The Billionaire Butler
[Billionaire's Slave Series 1]
"Mamahalin kita't pagsisilbihan buong buhay ko, kahit ikaw pa ang pinakamasamang babae sa mundo."
Kung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo?
Iyan ang sitwasyong pinagdadaanan ng bilyonaryo at police officer na si Grellen Burnett, ang paminta na handang bumuka sa harap ng pinakamamahal niyang boss na si Inspector William Fukuyama.
At dahil sa katangahan nito na naging dahilan para pag-pyestahan siya sa social media, napilitan si Grellen na maghanap ng babaeng ihaharap sa kanyang ama within a month to save his heritance. Sa paghahanap niya sa maswerteng dilag ay nagkrus ang landas nila ng negosyanteng si Barbara Durless.
Unang kita palang niya sa dalaga ay talagang namangha siya sa kagandahan nito. So Grellen come up with a decision to get her on instant, and the only way to keep in touch with Barbara is to apply as her butler.
Posible kayang mahulog ang loob ng beki na si Grellen sa katulad ni Barbara na daig pa ang may dalaw kung mag-taray?
__
This is the original/old version of this novel written in 2020. This is one of my old stories so expect lots of errors and inaccuracies. Kung hindi naman kayo mateknikal at gusto niyo lang ma-enjoy ang pagbabasa, I suggest subukan niyo.
Originally written on Wáttpàd: June 03, 2020
Date finished: July 25, 2021
Officially signed on GoodNovel: November 15, 2021
106.6K viewsOngoing