The Unwanted Wife's Second Chance
Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya.
Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico.
Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan.
Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
109.5K viewsOngoing