I am your Legal Wife
Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis.
Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan?
Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
478 viewsOngoing