaya at tanggap niya na ang kapalaran nilang dalawa ay hanggang dito na lang talaga nagtatapos ang kanilang pagsasama. Na hindi na sila mag-asawa hanggang sa pagtanda.

Kung noon ay pumirma silang dalawa sa papel sa araw ng kanilang kasal na kung saan palatandaan na mag-asawa na silang dalawa, nangako sa harap ng altar na siya lang ang natatanging iibigin hanggang sa pagtanda pero ngayon….lahat ng mga pangarap na magkasama silang dalawa ay biglang naglaho sa isang iglap lamang. Kung noon, pangalan nila ang nakaukit sa papel para maging ganap na mag-asawa, ngayon ay ang panahon na kung saan nilagdaan ang huling lagda nilang dalawa at mag-iwan ito ng sugat dahil sa mga pangako na napako lamang ng pitong taon.

Hindi maisip ni Tiffany na lolokohin lamang siya ng kanyang asawa na si Martin. Sa pitong taon na magkasama ay nauwi lamang sa pagtataksil ang lahat na malaman ni Tiffany na may ibang babae ang kanyang asawa. Hindi lang isa, dalawa o higit pa kundi marami sila. Indeed, he is a womanizer, a freaking playboy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.

Pagkatapos niyang pirmahan ang papel sa ibabaw ng mesa ay basta na lang tinapon ni Martin ang ballpen sa harapan nito.

“Do you think na makahanap ka pa rin ng iba kapag pinirmahan mo iyan?” May nakaka-insultong ngiti ang nakikita ni Tiffany sa labi ng kanyang asawa.

Nakikinig lamang sa kanila ang abogado na nakikinig at hinayaan na mag-usap ang dalawa.

Hindi mawari ng abogado na magkakahiwalay ang dalawang mag-asawa sa harapan niya. Naging magkaibigan niya ang dalawa ngunit ito siya at naging witness sa hiwalayan ng mag-asawa.

“Walang nagkakagusto sa'yo, tandaan mo iyan. Walang tatanggap sa'yo, mark my word Tiffany. Kung nagmamakaawa ka na bumalik ka sa akin, tatanggapin kita pero sa isang condition, magiging babae lamang kita habang buhay." aniya na may pang-iinaulto.

Akala niya ba na habol ni Tiffany ang mga lalaki? So what kung wala nang magkagusto sa kanya. Wala siyang pakialam.

Ang priority niya ngayon ay ang kanyang anak at wala ng iba. Mapupunta sa kanya ang kustodiya ng bata dahil five years old palang ito at kahit papano ay may saving siyang sa kanyang bank account at may trabaho siya pero pagkatapos ng hiwalayan ay maghahanap ng ibang trabaho si Tiffany para hindi niya na makikita kung sino-sino ang naging babae ng asawa niya sa dating niyang workplace. Sa ginawa niyang panloloko kay Tiffany ay may alas siya para mapa sa kanya si Trisha.

Kahit nagtatrabaho ang kanyang asawa sa isang malaking company at malaki ang kinikita ay wala siyang pakialam, hindi siya hihingi kahit ilang sintemo sa kanya. Kaya niyang buhatin at buhayin ang kanyang nag-iisang anak na si Trisha. Kung magbibigay siya ay mabuti, kung hindi ay hindi niya ito pipilitin kaysa naman ipamungka sa kanya kung gaano siya kasamang ama sa anak niya.

Magkasama silang nanumpa sa harapan ng simbahan at pinirmahan ang papel pero hanggang dito na lang talaga.

Kinuha niya ang papel at ballpen na tinapon ni Martin sa harapan niya at taas noong nakatingin sa lalaki para ipakita sa kanya na wala na siyang inaatrasan, walang panghihinayang, kayang-kaya niyang makipaghiwalay sa kanya.

Kapag naging toxic na Ang isang relasyon at wala nang pag-asa na magbago, mananatili ka pa rin ba? Mas mabuti na ang maghiwalay kaysa araw-araw kang magdusa na kasama mo ang tao sa iisang bubong na minahal mo pero ikaw lang ang nagbigay ng halaga at pagmamahal.

“Kung araw at gabi naman akong umiiyak nang dahil sa’yo, sa tingin ko, tama lang ang naging desisyon ko. Hindi madali sa totoo lang Martin, hindi ito ang pinangarap ko para sa ating dalawa. Hindi ito ang mundo na binuo natin noong nangako tayong dalawa sa altar, remember? Pero…wala eh. Nangako ka sa akin na magbabago ka na, na ako lang…pero anong ginawa amo? Sa harapan ng anak natin, kitang-kita niya ang babae mo! Sa harapan ng anak natin, pinaparanas mo na sa kanya ang isang walang kwenta na ama. Ayos lang kung ako lang ang masasaktan pero hindi eh, kasama na ang anak natin. Wala kang konsensya. Wala kang puso Martin.” natigilan si Martin sa sinabi ni Tiffany.

May gustong sabihin pero bigla niya na

lang tinikom ang kanyang bibig at hindi na sinabi ang gustong lumabas sa mga bibig niya at kalaunan ay may insultong tingin ang tao na ito sa kanya.

“Madali ka kasing mauto eh, ngayon ay nagsisisi ka dahil sa ginawa ko? Alam mo na sa simula palang na ganito na ako, tsk, ang bilis mo namang mahulog sa bitag at–shit.” Hindi niya na natapos ang sasabihin na bigla na lang siyang sinampal ni Tiffany.

When he tried to raise her hand to her ay biglang umatras si Tiffany, hindi makapaniwala na kaya niya talaga siyang saktan.

Hindi siya sinasaktan physically ni Martin sa anim na taon nila na pagsasama, naranasan niya lang for the first time ngayong taon noong inaway ni Tiffany ang babae ni Martin na pumunta sa bahay at hinahanap siya, sinaktan niya ang anak namin na hindi sumagot kung nasaan ang asawa niya, kaya imbes na ang ipagtanggol niya siya at anak nila ay siya pa ang pinagbuhatan ng kamay, kaya masakit isipin na kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na ayaw maranasan ng isang babae, ang saktan siya physically, noon ay ayos naman, nag-aaway ngunit hindi dumaan sa pisikal na sakitan kundi pinapakita niya mismo emotionally ang mga panloloko niya, pero ngayon na hiwalay na sila ay gustong-gusto niya itong saktan na hindi na nag-iisip.

Mabuti na lang at nariyan ang kanilang abogado dahil kung wala, baka dumapo na ang kamay niya sa mukha ni Tiffany.

“Bakit ka ganyan, huh? Naging mabuti naman akong asawa sa'yo pero ibang-iba ka na talaga. Mas lalo lang naging malala. Sasaktan mo ako gamit ng mga kamay mo? Gawin mo? Baka sa kulungan ang bagsak mo!” mariin at may galit na sinabi ni Tiffany sa kanya. Alam niya na may mga cctv na nakamasid sa buong bahay lalo at nasa sala sila pumirma ng mga papeles.

Mariin ang titig ni Martin Kay Tiffany. Tinapatan naman niya ito ng titig at hindi pinakita na natatakot siya at kinakabahan sa lalaking kaharap niya.

“May sasabihin ka pa?” tanong ni Tiffany at kinuha ang papel pagkatapos malagdaan ng pangalan at nilagay sa isang brown envelope, natatakot siya na baka biglang agawin ni Martin ang papel at punitin.

“Baka magulat ka kapag malaman mo ang totoo!” Aniya kay Tiffany. Kunot-noo na binalingan siya at nagtatanong ang kanyang mga mata kung ano ang ibig niyang sabihin. Kalaunan , natawa na lamang siya at pinagtitigan ang kanyang ang kanyang asawa na ngayon ay ex-husband niya na.

“Na ano? Na mas higit pa sa lima ang naging kabit mo?” Nakita ni Tiffany ang gulat sa kanyang mga mata, nalaman niya kasi ito na marami sila sa buhay ni Martin dahil may nagsumbong sa kanya na kaibigan.

Ngunit bigla na lang natigilan si Tiffany na tumawa ang lalaki.

“Sa ganyang rason ba ang naging batayan mo kung bakit ako nambabae? Paano kung sabihin ko sa'yo na ang totoong rason, ano kaya ang magiging reaction mo? What if…what if ang kasal natin ay isang pagkakamali sa simula pa lamang?” Halos hindi na makahinga sa galit si Tiffany dahil sa sinasabi ni Martin.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin? May dahilan ba ang lahat o talagang nagsasawa na siya sa kanya?

Palaisipan pa rin kay Tiffany ang mga sinasabi ng kanyang asawa.

Mariin itong nakatitig sa kanya habang ang kanyang kanang kamay na may hawak ng ballpen ay sinimulan niya ng pirmahan ang divorce paper.

“Kung ano man ‘yang dahilan mo, hindi mo na maibabalik pa ang tiwala at buong pagmamahal ko sa'yo. Hindi ako isang babae na kayang-kanya mo lang saktan dahil mahina ako at walang laban? Diyan ka nagkakamali dahil papatunayan ko sa'yo na kaya kong buhayin si Trisha na mag-isa. Kung naging bulag man ako noon, sorry ka na lang, palaban na ito at hindi duwag sa katotohanan.” Matapang na wika ni Tiffany kahit sa kaloob-looban niya ay wasak na wasak na siya para sa kanyang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother    CHAPTER 02

    CHAPTER 02“Mommy! Talaga pong hindi na natin makakasama si daddy sa bahay po? Iiwan na po natin si daddy?” Halos madurog ang puso ni Tiffany na marinig niya ang boses ng kanyang anak na si Trisha habang kandong niya ito habang nasa taxi sila. Kinarga niya ito dahil hindi tumigil sa kakaiyak na pinalayas sila ni Martin sa kanilang bahay. Plano niya naman talagang umalis pero hindi niya inaasahan na ganoon ang gagawin ni Martin na pagtaboy sa kanila. Hindi sila pinigilan at talagang hinatid sa labas ng gate at binalibag lamang ang kanilang mga gamit sa labas na parang wala silang pinagsamahan ng ilang taon.Hinanap niya ang mga mata ng kanyang anak at ngumiti ito sa kanya. Hinaplos nito ang buhok niya na mahaba hanggang balikat at hinalikan sa ibabaw ng kanyang noo. “May mga bagay na dapat i-sacrifice si mommy anak at isa ito sa tamang paraan na sa tingin ko ay tamang desisyon na ginawa ko para sa ating dalawa." “Po?" Ngumiti si Tiffany dahil alam niya na hindi pa ito maintindihan

    Last Updated : 2025-04-02
  • A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother    CHAPTER 03

    CHAPTER 03“Anong plano mo ngayon anak?" Hindi maiwasan na itanong ng ina ni Tiffany. Pumasok na sila sa loob ng bahay at pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay lumabas si Tiffany papunta ng kusina para kumuha ng tubig sa ref at nakita niya ang kanyang ina na naglilista ng mga paninda sa bilog na lamesa. Bukod sa paninilbihan ng kanyang ina sa isang pamilya bilang mayordoma. Mayroon silang sari-saring store para pagkakakitaan at bubuksan lang kapag walang pasok sa paaralan ang kanyang kapatid na si Gabriello. Pagkatapos mawala ang kanilang haligi ng tahanan ay tanging ang pagiging kasambahay at pagtitinda ng sari-sari store ang bumubuhay sa kanyang ina at kapatid at kong may sahod man si Tiffany ay binibigyan niya rin ang pamilya niya.Inurong ni Tiffany ang upuan at umupo siya bago nagsalita. “Maghahanap po ako ng ibang trabaho mama, kailangan ko pong makakuha sa lalong madaling panahon dahil natatakot ako na baka malaman ni Martin na wala pa akong nahanap na trabaho ay kukunin ni

    Last Updated : 2025-04-12
  • A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother    CHAPTER 04

    CHAPTER 04Tiffany?" Kahit hindi sigurado kung siya ba ang tinatawag ay napalingon siya sa kanyang likuran na may narinig siya na tumatawag ng pangalan niya. Napangiti siya na makilala niya kung sino ang tumatawag sa kanya at ang familiar na boses ay sa kanyang kaibigan. “Lerianna–”“Anong ginagawa mo rito?" Isa siya sa kaibigan ni Tiffany no’ng nagtatrabaho pa siya sa isang Finance, sa department kung saan kasama ang kanyang asawa na si Martin pero dahil sa nangyari na diborsyo kaya maaaga palang ay nagbigay na siya ng resignation letter. Hindi sinabi ni Tiffany ang buong pangyayari kung bakit gusto niyang mag-resign sa trabaho pero alam niya sa sarili niya na iyon ang tamang paraan para hindi na magkita muli ang landas niya at ang kanyang dating asawa. “Naghahanap ng trabaho,” sabi niya. Nakita niya ang paglaki ng kanyang mga mata. "Di nga– akala ko nga no'ng umalis ka sa dati mong tinatrabahuan ay hindi na kita makikita muli, wait, ano bang trabaho ang hinahanap mo?" tanong

    Last Updated : 2025-04-12
  • A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother    CHAPTER 05

    CHAPTER 05 Nagkatinginan silang dalawa ng estranghero at kunot noo itong nakatitig sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?” Mas lalong magkasalubong ang dalawang kilay ng lalaki dahil sa sinabi ni Tiffany. Hanggang sa natawa ito at lumayo sa babae. “How could you tell I was following you?” Natikom ang dalawang bibig ni Tiffany dahil sa sinabi ng lalaki. Bukod sa malalim at buo ang boses ng estranghero ay nakaramdam siya ng kahihiyan dahil huli na para malaman niya na tama nga ang lalaki. Paano niya nasabi na sinusundan siya kung iba naman ang destination nila. “Do I know?" Tanong ulit ng lalaki kay Tiffany dahil bigla na lang itong natahimik na kanina ay gusto ng sumabog dahil sa pangyayari. “Malay ko ba, basta kilala na kita kaya baka kilala mo rin ako." Sambit ni Tiffany pero sa katunayan ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang lalaki na kaharap niya ay iyon ang nakita niya noong isang araw pauwi sila ng kanyang anak sa kanilang bahay at ang nakita niya kanina papasok ng buildi

    Last Updated : 2025-04-12

Latest chapter

  • A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother    CHAPTER 01

    CHAPTER 01Ramdam na ramdam ni Tiffany ang butil ng luha sa kanyang mga mata na gusto nang makawala pero pinigilan niya ito dahil sa kadahilanan na ayaw niyang ipakita sa kanyang asawa na hindi niya ito pipigilan sa pagpirma ng annulment paper at kayang-kaya at tanggap niya na ang kapalaran nilang dalawa ay hanggang dito na lang talaga nagtatapos ang kanilang pagsasama. Na hindi na sila mag-asawa hanggang sa pagtanda. Kung noon ay pumirma silang dalawa sa papel sa araw ng kanilang kasal na kung saan palatandaan na mag-asawa na silang dalawa, nangako sa harap ng altar na siya lang ang natatanging iibigin hanggang sa pagtanda pero ngayon….lahat ng mga pangarap na magkasama silang dalawa ay biglang naglaho sa isang iglap lamang. Kung noon, pangalan nila ang nakaukit sa papel para maging ganap na mag-asawa, ngayon ay ang panahon na kung saan nilagdaan ang huling lagda nilang dalawa at mag-iwan ito ng sugat dahil sa mga pangako na napako lamang ng pitong taon.Hindi maisip ni Tiffan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status