Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Single Dad

The Single Dad

Salome
Ito ay isang perpektong plano. Hanggang sa ang pekeng narararamdaman niya ay nagsisimula ng maging totoo... The last thing on Tyler's mind is romance. Sa pagitan ng pagiging isang solong ama at pamamahala sa kanyang matagumpay na karera sa pagsusulat, mayroon siyang higit sa sapat sa kanyang plano. Ngunit nang magpasya ang kanyang ex na labanan siya para sa kustodiya ng kanilang anak, alam niyang kailangan niyang ipakita sa hukom na siya ay isang solidong tao sa pamilya. Ang kakailanganin niya ay isang pekeng kasintahan, Ngunit hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng isang babaeng handang magpanggap bilang kanyang asawa sa lalong madaling panahon. Ang pagkumbinsi sa kanya na tumulong ay hindi isang problema. Hindi na niya pinapansin kung paano niya papakinggang ang napakabilis na tibok ng puso niya para rito. Ngayon ito na ay isang problema. Ang gusto lang ni Ellie Diaz ay isang trabaho sa pagtuturo sa prestihiyosong paaralan ng Lincoln Academy, ngunit ang pagkuha sa kanila na isaalang-alang ang kanyang aplikasyon ay isang hamon. Ang magtrabaho dito bilang isang guro ay matagal niya ng minimithi. Pagkatapos ay nalaman niyang may mga koneksyon si Tyler doon—at handa siyang gamitin ang mga ito kapalit ng isang maliit na maliit na pabor. Ang kailangan lang niyang gawin ay mula sa pagiging yaya ng kanyang anak hanggang sa pekeng kasintahan ni Tyler ...at kahit papaano ay magpanggap na hindi siya naaakit sa kanya. Kung magiging maayos ang lahat, mapapatunayan ni Tyler sa hukom na magdedesisyon sa kaso ng kustodiya ng kanyang anak na siya ay isang solidong tao sa isang pamilya, at makukuha naman ni Ellie ang kaniyang tiket sa pangarap niyang trabaho. Ano ang posibleng maging mali? Ano ang gagawin mo kapag ang linya sa pagitan ng reyalidad at pantasya ay lumabo?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Sheltered Memory

Sheltered Memory

Babaeng inilaan ang buhay sa pangarap at pagbuo ng kaniyang pagkatao. Lalaking gugulo sa tahimik niyang mundo. Paano kung sa gitna ng kanilang pag-iisa ay darating ang isang pangyayaring wawasak sa sinimulan nila?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
109.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Angel With A Shotgun

Angel With A Shotgun

Meet Samantha Ezra Mendivel. Ang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Maganda at sexy at kayang higitan ang kagandahan ng iba. Bata palang ay pangarap na n'ya ang pag do-doctor. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, pinili n'yang bitawan ang sariling pangarap upang mahanap ang nawawalang kakambal. Sa pag lihis n'ya ng landas, ito naman ang magiging daan upang makilala n'ya ang lalaking magpapa tibok ng puso n'ya.
War
1012.6K viewsCompleted
Read
Add to library
INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

Mapili si Patrick Santiban sa babae. Dapat may breeding, mahinhin, etiquette, hindi malakas tatawa, hindi magaslaw, elegante at lalong hindi easy to get. Tumama naman s'ya sa huli. Ngunit sa lahat ng ayaw n'ya ay ang pagiging hindi easy to get lang ang nakuha ng dalagang si Inday. Si Melanie, o mas kilala sa palayaw na Inday. S'ya ng gusto ng mga magulang ni Patrick para maging asawa nito. Niligtas ng magulang ni Inday ang ina ni Patrick mula sa kamatayan, at halos mag buwis ng buhay ang magulang n'ya. Sa galak at awa narin sa dalawang matanda ay inalok sila ng magulang ni Patrick, at iyon nga ay ang nakatakdang pag pa-pakasal sa dalaga upang mabigyan ito nang magandang kinabukasan ng kanilang anak. Masagana sa lahat ng bagay ang binata. Ngunit mahirap itong pakisamahan, malupit ito lalo na sa taong hindi niya gusto. Baon ang pangarap, pangaral at ang tatlong legendary panty n'ya na pinag lumaan na ng panahon. Gagawin ni Inday ang makakaya n'ya para pakisamahan si Patrick, na kahit butas-butas man ang panty n'ya at wala ng garter. Sinisiguro niya na mai-inlove parin sakaniya si Mr. Patrick Santiban.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?
Romance
1017.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10362 viewsOngoing
Read
Add to library
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

PortalMentis_
Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
Romance
10921 viewsOngoing
Read
Add to library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1031.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status