BILLIONAIRE’S PERFECT LOVER
CiriRivia
Naya and Declan had been in a relationship for one year when he proposed to her. Siya na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo nang makatanggap siya ng engagement ring mula sa lalaking mahal niya. Pero lahat ng kaligayahan sa puso niya ay biglang naglaho kasabay nang parang bulang naglaho rin ang binata. He’s nowhere to be found. Sa pag-uwi niya sa Pilipinas galing Spain, hindi lamang pagka-brokenhearted ang bitbit niya kun’di pati ang malaking problema. Saan naman siya hahanap ng lalaking ipakikilala niya sa kaniyang mga magulang bilang boyfriend niya gayo’ng excited ang mga ito na makilala si Declan? And then she met Dream Aguilar. Kahit hindi niya tipo ang lalaki dahil iba ang dating nito para sa kaniya noong unang pagkikita pa lamang nila... pero inalok niya pa rin itong magpanggap na nobyo niya para ipakilala sa kaniyang mga magulang. But things went different between the two of them habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila. She fell in love with him. Big time. Ito nga ata ang purpose kung bakit siya nasaktan sa una niyang pag-ibig. Itinadhana sila ni Dream para mahalin ang isa’t isa. He’s the perfect man, perfect lover, perfect partner. Pero isang araw, may lihim si Dream na kaniyang natuklasan. Lihim na hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. For the second time, she was hurt again.
Is she willing to forgive him and continue to love him? Or will she leave him forever and just let the wound in her heart heal over time?