The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)
Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.
Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.
Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.
●
SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.
Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.
At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.
Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?
Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.
Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.
May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
102.8K DibacaOngoing