Walking Disaster
Sept
Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan.
Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay.
Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?