SINISTER'S POV:
"HOW'S your conversation with your Mom?* salubong sa amin ni Luther nang makalabas kami mula sa elevator at mukhang kakabangon lang nito mula sa kaniyang swivel chair kaya naman hinarap ko si Luther at tinapik ko ang balikat ni Duty para ibaba ako ngunit hindi nito ginawa kaya hinayaan ko na lang."Negative. She don't want to talk to me anymore at mukhang lalong tumapang si Mommy. Ang sama ng loob ko sa totoo lang."Inabot ni Luther ang ulo ko at ginulo ng marahan ang aking buhok. "If your Mom can't love you. We are here to fill the love in your heart. If you are feeling too heavy, HuPoFEL's door is open for you."Napangiti ako sa sinabi ni Luther at saka ako tumango rito bago ko pinilit na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Duty na agad naman nitong ginawa kaya muli kong hinarap si Luther."Pwede ba kitang yakapin?" tanong ko kay Luther ngunit hindi ito nagsalita, bagkus, ibinuka lamang nito ang kaniyang braso kaya naman itinapon ko ang sarili kSINISTER'S POV:--LUMIPAS ang mga araw at buwan, sapo ang aking malaking tyan habang bumubuga ng hangin at paika-ikang paglalakad, hindi ko alam kung manganganak na ba ako ngunit naramdaman ko na ang panubigan sa akim hita."Minerva!?" malakas na sigaw ko ngunit alam kong imposible akong marinig ni Minerva dahil nasa kwarto ako habang si Minerva ay nasa kusina."Minerva!?" marahan akong naglakad patungo sa may hagdanan at hindi ko na kaya ang sakit, tuluyang pumutok ang panubigan ko kaya buong lakas kong tinawag si Minerva."M-Minerva, manganganak na ako!"Nagmamadaling lumabas ang mga kasambahay na kasama ko mula sa kusina kasama na si Minerva at nagmadali itong umakyat papunta sa akin."Diyos ko, Sinister, hindi kita narinig agad. Kumapit ka sa akin,"Sinunod ko ang kanyang utos at umakbay ako sa kanya habang marahan kaming bumababa ng hagdanan at si Mang Roman naman ang siyang sumalubong sa akin at binuhat na ako nito nang walang pag-alinlangan palabas ng bahay at isinakay ng kots
SINISTER'S POV: "B-Bakit ang bilis mong nakarating?" nagugulat na tanong ko kay Duty ngunit hinalikan lang nito ang noo ko at ngumiti sa akin. "Mamaya mo na itanong sa akin yan, focus ka muna sa anak natin," tinanguhan ko si Duty at sumabay na siya sa amin patungo sa laboratoryo ni Doc Gun. Hindi namin alam ni Duty ang kasarian ng bata dahil gusto namin na surprise yun kay akala namin ay sa susunod na araw pa lalabas ag anak namin ngunit mukhang excited na ito.Kaming tatlo lamang ni Doc Gun ang pumasok sa loob ng kanyang laboratoryo habang ang iba ay naiiwan sa labas ng kwarto. Inilagay ako n Doc Gun sa isa pang kama at tinulungan naman siya ni Duane upang maging komportable ako sa higaan. agsuot na rin si Doc Gun ng kanyang lab gown at waka nagsuot ng gwantes at inihanda niya kaniyang gagamitin sa pagpapaanak sa akin."Handa ka na ba Sinister?" ani ni Doc Gun na tila pinaparating nitong nakakatakot mag-anak."O-Oo,"Akala ko madali lang pag labas ng bata ngunit hindi ko aakalain n
DUANE TYRON'S POV:Nang magising si Sinister ay mula sa panganganak nito ay hinayaan ko na muna itong dumugin ni Saviel at Sinji bago ako umayos ng tayo mula sa pagkakasalo sa akin ni Doc Gun nang hawiin ako ni Saviel kanina kaya naman napatingin ako kay Aqueros at umiling ang ulo nito na tila pinapahiwatig na lumabas kaming tatlo na agad kong tinugunan.Matapos kong maisara ang pinto ay agad kong hinarap si Aqueros, “What is it?”Pinagsalikop ni Aqueros ang kaniyang braso bago ito sumandal sa gilid ng pinto at tumingin sa akin, “what’s your plan now, Fullentes?”Nagbago ang ekspresyon ng aking mukha. “I am not done yet for my revenge, Aqueros. Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamilya ko.”“Na pati si Sinister na inosente ay dinadamay mo?” sabat ni Doc Gun, “Alam mo Fullentes, may hangganan ang paggawa namin ng illegal at nakikita namin kay Sinister na mahal na mahal ka niya at isa pa may anak na kayong dalawa. Itutuloy mo pa rin ba ang plano mo?”“Yes,”I know I am fooling a
DUANE TYRON’S POV:Naglakad ako palapit kay Sinister at saka naupo sa gilid ng kaniyang kama at hinawakan ang kaniyang kamay bago ko ito dinala sa aking labi.“How are you feeling my lady?”Kung nasa isang pelikula lang ako baka matagal na akong naparangalan dahil sa galing kong umarte sa harapan ni Sinister.“Nanghihina pa rin but I am fine since I already saw our twins. Pero yung meeting mo,”“Hush! Don’t worry about it.” I reach her hair as I stroke it gently since her face looks worried. Hindi ako malulugi sa simpleng pagkansela lang ng meeting dahil mas kailangan niya ang presensya ko kaysa sa mga lintik na mga taong yon. “I used HuPoFEL’s fastest plane that’s why I got here like what I’ve told you. Walang imposible sa lugar na ito kaya nagagawa ko ang lahat ng bagay na meron sila. Ang isipin mo na lang ay nailabas mo na ang mga anak natin at panibagong yugto ang haharapin natin bilang pamilya.”Sinister smiled at me as I saw how much she loves me. Sana ganun din ang nararamdaman
UMIIKOT na ang paningin ko at halos wala na akong marinig dahil sa kalasingan. Kung pwede lang mawala lahat ng problema ko sa isang laghok lang ng alak ay baka natuwa na ako kaso hindi eh.Lahat na yata problema sa mundo ay sinalo ko na mula sa sapilitang pagpapakasal sa akin sa isang matanda na hindi ko naman kilala at sa pamilya ko na pilit akong tinutulak sa isang bangin na wala akong ibang mapagpipilian kundi ang hayaang mahulog sa kailaliman.Ang saklap ng buhay ko, hindi ba?Isang normal na tao lang ako na walang ibang hinangad kundi ang makatagpo ng taong magmamahal sa akin. Yung tipong kaya akong panghawakan sa kabila ng pagsubok ng buhay, yung kaya akong protektahan at ipagtanggol mula sa mga taong gustong manakit sa akin at higit sa lahat yung aalagaan ako ng walang ibang hinihinging kapalit kundi ang samahan siya sa mundong mapanakit.But this world is too cruel for me.Dala ang bote ng alak mula sa bar counter kung saan ako nakapwesto, bumaba ako sa kinauupuan kong high st
SINISTER'S POV:LULAN ng taxi, isinandal ko ang aking likuran sa backseat ng sasakyan habang sapo ang aking ulo matapos kong takbuhan ang lalaking nakasama ko kagabi. Isa lamang 'yon sa mga naka-momol ko kagabi at wala akong balak na isuko ang kayamanan ko sa kanya.Ilang lalaki na rin ang dumaan sa akin ngunit kahit isa ay walang nakakabihag sa aking puso. Manhid man sa paningin ng iba ngunit nangangarap din ako na makatagpo ng taong magmamahal sa akin.Sa mundong ito ay walang permanente kaya hangga't bata pa ako ay gusto kong mag-explore at gusto kong maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isipan ng mga lalaki.Ngunit sa estado ng buhay ko ay napakalabo niyon lalo na't pawang mga playboy ang nakikilala ko at ang ilan sa kanila ay sa alak ko lang nakilala at sa mga kaibigan na rin."Nandito na po tayo, Ma'am," untag sa akin ng taxi driver dahilan para maimulat ko ang aking mata. Agad kong hinalungkat ang pouch na dala ko at saka nagbigay ng bayad kay Manong."Salamat po." Matapos
SINISTER'S POV:Magkahawak kamay na lumabas kami mula sa Grind Me Harder bar at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Tinungo namin ang parking lot kung saan naroon ang kanyang kotse at mukhang mayaman pa ang nabingwit ko ngayong gabi.Inalalayan ako nitong makapasok sa loob ng sasakyan at siya na mismo ang nagkabit ng seat belt sa katawan ko at nang masiguro niyang maayos na ako, agad niyang isinara ang pinto sa tabi ko at saka siya naglakad papuntang driver seat.Dala ng aking kalasingan, sumandal ako sa upuan at hinayaan ang sarili ko hanggang sa maramdaman kong gumagalaw na ang sasakyan palayo sa Grind Me Harder bar. Alam kong masyado nang pariwara ang buhay ko ngunit wala na akong ibang pagpipilian. Kung ang pagpapakasal kay Mr. Wrights ang magiging susi para muling maiahon ang aming kompanya ay hindi ako papayag.Mas gugustuhin ko pang isuko ang kinabukasan ko sa lalaking kasama ko ngayon kaysa makulong sa isang pagsasama na hindi ko naman ginusto.Makalipas lamang ang ilang m
SINISTER'S POV:Nagising ako sa lamig ng aircon na siyang lumulukob sa aking katawan kaya naman iminulat ko ang aking mga mata ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang mabungaran ang braso ng isang lalaki na nakadantay sa aking tyan.Sinundan ko ng tingin ang braso nito patungo sa katawan nito ngunit nakadapa itong natutulog at nasa gawing kaliwa nakaharap ang mukha nito kaya hindi ko makita ang itsura nito.Marahan kong inalis ang kanyang braso at saka walang ingay na bumangon mula sa kama at napapikit ako nang makita ang mantsa ng dugo sa kama."Ano na namang katangahan ang ginawa mo kagabi Sinister Creige!?" bulong ko sa aking sarili. Umalis ako mula sa kama at hinanap ang damit ko at nang makuha ko 'yon, agad akong nagbihis at kinuha ang pouch bag na pagmamay-ari ko at saka ako lumabas ng kwarto at kumaripas ng takbo papuntang elevator.Nang makapasok ako ay agad akong napasandal sa pader ng elevator at parang gusto kong iuntog ang ulo ko dahil sa katangahan. Ni wala akong maalala