Kinagabihan nang mapatulog na si Xavier ay sinubukan niya uling tawagan ang numero sa bahay nila. Umaasa siyang kakausapin na rin ng ama. Hindi niya alam kung may balita na ito na nakauwi na siya ng Pilipinas. "Hello?" Bigla ang kasiyahang naramdaman niya nang marinig ang boses ng ama. "D-dad?"
"What? Bumalik ng Pilipinas ang babaeng iyon?" Hindi maipinta ang mukha ni Amanda nang salubungin siya ng masamang balita ng inang si Zenaida. "At ito namang si Diego ay nagpapakatanga uling tanggapin ang lapastangan! Hindi niya ba naisip ang matinding kahihiyang ibinigay ng babaeng iyon? Kung kani
Tatlong araw mula nang mabalitaan niya mula kay Amanda na bumalik na ng bansa si Jenna ay pumayag siyang makipagkita rito. May mga bagong nalaman kasi ang babae tungkol kay Jenna at gusto nitong ikwento nito iyon nang personal sa kanya. Kahit gusto niya pa ring iwasan si Amanda dahil ayaw niyang ma
Nagmamadali ang mga hakbang niya habang papasok ng building ng Glamour Fashion. Muntik na siyang ma-late dahil alas siyete na siya nagising. Kung hindi pa siguro siya pinuntahan ni Xavier sa kwarto niya ay baka tatanghaliin na nga siya ng gising. Alas singko ng umaga na kasi siya nakatulog sa kakai
Mabilis na tumayo si Fannie at nakangiting binati si Zian. Sumunod na rin silang bumati ni Paula. Siya lang yata ang nanatiling pormal ang mukha nang batiin ang lalaki. Mula nang nag-propose kasi ito ng kasal sa kanya dahil sa utos ng lola nito ay nanatiling pormal na ang pakikitungo niya sa lalaki
Hindi nagbago ang expression ng mukha niya kaya't nawala na rin ang ngiti nito saka pormal na tumingin sa kanya. "What is it, Jenna?" "With all due respect, Sir, please stop calling me by my first name. You are my boss, and I'm your employee-" "I call Fannie by his first name," walang anumang sab
Kahit abala siya sa pagpa-finalize ng designs niya na maaaring masali sa gala fashion night ay tumigil din naman siya nang mag-break time na. Hindi na kasi nasundan ang isang hopia na kinain niya kanina kaya kailangan niyang pumunta ng pantry para kumain. Hindi niya sinunod ang sinabi ni Zian kanin
Taas-noo siyang naglalakad papasok ng building ng Glamour Fashion Philippines. Nagpa-hair and make-up pa siya sa isang sikat na salon para lang sa araw na iyon. Hindi halatang kabado rin siya sa pagkikita nila ni Jenna after six years. Ang huling pagkikita nila ng dating matalik na kaibigan ay no'n
Mangiyak-ngiyak ito at hindi rin makapaniwala sa lahat ng nalaman nito. Napatitig siyang muli kay Zian. I love you... Iyon ang mga salitang tahimik na sinabi nito sa kanya na nababasa niya sa mga labi nito. Do'n na niya hindi napigilan ang pag-agos ng dalawang luhang nagpapaligsahan sa pag-a
Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa ma
Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea . Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK. Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasala
Si Xavier na walang kaalam-alam sa mga pangyayari ay nagtatanong na kung bakit hindi na nito nakakausap ang ama. Pinagbawalan niya rin kasi si Zian na makita ang anak niya. Ang anak nila! Ang alam niya ay kinausap na nang tuluyan ng ama niya si Zian dahil maging ito ay kinukulit ni Zian kahit hala
Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya. Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya. Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang
Naka-zoom in na nga ang kaliwang parte ng likod nito sa itaas. Inadjust na rin ang brightness no'n dahil hindi agad mapapansin ang balat na iyon kung hindi ia-adjust. Nanlaki ang mga mata niya nang makita nga ang parehong balat ni Zian do'n. Tiningnan niya ang balat sa likod nito para maniguro. Nap
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda. Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito d
"This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much
Nang makaabot do'n ay kinuha nito ang mic ng isang host. "Am I late?" Pabirong sabi nito sa lahat. "Sorry at hindi man lang ako nakapag-ayos talaga but you won't mind, right, Mrs. Escobar?" Matamang tiningnan muna ng matanda si Heather bago sumagot. "It's okay, Heather, after all, this party is